kapag tinamaan ka ng pag-ibig... ampotah

Marami kang iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto mong malaman ng lahat ng tao ang lahat ng kabangagan mo. Wala lang. Magpapansin. Umasang may mag-rereply sa senseless thoughts mo. Mag-advice. Magsabing, "Oo.. naiintindihan kita.." Pero ayos lang sayo kahit di nila basahin to. Bakit pa? Sino ka ba? Ayaw mong tuksuhin ka nilang, "yuck!! Ang mushy mo pala!!"
Sa lahat ng kaibigan mong humihingi ng advice tungkol sa pag-ibig, ang sinasabi mo lang palagi, "Tange, kalimutan mo na lang yang nararamdaman mo. Korni mo e. Ang OA mo pa. Guguluhin lang nyan buhay mo." Ang sasabihin pa nila sayo, "Talaga? Buti ka pa, wala kang lovelife. Di ka stressed. Di ka kinakabahan palagi --" "At di ako mukhang tanga." May na-offend ka na naman. Pero pakialam mo ba sa kanila? Totoo naman a.
Tapos bigla mong mare-realize, may problema ka na rin pala. Hayop talaga. Gusto mong sumigaw. Bakit may nanggugulo na rin ng buhay mo ngayon? Ang dami mong crush, yung isang classmate mo sa Integral Calculus, isa sa Mechanics, dalawa sa Fluid Mechanics, dalawa sa Advanced Math. Si Francine Prieto, si Diana Zubiri, yung kapitbahay mo.Pero di naman nila ginugulo ang buhay mo. Ayos lang di ba?
Kaso may isang taong di mo maintindihan kung bakit kahit anong gawin mo, talagang ginugulo pa rin niya yung buhay mo. Para siyang mangkukulam. Kahit saan nakikita mo siya.
Inalis mo na noon yung pangalan nya sa phone mo. Kaso sinulat mo pa rin yung number nya sa organizer mo. Engot ka talaga. Tapos nilagay mo ulit sa cell mo. Tapos inalis mo ulit kase nainis ka. Naihagis mo pa nga sa kama mo yung phone mo e. Tapos naisip mo wala rin namang epekto kung nasa cell mo siya o wala. kaya nilagay mo na lang ulit. Tapos binura mo na talaga ngayon. Panahon na para kalimutan na talaga sya --- naiisip mo. Okay na? Hinde. Mas malala. Na-memorize mo na kase yung number nya. Tsk tsk tsk. Naaawa ka na talaga sa sarili mo.
Naiinis ka pa kapag sinasabi sayo ng mga kaibigan mo, "Nakita ko sha sa _ _ _ kanina." Asar na asar ka. Sabay sigaw with matching facial ___expression, "HU CARES?" At magtatanong sila ng isang tanong na matagal mo nang hinihintay na sagutin sa harap ng maraming tao: ?"Baket? Ayaw mo na ba sa kanya?" Tatahimik ka muna. Magbubuntung-hininga. Tititigan silang lahat na naghihintay ng sagot mo. Biglang magkakaron ng split personality disorder, ngingiti at magsasalita: "Sino yon?"
Nagandahan ka sa ginawa mo. Effective. Wow, para talagang di na nya kilala. Biglang makikita mo siya. Ayun. Mabubuwisit ka talaga. Maaalala mo yung mga panahong pinagmukha ka niyang tanga. Yung panahong kailangan mo siya. Yung panahong iniwan ka nya sa ere. Yung panahong tinalikuran ka nya. Masisira ang araw mo. Wala ka sa mood makipagtawanan. Sisigawan mo ang kaibigan mong natapakan ang sapatos mo. Gugustuhin mong balatan ng buhay ang lahat ng taong nagtatanong kung bakit ka wala sa mood. Hihilingin mong mong makapag-teleport ka papuntang Egypt. At bigla mong maririnig ang isa sa mga kaibigan mo, "Ganyan talaga pag in-love." May background pang mga palihim na tawa. At sabay-sabay silang kakanta ng --- Why do birds suddenly appear.
Di ka makakapagsalita. Mararamdaman mong umiinit yung tenga mo, yung leeg mo, yung mukha mo. Bigla mong maiisip ang pinakaepektibong palusot, ngingiti at magsasalita, "Sino yon?" Ayos na sana, kaso di mo naisip na mali yung statement mo. At bago mo pa mabawi ang sinabi mo, sasabihin na nila, "Baket? Me sinabe bang pangalan??? Halata!!!" Feeling mo masusunog na sa init yung mukha mo.
Kahit anong pilit mong kalimutan siya, mabilis talagang kumalat ang balita. Minsan naglalakad ka. May masasalubong kang dalawang taong di mo kilala. Magbubulungan sila. Titingnan ka, mula ulo hanggang paa, at maririnig mo ang isang bulong: "Yan ba?" Grabe, ang ganda na naman ng araw mo. Di mo na lang papansinin. Kahit nakikilala mo na sila. Isang araw naman nakikipagkwentuhan ka sa isang ka-review mo. Sexy! Niloloko mo pa nga tong taong to na siya na ang pinakamagandang taong nakita mo sa personal. Hehe, tawa nya. Ang saya-saya mo, biglang may dadaan sa likod mo na dalawang taong di sinasadyang naging pamilyar na sayo. Lumingon ka, at pagtalikod mo, nagsalita ang isa: "Pinagpapantasyahan e no." Sasagot ang isa pa, "Oo nga."
Oh hindee!!! Anong nagawa mo??
Titigil ka na sa pakikipagkwentuhan. Aalis ka na lang na punung-puno ng sama ng loob. Naaasar ka sa lahat ng tao. Bakit kailangang pakialaman ang buhay ng taong ni hindi nila kilala? Bakit kailangang pagtawanan at ipagkalat ang mga bagay na di na dapat pinag-uusapan? Marami pang version yung mga naririnig mo sa kanila. Hayop. Marathon eavesdropper ka kase. Kahit ikaw mandidiri sa iniisip mo. At matapos mong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya, kahit yung nilihim nya at nalaman mo lang nung tapos na, naisip mong kalimutan na lang talaga siya.
One time nakipag-chat ka.
[ka-chat] musta luvlyf?
[ikaw] meron b?
[ikaw] .wlang kwenta
[ka-chat] ows? bkt?
[ka-chat] :/
[ikaw] basta. wla syang kwenta.
[ka-chat] mahal mo?
[ikaw] huh?
[ka-chat] mhl mo p rn un.
[ikaw] weh
[ka-chat] honestly, mhl m p rn ba?
[ikaw] argh!
[ikaw] ewan
[ka-chat] wlang kwenta pero mhl mo.
[ka-chat] tsk tsk
* Matitigilan ka. Tititigan mo yung monitor ng matagal.
[ka-chat] am i ryt?
[ka-chat] hey
Ita-type mo yung "gtg" nang di oras. May kasama pang "nys miting u" para di halatang nabwisit ka sa sinabi nya. Alt-F4. Disconnect. Shut down.
Asar na asar ka na talaga sa sarili mo. Di mo na gustong mag-teleport. Gusto mo na lang talagang ma-dissolve sa hangin. Ikaw na ngayon ang nangangailangan ng advice. Pero walang kwenta lahat ng sinabi nila. "Kalimutan mo na siya." PAANO? "Wag ka kase magpapaapekto. Wag mo isipin yung sinasabi ng ibang tao." HA?!? ANG LABO!!! "Marami pang iba jan." EH SIYA NGA LANG EH!!! Aasarin ka pa kapag sinabi nilang, "Bakit di na lang si _____? Yihee. Okay naman siya ah." Ngek, ano yun, ganon lang kadali?
Nakatitig ka ngayon sa monitor. Pabalik-balik ka lang sa lyrics.com, sa CRS, at sa email composer mo. Nakakainis. Di mo na alam kung ano pa ang sasabihin mo. Tama, bwisit sa buhay yang feelings na yan. May magtatanong pa, "Bakit mo ba yon mahal?" Wow pare, wala kang maisagot. Buti pa sa Theory pwede kang manghula ng formula, pwede mong paglaruan ang solution mo. May partial points ka pa. Eh sa tanong na yon? Tsk tsk. Malabong mangyari yon.
At kung BS Love and Affection ang course mo, 'tol. mas mabuti pang mag-shift ka na lang sa BA Emotionlessness and Insensitivity habang maaga. Malamang magkita pa kayo don. Paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo na wala ka na talagang pakialam sa kanya. Pero bakit pag nakikita mo siya, natitigilan ka pa rin? Minsan, kaibigan mo na yung nagsasabi sayo, "O, kala ko ba wala na?" Tatawa ka na lang. Lalakasan mo para di mahalata yung teary eyes mo. Di ka na naman makakapagsalita. Litong-lito ka na. Di mo alam kung bakit nga ba ganon. Kung bakit ka apektado. Kung bakit nagbabago ang lahat pag nandiyan siya. Kung bakit gustung-gusto mo siyang bigyan ng nerve cells para maramdaman niya ang lahat. Lahat.
Ngayon, ipapadala mo to sa mga kaibigan mo, sa mga ka-block mo, ka-coursemo at sa iba pang taong wala talagang pakialam sayo. Sa kanilang lahat, di mo alam kung sino talaga ang may tiyagang tapusin ang ganito kahabang senseless na mensahe. Di mo rin alam kung sino talaga ang mag-iisip para sayo. Di mo alam kung sino ang maaapektuhan. Somehow, gusto mong ma-disconnect ka na lang bigla. Maubusan ng load. Sabugan ng pc. Mag-brown-out. Biglang mag-collapse. Umiyak. Malunod. Maging ipis. Uminom ng Skele-Gro. Mabagsakan ng asteroid. Maglahong parang bula.
Kase, tama yung sinabi ng naka-chat mo. Sinasabi mong walang kwenta, pero mahal mo.
SOBRA...

Bitter Ocampo

Ngayon taong 2005, bente-uno na ako. Shiyet. Ang edad na lampas twenty ay wala nang kakabit na teen sa dulo. Ibig sabihin, konti na lang ang mga nalalabing araw ko bago tuluyang magpaalam sa mundo ng pagiging teenager. Matanda na ako pero hanggang ngayon e aktibong miyembro pa rin ako ng batikang Alyansang Alpha No Mama. Nakngtokwa.
Bakit ko ba naiisip 'to ngayon? Hay, paano kasi, lahat ng miyembro ng alyansa e ngayo'y attached na. Ewan ko ba kung anong sa may demonyo ang taong ito at sunud-sunod na nagsulputan ang mga mag-syota. Pakiramdam ko tuloy e ako na lang ang single.

Nung nakaraang taon lang, lahat ng kakilala ko e nagkakaisa sa aming alyansa: asiwa sa mga love songs, namimintas ng mga pangit na syota, nandidiri sa mga nagho-holding hands, pinagtatawanan ang mga nagkakandungan, galit sa mga harapang nagp-PDA, asar sa mga laging nagde-date, nagwewelga laban sa mga love quotes sa text, at higit sa lahat e panatag ang loob na ang iba, tulad namin, ay talagang "meant to be alone". Masaya kaming lahat dahil alam naming mas maganda ang manatiling single. Ohbutgoodnessgraciousgreatballsoffire! Nagulat na lang ako nang minsan ay ang dating kantang-kanta sa Love Song for No One e ngayo'y adik na sa Your Body is a Wonderland! Kala ko naman isa lang siyang tumiwalag sa alyansa. But no! Yung todo lait sa may mga pangit na boyfriend e sinusundo na bigla ng lalakeng gumwapo lang ng konti kay Bentong. At aba, ang isa kong kaibigan naman e mapapasma na ang kamay sa kaka-HHWW o holding hands while walking. Kagulat-gulat din nung namataan ko yung dalawa kong orgmates na nagkakandungan sa May south Building.Heto pa, pagdating ko sa tambayan kamakailan lang e may bumulaga namang bagong loveteam na parehong freshie lang at sila'y kuntodo PDA! Kung 'di ba naman minalas e yung lagi kong kasabay umuwi e inanod na sa Manila Bay para makipag-date sa Luneta. Nang nabasa ko naman ang cellphone nung isa e may "Love is like a rosary, it has many mysteries" pa siyang naka-save! Yung pasimuno ng churee (theory) na "some are meant to be alone" e nakahanap na raw ngayon ng "da wan". Ultimo yung kakilala kong bakla, dinaig ako dahil may dalawa, hindi isa kundi dalawang papa na siya! Walang patawad talaga, pagka-uwi ko ng bahay e nagpaalam yung katulong ng barkada ko at magpapakasal na raw sila ng kanyang "syutang si Rechard". Chakafez kayong lahat!!! Mga traydor! Iwan daw ba ko??? Hmph, kebs ko sa inyo! Mga hayup. E ano naman ang mapapala ninyo sa pagiging in love? Wala! Ang mga mag-syota, maliit na mga bagay lang, war na. Na-late lang sandali, away na. Nanood lang ng sine kasama ang ibang kaibigan, away na. Hindi lang masundo, away na. Nakalimutan lang mag-miss call, away na. Nagsuot lang ng spaghetti straps, away na. Hindi lang makalabas dahil may exam, away na. E ano pa kaya kung ang isyu e mga ex, mga dating manliligaw, mga crush, at kung anu-ano pa?! War! Ang mahal pa ng presyo ng pagiging attached. Lunch sa school, gastos. Date, gastos. Gasolina, gastos. Birthday niya, gastos. Birthday ng nanay niya, gastos. Birthday ng tatay niya, gastos. Birthday ng kapatid niya, gastos. Anniversary, gastos. Monthsary, gastos. Weeksary, gastos. Christmas, gastos. New Year, gastos. Pagdating ng Valentine's Day, daig mo pa ang naholdap. Gastos! Pag-taken ka na, wala ka nang panahon. Sa org mo, walaka nang oras. Sa pamilya mo, wala ka nang oras. Sa pag-aaral mo, wala ka nang oras. Sa pakikipagsalamuha sa iba mong mga kaibigan, wala ka nang oras. Sa pagdalo sa iba't-ibang okasyon, wala ka nang oras.Parang ang bilis lagi ng araw dahil laging kailangang pagtuunan mo ng panahon ang boyfriend o girlfriend mo at wala ka nang magawang iba. Pang-ubos oras! O kita ninyo, ang pagiging attached e maraming masaklap na kalalabasan! Lagi ka nang mapapa-away, laging walang pera, at lagi ka pang uhaw sa oras para sa ibang bagay lalo na para sa sarili mo! Walang magandang maidudulot ang pagiging in love.

Hokeipayn... siguro meron pero konti lang. Kapag pagod ka galing sa school, may magtatanggal ng stress mo. Kapag nalulungkot ka, may magpapasaya sa'yo. Kapag napupuno ka na sa dami ng pressure sa buhay mo, may magsasabing okay lang yan. Kapag galit ka na sa mundo, may magpapakalma sa'yo. Kapag naubusan ka na ng pre-paid internet card, may ka-chat ka sa telepono. Kapag hindi ka masundo ng tatay mo, may uuwian kang bahay. Kapag may bagong palabas sa sine, makakanood ka agad at hindi ka mabubulok na Spiderman pa rin ang huli mong napanood. Kapag nagkaroon uli ng show si Rex Navarete, may ka-date ka na at hindi ka isang hamak na third wheel. Kapag pinalabas uli ang In the Mood for Love, in the mood ka talaga. Kapag dumating ang Stephen Speaks sa Pinas, alam mong ang Passenger Seat ay kanta ng girlfriend mo sa'yo at hindi ng kung sinong manyak na driver sa nasakyan mo kaninang umaga. Kapag inabot ka ng gabi sa Intramuros, girlfriend mo ang kasama mong tumingin sa mga tala at hindi ang iyong mga barkadang manyak na naghahanap ng mga nagmimilagro sa Beer Garden. Kapag may family reunion, hindi ka na aasarin na mukhang mauunahan ka na ng kapatid mong asa gradeschool pa lang. Kapag nagkita-kita kayo ng mga gago mong high school classmates e totoong karelasyon ang kukwento mo at hindi ang encounters with the pokpok. Hindi mo na pro-problemahin ang katorpehan dahil taken ka naman. Kapag may kumakalat na chismis na patay-na-patay ka raw sa bading e hindi ka na mababahala tutal kayo na at siya ang patay-na-patay sa'yo. At higit sa lahat, hindi ka bitter ocampo. Hasus! Sinong bitter? Sino? Sino, sino, sino ang bitter?!?! Ewan ko sa inyo, basta hindi ako yun. Hindi ako bitter, hindi, hindi, hindi!!! Ang kulit ha! Sabi nang hindi! Nasabi ko na bang hindi ako bitter?