this life sucks... the TV series

Nitong mga nagdaang araw, pakiramdam ko, bawat pangyayari sa buhay ko, parang may soundtrack na tumutugtog sa background. Pakiramdam ko nasa isang kahon ako na ang tawag ay telebisyon at pinapanood ako ng sangkatutak na tao. Siguro kung ang buhay ko ay isang TV show, malamang highest rating ‘to. Walang sinabi ang Grey’s Anatomy at ang Pangako sa ‘yo at malamang ilagay ako sa primetime slot pagkatapos ng Deal or No Deal. Sa totoo lang kumpleto eh, may comedy, action, drama, sex, violence, fantasy, at iba pang category (blood and gore).

Siguro dala na marahil ng panunuod ko ng mga TV series na gawa ng mga Kano kaya parang ganito ang pakiramdam ko. Nakakatawang isipin na may isang pangyayari na nagbasa ako ng isang e-mail na hindi masyadong naging maganda ang nilalaman para sa akin, saktong nakikinig ako sa i-pod ko nun at tumutugtog ang kantang “come around” ni rhet miller. O sige, para hindi ka na mag-isip, some kind of a “basted” letter ang e-mail na yun kaya habang binabasa ko yun, kumakanta si rhet sa background: “Am I gonna be lonely for the rest of my life, I’m gonna be lonely for the rest of my life, unless you come around.” Wow! Swak sa moment! Magaling ang director ng buhay na ‘to! Everything is in the right tempo!

Minsan naman ay nasa isang ordinary akong bus ako, and the hell! Tayuan as usual. Pero may isang manong na talagang nakalimot atang maglagay ng deodorant ng araw na ‘yon o sadyang hindi niya na talaga kailangan ng deodorant dahil hindi na rin ito tumatalab sa kanya. Natatandaan ko kung sinong kumakanta at ano ang kanta non, Si Top Suzara: “Sabihin mo na, Kung anong gusto mo, kahit ano’y gagawin para lang sa’yo.” Sa pakakataong ‘yon, gusto ko nang sabihin kay manong na “Utang na loob po! Bumaba na kayo at hindi ko na po matiis!” Dahil sabi nga ni Top, kahit ano gagawin para lang sa’yo. Pero minabuti ko na lang manahmik at magtiis kaysa magkaroon pa ng eksena sa bus at maging highest rating episode pa sa series ko ang araw na ‘yon.

Pero kung papipiliin rin lang ako ng theme song ng series na ‘to, yung: “Somewhere Only We Know” by Keane ang malamang na maging swak. “I'm getting old and I need something to rely on So tell me when you're gonna let me in I'm getting tired and I need somewhere to begin.” Damn this life…

ohh.. jamilla...

Mahirap tiisin ang tawag ng kamay… Alam ko ang iniisp mo, sigurado hindi tayo magkapareho ng iniisip dahil alam ko mas bastos ka kaysa sa akin. Ang tinutukoy ko ay ang pagsusulat. At kahit 10:00 PM na, hindi ko matiis na ipagpabukas na lang ang pagsusulat na ‘to. Sa totoo lang pwede ko namang isulat ‘to lahat sa papel pero dahil sa bagal kong magsulat kaysa mag-type, minsan may mga idea na natatapon lang at tuluyang nakakalimutan dahil sa kabagalan ko sa pagsusulat.

Kung dati-rati ay nilalakad ko mula dito sa aming liblib na lugar hanggang sa may bayan para lang makabili ng internet card, ngayong gabi ay napagdesisyonan kong gamitin ang bagong biling lumang bisikleta ng aking ama. Mountain bike to be exact. Ang pagkakaiba lang ay mayroon itong bakset sa unahan, kulay dilaw, at higit sa lahat, may pang-busina na tunog ng katulad sa mga unang henerasyon ng mga sorbeterong natutong gumamit ng bisikleta sa kanilang paglalako.

The hell! Wala akong pakialam kung eto ang kailangan kong gamitin. At least madali akong makakabalik at hindi ko agad makakalimutan ang gusto kong isulat sa gabing ito. At tsaka gabi naman. Walang masyadong makakapansin ng gamit kong sasakyan. Medyo matagal-tagal na panahon na rin simula nung huli kong pagsakay sa bisikleta. At ngayong gabi ay sadyang kakaiba ang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Na-miss ko ‘to at walang makakasira ng moment na ‘to! “Hey mike! Ganda ng bike natin ha! Magkanong bili mo dyan?” Damn! Ang spoiled na anak ng mayor na nakatambay sa may tambayan ng mga barangay tanod! Gusto ko sanang sagutin ang tanong nya na: “Ahoy! Kamusta? Engineer ako at hindi ako anak ng mayor!” Pero nanaig ang diplomasya at minabuting huwag na lang ituloy ang balak na ‘yon at bumalik sa konsentrasyon ng pagdama ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha.

Bakit ba walang matinong palabas sa Philippine TV kapag araw na ng Linggo? Matapos kong pagisipangtigilan muna ang marathon ko ng “Scrubs” na nagsimula 7:30 ng umaga hanggang 8:00-ish ng gabi, (sa totoo lang hindi ako sigurado kung 8:00 nga ‘yon at damn! Hindi pa rin ako tapos!) napagisipan kong tignan ang mga kaganapan sa mga palabas sa Telebisyon at agad na pinainit ang ulo ko ng palabas na ‘Y-speak.” Oo alam ko para sa kabataan (kagaya ko) ang palabas na yon at ok lang na ang kinuhang guests ay ang mga taga PBB Teen Edition. Pero sinong matinong tao ang nagbigay sa kanila ng topic na tungkol sa “relasyon”??? Damn! Pupusta ako na walang ibang alam ang mga kabataang yon kundi “masturbation” at “make-up.”

Sa tingin ko hindi dapat para sa mga batang ‘yon (kagaya ko) ang maging mga “debators” sa ganung klaseng topic. Anung alam ng mga yan sa relasyon? Pupusta ako na ilan sa mga yan ay pinupulbusan pa ng mga nanay nila sa kilikili (not me! kaya ko nang gawin mag-isa yon! At siguro pwera din si Jamilla.). Alam ba nila na ang relasyon ay sakit lang ng ulo? Alam ba nila ang mga problema na kasama ng kahit anong relasyon? Habang pinanonood ko ang mga kumag (pwera lang si Jamilla) nag mag-”debate” tungkol sa dapat nga bang manligaw ang babae o hindi, natatawa ako sa kanilang lahat dahil ultimo ilang mga lalaki ay sangayon na hindi dapat manligaw ang mga babae sa lalaki KAHIT KAILAN! Anong klase yon?

Nabobobohan tuloy ako sa mga umayon sa konseptong ‘yon (pwera lang kay Jamilla dahil baka may sarili lang siyang opinyon. At ginagalang ko ‘yon). Hindi ba nila naisip na sa panahon ngayon hindi na uso ang “conservatism” at ang “in” ngayon ay ang “practicality?” Pano kung walang lakas ng loob ang lalaking gusto ng isang babae na sabihin sa kanya ang nararamdaman ng torpeng ‘yon? Edi wala na? Game’s Over? Then pareho nyong pagiisipan sa buong buhay nyo ang mga “what ifs and if onlys” na ‘yan (damn! It kills me!). Ang bottom line lang, bakit kailangang gawing palaging komplikado ang mga bagay na pwede namang bigyan ng simpleng solusyon? Siguro dala na rin ng simpleng ideya ng pagiging “komplikado.” Mas complicated, mas challenging. At pag may challenge, masarap ang feeling ng pagkapanalo. Kahit na sa pagkapanalo, alam mong sa bandang huli, hindi ka naman masaya sa resulta ng naging laban mo. Dahil alam mo, kahit panalo ka, talo ka pa rin! Dahil hindi mo pa rin nakuha kung ano talaga ang gusto mo! (Ouch! Nakatapak ako ng thumbtacks!).

promises...they are made to be broken...

Sabado ng gabi. Anaknamputa. Sa totoo lang hindi ako sanay na nasa bahay lang ako kapag Sabado ng gabi. Hindi matanggap ng sistema ko na kapag Sabado ng gabi ay nasa bahay lang ako at walang ginagawa. Buong araw kong hinintay na tumunog ang cellphone ko sa pag-asang baka may magyayang uminom na sagot nila. Pero wala. Ang nakakainis lang, isang buong linggo kong hinintay ang dapat sana na “lakad” na pupuntahan ko para sa sabado hanggang lunes, pero wala. Sa tatlong lakad, isa lang ang natuloy. Nakakaasar isipin na buong kasiyahan mo nang inaasahan ang mga lakad na yon pero para akong isang bata na hindi binilhan ng kanyang ina ng kanyang pinakamimithing lobo matapos ang matyagang paglakad dahil sa pagbuntot sa kanya maghapon dahil sa katagalan nyang mamili sa department store. That’s so lame.

Dalawang lakad ang hindi natuloy dahil sa kagagawan ng mga taong hindi marunong umunawa ng pakiramdam na malaman mo na naghihintay ka lang pala sa wala. Nakakaasar ang mga taong walang pakundangan kung umo-o para sa isang lakad, at sa kaso ng isa, ay mangako ng lakad (which pisses me more) na hindi naman pala matutuloy. Ang una, hindi ko pa malalaman na hindi pala tuloy ang lakad na yon kung hindi pa ako ang nagtanong kung may lakad nga talaga. At ang isa, hindi man lang nagsasabi na walang mangyayaring lakad. Fuck!

Salamat sa aking baby (computer) at eto, ang pagsusulat ng blog ang naisipan kong gawing alternatibong paraan ng paglalabas ng sama ng loob kaysa ang maghamon ng away sa mga batang isang taong gulang pataas. Kasabay ang pagpapatugtog ng mga tugtuging nararapat na ipatugtog sa tuwing Sabado ng gabi, ang pag-inom ng pangatlong bote ng redhorse, at ang paghithit sa pang-nth kong yosi. Lahat yan, dito lang sa kwarto ko. Pero imahinasyon ko lang ang lahat ng yan dahil hindi ko pwedeng gawin yan dahil may sanggol sa kwarto ko.

Simula bata ako pinangarap kong magkaroon ng sariling kwarto. Ngayon meron ako, ang kaso lang… basta. Ayoko na lang ipaliwanag. Marami sana akong gustong gawin pero hindi ko magawa dahil ang kwarto “ko” ay sa totoo lang ay hindi lang kwarto “ko.” Natural, wala naman akong magagawa dun dahil kung meron, matagal ko nang ginawa.

WAAAAAHHHHH!!!!! Nabablanko na ko! Siguro dala na marahil ng galit na nararamdaman ko. Sobrang galit talaga ako sa mga taong hindi marunong tumupad sa pangako (ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw). Bakit hindi ba nila maintindihan na ako lang ang may karapatang hindi tumupad sa pangako? GGRRRRR! Gaya ng madalas kong sinasabi… Mamamatay rin kayong lahat!!!! Mga P*t*ng I*a nyo!

Hindi ko talaga matiis…. Aalis na lang ako… Kahit ako mag-isa…

Feelings... Nothing more but... Feelings...

Have you ever felt blank? Oo yung pakiramdam na parang wala kang pakiramdam? Nararamdaman ko na parang wala akong pakiramdam. Minsan hindi ko alam pero parang dahil siguro na rin sa dami ng yosi na nahithit ko sa araw na ‘to, sa dami ng beer na ininom ko kagabi para makatulog, o sa dami ng tao na ginagawa akong shock absorber, parang ako sa sarili ko wala na kong pakiramdam. Hindi na ata nakayanan ng sistema ko ang nararamdaman ng iba, kaya parang yung sakin naman ang sumuko.

Sa halos lahat ng pagkakataon ako na lang lagi ang naiisipang lapitan ng mga taong problemado na nakapaligid sa akin. Hindi ko alam kung kaboses ko ba si Joe d’ Mango at hilig na hilig nilang pakinggan ang sasabihn kong payo sa kanila. “Yep, Oo. Ok lang yan! Lilipas rin ‘yan. Hindi mo na lang aakalain limot mo na siya. Gawin mo, libangin mo ang sarili mo para kahit papaano unti-unti mo na syang makalimutan.” Wow! Yan ang mga sagot ng mga DJ sa radio. Dapat nga siguro mga ganung tipo ang trabaho ko. Siguro madami akong listeners. Pero fucking shit naman! Kung alam lang ng mga taong walang kamuwang-muwang na lumalapit sa akin na hindi ko pa nasusubukan sa laboratory ang mga conclusion na sinasabi ko sa kania. Mali. Nasubukan ko pala! Ginawa ko nga ang procedure na nakalagay sa book e. Yun nga lang…Iba ang result.

Bakit ang daling sabihin sa ibang tao kung anong pwede nilang gawin, pero para sa sarili mo, ang sabihin ang eksaktong mga salitang sinasabi mo sa iba, DAMN! Daig ang board exam! Kailangan pang ibang tao ang magdikta sa ‘kin ng kung anung dapat na gawin. O hindi kaya… Kahit na anung dikta ng kahit sinong tao, sadyang pasaway talaga ako, hindi ko pa rin susundin. Isa lang ang alam kong solusyon sa ngayon… Ang maglaslas ng pulso…gamit ang bread knife.

Kung may gusto akong sabihin para kay “she-who-must-not-be-named,” ano kaya yun? “Para kang muta sa umaga. Hindi ko man nakikita, pero naiisip kong existing sa bawat paggising ko,” o hindi kaya, “Para kang kulangot. Ang hirap mong makuha, pero alam ko pag nakuha na kita, malaking ginhawa.” o kaya, "Para kang Prozac pag mag-aadik ako! Ang gaang ng feeling pag kasama na kita! Kaso mahal nga lang."

Hindi ko alam kung normal pa ‘tong ginagawa ko. Maaaring taon pa aabutin ang paghihintay ko sa walang kasiguraduhan. Paghihintay na walang ginagawa, dahil alam ko namang wala naman akong magagawa…. Kundi ang maghintay… Fucking shit again. Wala namang nagsabi sa ‘kin na maghintay pero bakit yun pa rin ang ginagawa ko. Kung ‘di ba naman talaga katigasan ng ulo sa taas yan!

Sana ang feelings para sa isang tao ay parang principle lang ng “variable separable” sa Differential Equations… Ang daling kalimutan…Pero hindi e. Parang Pringles. “Once you pop, you can’t stop.” Siguro kung ganon, hindi namumroblema ang ibang tao… Hindi ako namumroblema para sa kanila… At higit sa lahat… Hindi ako namumroblema para sa sarili ko.

Teka… May nararamdaman pala ako… Ayaw ko lang aminin na yun nga ang nararamdaman ko…Kasi masakit...Ouch!

Once a Mapuan always a mapuan

Nakita ko si Sandara Park sa Uno Magazine nung isang araw. Naipasa lang sa e-mail ang pictorials nya sa nasabing magazine. May caption pa na: nakapanlulugo..parang child pornography.. Anak namputa naman kasi. Wala na bang ibang babae sa mundo? Dati-rati nangongolekta ako ng mga magazine na gaya ng FHM at ng UNO pero ngayon, kung gusto ko lang ang nasa cover at tuwing 100 sexiest na lang ako bumibili. Nakakawalang gana na kasi. Hindi na rin ako magugulat kung isang araw ang bigla na lang nilang i-post dun ay si Mahal.

Napapunta ako sa aking mahal na alma mater kahapon lang. Medyo wala sa sched. ko ang pagpunta ko dun. Pero Damn! Na-realize ko kung gaano ko nami-miss ang mag-aral. Hindi ko maiwasan ang mag-reminisce sa bahay ko sa nakaraang apat na taon ko sa college.

Ang tamabayan, ang rooms, ang corridor, ang mabahong amoy ng pawis kapag kakatapos ng klase, ang impyernong gym, ang org., ang bulletin board (na hindi pa rin napapalitan hanggang ngayon), ang cr na palaging sarado sa oras na kailangan mong jumingle, ang cr na palaging nandyan para sumalo ng kung anu mang lalabas sa likuran ko ng hindi inaasahan (2nd floor North Building malapit sa EMSE), ang katangi-tanging yosihan sa loob ng campus a.k.a. the doghouse, ang iba’t ibang lugar na pinagyoyosihan ko (masarap maging pasaway!) ang fire exits, mga manyakis na kaklase, mga manyakis na prof, mga manyakis na katulad ko, drawing tables, naiiwang calculator, ang cr sa southwest 4th floor na kung saan iba ang pakiramdam ng pagyoyosi sa lugar na yun na hindi ko alam kung bakit, ang pinakamarumi ngunit pinakamasarap na kainan, ang cantunan, mga formula at equation sa dingding, palad, ilalim ng t-shirt, ngalangala ng katabi, at iba pang parte ng katawan na tatalaban ng pilot na sign pen, syempre ang yosihan sa tapat ng cantunan, ang turon, ang adams, ang likod ng sm manila, ang mga chicks sa c.e.u., ang turon ni manang, ang 664, ang anak ni 664, ang mga chikas sa p.l.m., ang inuman namin sa tanghaling tapat dahil sa nakakamatay na mahabang break time: JVC, ang beer garden, McDo, ang tulugan ng bayan: ang library na kung saan tsismisan ang unang unang kailangang gawin, ang mga O.T. at mga leakage, ang tech-pen, drawing paper, substance 24, test booklet, ang grupong south circle, ang pag-tawag sakin ng John Lloyd (pwera biro), ang plant visit a.k.a. outing, engineering lettering, inuman/overnight para sa “project,” ang canteen na may KUMAKAPIT na baho, ang bookstore na kailanman hindi naging kumpleto, ang kopyahan sa likod mismo ng prof., ang pagsingit ng mga notes sa ilalim ng test sheets, ang mga test sheets na may sagot na bago pa man magsimula ang exam, mga lasing na prof., pagpapantasya sa mga cheerleaders (sana ako na lang ang tagasalo!), mga kalasingan mong prof. mga prof. na nakasalalay ang pagpasa mo sa bilyar, pag-takas sa DLSS na subjects, ang kombinasyon ng yosi at kape sa doghouse, ang jampacked na doghouse dahil sa Dragonball Z, ang E-Forum na kumikita lang ata dahil sa mga estudyanteng nanunuod ng meteor garden (bibili ng isang bote ng mineral water tapos uupo na sabay mood ng meteor, ang kakapal ng mukha!), pagbili ng ticket ng NCAA para maka-absent sa P.E., Starbucks sa Letran, mga chikas sa Letran, mga chikas ng Lyceum, ang “Blue book” ni rose na lumalabas kapag enrollment at finals (mas mahal pag taga Letran), ang feeling ng exempted, ang feeling ng bagsak, concerts, fairs, foundation (walang kamatayang egg dropping at bridge making),ang feeling ng 3.00 sa subj. na inakala mong bagsak ka, ang feeling ng 5.00 sa subj. na inakala mong pasado ka, ang malaman mong g.c. ka na.

Sa mga magulang: papapasukin ninyo pa ba ang anak nyo sa Mapua? hhmmmm....

Waaaahhh! Tang ina! Sinong makapagsasabi na hindi ko nami-miss ang college.

Keys Me

Ako kaya si Superman? Naisip ko lang, paano nga kaya kung ako ang nakatakdang magligtas sa sangkatauhan? May natatago kaya akong kapangyarihan na hindi ko pa lang natutuklasan hanggang ngayon? Kung tadhana ko nga ang maging super hero, anu kayang pangalan ang gagamitin ko? At anung kulay ang costume ko? Ang brief ko kaya ay nasa labas din? Paano ako magta-transform? Sisigaw ba ko? Pupunta sa phone booth? Lulunok ng kamote? Ano kaya? Madaming tanong... Tsaka hindi pa ata ako handa. Magpapa-audition pa ko ng leading lady.

Si Lord, nagpapasalamat ako sa kanya at biniyayaan nya ko ng "bionic ears." Ika nga ng lola ni Spiderman, "With great power, comes great responsibilities." Minsan hindi ko maiwasan ang maging chismoso dahil sa abilidad kong 'to. Kung sabagay hindi ko naman kasalanan na marinig ko kung anu mang pinaguusapan ng ibang tao dahil in the first place, hindi nila dapat lakasan ang boses nila dahil nga baka makinig ako.

Kahapon, nasa bus ako para ipagawa ang aking baby (computer), may dalawang babaeng nagchi-chismisan sa likod ko. Pero sigurado akong nagbubulungan sila. Sa kasamaang palad tumaas ang antenna ko at naisipan kong makinig sa kanila.

1: "Hindi ko alam kung bakit sinagot ko yung lalaking yon! Hindi marunong humalik"

2: "Nasubukan mo na bang humalik ng hindi mo kilala? Exciting kaya!"

1: "Yuck! Hindi pa no! Pero open ako sa idea mo! Hihihi!"

2: "Try mo kaya sa kanya? Seduce mo sya tapos yun na! Ahihih!"

1: "Oo nga! Mukha syang masarap. Hihihi!"

Sa puntong ito hindi ko na napigilan ang sarili ko na tignan ang dalawa sa likod ko. Pero siyempre, pasimple lang. Kasi mukhang ako yung tinutukoy nila. Na-realize ko na hindi pala ako ang tinutukoy ng dalawang haliparot na yun. Kundi si Zanjoe. Salamat sa dala nilang magazine at nakapagpantasya na naman ang dalawang babaeng yon. Siya nga pala. Yung isa, mukhang ulikba, yung isa mukhang bakla. Hindi na sila nahiya sa suot nila. Parang mga babae sa night club. Ang pinagkaiba lang, umaga nun. Sana lang hindi ko na narinig yung usapan nila. Para hindi na ko umasa.

Dalawang bagay lang kung bakit madali kong masaulo ang isang kanta. Una, pwedeng nagandahan ako sa kanta kaya madali ko siyang nasaulo, at ang pangalawa, ay sobrang corny ng kanta at kahit anung pilit kong alisin sa utak ko ay hindi ko siya maalis. May isang commercial jingle sa radio na kinaiinisan ko at dahil don, nasiksik na ata sa utak ko. Yung commercial ng biogesic. "Bagay ba sa akin ang kulot, Bagay ba sa akin ang kulot?" na kinakanta in a sex bomb-ish manner. Shet!

May lima o anim na beses ko pa lang napapanood ang video ni Allysa Alano pero nakakatawa na kapag naririnig ko ang original version ng Kiss Me by Sixpence, ay yung lyrics ni Allysa ang lumalabas sa bibig ko. Nakita ko na 'to bago pa man naging balita sa lahat ang kagagawan ng babaeng 'to. Kaya nagka-phobia na tuloy ako sa pagkanta ng Kiss Me dahil iniisip ko baka yung lyrics nya pa ang masabi ko.

"keys me, v-neat the milkeh twalay, leeeeeeeep me, al-out the moonlit floor, leaf your open hand, strike entebend, end make d parflays dance, silvemoouse is barkley, so keys me..."

Sa maniwala ka o sa hindi, nakalimutan ko na kung ano yung totoong lyrics ng Kiss me. Yung Keys Me na ang nananalaytay sa dugo ko. Hindi ko mapigilan. Nakasaksak na sya sa utak ko...

O ano na? Ako nga ba si Superman?

Manny Paquiao for President

One tumbler-full of homemade coffee, 8th stick of cigarette, Manila Sound music by Kala, typing this blog, well, this is life. Sa nagdaang dalawang araw, (Sabado at Linggo) may apat na taong nagsabi sa kin na patuloy ako sa paglapad. “Tang ina pare! Hiyang ka ha!” Pakshet! Kung dati parang wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa anung itsura ko, o sa kung gaano na ko kalapad, ngayon parang tinamaan na ata ako. Siguro dahil hindi normal at hindi ordinaryo ang sabihan ka ng apat na tao sa loob ng dalawang araw na lumalaki nga ako.

Isang kaluluwa ang nag-mungkahi sa akin na bakit hindi ko subukan na alisin ang KANIN sa sistema ko. Naalarma ako. Parang hindi ko ata kaya yun. Pilipino ako e. Pakiramdam ko pag tinalikuran ko ang pagkain ng kanin, parang tinalikuran ko na rin ang aking pagka-Pilipino. Agad kong ipinataas ang kanyang kanang kamay at ipina-recite sa kanya ang Panatang Makabayan upang makalimutan niya ang ginagawa nyang pambubuyo sa akin na iwan ang KANIN… At ang aking nasyonalidad.

Ilang beses ko na ring tinangkang mag-reduce. Pero malakas talaga ang powers ni Taning. One of the seven sins… Gluttony. Hindi ko alam kung paano ko maalis sa sistema ko ‘tong sin na ‘to. Pero merong isang sin na sobrang mahihirapan ako sigurong alisin…. Yun ay ang Lust.

Nowadays, napagisipan kong mag-business, with the help of my computer. Naisip kong dahil malaki-laking investment ang computer na ‘to, bakit hindi ko siya pagkakitaan? Bukod sa tax, ang bayad ko sa PC na ‘to ay ang mga kumakain ng sweldo ko. Kung sa timbang rin lang ng dalawang bagay na ‘to mas gugustuhin ko pang ituloy ang pagbabayad sa PC ko kasya naman sa pagbabayad ng tax, dahil kahit papaano ako pa rin ang nakikinabang sa binabayad ko sa PC na ‘to. Hindi katulad ng tax. Hindi ko alam kung saan ginagamit ng mga walanghiyang mga pulitiko na yan ang perang binabayad ko sa tinatawag nilang gobyerno! Siguro kung ang buwis na yan ay para sa ikamamatay ng mga trapo dito sa bansa natin, kahit siguro buong sweldo ko ok lang na kuhanin na nila. Basta ang gusto ko lang paraan ng pagpatay ay ang pagputol sa kamay nila pagkatapos ay susunugin sila ng buhay (eeeww. crass).




Ika nga nila, hindi lahat sa mundong ito ay puro hirap. Dadating din ang panahon, may isang nilalalang ang magdadala ng sagot sa lahat ng problema. Kanina nanonood ako ng Late Evening News. Siyempre sa kapamilya… Baka nga naman magalit si Daddy OML (Oscar Lopez) kung hindi ko tatangkilikin ang sariling amin. Ibinalita rito na nagbabalak pumasok ng mundo ng pulitika si Manny Paquiao. Bakit naman hindi? Malay mo kung siya na talaga ang sulusyon na hinahanap ng mga Pinoy. Malay natin kung siya nga ang sagot sa krisis na pang-ekonomiya ng bansang ito. Baka hindi na rin tayo maliitin ng ibang mga lahi sa oras na malaman nila na si Manny Paquiao ang presidente ng bansa natin. Matatakot sila dahil baka nga naman hamunin sila ng suntukan ng presidente natin. Sa tingin ko hindi na rin mahihirapan si Manny sa pagkakampanya kung sakali ngang matuloy ang binabalak niyang pagtakbo. Sa dami ng commercials niya. Naisip ko tuloy kung sa tuwing papasok siya sa MalacaƱang, Naka-billboard-boxer shorts din kaya sya at robe. Baka palitan na rin ang mga painting sa pader ng palasyo at lagyan na ng mga posters niya ng Chicken Mcdo syempre kasama ang buong pamilya. Paano kaya siya pipirma? Si Roach kaya ang magiging Presidential Adviser niya? Ano kaya????