the return of the flavoured kapote

Nuknukan na ng daming ideya ang natapon galing sa utak ko na pwede ko sanang isulat na blog, ngunit dahil sa walang puknat (bokbok?) na dami ng trabaho na naiatas sa aking tapusin dahil sa bagong project, wala akong kaoras-oras para mag-sulat ng blog. Kung tutuusin hindi dapat ako nagsusulat ng blog dahil sa dami ng nakatambak na paper works na kailangan kong matapos at nakakalat ngayon sa aking working table. Pero dahil may naalala ako sa isa sa mga natapong ideya. Minarapat ko munang tumigil panandali upang maisulat ito.




Parating na ang dalawa sa pinaka-walang kwentang panahon sa kalendaryo. Ang eleksyon at ang Valentine’s Day. Hindi ko alam kung sinong papansin ang nagpauso ng Valentines Day na yan pero sa ngayon wala na kong magagawa kung di huwag na lang pansinin ang walang kapararakang pagdiriwang ng mga tao sa napaka-corny na okasyon (Hindi ako bitter. Ayaw ko lang talaga sa Valentine’s Day). Kung tutuusin wala naman talagang ibang agenda ang mga taong lumalabas sa mga ganitong panahon kundi “sex.” Panigurado patok na naman ang mga motel nyan at pati na rin ang mga upper balcony ng mga sinehan. Bumilang lang kayo ng mga siyam na buwan panigurado tataas na naman ang bilang ng mga Pinoy. Siguradong walang pa-aatubiling sasang-ayon sa akin ang mga taga-National Statistics Office sa teyorya kong ito.




Isa pa sa maaring maging mabenta ay ang mga flavoured-kapote. Paniguradong abot-batok na naman ang gumagawa ng mga produktong ito dahil paniguradong mabebenta ang kanilang mga paninda. Mababawasan na naman ang bilang ng mga punong goma sa mundo. Kung hindi mo pa alam, sa goma gawa ang flavoured-kapote na yan. Nilalagyan lang ng ibang kemikal upang ma-achieve nya ang sarap na dulot ng sex. Kung ayaw mo naman ng mala-gomang pakiramdam, gumamit ka na lang ng polyurethane type na sya namang gawa sa plastic at mas masarap gamitin kesa sa latex, na gawa sa goma.




Tutal naman naisingit na ang goma sa usapan, isang umaga, nabuwisit ako sa napanood ko sa t.v. Si goma, nangangampanya sa isang pang-umagang palabas. Anak naman ng puta. Kakagising mo pa lang, isang trapo kaagad ang kaharap mo sa telebisyon, nagsusumamo sa boto ng kanyang mga movie fan. Nabalitaan kong tatakbo sya sa bandang Bulacan, pero hindi ata nakuntento at nag-withdraw ng candidacy for local election dahil tatakbo bilang senador. Isama mo pa si Pacman na tatakbo for a local position sa Gen San sa kabila ng pag-tutol ng kanyang ina. Anak ka ng puta! Nanay mo na ang kalaban mo tinalo mo pa! Ano bang meron sa pgka-politiko at nagkakandarapa ang lahat na maka-takbo. Napakarami namang track and field dyan para tumako, bat kailangan sa eleksyon pa.




Karamihan ng mga nais pumasok sa politics ay iisa lang ang dahilan, ang makatulong. Ang mga hayop na to! Ang lakas man-loko. Kung tumulong na rin lang naman ang gusto nilang mangyari eh bakit hindi na lang sila mag-pagawa ng superhero costume tapos isuot nila araw araw. Mas magiging effective siguro kung magfo-form sila ng isang grupo. Mala-Justice League. Tutal wala na rin namang mapapanood sa primetime t.v. dito sa pinas kundi mga superhero themed at mga fantaserye na shows. Panigurado patok yang mga yan. Tataas pa siguro ang rating natin sa pananaw ng mga taga World Bank…




Mabuhay ang Pinas…

battery operated

Lintek na mga politiko talaga ‘to. Mukhang simula na ng pagpapakalat ng kanilang mga mukha sa bawat poste ng Meralco at sa bawat Waiting Shed nila na nagkakahalaga ng Limang Milyong Piso. Bakit ba hindi na lang nila ipamigay sa mga nangangailangan ang ginagastos nila sa mga basurang campaign materials na yan. Ay shit! Oo nga pala. Wala nga pala silang kakayahang mag-isip ng mga ganong bagay. Lunes ng umaga, unang araw ng linggo. Pagkalabas ko ng aming subdivision mukha agad ni Manny Villar ang tumambad sa mukha ko. Kaagad na nasira ang araw ko at pakiramdam ko naubusan ako ng enthusiasm para sa buong lingo. Ang resulta, nakatulog ako sa bus at pag-gising ko, nasa Buendia na ko. In other words, lumampas na naman ako.

Gaya ng inaasahan, siksik, liglig at umaapaw ang trabahong naka-abang sa akin sa opisina. Pagka-upong pagka-upo ko pa lang sa lugar ko, dagsa na ang mga fans upang magbigay sa akin ng trabaho. Hindi pa man din sumasapit ang alas dose ng tanghali pakiramdam ko alas otso na ng gabi dahil sa dami ng ipinagawa sa akin. Kulang na lang ipalinis sa akin ang banyo ng opisina at ipakolekta ang lahat ng basura dito at pagkatapos ay isunod ang paglalampaso ng sahig. Kung may pwede lang magkabit ng baterya sa likod ko para makadagdag ng lakas bakit hindi. Kung yun lang ang tanging paraan upang magkasama kami… Teka… Mali ata. Kung yun lang ang paraan upang matapos ko ang lahat ng pinagagawa sa akin bakit hindi? Sa ngayon kape na lang muna ang nagiging gasolina ko para sa buong araw.

Maraming nagtatanong kung kamusta daw ang concert ni Sitti nuong Sabado. Para sa inyong ikagugulat, HINDI AKO NANOOD NG CONCERT! Unang-una, Valentine concert yon kaya awtomatikong hindi ko talaga yon papanuorin dahil ayokong ma-involve sa kahit na anong konektado sa Valentine’s day. Ikalawa, magmumukha lang akong gago kung manunuod ako ng concert na may kasamang dinner at bottle of wine kung ako lang ang mag-isa sa isang table for two. At ikatlo, wala akong pera. Kung hindi ako nagkakamali, nasa bahay lang ako at ni hindi ko naisip na may nagaganap nga palang konsyerto ni Sitti malapit sa amin. Pero ok lang naman, dahil pagkatapos ng concert niya, nagpunta na lang kaming dalawa sa ibang lugar upang makapag-solo.

taon ng kababuyan

New year na naman. Ito ang pinaka-tamang panahon na gumawa ng mga kasinungalingan…mali, resolutions pala, na sigurado namang aksaya lang sa panahon dahil siguradong hindi rin naman matutupad. Pero dahil uso at napapanahon, hindi maaaring magpahuli tayo. Gumawa na rin ako ng sarili kong listahan at napagpasyahan kong isulat na rin dito upang magsilbing gabay niyo sa kung ano man ang gusto kong mabago sa sarili ko ngayong taon ng kababuyan (year of the pig). Inaatasan ko ang mga concerned citizens na kahit papano ay maging Sgt. At Arms (hindi ko alam ang tamang spelling ng sgt. Kaya abbreviation na lang ginamit ko. Since elementary naman ganyan na ang spelling nyan diba? Hwag na nating baguhin ang tradisyon.) sa implementasyon ko ng mga kalokohan na to.





Pumasok ng maaga sa opisina. Iiwasang ma-late kung kakayanin. (ngayong umaga, 7:00 am pa lang nasa office na ko! To start the year right! Naks! Puta ang hirap gumising ng maaga!)
Magiging mas masipag sa opisina at susubukang bawasan ang pag-iinternet sa oras ng trabaho (FYI, ginagawa ko tong blog na to sa oras ng trabaho dito sa opisina).
Ihihiwalay ang gawaing opisina sa gawaing bahay. Ang sa office ay sa office lang. Pwera na lang siguro pag may nagpapaburn sa kin ng mga kanta sa bahay. Dito ko na lang ida-download sa office kasi mas mabilis.
Magbabawas na ko sa pagkain ng kanin (no comment)
Magbabawas na ko sa softdrinks (last year nasimulan ko na ‘to. Water theraphy. Every weekend na lang ako nakakapag-softdrinks pero this year sisikapin ko na ma-phase-out sa system ko ang softdrinks).
Magbabawas na ko ng yosi (isa pang no comment, ngayong legal na ko magyosi, ewan ko na lang kung may katuparan pa to).
Hindi na masyadong magiging mainitin ang ulo (sa itaas).
Magbabawas ng gastos para maka-ipon (pwera na lang siguro kung sa inuman).
Magbasa ng mga bagong libro.
Magbawas ng galit sa mga pulitiko (iaasa ko na lang sa Diyos ang balik ng Karma sa mga Hayop na yon, mga putang ina nila).
Magsagot ng isang problem kada isang araw (para hindi lumutin ang utak ko! Sa totoo lang derivative ng “x” at ang proseso ng mohr’s circle hindi ko na masyadong matandaan).
Hindi na ko manonood ng mga pelikulang tagalog (pwera na lang siguro kung ma-nominate yon sa Oscars o di kaya’y may eksenang hubad si Francine Prieto).
Kikilalaning mabuti si Evelyn (putang inang evelyn ‘to, sino ba yon?).
Bawasan ang coffee (napansin ko na isa sa malaking gastos ko ay ang kape, sumunod sa pag-kain).
Bawasan ang panlalait sa kapwa (nabasa nyo ba ‘to?)
Hindi na ko bibili ng mga Magazines (mas madami sa internet, uulitin ko, pwera na lang siguro kung may kuhang hubad si Francine Prieto).
Tumutol sa konsepto ng Pre-martial sex (para sa akin kasalanan ito! Tao lang ako… Makasalanan).
I-reistablish ang paniniwala sa Diyos.
Bawasan ang kayabangan (hmmm….)
Hindi na magiging masyadong mahiyain (tanong niyo kay NTP!).
Maghahanap ng mga paraan upang mas mapadali ang buhay (it’s not easy, to be me)
Magbawas ng pagpe-Friendster at Multiply. (ows, cammon!)
Iiwasang maging “impulsive-compulsive buyer” (pakihanap na lang sa dictionary).
At higit sa lahat… Hindi na ko mag-iinom! (ulol!!!!! Siguro occasional na lang. Yung pag may binyag, kasal, lamay, 40 days, birthday, pasyon, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo, at iba pang araw na pwede i-celebrate).