kape... sisig... yosi... ikaw....

From Lhey... mushyness..

Kape

We started over coffee, sabi ng isang kanta. At doon nga tayo nagsimula � sa kape. Niyaya mo akong magkape isang hapon. Over cappuccino, nagkuwentuhan tayo. Kung anu-ano lang. Mababaw. Malalim. May kwenta. Wala. Hindi pa ubos ang kape ko pero sabi ko, kailangan ko na umalis. Alam mo bang gumawa lang ako ng excuse para madala ko iyong cup ng tall cappuccino kung saan may nakasulat na pangalan mo? Kasi, itatago ko siya, bilang memento ng una nating pagkakape. Pakiramdam ko kasi, magiging significant sa buhay ko ang araw na iyon.
Hindi nga ako nagkamali.
Nasundan pa ng maraming beses ang pagkakape natin. Hindi ko na nga mabilang sa dami. Madalas, kahit nakapag-kape na ako, kapag nag-yaya kang mag Starbucks, papayag agad ako. Kaya may mga araw na napaparami ako ng kape. Mga araw na hyper ako at walang kapaguran. Mga araw na hindi ako puwedeng gulatin, baka atake sa puso ang aabutin ko. Mga araw na parang may kabayong tumatakbo sa dibdib ko, although baka dahil lang din iyun sa presensiya mo. Mga gabing hindi ako makatulog dahil nasobrahan ako ng kape, at nasobrahan sa iyo.

Sisig

Pork sisig ang inorder ko the first time that we had lunch together. At unang beses pa lang kitang nakasama, nasaksihan ko na kung paano ka mag-alaga. Marami na akong nakasabay na mag-lunch pero sa iyo, doon ko lang uli naramdaman na inaasikaso at pinagsisilbihan. Saka, kahit na maraming tao doon sa restaurant na pinagkainan natin, parang tayong dalawa lang ang nandoon.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako umorder ng sisig tuwing magkasama tayo. Sisig sa lunch, sisig sa dinner, sisig din ang pulutan kapag nag-iinuman tayo. Sisig nga din ang hinanda ko noong unang beses kitang pinagluto, di ba?
Marami na akong natikman na sisig, pero iyong unang beses na nag-lunch tayo, iyun na yata ang pinakamasarap na sisig na natikman ko.

Yosi

Matagal ko na tinigil ang yosi pero noong makita kitang magyosi noong nag-kape tayo, humingi ako sa iyo. Ang sarap kasi pagsabayin ng yosi at kape. They complement each other.
Kaya sa tuwing magkasama nga tayo, napapayosi na rin ako. At hindi ko na namalayan, bumabalik na naman ako sa addiction ko sa sigarilyo.
Naalala mo iyong isang beses na naiwan mo ang yosi mo sa bahay? Dinala ko ang yosi mo sa opisina. Nagulat ang mga officemates ko noong nakita nilang may isang kaha ako ng yosi. Bakit daw ako nagyoyosi uli. Sinabi ko na yosi mo iyun, inuubos ko lang kasi sayang.
Humirit iyong isa, "Hindi ko yata gusto yang lalakeng iyan para sa iyo� He's bad for your health." Hindi ako nakasagot.

Ikaw

Parang eksena sa pelikula kung paano tayo pinagtagpo ng tadhana. Nakakatawa nga eh, nagbabasa ako ng "When God writes your love story" habang may nakasaksak na earphones sa tenga ko noong pag-angat ko ng mukha, nakita kitang dumaan sa harap ko. Nagkatinginan tayo ng ilang segundo pero nilampasan mo lang ako at patuloy ka sa paglakad mo. Ilang hakbang na ang layo mo noong lumingon ka sa akin. Ngumiti ako sa iyo at nilapitan mo ako. Doon na nagsimula ang lahat.

Dumating ka sa buhay ko ng hindi ko inaasahan. Pero sa padating mo, kasabay noon ang pagbago ng mundo ko. Sa kabila ng pagiging abala ko sa maraming bagay, pagdating sa iyo, nasisira lahat ng plano ko. Hindi ko na napapansin ang oras kapag magkasama tayo. At napupuna ko na lang, lagi na kitang hinahahap. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. At kahit na lagi kitang nakakasama, mawala ka lang sandali sa tabi ko, miss na agad kita.
Lahat na ng kabaduyan, pumapasok sa isip ko kapag naaalala kita.
Mahal na nga yata kita.
Kahit hindi tama.

***

How can something so wrong feel so right? Iyan ang tanong ko noong minsang matutulog na ako at nakayakap ka sa akin. Mali ito, oo. Pero bakit parang ang sarap-sarap matulog at magising na kayakap ka? It felt so good it seemed right�
Oo, masaya tayo kapag magkasama. Pinapadama mo naman sa akin na mahalaga ako sa iyo. Dalawang beses mo na rin sinabing mahal mo ako pero hindi ko pa rin alam kung hanggang saan tayo makakarating.
Ayaw mo ng commitment hindi ba? Malinaw ang usapan natin sa simula pa lang. Sinabi mo kasi, ayaw mo makasakit ng ibang tao. Kaya okay na iyong ganito. Hindi mo nga lang alam, nasasaktan mo na rin ako. Kasi, unti-unti na akong nahuhulog sa iyo, kahit hindi ko alam kung ano ang lugar ko sa buhay mo.
Bakit kasi kailangan pa maging komplikado ang sitwasyon natin?

***

Bakit kaya kahit alam natin na nakakasama sa atin ang isang bagay, tinutuloy pa rin natin? Marami ang may gusto ng sisig, kahit na "bad for the heart." Nakaka-cancer ang pagyoyosi, at nakaka-palpitate ang kape, pero na-a-adik pa rin tayo dito. Bakit? Kasi iba ang pakiramdam na nabibigay ng yosi at kape. Iba ang saya ng dulot ng pagkain ng sisig. Kaya kahit masama, kahit alam natin sisingilin tayo ng katawan natin sa panandaliang kaligayahan na iyon, tinutuloy pa rin natin. Kasi sa kasalukuyan, masaya tayo.
Parang ikaw� alam ko na hindi ka nakakabuti sa akin. Alam ko na in the long run, masasaktan lang ako sa iyo. Pero bakit habang maaga pa, hindi ako umiiwas? Kasi sa ngayon, napapasaya mo ako. Napupunan mo ang ilang taong pagkukulang sa buhay ko. At pinapadama mo sa akin ang mga bagay na akala ko noon, hindi na darating sa akin.
Ikaw ang sisig, yosi at kape ng buhay ko. Hindi ko maiwas-iwasan, hindi ko kayang tanggihan, kahit na alam ko na iisa lang naman ang patutunguhan nito � sakit sa puso.

unfinished

Pain… Almost everyone in this earth resists pain. That pain that comes in different packages… That pain that is slowly killing your true self and turning you into a completely different person…

Pain… Others tend to manage it brilliantly. But still there are others who are quite feeble and don’t know any basics on handling it. On the contrary, there are still strong persons who they think they are the most knowledgeable ones on dealing with it. Giving others advice, making others happy, making others realize that they are really special and they can do anything to get out of their wretchedness, but trying to decipher the way they live, it’s all about “others,” never themselves but always other people. Why? Simply because they don’t know what exactly they will do to solve their own problems or much worse, they know what to do but they just simply don’t have the guts to do it.

Why does pain hurts us that much? It’s funny though that the most agonizing reason of pain is the most gratifying feeling of them all. Love. We sometimes love a certain person too much that it becomes the cause of our scorching pain at the end. Can we say that we have just fallen in love in the wrong person? No. Because when love comes into the picture, everything we see is exceptionally well.

What hurts more is that when that certain person that you really admire is just close at hand and you can’t do anything to have it in your own arms. Sometimes you just want to cry to show how much you value that person then it will came to your realization that even though you cry heart out, there’s nothing you can do. It’s way easier said than done…

jamppong

Nagkaroon na naman ng mahabang hiatus ang blog na ‘to. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko upang hindi ako maging workaholic. Nagkataon na napunta ako sa isang trabahong kahit hindi ka naman workaholic ay gagawin ka pa ring… hulaan nyo… oo tama… workaholic… Marami-rami na rin akong napalampas na mga malakihang inuman sessions at gimmicks dahil sa pesteng trabahong ‘to (special mention to mama FJ Suaboksan na hindi nagsasawa sa pag-imbita sa akin sa mga lakad… nawa ay hindi ka magsawa kahit lagi akong hindi pwede sa mga lakad… sa totoo lang nakaka-frustrate ang hindi makasama sa mga lakad nyo! Pero ganun talaga… Pati na rin sa mga taong Balfour… Mga leche kayo! Wala kayong ibang ginawa kung ‘di ang inggitin ako sa tuwing hindi ako nakakasama sa mga lakad. Minsan hindi niyo pa ko tine-text. Kung wala pang madudulas sa isa sa inyo para magkuwento ay hindi ko pa malalaman na may lakad pala kayo. Anung klase yan? ). Pero sa totoo lang mas malaki na ang pagkakaiba ng dati kong attitude sa trabaho kesa sa ngayon. Hindi ko alam kung dahil yon sa sinisipag akong magtrabaho o dahil lang sa malapit nang magpasko at kailangang magtrabaho maigi para sa mga sinusustentuhan kong mga bata….

Matagal-tagal na panahon din bago ako ulit naka-uwi ng Cavite, galing sa Dubai. Agad na nag-text sa akin ang isang kaibigan na uuwi nman din sya nung bakasyaon na yon galling Rwanda. Habang ako ay nagtatrabaho sa Dubai, siya naman daw ay nasa gitna ng charity works.

Sa daan pauwi, napansin ko ang karatulang ito na nasa sasakyan…

Pinagnilay-nilayan ko ang nakasulat sa karatulang yon. Humanga ako sa nakaisip na ilagay ito sa pampublikong sasakyan. Paniguradong maraming tao ang magbabago ang mga pananaw sa buhay sa sandaling mabasa nila to. Maraming mamamayan ang paniguradong mag-aalab ang mga emosyon at maaaring makapaghikayat ng himagsikan laban sa administrasyong arroyo.

Jamppong. Yan ang isa sa walang kakwenta-kwentang commercial sa TV ngayon. Hindi ko matantsa sa sarili ko kung matutuwa ba ako o magiinit ang ulo nang una kong makita ang commercial na to. Malupet! Pinag-isipang mabuti…

Nitong mga nagdaang araw, hindi ko alam kung anung meron sa sarili ko at may mga naiisip akong hindi dapat ay may mga nagagawa akong mga bagay bagay na hindi ko nagagawa dati. Sa paniniwala ko ay bumabalik na naman si Cornellious Paranoius (pangalan ng isa kong split personality para sa pagiging corny at paranoid). Matagal-tagal ding hindi sumanib sa akin ang gagong ‘to pero ngayon parang namamayagpag na naman si loko. Kung mababasa niyo ang “About Me” section ng Friendster ko, makikita don na: Corniest thing ever done: Asked someone out on a date. Salamat kay Cornellious at nagawa ko na naman ang ka-cornyhan na yon. Ang sumunod naman ay dahil lang sa kadahilanang hindi ako na-bati (greet)ng isang beses ay inisip ko na galit siya sakin. Ngayon tuluyan na nga atang nagalit sya sa akin dahil sa kakulitan ko. Sa totoo lang pag-ginagawa to ng ibang lalake sa mga katropa kong babae ay pinagtatawanan ko sila. Pero sa pagkakataong ito, turn ko naman para pag-tawanan ng iba. Bad trip…. Damn! It’s killin’ me! Oh my heart be still!