veisalgia

Nagdaan ang January 17, 2007 na parang isang pangkaraniwang araw lang. Gumising ako ng mga bandang 3:00 PM at parang may concrete drilling na nagaganap sa ulo ko dahil sa “Veisalgia. (a medical term for what laymen knew as “hangover” due to excessive alcohol drinking, came from the Norwegian word for "uneasiness following debauchery" (kveis) and the Greek word for "pain" (algia) ) ” Martes pa lang nagkayayaan na sa opisinang mag-inom. “Salubong” ika nga nila.




Pag-gising ko, may kulang-kulang limang message ang cellphone ko. Gaya ng inaasahan, pagbati ang nilalaman nito. Sa totoo lang hindi na interesanteng idetalye pa kung ano ang mga sumunod na nangyari pagkagising ko dahil wala akong ibang ginawa kung hindi manood ng Grey’s Anatomy at kumain ng fried chicken na niluto ni inay. Para daw sa kaarawan ko, kasama ng sa tingin ko ay kalahating kilo ng pansit. Inay! Salamat ng marami. Mahal na Mahal ko kayo!





Sa kabuuan may isang dosena rin siguro ang bumati sa akin ng araw na yon. Mga lima siguro dun ang tinext lang ng ibang nakaalala para maalala rin nila kung anong okasyon meron sa araw na yon. Pero dapat hindi sila counted dahil hindi sila “naka-alala,” may "nagpaalala" lang sa kanila at yon ay isang form ng “cheating.” Sa totoo lang nalungkot ako sa “DAMI” ng nakaalala ng kung anu mang meron sa araw na yon. Ikinatuwa ko na lang dahil kahit papano ay nagawa ng nanay ko na ipagluto ako para sa araw na yon (dahil tinext ko siya nung bisperas upang sabihin na hindi ako papasok kinabukasan. Nagtanong lang sya kung bakit at sinabi kong ‘birthday leave” kaya niya siguro naalala na birthday ko kinabukasan), nung isang taon kasi halos tatlong araw na ang nakalipas bago pa naalala ng nanay ko na nagdaan na pala ang Birthday ko. Marahil sa dami ng kailangang isipin.





Upang hindi ko maisipang maglaslas na lang ng pulso, naki-birthday na lang ako sa ibang bahay kinagabihan. Kasama na rin ang ilang mga kaibigan mula sa kolehiyo.





Kinabukasan at dalawang araw matapos ang araw na yon, may bumabati pa rin. Dalawa sila. Huli man daw at magaling, Wala akong paki-alam. Late pa rin! Kaya nga Birthday e. birthDAY! Hindi birthdayS! Hindi rin birthWEEK! Isang araw lang ako iniluwal ng nanay ko, hindi dalawang araw, hindi isang linggo! Pero wala na rin naman akong magagawa dun. Kaya minabuti ko na lang na huwag manlibre (pwera sa opisina dahil mga boss ko na ang nag-udyok, mahirap mawalan ng hanapbuhay, salamat sa mga taga H.R. na nagpaskil ng Birthday Celebrants sa Bulletin Board ng opisina na kitang-kita ng lahat ng empleyado) sa kahit sinong nilalang, nakaalala man o hindi. Paano ka naman gaganahang manlibre non kung yung mga papainumin mo at gagastusan mo e hindi ka man lang naalalang batiin sa Birthday mo? Tsk tsk tsk… Buhay nga naman!




Kung sa nabasa mong ‘to ay na-guilty ka, in any way. Uhhmm, makipagareglo ka sa konsensya mo. Ok lang bumati pero mahiya ka na rin dahil sa kasalukuyang isinusulat ko ‘to, tatlong araw na ang lumipas sa dapat sana’y araw na binati (“greet”-maigi na yung may translation, bastos ka kasi!) mo ko! Hayaan mo, sa araw na mamamatay ka, ako ang unang unang babati(“greet”) sayo!

kwitis, watusi, piccolo, boga at colored teargas

Hindi ko alam pero bakit sa tuwing World Pyro Olympics e nabubwisit ako at inaabot ako ng kamalasan. Nung first week ng Pyro, namnam na namnam ko yung traffic na dulot nito kung saan inabot ako ng dalawang oras para lang tahakin ang kahabaan ng EDSA magmula sa Megamall hanggang sa Baclaran. Kung tutuusin yung biyaheng dalawang oras ay mula na sana sa office hanggang sa bahay, pero dahil nga sa kalokohan ng mga taong nais makakita ng paputok, yung dalawang oras ko ay Baclaran lang ang inabot ko.




Nang sumunod na linggo naman, may isang nilalang ang nag-yaya sakin manuod ng finals. Dahil naisip ko na rin naman na nuknukan ng traffic ang mararanasan ko kung uuwi na ako, minabuti ko na rin na sumama upang makapanood na rin kahit papano ng harapan. At dun na nagsimula ang lahat! Maaga-aga akong nakarating don at dahil pagod na nga ako hindi ko na nagawang maglibot pa sa MOA at dumiretso na lang ako sa may likod kung saan gaganapin ang kalokohang palabas. Hayop ang kapal ng tao. Uhhmm, dun to sa labas kung saan walang bayad. Kita mo agad ang dami ng taong may praktikal na pag-iisip sa mga taong nagpagoyo sa organizers at nagbayad ng 100 pesos upang makapanood lang ng paputok. Alas nueve (Español eh!) na at wala pa rin ang palabas, pati na rin ang dapat sana’y kasama ko. Salamat sa Globe, at sa dinami-dami naman ng panahon na mawawalan ng signal ngayon pa! Leche! Ang resulta, naawa lang ako sa sarili ko dahil mag-isa akong kumakain ng chicharon habang ang mga nasa paligid ko ay mga pamilya at magkakaibigan na may picnic set pa na nakalatag sa kalye. Naisip ko na dahil mukhang magiging “ME-time” ang lakad na ‘to, bumili na rin ako ng ticket at minabuting magpauto na lang din sa organizers. Leche! Nakuhaan ako ng 100 pesos. Nang makakuha ng signal, tinawagan ko ang sana’y kasama ko. Pero nasa Buendia pa lang daw. Naknamputa. Mukhang matatapos nga ang gabing ito ng “Sad and Lonely.” Tinapos ko na lang ang palabas at kahit papano’y namangha na rin sa mga nakita ko. Iniisip ko sa palabas ng team-pinas ay mga kwitis, watusi, piccolo at mga pulis na may hawak na boga ang makikita ko, pero hindi naman, mga teargas na may kulay lang ang nakita ko. Sabi ng nakausap ko, (isang mamang hindi ko kilala na nagkukuha ng litrato ng fireworks, wala rin siyang kasama) ‘pinas lang daw ang ganyan kausok, pero pinas ang may pinakamagndang presentation at nakakabingi na pag-sabog… parang boga. Sa totoo lang nanonood lang ako ng bigla na siyang nagsalita. Mukhang opinionated person ang taong ito at gusto ko sanang tanungin ang opinion niya tungkol sa pagpapasikat ni Gloria sa Asean Summit sa Cebu kahit walang pera ang ‘pinas pero minabuti ko na lang tumahimik dahil baka humaba lang ang usapan. Nginitian ko na lang si manong at sabay alis. Baka kasi tanungin niya ko kung ano ang opinion ko tungkol sa pagpapasikat ni Gloria sa Asean Summit sa Cebu kahit walang pera ang ‘pinas at wala lang akong maisagot. Nakakahiya.





Nang pauwi na, hanep ng taong naglalakad papuntang Roxas Blvd. Akala ko may EDSA Revolution uli (dahil nasa EDSA extension kami) pero wala naman. Ala una (Español eh!) na non ng madaling araw at grabe ang tao na nagaabang ng biyaheng Cavite. Dahil traffic naman naisip kong unahan sila at sinalubong ko ang mga sasakyan. Dahil sa pagkanta ni Ding Dong Avanzado ng “Tatlong Bente Singko” sa aking iPod, na-inspire akong umakyat ng fly-over (yung nasa tapat ng Heritage Hotel) hindi ko napansin na sumunod rin pala ang mga gago sakin paakyat ng fly-over. Late ko na na-realize na nakakahiya pala maghintay sa taas ng fly-over dahil pinagtitinginan kami ng mga nasa sasakyan. Hindi na rin naman ako makakabalik dahil nabarahan na ang daan pababa ng fly-over dahil nagsisunuran nga sa akin ang mga tao. Kaya kung may nakita kayong mga tao sa fly-over ng Roxas Blvd. nung Sabado ng madaling araw last week, ako ang pasimuno nun.





Pagkagising ko ngayong umagang ‘to. Na-realize ko na tumanda na naman ako ng isa pang taon! It sucks! Pinilit kong balikan ang lahat ng katarantaduhang ginawa ko nung nagdaang taon. Wala pa atang sampung minuto, napagod na ko kakaisip dahil na-realize ko na wala naman nga pala akong nagawang kalokohan sa nakaraang taon… teka… sa buong buhay ko pala. Sana lang tong susunod na taon, maging mas ok ang lahat. Sa mga nakaalala, salamat. At sa hindi, mga PU*@NG IN@ niyo mamamatay rin kayo!