ver 3.0
|
|
mhyk acosta. construction worker. 24. cavite. dakilang tambay. ambisyosong writer. ilusyonadong DJ. mapag-panggap na photographer. at kunya-kunyariang web designer. |
naghahasik na ng kaguluhan simula pa july 2004 Free Web Site Counter |
|
layout: vehemency blogistas' blog roll: |
|
|
ang alamat ng "happy horse"
Thursday, July 16, 2009, 11:48 PM
Bilang isang manginginom, madami na akong narinig na kung ano-anong teyorya sa tagayan. Pero kung kailan ako umabot sa ganitong edad, saka ko lang napatunayan ang isang alamat na pinagpapasa-pasahan na ng ilang henerasyon ng mga lasenggo. Ang alamat ng "Happy Horse" Sa kada isang case ng Red Horse ay mayroong tinatawag na "Happy Horse." Ang naturang kabayo ay may dobleng sipa kaysa sa normal na Red Horse. Kaya doble rin ang tama nito kaysa sa pangkaraniwang halo ng nasabing toma. At pag na-jackpot-an mo to?! Knockout! Pero paano ko malalaman kung "Happy Horse" na ang nakatakda kong tomahin? Madali lang yan! Tignan ang sulat sa likod ng bote, kung kulay pula ang sulat (ang normal ay puti). Ayan na malamang yun. Pero para makumbinsi mo ang sarili mo kung totoo nang iyon na ang hinahanap mong masiyahing kabayo, makipagtitigan sa Kabayo na nasa harapan ng bote. Kapag ngumiti iyon sayo... 10 Points! Hawak mo na ang kontrobersyal na inumin. Para sa patunay... eto... Ang Label... Ang masayang kabayo: Pero may mas wawapack pa ba kung malaman mong ganito?
silly people's improv theater (S.P.I.T.)
Monday, April 06, 2009, 11:55 PM
***damn it! sa wakas. na-upload din ang vids. salamat sa netopia!*** I've been wanting to watch these guys with other folks that I know. But they always tell me that either they don't have time or they just simply not into trying things like these coz it might be a waste of time and money. Thankfully i have found these vids so that i can impart with you guys how hilarious these group is.. So i am hoping you guys would watch them live one of these days. Silly People's Improv Theater (or shortly known as SPIT) introduces a very witty kind of humor. Not your ordinary gay comedy bar which constantly makes lait (damn I sounded so conio there!) to the audience. The only audience participation in here is that they seek topics, or little words or letters to the audience wherein they get their skits. All improvised right at the spot. SPIT shows are every Thursday either at mag:net katipunan or mag:net high street. Skit 2 This is one of SPIT's acts called Gibberish Switch. The two members are given a setting and situation by the audience which they will act out. In this case, the situation is "going to EDSA 1" or something like that. Whenever they hear the buzzer, they need to switch from talking normally to gibberish in an instant. This is also the case when they're talking gibberish; when they hear the buzzer, they should talk in a normal manner immediately.
Skit 3 What Are You Doing? One of my favorite games of spit. Here they ask letters from the audience and they form situations from that letters as they enact it.
Skit 4 The Oracle. You see this in TV. Now you know who's the original.
Skit 5 Beauty Pageant. At this skit they have asked the audience “what they wanna ask Santa while on his lap” they have incorporated audience’ answers in the question and answer portion of the Ms. Gay Alcoholic.
bago at luma...
Thursday, March 12, 2009, 11:38 PM
Wala akong ipopost at isusulat na mga pangyayari tungkol sa panonood ko ng konsyerto ng Eraserheads. Kung ano man ang pakiramdam, pangyayari, emosyon at kamalayan na nangyari sa akin ng gabing yon ay hindi basta basta maipapaliwanag ng normal kaya’t minabuti ko na lamang na ipagpasarili na lang iyon. Kung gusto mo ng kuwento, magpakuwento ka sa iba. Hindi ako isang manunulat sa diyaryo o magazine na binabayaran upang magkuwento sa pamamagitan ng pagsusulat. Isa lang ang masasabi ko… Basura si Tim Yap! Dalawang linggo. Malamang isa na ito sa pinakamahabang panahon na wala akong alak sa katawan. Nararamdaman ko ang unti-unting panghihina ng aking kamalayan dahil sa kawalan ng konsumo ng alcohol na nalalaklak. Akala ko ay magpapatuloy ito sa mahabang panahon ngunit hindi ito naganap dahil isang nilalang ang nagyaya sa akin sa isang lugar na hindi ko rin inasahan na biglaan kong babalikan. Ang Intramuros, ang batang bata at mga sariwang mga kolehiyala ng Lyceum at Letran, ang mga naglalampungan sa Wall sa oras ng gabi, ang mga yosi boys at girls ng Muralla, ang mga guwardiya sibil, at higit sa lahat, ang Mapua. Agad nanumbalik ang alaala ng mga panggabing klase. Kung saan kami ay naghihintayan sa may labas upang lumabas at magpakalango sa alak. Agad kong tinahak ang direksyon patungong cantunan upang bumili alalahanin ang pakiramdam ng “kumanton”. Gaya ng dati, masarap pa rin. Nalungkot lang ako nang malaman kong wala na ang pinupuntahan ko para sa isang disenteng “date.” Ang Mc Donalds. isang linggo pa lang daw ang nakakaraan matapos itong ipasara ika ni propesor. Siguro marahil ay sa pagkalugi dahil ginagawa lang tambayan at pa-aircon-an ng mga estudyante (kagaya ng ginagawa ko noon). Nakakalungkot dahil wala nang matatawag na “McDo Mapua.” May kung anong nagudyok sa akin na gumawa ng campaign o ng signature drive upang pabuksan muli ang naturang establishimento pero naisip ko rin ang masasamang alaala ko dun kaya minabuti kong itapon na ang ideya. Dahil sa depresyon, nagpasya akong bumili ng yosi. Binalikan ko ang yosi ko noon na nahihithit ko lang kapag may galanteng kaklase na nagpapaulan ng yosi. Ang West Ice. Dahil sa “can afford” na ako ngayon, bumili ako ng isang kaha. Wala akong pakialam kahit malagas ang aking baga. Basta ang importante nabalikan ko ang feeling. May isa pa akong hinahanap na “vendor” ngunit wala na raw dun. Haay sayang. Kung kelan pa naman ako’y may pambili na. Nakuntento kami sa Mags. Hindi ako nagbibilyar pero tumatambay din ako doon (bukod sa west building second floor). Tumambad sa akin ang napakaraming bote ng Red Horse. At nang dumaloy ang sagradong likido sa aking lalamunan… Langit! Wala pa ring tatalo sa Red Horse pag dating sa pagtanggal ng uhaw ko. Matapos ang dalawang linggong pagka-deprived sa alak, at Red Horse pa ang unang dadampi sa aking esophagus, huwaw. Virginity… again… sa una hindi kanais-nais, pero malampasan mo lamang ang una, rurok na ng kaligayahan ang susunod. Bilang “lumang Mapuan”, hindi maiaalis sa akin ang obserbahan at kilatisin ang mga “bagong Mapuan.” Malayo na ang pagkakaiba ng mga bago sa aming mga luma. Nung panahon namin, ang pagiging Mapuan ay pangangahulugan lamang ng pagiging involved sa limitadong bagay. Ngayon, iba na. Kung ang konsepto ng “arts” noon ay para sa mga kursong nasa north building fourth floor lang, ngayon ay hindi na. Lahat ay involved na sa ganitong bisyo. Pero nakakatuwa na ang pundasyon pa rin ng pagigng mapuan ay katulad pa rin ng sa amin. Ang pag-diskarte upang pumasa at pag-inom. Hindi ko mapigilan at hindi ko mapaniwalaan ang mata ko sa mga nakikita ko sa paligid ko nun. Ang batch namin, (pasintabi sa mga tatamaan) marami ang mga babaeng mukhang lalaki (ano pa ba ang aasahan mo sa engineering school). Pero ngayon, damn! Parang wala ako sa Mapua. Kinailangan ko ngang libutin ng tingin ang paligid dahil akala ko ay nasa Letran ako. Mas liberated na ang mga estudyanteng mga kababaihan ngayon. Dati nung panahon namin, hindi kami makalapit sa mga babae pwera na lang kung so-syotain mo ang mga ito. Ngayon, unang kilala pa lang may kiss na! O sige beso-beso lang pala. Pero pwede na! San ka makakakita ng mukhang maididikit mo ang mukha mo sa unang pagkikita niyo pa lang. Habang sinusulat ko ang blog na ito, tumutugtog ang “Minsan” ng e-heads (aksidente na tumugtog sa radio). Kahit nasusuka na ako ay ayos lang. Tamang-tama sa tema ng aking isinusulat. Isa lang ang sigurado… Babalik ako! 90's kid ka ba revisited...
Friday, February 20, 2009, 2:51 PM
Isang nilalang ang nagpadala ng email sa akin kamakailan lang. Ang ipinadala nya sa akin ay halos kapareho nito ngunit hinahanap daw niya ang post kong ito. Suwerte na lang at nahanap ko pa ito sa kaluma-lumaan archives ko. Isinulat nuong: July 13, 2004 Paano mo nga ba malalaman kung isa kang “kid of the nineties?” well eto… My article today may serve as your checklist para malaman mo kung “kid of the nineties” ka nga! · Naabutan mo ang nutribun. · Napanood mo ang lahat ng episodes ng "Eugene" (ghost fighter) nung nasa channel 13 pa 'to. · Napanood mo ang lahat ng episodes ng Voltes Five · Napanood mo and lahat ng Dragon Ball episodes (simula pa lang ng nasa channel 9 ‘to) · Bumibili ka ng Chikadees at yung dalawa pang kasama nito na hindi ko na matandaan yung iba pang pangalan para sa libreng laruan nito (that small rubber thing that pops up or that little slimy robot that grows overnight in water or that slimier little thing that sticks in the wall) (naalala ko na! Cheezums!) · Bumili ka ng “Magic Spring” (which comes in many sizes) · Bumili ka ng kwintas na may sign na “YO!” (yung inverted “Y” sa loob ng “O”) na usually made in stainless thin metal dahil pauso ito ni Francis M. · Sinabayan mo ang kanta ni Francis M. na “Mga Kababayan Ko!” · Sinabayan mo ang kanta ni Andrew E. na humanap ka ng Panget!” · Hinintay mo ang bawat bagong sayaw ng U.M.D. ( Universal Motion Dancers) at sinubaybayan mo sila sa pagsayaw nila sa saliw ng tugtuging “Stars” at “Always” · Alam mo ang X-rated version ng kantang “Angelina” (Angelina, bahong p_ki mo… ‘di ka nagsasabon, kinalikot mo pa) · Alam mo ang steps ng Macarena. · Nabasa mo ang lahat ng issue ng Funny Komiks. · Kilala mo sila Kuya Bodgie, Pong Pagong, Kiko Matching, Ate Cielo, at iba pa nilang kasama. · Nainis ka sa ka-O.A.-yan ni L.A. Lopez · Kilala mo sila Atong Redillas and Chukie Draypus. · Bumili ka ng Cheese-Dog na 50 centavos lang ang isang pack at may laman na dalawang pahabang junkfood na lasang plastic na binalutan lang ng cheese na artificial flavor lang. · Addicted ka sa Wonder Boy. · Addicted ka sa Serg chocolate. · Addicted ka sa Lala chocolate. · Addicted ka sa Big Boy Bubble Gum dahil sa sobrang tamis nito. · Addicted ka sa Bazooka dahil sa comics strip na kasama nito. · Sinubaybayan mo ang bawat episode ng X-men at pilit mo silang ginagaya · Sinubaybayan mo ang Peter Pan (tagalized) sa channel 2. · Sinubaybayan mo ang rerun ng John and Marsha sa channel 9. · Sinubaybayan mo ang rerun ng Champoy sa channel 9 din. · Sinubaybayan mo ang rerun ng Iskul Bukol sa channel 13. · Alam mo ang kwento ng The Adventures of Tin-tin sa channel 7. · Alam mo ang kwento ng iba’t-ibang x-rated renditions ng kanta ni Freddie Aguilar na “Anak” · Nakakain ka ng Tira-tira. · Naabutan mo ang “Fanta” · Napanood mo ang unang version ng Transformers. · Napanood mo ang lahat ng episodes ng Teenage Mutant Ninja Turtles. · Nanunuod ka lang ng “Magandang Gabi Bayan” kapag Halloween at New Year specials nila. · Kilala mo si Robert Akizuki. · Sinubaybayan mo ang love team ni Shaider at ni Annie sa channel 13 · Napanood mo ang lahat ng episodes ng “Time Quest” · Kilala mo si Buknoy The wonder Ball. · Kilala mo sila Red1, Green2, Blue3, Yellow4, at Pink5 · Pinagtalunan nyo kung sino talaga ang mas malakas, si Ultraman o si Magmaman. · Natuto kang magsugal dahil sa “tex” na may cartoonized tagalog movie. · Dalawa lang ang kilala mong dugong-bughaw. Si Sarah at si Cedie. · Napanood mo ang lahat ng episodes ng “The Real Ghostbusters.” · Favorite mo ang “Marie.” · Favorite mo rin ang Iced Gems. · Na-addict ka sa Funchum (Iced Tea, Mango, Orange) · Favorite mo kainin ang Mic-Mic. (comes in chocolate and milk flavors) · Nasarapan ka sa Presto Ice Cream. · Nagkaroon ka ng bag na may malaking relo sa likod. · May sapatos ka na “Dino-Lite” · Sikat ka kapag ang shoes mo e World Balance · Umuuwi ka ng maaga para makapanood ka ng “Ang-TV” · Kaypee is the official shoes of PBA · Napanood mo ang lahat ng episodes ng “Takeshi’s Castle” at inakala mong sila Anjo at Smokey talaga and mga hari sa castle. · Napanood mo ang pelikulang Batang-X. · Narindi ka sa kantang “Unchained Melody” · Mas lalo kang narindi sa kantang “My Heart Will Go On.” · Kilala mo sila Fulgoso, Corazon, Sergio, at siyempre si Mari-mar. · Sinubaybayan mo ang “Battle of the Brainless” sa Tropang Trumpo. · Naging expression mo ang salitang “Chiken!” · Alam mo ang “Chicken Dance” · Nanunuod ka (dahil pinanunuod ng Nanay mo) ang Connie Reyes on Camera. · Hinangad mo magkaroon ng laruang Play-Dough · Bumibili ka ng “Nanno” Candy at sinubaybayan mo ang bawat paglabas ng commercial nito sa tv para sabayan ang jingle nito. Ilan lang yan sa mga “indicators” na naisip ko para malaman kung batang 90’s ka nga talaga. Meron pang iba ‘to pero next time na! Mahaba na kasi e! 90's kid ka ba revisited...
2:47 PM
Isang nilalang ang nagpadala ng email sa akin kamakailan lang at hinahanap daw niya ang post kong ito. Suwerte na lang at nahanap ko pa ito sa kaluma-lumaan archives ko. Isinulat nuong: July 13, 2004 babala... bagong modus operandi!
Friday, February 13, 2009, 3:07 PM
Babala sa mga nagpapakuha ng litrato kasama si kataas-taasang ELY BUENDIA. May lupon ng mga kababaihan ngayon ang lumiligid ligid upag wasakin at sirain ang pagkakataon mong makasama sa litrato si Ely. Ang modus operandi nila, makikipag unahan sila sa pagpapakuha ng litrato kasama si Ely. Ikaw naman ay kusang mapapatabi para bigyan na ng pagkakataon ang mga desperadong tao na ito (bukod sa iyo). Matapos makapagpakuha ng kanilang larawan (mga lima hanggang walong katao), at pagkakataon mo naman ang dumatin para makuhanan kasama si Ely, walang habas na kakausapin ng mga papansin na ito si Ely at ang resulta, mga larawang hindi man lamang nakatingin si Ely. Ikaw na rin ang kusang aalis dahil sa kahihiyan dahil sa pagpapapansin ng mga kupal na ito. Makikita sa ibaba ang isa sa mga naging biktima nila.
Kuhang-kuha ng aming spy camera ang itsura ng isa sa kanila. Ito ang pruweba. Mangyari lamang na makita ninyo ang babaeng ito, kumuha agad ng asido at agad na isaboy sa mukha niya upang hindi na makapanggulo pa. Maraming salamat! silid aralan, inc... what about?
2:17 PM
True enough that education is the key in having a progressive country. Eto talaga ang dapat tutukan ng lahat. Getting back to basics ay minsan ang pinaka-epektibong paraan para sa pag-unlad. Read on the article below and be enlightened. These good samaritans must really be thanked and helped. How I wish yung mga patuloy na kinukurakot ng mga pulitiko ay dito na lang mapunta. from silidaralan.multiply.com: GREAT NEWS TO OUR PARTNERS!!! By Arcie Mallari President/Founder Silid Aralan, Inc. How has your donations helped the Silid Aralan, Inc. (Learning Room) build a Community of Learners Project? Those who donated their money and resources this school year 2008 - 2009 to Silid Aralan, Inc. (SAI) will be inspired to know of the great progress that has been made possible by their generosity! From the time of its inception last April 12, 2007, in which SAI catered to 40 children from a poor community in the suburbs of Metro Manila, it is now facilitating to 167 children. It's not only the academic progress of the children that SAI is working on. In fact, they are also providing healthy food during their meal in the SAI Community of Learners Center. As well as, several training/seminars that contributes to the development of their personalities. In addition, SAI trained 144 teachers and more than 80 parents. Very committed facilitators of learning, namely, Russell Angeles, Hazel Castillo, and Yves Barbasina are now working with the children in the learning center everyday. Parents from the community are the ones cleaning and maintaining the general upkeep of the center and cooking food for their children; and students from different universities tutor during the weekends. To date, SAI has 80 volunteers. Their acts of kindness and volunteerism have transformed and continue to transform the lives of the children and the rest of the community. From hearing stories of hopelessness to stories of possibilities and seeing disillusioned people move to becoming an empowered community how can one not be inspired to do more? How are lives being affected by the project? After the first quarter of the school year 2008 - 2009, SAI stakeholders are raising their own personal bars and creating breakthroughs in their schools and homes. Academically, most of them have shown improvement in math and science. These are students who used to consider themselves academically challenged but are now taking on their studies with gusto and enjoying the "game of learning". Take the story of Kent Ian Vargas, who is now the top 2 in their class. This is his first time to achieve an academic award ever in his life. The same goes for Rowena Aguirre, top 4; Rochelle Garbo and Ma. Ferliz Bernales, both top 5; and Abrylle Timothy Faelangco, top 7. Lloyd, who used to flunk in math, is now one of the best students in their math class. SAI has received positive feedback from the children's teachers that most of them are excelling both inside and outside of the classroom. They even commended the grade 1 and 2 students who are now considered advanced in math by at least 2 years. But their academic achievements is only a part of the whole picture of their improvement. Recently, the children rendered two dance presentations in one of their school events. Children who used to be shy and timid are now taking center stage. Their principal, impressed by their dancing skills, have ask them to prepare another number for their December event. Progress at home completes the whole picture with a mother sharing how her child transformed an old family practice. In the past, as food was being placed on their dinner table, everyone would simply dive into the meal. But one evening, before eating their supper, her daughter suddenly asked all of them to pray first before partaking of the food before them. She even volunteered to lead the prayer. Nowadays, they pray as a family first before enjoying their meal. It is music to one's ears to hear of such stories of transformation even in the midst of the most difficult surroundings. These stories only show how potent children are in creating a future full of possibilities. As they continue to discover their limitless potentials, more and more breakthroughs for a better future will overcome our country... one drop at a time. What are the future plans of the project? With your continued support, we intend to build 5 more Silid Aralan Community of Learners Centers in 5 different communities in the Philippines. How can you continue to help? 1. Send any excess school supplies you have, i.e. pencils, pens, papers, notebooks, folders, envelopes, erasers, sharpeners, crayons, water colors, etc. 2. Send any books you have which are suitable for students up to age 16. 3. Be a volunteer facilitator or tutor on weekends. 4. Financially support our facilitators' salaries. 5. Donate cash to buy books and other school supplies. 6. Help build learning centers physically and financially. 7. Forward this great news to family and friends who may want to help and contribute. Sharing this story to someone else is already a great contribution. |
|