walang kamatayang...

Kahapon lang ay napanood ko ang palabas na “Ang Pinaka” sa Q tv. Nakakatuwa ang ipinalabas nilang topic. Ang top ten na New Year’s Resolution ng mga pinoy. Sinubukan kong manood at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Halos lahat ng nasabi ng host ay tama sa akin. Isa lamang patunay na ako nga ay isang pinoy. Gaya ng nakaraang taon, mangangako na naman ako na tutuparin ang mga “New Year’s Resolution” na ito na hindi ko sinisiguro sa sarili kong matutupad lahat.

1. Maging matipid-marami akong blessing nitong nagdaang 2007. Pero sing dami ng blessings na yon ang mga tukso upang waldasin ang mga blessings na yon.

2. Maging health-conscious-sa totoo lang ngayong 2007 lang ako lumaki ng ganito. Kain dito, kain do., Inom dito, inom don. Puyat dito, puyat don. Iiwasan ko nang lahat ng ‘to (o sige pwera na lang yung inom). Susubukan ko na rin mag-exercise. Katunayan bumili na ko ng running shoes, na pwede ring pang-porma just in case na tamarin akong mag-jogging.

3. Matutong mag-drive at ng isa pang skill-last year ko pa objective ang paga-aral mag-dive pero sobrang busy kaya walang time. Nahiya lang ako sa sarili ko dahil may mga mas bata pa sakin na sila pa ang nagda-drive para sa akin. Sinubukan ko na ring simulan ang pag-aaral ng Portuguese kaso tinamad ako sa pagsunod sa module na nakuha ko.lalo lang akong na-dismaya ng malaman kong wala masyadong school na malapit sa akin na nagtuturo ng nasabing language. Kaya pinagiisipan ko kung Spanish na lang o sex education ang pag-aaralan ko ngayong 2008.

4. Maging driven-susubukan kong hindi na tamarin sa trabaho. Uulitin ko… SUSUBUKAN…

5. Maging on-time- promises are meant to be broken…

6. Iwan ang negative happenings ng 2007-mahirap man gawin pero kailangan. Mahirap na! baka lalo lang lumala ang galit ko sa mundo.

7. Maging closer kay God-mejo naging “career-oriented” and 2007 sa kin at medyo hindi ako masyadong nakakapag-bonding sessions sa kanya. Kaya sana this year maging mas close kami.

8. Control my temper-maraming nakapuna ng pagiging mainitin ng ulo ko nitong huling taon. Siguro dahil sa pressure ng lahat ng bagay sa paligid ko. Susubukan kong huwag idamay ang ibang tao sa kaguluhan ng isip ko.

Sa mga kaibigan kong makakabasa ng kabalbalan kong ito. Nais kong hingin ang kooperasyon niyo upang maabot ko ang mga PANGARAP na’to. Gaya nga ng sabi ng mga brochure ng motels, prices are still subject to changes without prior notice. Same principle applies to this crap.

Maraming dapat ipagpasalamat sa nagdaang year 2007. Mas maraming dapat na abangan para sa 2008. Nawa’y tayong lahat ay suwertehin at maging magandang taon to para sa ating lahat.!!!

PUTUKAN NA!!!!

no TREES passing!

Maraming salamat kay mam Jo Isidro at nakita ko ang kalapastanganang ito sa ating kalikasan. Maaring nakakita ng punong naglalakad ang may-ari ng lupaing ito kaya sa sobrang takot niya ay hindi niya pinadadaan ang mga nasabing puno sa kanyang ari-arian. Kung sa bagay, ikaw ba naman ang makakita ng puno na naglalakad sa bakuran mo hindi ka ba matatakot?

quarter-life-crisis

Sa gitna ng kawalan ng ginagawa habang oras ng trabaho ay bigla na lamang nagsalita ang aking kasamahan sa site. May nabuo raw siyang teyorya. Nakinig ako at sinubukang intindihin ang kanyang panig. Naisip niya na nagkakaroon ang tao ng “Quarter-life-crisis” dahil dumadating ang tao sa punto na maaaring naabot na niya ang ilan sa mga pangkaraniwang gustong maabot ng isang pangkaraniwang tao. Maaring stable na tayo academically, financially (somehow), career-wise, at iba pa, at maaring nabo-bored na tayo sa buhay natin dahil wala nang kasunod ang mga ito kung hindi ang pag-aasawa. Ideally, sumasapit tayo sa “Quarter-life-crisis” na ito sa edad na 25 (assuming na 100 years old ang pinaka extreme age na maabot ng isang tao) dahil malimit sa edad na to ay kahit papaano’y na-achieve mo na ang mga nabanggit. Ang ganitong ideolohiya ang nagtutulak sa tao na makaramdam ng depresyon at stress. Pero maaring hindi lang sa edad na 25 mo maaring ma-experience ang phenomena na ito. Habang ineeksplika nya sa akin ang buod ng kanyang teyoryang ito, agad kong inisip ang sarili ko. Shet! Nae-experience ko na nga ba ang “Quarter-life-crisis?”

Pinilit kong intindihin ang napag-usapan naming teyorya at inihambing sa tinatawag na “Mid-life-crisis” na kung saan ay may pagkakapareho lang ang mga dahilan sa mga nabanggit sa itaas, maidagdag lang ang pagkaramdam ng pagtanda. Nakakagulat nga lang at nang mag-research ako sa internet ay meron pala talagang ganoong crisis.

“galling sa wikipedia… and pinaka-unreliable source of information sa internet”

The quarterlife crisis (QLC) is a term applied to the period of life immediately following the major changes of adolescence, usually ranging from the ages of 21 - 29. The term is named by analogy with mid-life crisis. It is now recognized by many therapists and professionals in the mental health field. Characteristics of quarter-life crisis may include:

  • feeling "not good enough" because one can't find a job that is at one's academic/intellectual level
  • frustration with relationships, the working world, and finding a suitable job or career
  • confusion of identity
  • insecurity regarding the near future
  • insecurity regarding present accomplishments
  • re-evaluation of close interpersonal relationships
  • disappointment with one's job
  • nostalgia for university, college, high school or elementary school life
  • tendency to hold stronger opinions
  • boredom with social interactions
  • financially-rooted stress
  • loneliness
  • desire to have children
  • a sense that everyone is, somehow, doing better than you.

Siguro nga’y naririto na ko. Kaya marami na akong kagaguhan sa utak. Sa pagninilay-nilay ng mga nabasa ko tungkol sa mid at quarter life crises (f.y.i.: plural ng crisis ay crises. Siguraduhing may tissue ka sa tabi mo, pampunas ng nosebleed mo para sa bagong natutunan na salita) ay lalo lang nagtibay ang isa sa mga teyorya ko sa buhay…

Wala nga talagang taong kuntento…