lunes...monday...

Monday morning. This Monday morning is not my typical Monday morning. I love this particular Monday morning. Siguro dahil inspired pa rin ako sa mga nangyari sa buhay ko nung Sabado. Ü Wala akong Monday morning sickness ngayon at kahit late na ko nakatulog kagabi, maaga pa rin akong nagising. I took a shower with a smile on my face. With Sitti singing early this morning… Very refreshing. Hmmm, iniisip ko kung anong susuotin ko ngayong napakagandang umagang ito. Napagtripan kong magsemi-formal ngayon. Tutal naman maganda ang gising ko, at para maiba naman ang image ko sa office na lagging mukhang patapon. Insinuot ko ang plantsado kong polo at slacks. Nilinis ko na rin ang aking black shoes. Pogi!



Paglabas ko ng aming subdibisyon, walang ni isa mang kaluluwa ang naghihintay ng Bus na paluwas ng Manila. Swerte! May isang Bus na agad na sumulpot. Sakto. Sumakay na agad ako. Hindi ako late ngayon, hahaha! Tinabihan ko ang isang cute na nursing student na medyo groggy pa ata at mukhang tulog na tulog. Nang umupo ako, nagising ko siya. Nginitian ko na lang. Nginitian naman nya ko. Uy! It’s a sign. Pero minabuti kong hindi na ituloy ang “flirting” process dahil mas may iba akong iniisip. Ü.. Siya…



Inilabas ko na lang ang aking bagong-bagong iPod Nano na may colored na screen at mayroong napakagandang tunog at puwede ring lagyan ng mga litrato, at pinakinggan ang mga awitin ng bandang Radioactive Sago Project. “Bale 1986 nung una kong makilala si Batman, Wala pang ABS-CBN non, sa BBC 2 pa non e, panahon ni Marcos non na malapit nang mamatay.” Nagbigay agad ng ticket ang kondoktor at naningil, cool! Dapat naman talaga ganon. Para may panahon pang makatulog ang mga pasahero. Dahil nga malayo pa, natulog muna ko…



Nang magising ako, naka-dantay na sakin ang cute na katabi ko. Sweet! Tinignan ko kung nasaan na ko at putang ina! Nasa Buendia na ko. Dapat sa Baclaran lang ako. Pagtingin ko sa relo, quarter to eight. Leche! Late na ko! Agad na kong tumayo at nagising na naman siya. Nakisabay na ko sa mga bababa ng buendia at hindi na lang tumingin sa kondoktor. Baka maalala nya na hanggang Baclaran lang ang bayad ko tapos sa Buendia na ko bumaba. Nagmamadali akong sumakay ng Bus papuntang LRT, nung nasa bus na ko, naalala ko na may mga jeep pala na papuntang LRT. Tinignan ko ang likod ng Bus, 2-3 tao lang ang laman. Leche! Nagsakay pa ng mga pasahero ang kupal na driver. Wala na ‘to! Late na ko! (Nakakatawa na kasalukuyang tumutugtog ang “Ninakaw ang bag ko” ng Radioactive sago project sa aking bagong-bagong iPod Nano na may colored na screen at mayroong napakagandang tunog at puwede ring lagyan ng mga litrato, kaya lalo kong nararamdaman ang adrenaline rush). May isang kanto na lang bago ang LRT station, nasiraan ang Bus. Leche talaga! Napilitan na kong lakarin na lang papunta ron at hindi na ko nagbayad sa Bus. Sa paglalakad ko, may inuman session pa kong nadaanan. Tinignan ko ang relo ko. 8:20 a.m. hanep! Red Horse pa ang tinatagay! Gusto ko sana makisali kaso late na nga ako. Tsaka nadismaya ako sa pulutan, Pandesal at itlog.



Pagsakay ko ng LRT, yung nasakyan ko, walang Aircon. Wow hanep! Tagaktak ang pawis ko, pwera pa ang pawis ng ibang nakasakay sa LRT. Eeewww.. Bale wala ang japorms kong to. Lusaw! Isama mo pa ang limang libong kataong tumapak sa bago linis kong sapatos. Tang ina talaga! Nang palabas na ng train, tinulak ko na lahat ng nakaharang sa daan ko dahil late na nga ako. Nilakad ang istasyon ng MRT at presto! As usual, siksikan at isang guard na naman ang nag-iinspect ng mga bag. Patuloy pa rin ang pagtapak ng mga tao sa sapatos ko. Tinignan ko kung kulay-bato ba ang naisuot kong sapatos at parang hindi nila nakikita na may paa sa dinadaanan nila. Hindi naman. Itim talaga ang suot ko. Sumakay ako ng tren, at ang nasakyan ko, may ugong lang ng tunog ng aircon pero wala naman akong lamig na nararamdaman. Lahat ng tao todo paypay. Wala na kong magagawa. Wasted look na naman ako.



Pag-dating ko sa pila ng jeep na patungong Ugong, lintek ang pila. Tinignan ko kung may nagbibigay ng bigas sa unahan or baka nandun si Sitti at pumipirma ng mga cd’s for autograph, wala naman. Sadyang 20 years lang pala talaga ang pagitan ng pagdating ng mga jeep na papuntang Ugong kaya ang haba na ng pila. Pinatugtog ko na lang ang koleksyon ng tugtog ni Sitti sa aking bagong-bagong iPod Nano na may colored na screen at mayroong napakagandang tunog at puwede ring lagyan ng mga litrato, upang mahupa man lang kahit konti ang bad trip ko.



Ayoko talaga ng Lunes! Peste!



First Balfour, Inc. office hours – 8:00 a.m. to 5:00 p.m.

Acosta, Michael – Time-in: 9:18 a.m.

Ü

Patawad pero sa tingin ko magiging palasak ngayon sa blog na ito ang simbolong “Ü”. Kumakalat na nga sa text ang hinanakit ng simbolong ito na hindi natin inakalang mayroon naman palang tamang katawagan. Ü



“alam kong sa tingin mo masaya ako. Pero bakit kayo ganyan?! Sa tuwing wala na kayong masabi, ako lang ang ginagamit niyo! Pagod na pagod na ko sa pag-ngiti!!”



- Ü



Mga kaibigan, ipinakikilala ko sa inyo si “Latin Capital Letter U with Diaeresis.” Sa matagal na panahon na nating inaabuso ang simbolong ito, sa tingin ko mapangahas para kay “Ü” na patuloy lang natin siyang gagamitin nang hindi man lang nalalaman kung anu nga ba ang pangalan nito. Hindi naman siguro intension ng mga latino na magamit ang simbolong “Ü” upang ipahayag ang nararamdaman nating kasiyahan. Lalo na sa text. Ü. Obviously, diaeresis ang tawag sa dalawang tuldok na nasa ibabaw nitong simbolo na “Ü.” Diaeresis, parang sakit ang tunog. Pero wala na tayong magagawa dahil yan na ang pangalang naisip na ikabit sa kanya ng taong lumikha rito. Iniisip ko rin kung paano kaya naisipang gawin ng gumawa nito ang letrang ito…



“Hey, Im feeling so happy today, I’m gonna invent a letter.. Oh, oh, I have one, I have one!” sabay sulat sa pader ng kweba gamit ang matulis na bato “Ü” “ang saya! Ngayon, tatawagin ko ‘tong “smiley”…teka.. ang panget, parang mala-yahoo messenger ang dating… Ah alam ko na! ‘Latin Capital Letter U with Diaeresis.’ Astttiiiiiggg! Teka.. bakit nga ba ako nagtatagalog eh latin ang iniimbento kong salita? ” Ü



Ü. Kung anong itsura ng simbolong ‘yan, yan ang nararamdaman ko ngayon kahit papano. Ü. I feel Ü. Magaan ang lahat (pwera na lang sa isang kalokohan na pinasok ko. At ngayon hirap na hirap akong tapusin dahil sa katarantaduhan ko). Pero, who cares care bears, basta ok ako, ok sya, ok kami, ok na ko. Ü Wala nang mga dark-and-twisty, dark-and-twisty na yan! Kahit sa umpisa naninibago ako pero hinayaan ko na lang, Basta ang importante…masaya. Ü



Sana lang magtuloy-tuloy….. Ü Ü Ü Ü Ü Ü Ü Ü Ü



Ü Ü Ü Ü

komersyalismo

Commercials. Naisip ko na sana naiisip ng mga taong nasa posisyon para mag-isip ng mga konsepto, na tama at makatotohanan ang ideya nila para sa produktong inilalako nila sa taumbayan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ng masyadong drama sa pag-eendorso ng gamot sa sipon. Hindi ko rin mapaniwalaan na ang isang ordinaryong taga operate ng elevator ay nalagpasan pa ang taglay na kagwapuhan ni Ben Afleck ng dahil lang sa pag-iispray ng isang pabangong pangkalalakihan.



Oo sige. Paraan yan upang makuha ang atensyon ng mga tao, pero sana tunay. Pero aaminin ko nakakatawa ang mga ganitong konsepto. Minsan, naglalakad ako sa mag Megamall. Sakto may isang gorilya na naglalakad sa gitna ng mall. Para ata sa Solmux. Napangiti na lang ako sa gimik nilang to. Mas natawa ako nang marining kong nilapitan nya ang isang magandang babae na napadaan rin nung pagkakataong yon, sabay sabi sa babae, "miss papicture naman tayo." Ang babae, kinilig naman. Hindi nya siguro ine-expect na sa Megamall nya makikilala ang gorilyang makakapagpatibok ng puso nya. Nag-give way naman ang tangang babae at nagpa-akbay pa sa gorilya. Nagkuhaan sila ng picture. Maya maya nagrequest pa ang gorilya, "miss, isa pa, kung ok lang." Tumawa ang babae at nagpakuha na muli. Tang ina, buti pa ang gorilya, nung mga sandaling yon isa lang ang gusto kong gawin, bumili ng costume ng gorilya at mag-suot nito habang naglalakad sa mall. Baka sakalinh maka-hook ako ng chicks.



Kanina, papasok ng opisina, may mga namimigay ng hindi ko alam kung free samples ba o leaflets ng produktong Sunsilk... o Creamsilk, hindi ko alam. Basta sa buhok. Muntik nang tumalsik ang laway ko sa mukha ng nagaabot ng sample dahil ng makita ko yung lalaking nag-aabot, kalbo sya. Hindi naman sa nag-aalipusta ako ng kapwa, pero sana naisip ng mga namimili ng mga sasama sa promotion na yon na hindi ata magandang mapabilang siya sa mga nagaabot ng mga samples na yon. Produkto para sa buhok tapos mamang napapanot na ang mag-aabot sayo, hindi ka kaya magdalawang isip nun na baka mangyari rin sakin ang ganon? Hay ewan ko ba. Siguro kung floor polisher sana baka pwede pa siya dahil sa kintab ng bunbunan niya.... teka... Hindi kaya yun ang nais ipahiwatig ng mamang kalbo? Na kung kalbo ka, at gagamit ka ng produktong yon, wala ka mang buhok na kikintab, may ulo ka naman!

Bukas magkikita kami ni sitti.... bwahahahahha!

quiet storm sunday

Whats with Sunday at parang Sunday ang pinaka-down kong araw? Hindi ko alam kung anung meron ang araw ng Linggo pero sa tuwing dumadaan ang araw na ‘to, trip kong magpatugtog ng mushy songs. Kung baga sa droga, Ketamine, downers.


Dahil sa napansin kong sa tuwing Sunday ay panay ang ipon ko sa mga senti na kanta, gumawa na ko ng playlist. Para pag-dating ng modd, naka-back-up na yung background music. At ngayon si Sisqo and naririnig kong kumakanta ng Incomplete.


Nakita ko si “x” kanina (hindi ko alam kung bakit pumasok si “x” sa utak ko nung marinig ko ang mga kataga sa kanta ni Sisqo na “your perfume, your sexy lingerie”). Sa totoo lang hindi maganda ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid tungkol sa kanya. Ganyan talaga ang mga tao dito sa lugar namin. Daig pa sina Boy, Cristy, at Kris kung mag-chismisan. Kulang na lang magkaroon dito ng show sa may basketball court tuwing Sunday na ang host ay ang mga punong chismoso at chismosa ng lugar na ‘to tampok ang mga maiinit na chismis sa buong subdivision.


Ang bagong balita kay “x…” Hindi ko na lang siguro sasabihin. Medyo maselan e. Pero sa mga may background ng “istorya” namin, ganon din. Kaso kabaligtaran ng lugar. Kung naguguluhan ka, magprivate message ka na lang sakin sa messenger o kaya mag-iwan ka ng message. Wala na kong pakialam sa gusto niyang gawin. Malaki na kaming pareho. Hindi ko nga lang alam kung alam na nya yung ginagawa niya. Basta ako alam ko na kung anung ginagawa ko.


“All I need is a cue, that I’m waiting for you, here in my life.” Langyang buhay talaga ‘to oh. Ayoko talaga ng Sunday, pareho kung gaano ko hindi kagusto ang Lunes! Sumasama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Ang lahat ng ito… Walang kwenta!


Tinignan kong lahat. Stop looking at me!