walang kwentang post

Bigla kong naalala ang kantang ito... Hinanap at dinownload. Habang pinakikinggan, Shet! Sapul!

I refuse to give in to my blues
That's not how it's going to be
And I deny the tears in my eyes
I don't want to let you see... no
That you have made a hole in my heart
And now I've got to fool myself...

I'll get over you... I know I will
I'll pretend my ship's not sinking
And I'll tell myself I'm over you
'Cause I'm the king of wishful thinking...




"King of Wishful Thinking"
Go West, 1990

ipis

Ipis kaya ang tanging pag-asa ng mundo? Minsan naiisip ko bakit hindi kaya pag-aralan ng tao kung paano nabubuhay ang mga ipis sa mundong ito. May nakapagsabi sa akin na ang ipis daw ay nabubuhay na nung primitibong panahon pa. Kung nasa matinong pag-iisip ang nag-kwento sa akin nito, hindi ko na alam. Pero hindi rin naman malabong mangyari ang ganon dahil parang may kakaibang mahika ang lahi ng mga insektong ito.

Golden rule ko sa ipis, lapitan mo na ko, huwag ka lang dadapo sa balat ko, kung hindi, magtago ka na sa lugar na hindi aabot ang tsinelas ko. Hindi ako basta-basta pumapatay ng ipis lalo na kung napadaan lang. Pero kung ginapangan ako, gagawin ko talaga ang lahat ng pwede kong gawin upang siguraduhin ang pagpatay nito. Pero sa tingin ko, malaki na rin ang pinagbago ng isip ng mga ipis (nakakatawa ang phrase na “isip ng mga ipis). Parang kumakapal na ang mga mukha nila at hindi na sila natatakot sa mga tao. Dati-rati kapag may tao ay agad silang tumatakbo upang magtago. Pero ngayon ay parang hindi na. Minsan hindi ko alam kung nakikipag-titigan sila sa akin o nais na nilang sabihin na sila ang susi sa kaligtasan ng sangkatauhan kung sakaling katapusan na nga ng mundo. Naalala ko ang isang insidente na kung saan ay may ipis sa pagkain na naiwan ko sa ibabaw ng mesa. Dahil nga kontaminado na ang naturang pagkain, naisipan kong itapon na yon oras na umalis na ang ipis sa plato. Matapos siguro ang humigit mga limang minuto nag paghihintay, hindi pa rin natinag ang ipis. Ang kapal ng mukha. Naisip kong itapon na ang laman ng plato. Inaasahan kong alis na ang ipis oras na galawin ko na ang plato. Pero hindi nangyari yon. Wala. Hanggang sa malapit na ako sa basurahan, walang nagyari. Kung busog siya hindi ko alam. Kung iniisip nyong baka patay ang ipis na yon, hindi. Gumagalaw ang Antennae ng ipis na yon. Parang nang-aasar pa. Gumalaw lang ang naturang ipis nang nasa basurahan na siya upang umalis. Siguro naisip niya na madumi ang basurahan at madudumihan siya kaya agad siyang umalis.

Siguro nga ipis ang sagot sa lahat. Ipis ang sagot. Ipis lang!

Napanood ko na ang Die Hard 4.0. Siguro dahil nanuna kong napanood ang Transformers kaya napre-empt sa akin ang pelikulang ito. Mas maraming action sequence ang Die Hard na ‘to kaysa sa ibang Die Hard. Malamang dahil na rin sa dali na lang nang paglalagay ng Special Effects sa mga ganitong pelikula. Nadismaya lang ako dahil may mga parte ng pelikula na naramdaman kong parang ordinaryong pelikulang aksyon na pinoy ang pinanonood ko. Ang hindi maubos-ubos na bala ng bida, ang klasikong eksena sa isang abandonadong bodega, ang mahabang pagdakdak ng kontrabida sa bugbog saradong bida, at ang pinaka-pinoy sa lahat… Ang late na pagdating ng mga pulis. Natawa na lang ako nang marinig ang komento ng isang kasabayan kong manood, “Dude! It’s so Pinoy.”

AUTOBOTS... ROLL OUT!!!



Simula nang ipalabas ang pelikulang Transformers hanggang sa araw na ito, tatlong beses ko na 'tong napanood. Addict na kung addict pero ganun talaga. Maya-maya'y binabalak kong muling manood. For the fourth time. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyari at iba ang dating sa akin ng Transformers na 'to. Shet. Malupet na CGI, at tamang insertion ng komedia. Para sa mga late 80's kid na kagaya ko, isang natupad na pangarap ito. Simula sa cartoon version nito noon sa channel 9 hanggang ngayon sa panahon na posible ang lahat sa mundo ng sine. Hindi ko mapigilang mangiti at parang bumalik muli ako sa pagka-elementary habang tinitignan ang mga sasakyan na nagiging robot.

Unang panood ko ay noong 28 ng umaga. Oo, ako ay isa sa mga pinakaunang nakakita ng pelikula sa buong mundo (una pa sa mga kano! bwahahaha!). Napansin ko na mas maraming tatay sa mga manonood kesa sa mga kabataan. Napaghahalata kung sa anung henerasyon sumikat ang naturang franchise. Naramdaman kong tumalon ang puso ko ng una kong marinig ang tinig ni Optimus Prime. T@ng ina ng nakaisip ng mga detalye ng pagta-transform nila. Ang lupet! Nang una kong marinig ang "eeeh aah ooh uhh akk" na sounds, parang gustong tumulo ng luha ko sa tuwa at galak na nararamdaman ko.

Sa pangatlo kong panonood ng pelikula, mas lalo kong na-appreciate ito dahil sa THX cinema sa Glorietta ko ito pinanood (Cinema 6). Nakakalag-lag ng puso ang dagundong ng tunog sa loob ng sinehan. Mas lalo kong naramdaman ang "eeeh aah ooh uhh akk" sounds.

Sige, siguro dito na lang muna. At manunood na ulit ako ng pang-apat na beses.

Oo addict na kung addict! Walang pakialamanan!