what the hell does OMG means?

Siya: nag-text sa kin si dady (meaning syota) koh. Sabi nya sa kin “you complete me” *kilig*

Ako: tang ina! Hindi ka ba kinikilabutan dyan sa sinasabi ng boyfriend mo sa yo? Lolokohin ka lang rin nyan! Yang mga ganyan sinasabi nya lang sau dahil may gusto syang makuha sa yo!

Siya: bakit? Ganun ka ba sa iba?

Ako: nope! Of course not! Hindi ako ganon ka-corny para umabot ako sa pagtetext sa s.o. ko ng mga ganong bagay.

Siya: hmmm.. siguro ganun ka!

Ako: nope! How well do you know me to conclude na I am like that?

Siya: hwag ka magalit! For me, its just two things, either kaya mo nasabi yun kasi your doing the same thing or hindi ka lang expressive at hindi mo kayang gumawa ng ganun ka-sweet na bagay para sa s.o. mo!

Ako: …..

Siya: hmm bat natahimik ka???

Ako: nothing dude. Ayoko lang sumagot. This conversation might lead to something kaya tatahimik na lang ako.

Siya: OMG! Tinamaan ka ba? Oh God… ikaw? Tinatablan? NEWS ata yan!

Ako: tol tao rin ako!

Siya: ikaw ba? What’s that thing that will complete you?

Ako: myself?

Siya: whatever… gtg na nga! Til next time ulit!



Matapos ang usapan na yon parang naiwan na naman ako sa ere! Anak namputa naman! Sana mamatay na siya! Bakit nga ba kasi nahilig pa ko sa pakikipag-chat na yan! Simula’t sapul naman walang magandang magagwa sa’kin yan pero sige pa rin ako! Ang tigas talaga ng ulo! Bigla tuloy akong pinagsakluban ng langit at nagdesisyon na magpaka-senti. Pero nalagpasan ko pa ang tangka na yon at dahil sa puyat ay matiwasay akong nakatulog. Matapos ang ilang araw, eto na naman. Naisingit na naman sa usapan ang pagiging komplikado ng sitwasyon ko. At eto na naman ako. Nakaharap sa pc ko at nagsusulat na naman ng walang kapararakang bagay.



Kokonting tao lang talaga ang nakakakilala sa kin pag dating sa kung pano ako magmahal. Marami na ring nagtanong pero naguguluhan lang sila kung sang direksyon ba talaga ako papunta pag dating sa mga ganyang bagay. Siguro dahil hindi ko lang talaga maipa-intindi sa kanila na kahit maraming nangyayari sakin, iisang direksyon pa rin ang tinatahak ko. Kumbaga may isang lugar pa rin akong gustong puntahan, pero sa ngayon sarado pa ang pinto, kaya naglilibot-libot pa ako. Pero maya’t-maya, tinitignan ko pa rin kung bukas ba o sarado pa rin. Minsan lang minamalas at may ibang nakakaunang pumasok dun pero para sa akin ok lang. Maghihintay pa rin akong bumukas ang pintong ‘yon. Sa ngayon, pasyal pasyal muna. Maraming nagsasabi sa kin na tanga daw ako at hinahayaan ko lang ang mga nangyayari na mangyari kahit hindi naman talaga yun ang gusto ko. Para sa akin yun ang tama. Gusto ko bago ako makarating don, mapatunayan ko muna sa sarili ko at sa kung sino man ang nasa likod ng pintong yon na nararapat ako para sa kanya. Oo totoo siya ang makakapag-pakumpleto sakin, pero gusto ko ako rin, makakakumpleto sa kanya.



Kung kelan mangyayari yon hindi ko alam. Wala na rin ako sigurong balak pang alamin sa ngayon. Basta ang alam ko. Kahit anong mangyari magbabantay lang ako. Tuloy lang sa paghihintay. Sa tabi lang ako… payosi-yosi lang.

mad about sitti...

Mahal ko na si Sitti. Ibang klase talaga. Ngayon lang ako naadik sa isang singer ng ganto (huwag kayong mag-alala, obsessed pa lang naman ako, hindi pa ko stalker). Una kong narinig ang tungkol kay Sitti ay sa kaibigan ko na nahilig rin sa pag-kanta nya. Nung mga panahong yon, masyado akong naging abala sa bago kong trabaho at wala akong panahon para malaman kung anu-ano ang mga bago sa radio. Sinabi nya lang sakin na bakit hindi ko subukang maghanap ng kopya ng cd nya. Nung napakinggan ko, nung una medyo kakaiba para sa pandinig. Although pamilyar na ko sa tunog-bossa dahil kina Sergio Mendes at Astrud Gilberto. Nakakaantok. Pero hindi ko na lang napapansin na unti-unti na pala akong nabibighani sa boses nitong babaeng ‘to. Simula non hindi ko na mapigilang pakinggan lagi. Tang ina. Para akong nasa langit kapag naririnig ko ang boses! Nung tinignan ko sa record bar, nakita ko na yun ang no.1 sa best selling na OPM album. Medyo nagtaka pa ko dahil walang masyadong promotion akong naririnig o nababasa.


Nang isang bes, may nagyayaya sa akin sa Eastwood para manood ng album launching ng Kami nAPO muna. Tutal naman medyo matagal na panahon na rin akong hindi nakakanood ng concert, minabuti ko na ring sumama. Nauna ako dun sa lugar. Nakita ko sa isang malaking poster na sa parehong araw at oras, gaganapin din ang concert ni Sitti sa kanilang ibayo ng Eastwood. Napag-isip ako. Niyaya ko ang isang kasama para tignan lang saglit kung paano magperform si Sitti. Tandang-tanda ko yon. Unang beses kong mapanood si Sitti na magperform. Berimbao ni Astrud Gilberto. Shit! Love at first sight. Every moment is a solemn moment. Mas konti ang tao pero makikita mo na ang mga nanonood eh yung mga nasa upper class. Mas maganda si Sitti sa personal. Hanep! Kakaiba! Hinatid ko muna yung kasama ko pabalik sa mga kasama nya at napagdesisyonan na mas pipiliin ko si Sitti kaysa sa sangkatutak na mga banda na nagpe-perform nun sa kabila. Napanood ko na rin naman ng ilang beses yung mga banda na yon. Si Sitti first time. Isa lang masasabi ko, hindi ako nagkamali sa desisyon na yon. The next week, nanonood ulit ako ng concert niya sa Greenbelt.


First time ko siya makausap at mahawakan ang kamay. Kalapit-table lang naming si Heart at nanunuod din ng concert nung mga panahon na yon pero wala akong pakialam. Si Sitti at si Sitti lang ang pinuntahan ko! Tang ina! Ang lambot ng kamay. Naalala ko nung nagjoke pa sya nung kausap ko sya (with matching hawak ng kamay). “See that girl over there? Oh, actually she’s gay. See that gay over there? hahaha” Shit! Lalo akong na-inlove dahil sa tawa nya. Haaaayyy! Siyempre papalagpasin ko ba naman ang pagkakataon para sa isang Photo-op! Medyo minalas lang kami ng konti at wala kaming dalang digicam kaya cellphone lang na naka-night mode ang gamit namin. Pero ok lang. Wala akong pakialam! Basta importante sakin non ay ang tatlong bagay. Nakausap ko siya, nahawakan ang kamay, at narinig kung paano sya tumawa. Shit! Ay tink aym in lab!