save the cheerleader, save the world

Save the cheerleader, save the world! Yan ang mga kumakalat na mensahe ngayon sa e-mail at sa mga text sa mga sumusuporta sa cheerleader na nasa loob ng bahay ni kuya. Marahil dala na rin sa estado ng pamumuhay nila Gee-an (o kung ano pa man ang spelling ng pangalan nya), kaya may resources sila sa pagti-text brigade at e-mail invasion. Leche! Ang mga mayayaman nga naman oh.

Patungo na ko sa aking trabaho sa normal na late na oras nang maisipan kong sumakay ng MRT kapalit ng nakasanayan na bus. Naisip ko kasi na masyado na kong late kaya nahiya ako kahit papaano ay inagahan ko ng kahit mga 15 minutos. Nakatapat ko sa MRT ang isang babae na may suot na statement shirt. Sa kapanahunan ngayon nauuso ang ganong uri ng shirt. Gaya ng nilalaman ng pangalan, “statement shirts,” may mga statement na nakalagay kadalasang sa harap nito. Mabalik ako sa kwento. Nabasa ko ang nakasulat sa shirt ng babae “More than just a pretty face.” (babala sa mga miyembro ng humanitarian advocacy groups. Ang susunod na eksena ay maaaring makapagpataas ng inyong presyon). Hindi ko napigilang tumawa nang makita ko ang mukha ng babae. Maaaring sabihin mo na hindi ako makatao pero ganun talaga ang nangyari ng makita ko ang taglay na mukha ng babae. Lumabas ang laway ko sa ilong sa pagpipigil ng tawa. Napansin ko na lumayo sa akin ang nakatabi ko sa upuan. Marahil natakot sa mag-isa kong pag tawa. Minsan naiisip ko tuloy na dapat magkaroon ng panukalang batas sa pagsusuot ng mga statement shirts na nagsasabing sa mga karapat-dapat lamang mapunta ang mga damit na ito.

Pagbaba ko ng tren, nakasalubong ko agad ang isang babae na may suot din ng kaparehong uri ng damit ngunit iba naman ang sinasabi. “Live with Fashion if that is your Pashion.” (Nakakatawa ang pag-pula ng salitang “Pashion” dito sa Microsoft Word. Galit na galit!) “Passion” siguro ang nawawalang word pero malaking-malaki ang nakalagay na print… “Pashion” Kung anu man ang nais ipahiwatig ng mensahe niyang yon, hindi ko na alam. Marahil katapusan na ng mundo. Nahirapan ata akong i-decipher yon!

Nagba-browse ako ng profiles sa friendster. Nang sumambulat sa screen ang magka-akbay na picture ng mag-syota bilang primary photo. Nakasakay sila sa isang banka. Yung bangka ng mga mangingisda. Nang makita ko ang caption, “Baby let’s cruise” bumaligtad ang tiyan ko. mukhang akala ng mag-syotang yon nasa isang cruise ship talaga sila. Nang makita ko ang kanyang shout-out, “I love it when we’re cruising together”, hindi ko na napigilan! Tangina iba na yon!

Salamat sa’yo Jing at nagawa ko ‘tong blog na ‘to! Salamat sa tip!

in-love = katangahan

Bakit nga ba minsan may nagagawang katangahan ang mga tao pag dating sa simpleng issue ng pag-ibig? Minsan hindi na pala natin namamalayan na wala na tayo sa realidad. Nawawala na ang sentido komon (common sense). Simpleng bagay na alam naman natin na kahit pag-bali-baligtarin man ang mundo, wala talaga… hindi talaga pwede.

Katigasan ba ng ulo? Hinde eh. Makulit? Hindi rin siguro. Nasa normal at tamang pag-iisip naman, alam na walang katuturan ang ginagawa. It’s all rubbish. Pero siyempre, sige pa rin, nagbabakasakali na makikita ang effort at pagti-tiyaga, baka sakaling makalusot. Baka sakaling may pasang awa dahil sa kasipagan.

“There’s always that one person who will always have your heart, you will never see it coming ‘coz you’re blinded from the start”
-usher “My Boo”

Sa kabila naman ng pagpu-pursigi, na kahit nga papunta sa wala ang lahat, sige pa rin. Siguro yung ideya lang na nandito lang, pakalat-kalat lang sa paligid. “No Touch” kumbaga. Makita lang solved na. Hindi lang pala solved, high pa! Malupet no? kung iisipin, wala namang espesyal o kakaiba sa kanya, pero ganun talaga.

Tapos may makitang masakit para sa sarili, sige pa rin. Lupet talaga. Makagawa man ng kasalanan, naiisip pa lang, napatawad na. Ganun talaga eh, bawat kilos nya tama, bawat galaw niya tama, lahat sa kanya tama, kahit alam mo na na mali, para sayo tama pa rin. Fuckin’ shit! Iba talaga ang tama!

“hwag kang mag-alala, di ako luluha, kung may kapiling kang iba, ‘di na pipilitin pa itong damdamin ko sa’yo medyo maninibago, pero ayos lang sa ‘kin ‘to.”

-soapdish “Pwede ba?”

May panibago akong dictum: “Ang nagsasasama sa taong senti, ganito ang nangyayari!”

ocean's disaster

Dahil sa bagong pangyayari sa buhay ko, napag-pasyahan ko na magpahinga muna dahil malamang kung hindi ko ito gagawin, baka sumuka na ko ng dugo. Napagisipan kong manuod na lang muna ng pelikulang Oceans's Thirteen. Panatiko ako ng mga ganitong uri ng pelikula kaya nung malaman kong palabas na ito sa sine ay agad akong nanood. Kumpara sa mga nagdaang Ocean's, gaya ng mga ibang pelikula na may sequel, pinaka-maganda pa rin ang una. Marahil ay dahil sa bandang kalagitnaan na ng storya ako nagsimulang manood kaya hindi ko masyadong na-appreciate ng maayos ang palabas. Upang maintindihan ko ang palabas, inulit ko ulit ito sa umpisa.

Last full show na pala ang kasunod na lumabas at natural lang na magkaroon ng Pambansang Awit. Hmmm. Parang pamilyar ang nasa big screen... Mga artista ng ABS-CBN, anak ng tipaklong, television invades the big screen!

Trailers, isa sa mga inaabangan ko kapag nanunuod ng sine. Dito ko kasi nalalaman kung ano ang kaabang-abang na pelikula. Ipinalabas ang trailer ng ubod ng corny at nakakatawang suspense drama flick na may salitang hapon. "Sinking of Japan" ang pamagat. Hindi ko alam kung sinong nagmamarunong na producer ang nagsugal ng mukhang malaki-laking pera upang mag-materialize ang pelikulang ito pero isa lang ang masasabi ko rito, Good luck na lang sa'yo pare ko!

Kapag ako lang mag-isa ang nanunuod ng sine, hangga't maaari, ayoko ng may katabi. Ngunit minsan, kung maganda ang palabas, maraming nais manuod at di maiiwasang may makakatabi ka. Nang makahanap ako ng puwesto, isang grupo (tatlo sila) ang tumabi sa akin, nakita ko na sila nung paparating pa lang. Nagkatinginan kami ng isang babae na kasama nila at nakitang may tatlong bakanteng upuan sa tabi ko kaya naisip na lang nila siguro na umupo na lang sa tabi ko. Sige, let's give them a chance sabi ko sa sarili ko. Harry Potter and the Order of Phoenix ang sumunod na trailer. Biglang nagsalita ang isang lalaki sa gitna nila at nagkuwento na matagal na raw niyang hinihintay ang pelikulang yon at nagkuwento ng kung anung mangyayari sa palabas na yon. Agad naman itong sinabayan ng kuwento ng dalawa pang kasama nya at nuon din ay nagkaroon ng mumunting Quiz Bee ng Harry Potter sa sinehan. Putang ina! Nagpanting ang tenga ko at sinabihan ang babae na katabi ko (yung nakatinginan ko kanina) na: "Miss, pwede pakisabi sa mga kasama mo na wala kayo sa bahay. Maingay kasi e. Sayang yung 130 pesos na binayad ko sa sinehan kung puro boses nyo ang maririnig ko." Sa puntong yon nagyaya ang kinausap ko na lumipat ng pwesto. Maya-maya'y tumayo sila at isinigaw ko, "Thanks!"

Nakaka 20 minutos na ko sa panonood nang may pumwesto sa helera ko, isang upuan ang pagitan sakin, na magsyota o mag-asawa o mag-kalaguyo o kung anu man. Makaraan siguro ang limang minuto ng pagkakaupo nila, maya-maya'y nagsimula na sila sa milagro nila. Halikan dito, Halikan doon. Dinig na dinig ko ang bawat "tsup" na pinakakawalan nila sa isa't-isa. Hindi ko na natiis at sinabi kong, "Sir, pwede??" sabay turo sa ipinalalabas sa malaking telon sa harap namin. Agad naman silang nagpaubaya at nanahimik sa panonood, marahil napahiya ang dalawa. Nagtuloy na ko sa panonood kahit buwisit-na buwisit na ko sa mga nangyari. Maya-maya'y may humihilik na sa paligid ko! Sinaniban ako ng masamang espiritu at nasabi ko na lang "Man, you've gotta be kidding me!" (yes, foreigner ang masama kong espiritu. nagi-inglish ng dire-diretso yan kapag nagagalit!) sabay tingin ng masama sa dalawang mag-syota sa tabi ko, nanunuod ng mataimtim ang lalaki at saka ko napagtanto na ang babae pala yung naghihilik. Umepekto naman ang binitawan kong salita at agad-agad silang lumipat ng upuan, sabay sabi ng "thanks!"

Lalong hindi ko ma-appreciate ang pelikula. Bwisit. Gusto kong bawiin ang binayad ko. Dapat 30 pesos lang! Asar! Mamamatay rin ang mga yon!

somebody save me

Inabot ako ng tanghalian sa daan habang papasok ako ng trabaho kaya’t naisipan kong kumain muna bago tuluyang sumabak sa initan. Nasa MRT Ayala Station na ko at ang maayos-ayos na kainan don ay ang Kentucky Fried Chicken. Tinanong ako ng cashier nang may nakaka-inis na boses (boses k*ki ika nga nila ) kung ano ang order ko. Sinagot ko siya ng tanong na “Anung available chicken parts niyo?” Sa totoo lang nakaugalian ko na ang tanong na yan sa tuwing umo-order ako ng manok sa kahit anong fastfood. Agad nya kong sinagot ng isa pang tanong na “Sir, Original or Hot and Spicy?” Sinagot ko, ”Original.” Sinabi niyang thigh and wings lang daw ang available. Nung mga sandaling yon, pakiramdam ko kailangan kong lumamon kaya nag two piece chicken meal ako. Maya-maya’y hinainan ako ng isang thigh at isang wing. Tinanong ko ang cashier kung pwedeng pakipalitan ang wing part na ibinigay niya sakin at sinagot niya ako ng “Sorry sir, one big and one small part lang po sa chicken.” Nang mga panahon na yon gusto kong maging isang taong nuclear at sumabog na lang bigla upang masunog ang buong branch ng KFC na yon at malusaw ang cashier na nasa harapan ko. Bago at weird para sa akin ang patakaran ng branch na yon ng KFC. Hindi ba “The Customer is Always Right?” Yan ang turo sa atin ng ating E.P.P. (pronounced as e-pa-pa) teacher nung elementary, kung hindi ako nagkakamali? (Edukasyong Pangtahanan at Panglipunan para sa mga hindi nakakaalam at para sa mga hindi nakaabot sa subject na ito nung elementary).

Sinaniban ako ng aking masamang katauhan (halata bang nanunuod ako ng Heroes?) at inisip na maghiganti sa maliit na paraan. Pambubwisit lang kumbaga. Kapag kumukuha ako ng extra gravy, nakaugalian ko na na buksan ang takip upang makapag-flow ang gravy. Nang mga sandaling yon, nagulat na lang ako ng natapon ng todo ang gravy. Natapon sa buong counter. Nakita ako ng ibang mga nakapila at ng ibang mga cashier. Pinilit kong makita ako ng cahier na pinagbilhan ko at sa kanya ako nagpa-assist. Mukhang nakiayon naman sakin ang ibang mga tao sa counter at talagang hindi na siya tinulungan at halatang umiwas sa tawag ko. Nang mga sandaling yon ay may hawak siyang drink ng isang customer at nung ilalapag na nya yon sa tray ng customer bigla iyong natapon. Napatigin sya sakin at ngumiti na lang ako at sabay turo sa naitapon kong gravy sa counter at saka umalis. Gumagana na rin pala ang kapangyarihan kong makapagpagalaw ng mga bagay. Nang mapagtanto kong nakaganti na ako, at matapos ang paglamon sa dalawang manok, umalis na ko at nag-teleport. Hinding-hindi na ko babalik sa lugar na ‘yon.

boy kabado

Just finished reading the latest book of Bob Ong entitled Mac Arthur. At kung bakit straight English ang una kong sentence, I do not know. Trip ko lang siguro. Kwento ito nina Voltron, Jim, Noel at Cyrus. Sa totoo lang nakakagulat ang Bob Ong na ipinamalas ng babasahin na ‘to dahil “murky” ang nobelang ito. Not your usual Bob Ong kumbaga. Kung ineexpect niyo na tatawa kayo dito gaya ng mga nakaraan nyang libro, nagkakamali kayo. Maganda ang panulat na ‘yon ni Bob. Sa totoo lang nakakagising. Rekomendado ito sa mga kabataan at siguradong may mapupulot kayong aral. Medyo pang matanda nga lang ang ilan sa mga salita ngunit sinasalamin lamang nito ang realidad na nangyayari sa paligid. Kung bakit nagiging masyado akong matatas sa wikang Pilipino, hindi ko rin alam. Na-sobrahan ata ako.

Nakalipat na ko sa bagong opisina ko sa bandang Fort Bonifacio. Walang internet. Unang ginawa ko sa unang araw ko, wala. Nagbukas-bukas ng mga files at kunwari nagtingin-tingin ng mga files. Nakapag-overtime pa hanggang 7:00 ng gabi ng dahil sa paggawa ng wala. Ikalawang araw, nagpakubusog sa siopao na ibinebenta ng ka-opisina. Nabinyagan ko tuloy ang bagong gawang inudoro. Sa buong araw, isa lang ang ginawa ko, wala. May dumating na memo na nagtatalaga sa mga officer-in-charge sa mga susunod na araw na aabutin ng night shift. Isa ako dun, hindi ko alam kung bakit ako nakasama ron pero nakita kong nakalagay ang pangalan ko dun. Wala na akong magawa. Nung una inakala kong kaya ako nailagay sa posisyon na to upang mag-internet lang maghapon ngunit hindi pala. Mas malaki pa sa inaasahan ko.

Sa ngayon problemado ako kung paano gagampanan ang tungkulin na ibinigay sa kin. Wala akong kaalam-alam. Na-bobo na ata ako at nakalimutan na ang apat taon na pinag-aralan sa kolehiyo. Tanging mag-halo na lang ng simento ang alam ko. Isipin mo ang pakiramdam ng isang graduate ng elementarya at biglang pinagtayo ng isang building, ganon na ganon ang nararamdaman ko. Excited sa bagong itatalagang tungkulin ngunit natatakot dahil alam kong hindi ako handa at wala akong alam sa kung anung nangyayari sa paligid.