putukan na to!

Wala na kayong magagawa ngunit ang susunod kong post ay tungkol pa rin sa alak. Yan ay dahil dyan lang umiikot ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw. Ika nga nila, “‘tis the season to get drunk and jolly falalalala lala lala.” Maraming kababalaghang nagagawa ang alak sa tao. Sa maniwala kayo o sa hinde. Kasalukyan kaming nagiinuman ng aking ama at kuya. Kahit na ang tatay ko ay nasa may tindahan at ako ay nandito sa tapat ng computer at ang kuya ko ay nasa barbeque-han, nag-iinom pa rin kami. Salamat kay Generoso at nakaka-dalawang bote na kaming mag-aama.

Kanina nakita ko ang ina ni “x.” Nahiya naman akong hindi batiin ang nanay nya kaya bumati na lang rin ako ng “Happy New Year.” Hindi ko napansin na si “x” pala ay naroon lang sa likod ng kanyang ina. Maya-maya pa’y tumawag na siya dito sa bahay upang “mangamusta.” Hindi pa nakuntento, sinundo pa ko dito sa bahay upang makapag-lakad lakad. Kung anu man ang napagusapan namin, samin na lang yon. Hindi ko na kasalanan kung ganito ako kakisig. Pero ganun talaga, wala na akong magagawa.

This year, (speech ko ‘to kaya walang magulo), kahit maraming trials sa atin at nawalan ako ng kutson sa kama dahil kay bagyong Milenyo, there are some things pa rin na I consider as blessings that I should be thankful for (naks! English yon!). A much closer ties with my family, a new found family at First Balfour, better bonding with my bros and sistas sa St. Mary at Mapua (lime camp and emperors), better career path, abundant food (ngayon lang ako lumaki ng ganito, and forecasts says na mas mahirap mag-reduce this year because it’s the year of the pig), overflowing beer (alak pa!), nice sex life (joke lang! but jokes are half-meant), Grey’s Anatomy (“Seriously!”) at Prison Break (“I put my blood on this!”), pati na rin Lake House (“I saw her. I kissed her. I love her.”). Maari ko ba naman makalimutan si Sitti Navarro (“hayaan na lang tumibok ang puso mo… Para sa akin.”), tsaka para kay “NTP”, after so many years ngayon lang ulit kita nakita at nakausap. Thanks! Yung special message saka na, makikita nila e.

Kung may nakalimutan man ako pasensya na. dala na rin to ng kalasingan. Basta para sa inyong lahat, Salamat, Sorry at Inuman na!!!!!! Happy New Year.

watusing lasing

Inuman ba kamo? Wala na rin akong masabi sa katawan kong ‘to. Minsan naiisip ko na salukin na rin ang ihing lumalabas kay putotoy at ilagay na sa bote ng san mig light o kaya ng san mig strong ice upang mapakinabangan naman ng iba. “same alcohol, great taste, but less filling.” At the same time nakakatulong na rin ako sa pagbabawas ng waste dito sa mundong ito. Sa ngayon, medyo… hindi pala medyo… groggy pa rin ako dahil sa wala akong tulog at pakiramdam ko ay dumadaloy pa rin ang beer sa aking sistema..




Hindi ako gaanong natutuwa sa konsepto ng regalo. Sa katunayan kung gagawa ka ng survey sa lahat ng kakilala ko. Mabibilang lang ng daliri mo, sa isang kamay lang, ang nakatanggap ng regalo na nanggaling sa kin. Magkaalaman na ‘to. Siguro kung mga 5 ang nabigyan ko ng regalo dati, mga 4 don napilitan lang ako. Pero ngayon, mejo naiba ang pakiramdam ko at napag-tripan kong maging santa-*nas* ngayong pasko. Maliban sa mga inaanak ko na may tig-iisang regalo sakin nagbigay din ako sa ilang mga chicks sa opisina. In return nakatanggap rin naman ako ng mga regalo. Pero isa sa mga regalo na yon… ang laman… Alak!




Kamakailan lang naisipan naming dumalo sa family reunion. Ang astig don, hindi namin kamag-anak ang mga nasa reunion na dinaluhan namin. “Gate-crashers.” Pagdating pa namin dun, ako lang ang mukhang nakapambahay (shorts at tsinelas) at ang mga ka-anak ay mga nakabihis ng maayos-ayos. Nang tinignan ko ang mga kasama kong “gate-crashers” pati sila nakabihis din ng maayos-ayos. Bad trip! Nung una nakakahiya, pero nung marinig na namin ang salitang “Red Horse” nabuhayan kami ng loob at naki-pinsan na sa mga magpipinsan. Makapal na ang mukha kung sa makapal pero alak na ang usapan kaya walang pakialaman. Tsaka mukhang tanggap naman nila kami as “pinsan-pinsanan.” Pati yung mga “tita-titahan” namin tinatagayan na kami. Sabi nga ni Grace, “I wanna be in this family!”




Nang mga lasing na, nakigaya na lang kami sa mga bata sa kalye, bumili kami ng isang box ng watusi at naghabulan sa kalye. Napansin kong nakatingin sa amin ang ilang mga bata sa kalye habang nagbabatuhan kami ng mga buhay na watusi. Marahil naisip nila na talaga ngang masama ang sobrang pag-inom at ultimo watusi papatusin mo. Maigi na rin yon, at least naging mabuting ehemplo pa kami sa mga bata. Nakakatuwa lang at nakakabili na kami ngayon ng isang box ng watusi dahil nung mga bata pa kami, kahit isang balot ng watusi, pahirapan pang bumili. Kailangan maijustify mo sa magulang mo na “worth-it” ang dalawang piso na hinihingi mo para sa isang balot ng watusi, na yun lang ang tanging makakapagpasaya sayo bukod sa baby rocket. Nandyan yung iiyak ka pa at maglulupasay sa kalye para lang mapagbigyan ang gusto mo. Pero ngayon, tignan mo naman. Kahit pa mag-ubos ako ng isang libong piso para lang sa watusi kayang kaya ko. Kaya lang nung bibili na kami ng aming pangalawang kahon ay wala na raw tinda. Putang inang mga bata yon, inubusan kami. Dapat pinagbabawalan talagang mag-watusi ang mga bata eh. Hindi nila naiisip na nagsasayang lang sila ng pera sa pagbili ng mga walang kapararakang watusi na yan. E pano na lang kung malason pa sila, e di mas dagdag gastos pa yan! Ang mga bata talaga ngayon, ang titigas ng ulo! Hindi na mapagsabihan!





Alak pa !!!

flavoured-kapote

Magpapasko na naman. Isa sa kakabit ng pasko ay ang gastos. Wala na tayong magagawa dun. It’s part of what we are celebrating. Pero kahit sa isang banda ay nabutasan ka man ng bulsa, ang importante nakapagpasaya ka ng ibang tao. At hindi ko rin alam kung bakit ganito ang panimula ko sa blog ko na to. Wala naman akong balak mag-kampanya sa May 2007 elections, kung magkakaroon.




Kamakailan lang ay sumambulat na naman ang galit ko dahil sa mga walang ka-kwenta-kwentang mga kagaguhan na ginagawa ng mga kupal na nasa congress. Dala na marahil sa pagpapatakbo sa kanila ng pinakakupal na pulitiko sa kanilang lahat, ang presidente a.k.a pasimuno. Sa totoo lang nakakapikon na Makita ang mukha ni de Venecia sa TV. Mukha na siyang cartoon character. Pero hindi nakakatawa ang itsura kundi nakakapikon.




Pero kahit na pinapainit ng mga gagong kongresista ang ulo ko, kahit papano ay may pambawi naman at naiibsan ang galit ko. Bumaba na raw pala ng 50 centavos ang pasahe sa jeepney. As usual, ako na naman ang pinakahuling taong nakaalam ng balitang ito. Lunes nang ipatupad nila ang bawas sa pamasahe. Nagbayad ako ng pamasahe at, maya-maya’y napansin kong nakatingin na ang halos lahat ng nakasakay sa jeep na yon sa aking maamong mukha. Sa tingin ko nagwapuhan lang sila, pero maya-maya pa ay parang mga galit na sila at bumubuka na ang mga bibig nila ng walang lumalabas na salita. Naalala ko na naka-earphone pala ako at patuloy na bumibirit ng “Kapag Tumibok ang Puso” si Donna Cruz sa aking iPod. Inalis ko muna sandali ang nakapasak sa tenga ko upang mapakinggan ang sinasabi ng aking mga bagong taga-hanga. Yun pala ay pinapagalitan nila ako at P7.50 pa rin ang ibinayad ko sa halip na P7.00 lang. Damang-dama ko ang galit nila at sabay-sabay nilang sinasabi sa akin na P7.00 na ang pamasahe. Nagtataka lang ako dahil kung magalit na lang sila sa akin ay parang “heinous crime” na ang ginawa ko. Inaabangan ko na lang na kumuha sila ng malalaking bato na galing sa mga bag nila at ipupukol nila yon sa akin hanggang sa dumugo ang ulo ko at mamatay ako, pero hindi naman yon nangyari. Nag-sorry na lang ako ngunit sa pagbaba ko ng jeep nararamdaman ko pa rin ang sama ng tingin nila sa akin. Hindi na ko lumingon dahil baka may bigla pang maghagis ng kutsilyo upang patayin ako dahil sa karumaldumal na ginawa kong yon. Sa susunod, kapag sasakay na ko ng jeep, kailangan ko nang mag-life vest para mas safe.




Napagtanto ko na naubusan na pala ako ng stock ng aking “flavoured-kapote.” Kaya ko naalala ito dahil magba-bagong taon na at nalalapit na ang panahon ng “putukan.” Napadaan ako sa isang branch ng 7-11 at napagisip-isip ko na pagkakataon ko na to para makabili ng sandata. Nang nasa counter na ko, nakita kong babae ang cashier at ang kasunod ko sa pila ay isang kolehiyalang naka-puti pa ang suot. Nahiya ako at sa halip ay bumili na lang ng isang kahang yosi, kahit na dalawang stick pa lang ng yosi ang nababawas sa isa pang kaha na nasa aking bulsa. Bad trip! Lung Cancer ito.




Panahon na naman ng mga parties, pakiramdam ko alak na ang nananalaytay sa aking mga ugat at hindi na dugo. Marahil kung tunay nga ang mga vampires, pag ako ang nabiktima nila, malas lang nila, dahil baka mapatay sila dahil sa kalasingan. Hindi na rin nakakatuwa ang dumaraming tao na pumupuna ng pag-lapad ko. Gusto kong sabihin na wala akong pakialam dahil pasko ngayon. Ngayon lang ‘to at talagang overflowing ang food and drinks. Ang importante masaya. Wala pa akong natatanggap na regalo maliban sa bigay ng Boss ko (RGV) na Brownies at ang figurine na bigay ni Gabbie. Pero kung magbabalak ka na bigyan ako ng regalo, kahit isang box “flavoured-kapote” baka pwede na. Samahan mo na rin ng pag-gagamitan.

lanca perfume

Hindi ako lasing. Ni hindi nga ako nahilo pero parang lasing ako…Teka. Parang understatement kung gagamitin ko ang salitang lasing. Parang lango ako sa alak! Sa inuman malimit tahimik lang ako, pero sa particular na inuman kagabi…I spilled the beans! Although ako lang at si Gabby (naks!) ang magkasama sa inuman session na yon at hindi naman quatro-kantos ang tinitira namin pero parang yon ang iniinom namin dahil sa mga pinag-gagagawa at pinag-sasasabi namin ng gabing yon. Patuloy ang batuhan ng mga Quotable-quotes. Malamang kung kasama lang namin ang may ari ng website ng “wikiquote,” baka may article na kami don. English was the primary language ng gabing yon. Alam ko sa sarili ko na kapag mas fluent akong mag-english, mas lasing ako. Pero hindi nga ako lasing. Leche! Siguro dala na rin yon ng hindi namin pagkikita ni Sitti.



Kaya pag-gising ko ngayong araw na ‘to, parang ayaw ko nang bumangon. Bukod sa “bed-weather-morning,” tinatamad na ko bumyahe. Pero dahil naisip ko na sayang rin ang isang araw na kita, at kailangan ko talaga bumangon sa pagkakahiga dahil natatae na rin ako, naisipan ko na rin na lumuwas ng kamaynilaan upang pumasok sa opisina… Kahit late NA NAMAN ako. On my way to the office, kung hindi ako nakakasabay kila Sir Jojo at Mam Juliet, sumasakay ako ng MRT upang tahakin ang EDSA. Pipila na ko sa hagdan paakyat ng may biglang sumingit sa pila ko. Magmumura na sana ako non pero pag tingin ko sa sumingit sa kin, hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko tumigil ang oras at tinutugtog ang kanta ng Carpenters. “Why do birds, suddenly appear, everytime, you are near” (at may kasamang huni ng mga ibong maya) Dream girl material! Kung hindi ako nagkakamali, matangkad lang ako ng mga 1 or half inch, hindi sya sexy…She’s damn hot. Hindi ko na nga lang nasundan dahil late na nga ako at pipila pa sya, ako may stored value ticket na. Naisip kong kunin yung address nya para maregaluhan ko siya ng stored value ticket para sa pasko. Pero saka na lang. Darating din ang araw at magpa-pandale rin kami…



Sa aking pagsakay, gaya ng inaasahan, si Mariah Carrey sa tugtuging “Joy to the World” na naman ang bumibirit sa background. Hindi ko alam kung coincidence lang o sadyang walang ibang CD na maipatugtog ang mga taga-MRT. Gusto ko sanang puntahan yung office nila at gumawa ng special offer na magsu-supply ako ng CD’s na may maayos na tugtog sa halagang mas mura sa aking presyo sa lugar namin, provided na bultuhan ang kuha nila (Calling: VRB Chairman Manzano). May dalawang bakla nga sa may bandang dulo at pilit na sinasabayan ang bawat kulot ng birit ni Mariah. Marahil ay araw araw rin silang sumasakay sa MRT at nasaulo na nya ang detalye ng pag-galaw ng lalamunan ni Mariah upang makanta nya ang kantang yon. Mabuti pa nung mga unang araw ng “MRT Radio,” puro mga Bossa sounds pa ang tinutugtog kaya maganda ang takbo ng biyahe ko.



Nagtataka lang ako kung bakit paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko ang kantang Lanca Perfume ni Sitti kahit hindi ko pa naririnig simula nitong araw na’to. Patuloy lang ang pag-tugtog nito sa utak ko. Paulit-ulit lang. Wala na kong paki-alam kung anong ibig sabihin ng lyrics ng kantang ‘to basta nasasabayan ko kahit papano ng walang tugtog, achievement na to. I deserve a date with Sitti. Baliw na ata ako. Siguro dala na rin yon ng hindi namin pagkikita ni Sitti. Leche.

love scene

It’s fuckin’ Monday morning once again. Kaya eto na naman ang the so-called “Monday Morning Sickness.” As for my typical Monday morning, late na naman ako. Teka, wala nga palang pinipiling araw yung pagka-late ko. Sa palagay ko, this pay-period ang record breaking ko pag dating sa late. Sa tantsa ko mga 5 hours na yung accumulated late ko for just 15 days. Ika nga nila dito sa office, “Basta sume-sweldo ka, ok lang.” Ang totoo nyan wala pa rin talaga akong contract. Or meron siguro pero hindi ko lang alam kung existing pa rin. Which takes me back sa sinabi ng kasama ko dito. “Basta sume-sweldo ka, ok lang.”



Kasalukuyang nag-iisa ako dito sa opisina ng joint venture. Kung sa bagay naman kahit may kasama ako parang wala pa rin akong kasama. Minsan magugulat na lang ako may kasama pala ako sa opisinang ‘to. Sinadya kong hindi buksan ang ilaw dahil sa magiging alive ang atmosphere. Tsaka at least kahit papano sa unang sulyap parang walang tao dito sa office na to. Pumupunta dito yung mga taga kabila para manood ng “Prison Break,” pero hindi naman kami ganon ka-pasaway. Nanonood lang kami kapag lunch time.



Tinignan ko yung stats ng isa kong website. Naging best seller yung “the part of that love scene that was never shown.” Tsk tsk tsk! Mga manyakis talaga. Hindi ko alam kung bakit yun ang pinaka best seller pero siguro dahil na rin sa title na ginamit ko. Kung nagtataka ka kung anung meron dun sa palabas na yon, check the title. It’s “the part of that love scene that was never shown.” Literal! Less the insertion of course, but it’s the movement that they did kaya ki-nut ang eksenang yon.



Pupusta ako marami ring magbabasa ng walang kakwenta-kwentang blog na to dahil sa title na ginamit ko! Mga… mga… malili….!!!



Obvious ba na wala na naman akong magawa? Hayaan nyo na! Wala na rin naman kayong magagawa! Nabasa nyo na eh. Wala lang.