a life-changing experience...

Patuloy pa rin ang aking buhay middle-east dito sa site. At kamakailan lang ay may panibagong task na naman ang pinasubok sakin ang aking butihing boss. *(Nakakatawang isipin na habang ginagawa ko ang blog na to ay isang kaibigan ang nag-message sa kin sa YM at tinatanong kung nasa Dubai ako sa mga sandaling ito.)*. Pinaakyat ako ng bossing ko sa isang tower crane para kumuha ng larawan. First time ‘to kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na kunin ang challenge. Para sa mga hindi pa nakakakita ng tower crane, nakalakip sa blog na ito ang larawan ng mismong tower crane na inakyat ko.


Habang papalapit ako sa mismong tower crane, unti-unti kong napapagtanto kung anong klaseng katangahan ang pinasok ko. Pero dahil nga nandun na rin ako at wala nang atrasan ay nagpatuloy na rin ako. Tinignan ko ang crane na may humigit kumulang na may sampung palapag ang taas at sinimulan na ang pag akyat. Nung una ay hindi ko pinansin ang mga landing at patuloy lang sa pag-akyat ngunit narealize ko na wala naman akong pwedeng yabangan kundi ang sarili ko kaya bawat landing na mkita ko ay nagpapahinga na ako. Hindi ko alam kung may bukas na gripo ng pawis nakalagay sa hard hat ko dahil panay ang paglabas nito sa aking ulo at sa buo kong katawan. Nung nasa kalahati na ko ng crane. Biglang gumalaw ito. Yun pala ay kasalukuyan itong may binubuhat.. Kapag nasa ibaba ako at pinanonood ang crane in action ay nakikita ko namang gumagalaw ito pero grabe pala ang lakas kung nasa itaas ka. Nararamdaman ko ang pagkahilo. Gusto ko sanang sumuka pero naawa ako sa mga tao na nasa ibaba. Baka akalain nila ay umuulan ng kanin mula sa kalangitan. Nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat at habang ginagawa yon ay kumakanta na lang ako ng “The Hurt” ng Kalapana sa isip ko. Pampabawas sa tension na nararamdaman ko. Nang nasa taas na ko ay agad ko nang sinimulan ang dapat kong gawin sa itaas at siyempre kinunan ko na rin ang sarili ko.
Ebidensya ng katangahan ko ngayong araw na to. Kumaway ako ng kaunti sa mga fans ko sa baba. Tingin ko sinasambit nila na tanga ako at nasa taas ako. Hinayaan ko na lang sila at ibinigay ko ang pinakamalaki kong ngiti.

Sinimulan ko na ang pagbaba at napagtanto kong mas mahirap pala ang pagbaba kaysa sa pag-akyat. Pero wala naman akong magagawa at bumaba na lang ako. Kaysa naman maglupasay ako don ay bumaba na nga lang ako. Humahapdi na ang mga kamay ko pero wala na rin akong magagawa.
Iniisip ko na lang sana mag-short cut sa pamamagitan ng pagbitaw sa hagdan upang dumiretso na ko pababa ngunit naisip ko na hindi pa pala tapos ang hospital na ginagawa namin kaya malayo layo kung sakaling isusugod ako. Baka ma-dead-on-arrival lang ako.

Isang bagay ang natutunan ko sa experience na ‘to ay marami palang bata ngayon sa paligid na hindi nakakakain ng sapat…. Hmmm. Ewan ko kung tama yon. Nahihilo pa rin ako…

inday...

You know what it's like getting up every morning? Feeling hopeless, feeling like the love of your life is waking up with the wrong man. But, at the same time hoping that she still finds happiness, even if it's never going to be with you.

Masama ang loob ko dahil may schedule ako ng lakad kasama ang mga zens. Kaso, dahil sa trabaho, hindi na kinaya ng lakas ko na pumunta sa gig na yon! Sa mga kasama.. kilala niyo na kung sino kayo! Pasensya! Babawi na lang ako sa susunod!

Nag-aya manuod ang isa sa aking mga housemate ng "Hitch" ni Will Smith. This film is one of my favorites. Kung bakit, isa lang ang sagot dyan.... Nakaka-relate. Ang kaso, hindi nga lang kami pareho ng ending. Yang quote sa umpisa ng blog na 'to ay isa sa linya ni Andrew habang kausap nya si Hitch....

Oo na!!! Ouch!

Dahil sa nakikinita ko na na patungo ako sa depresyon, napagdesisyonan ko na magliwaliw muna sa labas ng bahay. "ME" time kumbaga. Nagpunta ako sa greenhills at nagtingin-tingin sa kung anung meron sa loob ng naturang establishimento. Maya-maya pa'y nararamdaman ko na hinahatak na ko ng mga display. Napagpasyahan kong umalis na at baka hindi na abutin pa ng isang oras ang dala kong pera. Nanuod na lang ako ng pelikulang "Disturbia" at matapos ang palabas ay napagtanto ko na sayang lang ang binayad ko dahil hindi naman maganda ang pelikula. Balik homebase ako at napagisipang mag-internet.

Nakatabi ko ang isang "exotic" na babae na may ka-video conference na kano...

"exotic" n (Pronunciation Key - Show Spelled Pronunciation[ig-zot-ik]) [Origin: 1590–1600; < L exōticus < Gk exōtikós foreign.] - ginagamit ang naturang salita sa may mga hindi kanais-nais na mukha na kababaihan/kalalakihan na nakapagtatakang kinahuhumalingan ng mga banyaga.

Wala naman sanang kaso sakin ang makatabi ang naturang babae ngunit talagang nagpantig ang tenga ko nang marinig ang mga katagang ito sa kanya: *gamit ang malanding tinig*
"Hahahah! You really have many jowks! Hyou are so philosophical!"
Kaagad akong natigil sa ginagawa ko upang isipin ng bahagya ang mga nasabi niya. Nang hinimay-himay ng utak ko ang nais sabihin ng babae, napagtanto ko na ang nais palang sabihin nito ay pilosopo ang kanyang kausap! Hindi ko siya masisisi sa lagay na yon. Siguro'y yun lang ang biglang pumasok sa utak niya..

Which brings me to Inday..

San nga ba graduate si Inday? Kung hindi ka pa nakaka-tanggap ng mga "Quotable-quotes" niya, marahil ay kinidnap ka ng mga martian at wala ka sa mundo. Pero para sa kapakanan ng nabanggit, narito ang ilang example ng mga message niya:

"Much as i want to indulge in
the proliferation of such
indecent and malicious
information, i want to lift
the stigma & aleviate d
societies perception of Our
profession"


- Inday tumatangging
mkipagtsismisan sa katulong
ng kbilang bhay..


“don’t limit my capacity in
the 4 corners of this
luxurious abode. Expose me
to the real challenges of the
outside world. I want to
grow as an individual with
dynamic experiences.”


-inday, nagrereklamo kse
ayaw cya isama s enchanted
kingdom..ö

Bestseller:::

Amo : Inday bumili ka nga ng mga isda... o nga pala ingglisera ka na ngaun... wud u please puchase many fishes for our this week's meals.
Inday : Judging from your statement, I believe you meant a variety of fish. The term "fishes", although rarely and erroneously used, connotes a plethora or an array of different kinds of the aforementioned gilled creatures. But the more pressing questions before I traverse the road to the wet market would be: What certain type of fish? Fillet or not? Frozen or just right smack the day's catch? (pauses) aaahhh By the manner of careful extrapolation, given the meager budget in this household's quasi-peasant middle class taste, I assum`e then I will source the staple "galewng-gong", am I correct?Amo : l*ch*!
Inday : U meant the freshwater milkfish? Then 'ba-ngooz' it is!


Minsan ipinagtataka ko san nga ba graduate to si Inday? Ateneo? La Salle? English Major ba siya? Bakit hindi siya nag-print media artist? Playwright? News anchor? Lifestyle show host? Call Center Agent? Bakit nga ba katulong ang pinili niyang propesyon? Dapat ba maging driver na lang ako matapos kong makumpleto ang kurso ko sa Engineering? Ang buhay nga naman...

"There's still a romantic element in knowing that i love and admire someone, but i am coosing to do the right thing by staying silent"

-simple... pero malalim... ito ang hirit ni inday habang nakadungaw kay dodong
ikaw... para sa 'yo yan!