Waiting in Vain

NARANASAN mo na ba maghintay? Oo? E yung maghintay ng isang bagay na gusto mo? Oo pa rin? E yung maghintay ng isang bagay na gusto mo, na hindi mo masiguro sa sarili mo na kaya mo pa siyang hintayin dahil hindi ka sigurado kung yung hinihintay mo e tama bang hintayin mo o hindi tamang hintayin pa? Magulo no? Alam ko. Kasi ganyan yung ginawa ko e.

May isa pa pala akong tanong. Tama bang maghintay sa walang kasiguraduhan? Sa isang bagay na kaya mong isakripisyo ang lahat para lamang makuha mo ang hinihintay mo???? Ang sagot ko? Oo pa rin. Bakit? Mahal ko e! Hmmm... teka....

Mahal ko sya dati. Uulitin ko dati yon. Pero pagnakikita ko sya, bumabalik lahat ng feelings ko sa kanya. Madami na kong ginawang bagay para makalimutan yung lec&%*! yon. Pero sa kasamaang palad ganun parin.

Sh*t ka bakit ba kita mahal!? Naks! Sana hindi nya mabasa to!

"Oist! nabasa ko yung sinulat mo ah! Bitter ka pa rin ba?" Kung hindi ko lang kaibigan ang gagong nagtanong sakin ng tanong na yon baka may aksyon nang naganap. Gusto ko sana isagot na, "Hindi naman! T$(%$ ina mo!" Pero mabait ako! Hindi ko ginawa. Sulutin ko kaya girlfriend nun?

Minsan napainom kami sa beer garden. Kasama ang ilang mga ka-review na sadyang ipinanganak para maging manyakis. Sa kabilang table may mga chicks. Dinaan ng isang kumag sa videoke. Maya-maya pa naki-upo na sa kabilang table. Yun na! Maya-maya pa isang table na kami. There was this girl. We chatted along. Got each other's number. Matapos ang gabing yon, patuloy pa rin kami sa text. Nagkita ulit. May mga nangyari. Patuloy pa rin ang text...

siya: sus! maniwala akong wala kang girlfriend!
ako: oo nga!
siya: e bakit wala?
ako: uhhmmm, may hinihintay?
siya: ano?
ako: hindi ano, sino!
siya: ah! sino.. ok sino nga ba?
ako: ah, yung ano... basta sya na...
siya: it's ok... we can talk about it...
ako: pwede bng wag n lan natin cya pgusapn???
siya: ok.. aftr you tell me the hul story ttigl na me...
ako: please lan. if you don't want me na magalit sa yo, lets not dig to that event.
...hindi siya nagreply...
ako: ei, i'm sorry it's just that ayaw ko lang mapag-usapan
...wala pa ring reply... dinaan sa miss calls, wala pa din...
ako: ei pls. namn wg n u mgalit...
......at hindi na nga siya nagreply...

Naisipan kong manligaw pero hindi na siya sumasagot sa mga text ko. Nung tinanong ko sya sabi niya baka daw maging panakip butas lang daw siya. Sh*t talaga! Mali na naman ang diskarte! Sino naman ang dapat kong sisihin? Hmmm!!! I wonder who!??

Then dumating ang araw na nagkalakas ako ng loob na makipag-ugnayan muli sa kanya, (yung babae na patuloy ko pa ring hinihintay.)! (naks! lalim ng words!) At first it went out fine! Lahat ng kaibigan kong nakakaalam ng sitwayson namin masaya. At least daw nakakakita na sila ng liwanag sa dulo ng pawang walang katapusang kuweba. Sobrang saya ko! Hanep! Parang araw-araw pasko!

>> Fast Forward >>

Nang dahil sa alak, nag-umapaw ang lakas ng loob ko upang tanungin kung pwede na akong manligaw sa kanya. Ang sagot??? Hindi pa! Ayaw nya raw muna tumanggap ng manliligaw, tinanong ko kung bakit, ayaw nya raw maging unfair. Sige kako! Patuloy pa rin akong maghihintay. Pero natatak sa utak ko ang mga salitang "ayokong maging unfair". Sa palagay ko kasi nung gabing iyon hindi na akmang itanong pa. (pagpasensyahan nyo na kung lumalabas ang pagka-makata ko. Masyado na kasing emosyonal ang mga susunod na tagpo.)

Lumipas ang mga araw patuloy ang komunikasyong pang-mag-kaibigan (kahit para sakin it's always a kilig-moment.) Hanggang isang araw nagkalakas na muli ako ng loob upang tanungin sa kanya sa isang bagay na matagal ko nang gustong gawin, ang lumabas kasama niya. Muli, nabigo ako. Sinabi nyang hindi raw siya pwede. Muli naalala ko ang mga salitang sinabi nya sa 'kin noon: "ayokong maging unfair". Sa totoo lang medyo hindi ko naiintindihan ang ibig nyang sabhin sa kin nung mga panahong yon. Kaya naisipan ko na rin itanong sa kanya kung ano talaga ang ibig nyang sabihin.

Ipinaliwanag nya sa kin na mahal niya pa ang kanyang X at hindi niya pa kayang magmahal muna ng iba. uhhhmmm... Sa totoo lang halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Awa sa kanya, galit, pagka-lito, at higit sa lahat, awa sa sarili ko. Awa sa sarili dahil sa tinagal tagal ng panahon na ibinuhos ko sa kanya, parang nabalewala lahat. Hindi ko siya sinisisi pero alam kong kasalanan ko lahat. Kung nakinig lang ako sa mga kaibigan kong nagsasabi sa kin noon pa man na kalimutan ko na siya, hindi sana ako nagkakaganito ngayon.

May mga nasabi ako sa kanya na ako man sa sarili ko hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi sa kanya. Kaya hindi ko siya masisisi kung magalit man siya sakin. Mag-miss call man ako hindi na siya nagpapa-misscall tulad ng dati. Ok lang yun. Consequence yun ng katangahang nagawa ko. Nabalewala nang lahat.

Then contemplating the events that happened, nasabi ko sa sarili ko, "siguro time ko naman para maging masaya" (courtesy of "Let The Love Begin"). It's just sad that we have to go through an awful situation para lang ma-realize ko ang mga bagay-bagay na matagal nang dinidikta ng mga tao sa paligid ko. Now is the f*uckin' time to move on. One of my friend says, "you can't have them all." Narinig ko sabi ng isang batang paslit, "hindi araw-araw pasko."

Hmmm... Nagyon hindi ko na alam kung anung susunod kong gagawin, maghihintay pa ba o hindi na? Mahal ko pa rin siya kahit papano. Pero yung part ng story na maghihintay ako hindi ko alam....

Naranasan mo na ba maghintay? Ako oo. Pero kung tatanungin mo ko...hindi ko alam kung tama ba o mali ang maghintay.

The Multiple Personality Disorder Chronicles Part 1 (A.K.A.: Ako na Sarili mo! Unang Bahagi) (from gracie!!!)

Masakit ba? Alam ko nasasaktan ka na naman. Bakit ayaw mong umiyak? Alam kong gustong-gusto mo nang umiyak. Pero ano nga ba problema at ayaw mong ilabas yan. Sige na, iiyak mo na yan. O, baka naman inaantay mo lang ang mga kaibigan mo? Sa kanila ka na naman ba iiyak? Nananahimik yung mga tao tapos bibigyan mo na naman ng problema. Huwag na no. Ewan ko ba sa yo. Sa tingin ko, gusto mo na talaga umiyak pero ayaw lang pumatak ng luha sa mga mata mo.

Sabi ka kasi ng sabi sa mga kaibigan mo na mahal mo yang taong yan. Alam mo ba na tuwing kinukwento mo siya ay pinapahirapan mo lang sarili mo? Dahil kada isip mo sa kanya at bigkas ng pangalan niya ay lalo ka nahuhulog sa kanya. Pero ni hindi mo nga masabi mismo sa tao na mahal mo siya. Ano ka ba? Ang *****-***** mo kasi umasa ka pa. Di ba sinabihan ka na nila na huwag umasa? Umiyak ka pa nga nun kasi natauhan ka. Akala ko naman, natauhan ka na talaga.

Pero, ano ginawa mo? Isa, dalawa o tatlong araw mo lang siya di pinansin. Andun na ako, sige ayaw mo matigil yung komunikasyon niyo. Pero, pwede naman kasi kayo mag-usap na hindi nahuhulog yang puso mo para sa kanya. Yung isip mo kasi, ang lawak ng imahinasyon. Pangarapin daw bang abutin ang langit? Ang hirap nun ah. Paano na yan? Sa pag-abot mo ng bituin sa langit, ang taas tuloy ng binagsakan mo. At, sino ang nandun para saluhin ka? Wala. Ni hangin ata wala dun. Ayan, tingnan mo ngayon. Ano napala mo? Puro sakit at hinanakit. Pati ako na sarili mo, sinisisi mo na. Hay, hindi na talaga kita maintindihan.

Pakibatukan nga yang sarili mo! Akala ko natauhan ka na sa narinig mo. Sige, natauhan ka na nga. Pero nagtanong ka pa talaga kung ano dapat gawin ah. May bago ka na namang payo na natanggap. Na dinidibdib mo na naman. Don't expect but don't lose hope. Huwag umasa pero huwag mawalan ng pag-asa. Walanghiyang payo yan. Lalo ka tuloy nalabuan, ano? Sige, hindi na ka na umaasa na magiging kayo dahil kung may pagtingin siya, matagal na sana siya nagsabi, di ba? Pero, wala ka namang naririning sa kanya. Kaya, ibig sabihin nun, wala talaga. Pero wag ka daw mawalan ng pag-asa. Ano ibig sabihin nun? Isipin mo na lang na may darating pa diyang iba para paglaanan mo ng pagmamahal mo. Tama ba yun? Medyo, basta, huwag ka na umasa ng todo. Ano nga ba mabuting gawin? Baka dapat isara mo muna yang puso mo.

Isa pa, makonsensya ka naman. Huwag mo nang isipin yung luma. Nakaraan na yun. Dapat matuwa ka na para sa kanya. Kaya ka ata nakakarma ngayon dahil iniisip mo pa rin siya. Sabagay, hindi mo nga pala siya makakalimutan dahil siguro napapagod ka na kaiintay dun sa bago. Sige, kay bago ka na uli. Ay, hindi! Humanap ka na lang pala ng mas bago. Huwag pala humanap, mag-antay ka na lang. Darating din ang tamang panahon para sa iyo. Kung kailan yun, hindi ko rin alam.

Ayusin mo na lang ang sarili mo. Tumayo ka ng derecho at saka mo ipakita sa kanilang lahat na hindi ka talaga apektado. Sa tingin ko naman, nasimulan mo na bago magpasko, nasabi mo nang tigilan ka na nila. Malamang iniisip na nila na hindi totoo yung mga iniisip nila. Sana tumahimik na lang sila sa susunod dahil bagong taon na. Maisip man lang nila na may damdamin ka rin na nasasaktan.

Ikaw at Ako na lang ang pag-asa mo. Magkasama tayo sa laban na ito. Tuloy ang buhay. Hindi tayo aasa pero maniniwala tayo na mayroong pag-asa.

The Multiple Personality Disorder Chronicles Part 2 (A.K.A.: Ako na Sarili mo! Ikalawang Bahagi) (from gracie!!!)

Oo, masakit. Pero kaya ko namang tiisin. Gumagawa na ako ng paraan para mawala na yung hapdi. Halos wala na nga. Nakakayanan ko na. Kaya ko naman pala, akala ko lang hindi. Hindi pa rin ako umiiyak. Hindi yata siya dapat iyakan. Pero halos pumatak na yung luha ko. Naipon lang sa mga mata ko ngunit hindi bumagsak. Gusto ko na nga sana maiyak pero ayaw pa rin pumatak ng luha na nakalaan para sa kanya. Alam mo, hindi ko naman guguluhin mga kaibigan ko tungkol sa kanya. Pero nasabi ko na sa iba na buburahin ko na talaga yung tao na yun sa puso ko. Ginagawa pa nga naming biruan. Pinagtatawanan ko na lang sarili ko dahil sa ginawa kong hakbang para lalo ako masaktan. Maling-mali talaga. Sabi nga nung isa, ang ***** daw ako. Ganun talaga buhay, minsan hindi maiwasan na maging timang.

Hindi ko na sinasabi sa mga kaibigan ko na mahal ko yung tao na yun. Sinasabi ko sa kanila ngayon na may minamahal siyang iba at seryoso siya dun. Aray! Masakit pa rin pala. Bakit ganun, pag kinukwento ko sa iba na may mahal siyang iba parang ok lang pero kapag mag-isa na naman ako, nasasaktan na naman ako? Ewan ko ba. Basta ang alam ko, dapat na talaga siya burahin sa sistema ko. Wala na dapat yung pagtingin ko sa kanya. Tama, nung una pa lang kasi na hindi ganito kalala ang sitwasyon ay dapat na lumayo na ako. Mali, ayos lang pala yung napalapit kami pero mali yung hinayaan kong mahulog ang damdamin ko at umasa ako. Ako tuloy ang nagdusa. Pero, ngayon, natauhan na ako. Hinding-hindi na ako aasa. Pipilitin ko.

Isang araw ko lang siya hindi pinansin noon. Hindi ko nakayanan na patagalin pa dun. Ako rin nahihirapan pag hindi ko siya nakakausap. Oo nga, masyado nga talaga ang imahinasyon ko. Kababasa yun ng mga libro. Hindi ko naman talaga pinangarap na abutin yung bituin sa langit. Akala ko kasi hindi naman siya ganun katayog. Akala ko halos pantay lang kami. Konti lang lamang niya. Nung lubos ko na siya nakilala, saka ko lang naunawaan na mataas nga siya. Mahirap abutin. Gaya ng sinabi ko, hindi na ako aasa. Alam ko na hindi mahuhulog yung mga bituin sa langit. Kasi pag nahulog sila, kailangan mo pa ring humiling. Ayaw ko na. Umasa ka na tapos hihiling. Asa na naman. Nakakasawa. Buti, natauhan na ako habang maaga.

Kailangan ko ba talagang batukan sarili ko? Huwag na. Tama na yung sakit sa loob, bakit sasaktan ko pa yung labas? Oo nga, nagtanong ako kasi parang sasabog ako nung oras na yun. Kung bakit kasi kailangan pang masaktan ng sobra bago matauhan? At yun na nga nangyari sa kin. Sa sobrang sakit nagtanong ako kahit kanino. Pero tama naman sinabi niya sa kin. Dont expect but dont lose hope. Huwag umasa pero huwag mawalan ng pag-asa. Alam mo ba na ang sarap pakinggan nun nang mga oras na yun. Kasi nalaman ko na nauunawaan niya yung nararamdaman ko. May nakaunawa sa akin. Alam niyang nasaktan ako at binigyan niya ako ng pag-asa. Yun na ang mga katagang nagpagising sa akin. Simula ng marinig ko yun, nagkaroon ako ng lakas ng loob. Naengganyo ako na bumangon muli at harapin ang bagong bukas. Na taglay ang aking bagong pag-asa.

Nakonsensya na ako. Yung luma na tinutukoy mo, walang-wala na yung pagtingin ko para dun. Naiisip ko lang siya kasi hindi ko naman talaga malilimutan yung napakalaking naging bahagi niya sa buhay ko. Minahal ko talaga siya. Isang pagmamahal na kailangang bigyang wakas. Tulad ng ginagawa ko ngayon. Isa na namang pagmamahal na dapat hadlangan ng hindi na lumala. Tama ka, mag-aantay na lang ako ng mas bago. Yung kakayanin kong ipaglaban. Dalawang beses na ako nasaktan ng todo. Sana sa susunod hindi na. Gagabayan na ako nitong taglay kong bagong pag-asa.

Ayos na ako. Nakakatayo na ako ng derecho. Nakakangiti na ako yung tunay na ngiti, walang halong kaplastikan. Iniisip ko na lang ang mga maliligayang alaala. Hindi ko na pinapansin yung sinasabi ng ibang tao. Desisyon ko na ito dahil damdamin ko ang nakataya. Ayaw ko nang muling masaktan. Tatahakin ko na ang tamang daan.

Tama. Ang sarili ko lang ang pag-asa ko Ikaw at Ako! Iisa tayo sa mga sandaling ganito. Tuloy ang buhay. Hindi ko isusuko ang buhay ko. Hindi tayo aasa pero maniniwala tayo na mayroong pag-asa.