10 conyo-mandments

i make kopya of this from my good kaibigan, you know, like friend, Teri! this is so like nakakatawa, you know, like, funny!

1. Thou shall make gamit "make+pandiwa".

ex. "Let's make pasok na to our class!"
"Wait lang! I'm making kain pa!"
"Come on na, we can't make hintay anymore! It's in Andrew pa, you know?"


2. Thou shall make kalat "noh", "diba" and "eh" in your pangungusap.

ex. "I don't like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it's like, so eew, diba?"
"What ba: stop nga being maarte noh?"
"Eh as if you want naman also, diba?"


3. When making describe a whatever, always say "It's SO pang-uri!"

ex. "It's so malaki, you know, and so mainit!"
"I know right? So sarap nga, eh!"
"You're making me inggit naman.. I'll make bili nga my own burger."


4. When you are lalaki, make parang punctuation "dude", 'tsong" or "pare"

ex. "Dude, ENGANAL is so hirap, pare."
"I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh"


5. Thou shall know you know? I know right!

ex. "My bag is so bigat today, you know"
"I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!"


6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.

ex. "I have so many tigyawats, oh!"


7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?

ex. "Like, it's so init naman!"
"Yah! The aircon, it's, like sira!"


8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?

ex. "Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?"
"It's so tight nga there, eh, you know, masikip?"


9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?"

ex. "Like, OMG! It's like traffic sa LRT"
"I know right? It's so
kaka
!"
"Kaka?"
"Kakaasar!"


10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!

ex. "I'm, like, making aral at the Arrhneo!"
"Me naman, I'm from Lazzahl!"

piktyur piktyur...

Ito ang uri blog na pantugon sa tinatawag na "writer's block."

Nostalgic Food Trip

Hindi ko inakalang makikita ko pa ang pakain na 'to. muntik na akong umiyak sa tuwa nang makita kong buhay pa ang mabaho ngunit masarap na produktong ito.

Gaya ng naunang produktong nabanggit, hindi ko rin mapigilan ang maiyak sa tuwa nang makita ko ang produktong ito.

KDL, ito ang sinasabi namin ni Justin Ray sayo nung isang araw. "THE" Lala milk and chocolate. Mas humagulgol ako ng iyak nang makita ko ito. Nang dumating ang sandaling lumapat ang tsokolate sa aking bibig at matikman ko ang naturang produkto, ninais ko nang mamatay dahil parang nakamtan ko na ang lahat.

Pa-cheese burger ka naman!!!

Hindi ko inasahang pati sa mga bus ay makakarating ang mga "pa-burger ka naman" ads na ito. Pero nais kong i-commend ang kalupitan ng isip ng nakaisip nito.

Naka-pwesto ito sa upuang nasa tabi ng bintana. Tamang-tama kung nasa "MTV" mode ka hbang nasa bus. Nakatingin ka sa malayo sa bintana. Mas additional effect kung umuulan sa labas.

Hindi bastos!

Sa aming construction site. Hindi ko napigilang humagalpak ng tawa nang makita ko ang pangalan ng business nila. Iniisip ko tuloy kung paano nakalusot ito sa S.E.C.

Do the math!

Sa isang poste somewhere in QC. Oo nga naman... May point siya.

number 01...

Ito ang uri ng pangunguna na hindi ko inasam ngayon. Kamakailan lang ay nag-utos si pangulong OML na kunin lahat ng timbang ng kaniyang mga empleyado sa kanyang mga subsidiary companies. At kasama ang aming kompanya sa naturang kalokohan. Matapos makuhanan ay itinala at binigyan ng ranking ang mga may pinaka-matataas na Body-Mass Index (BMI) sa kumpanya. At ang aking ranking? Sigurado ako alam mo na. Oo. Ako ngayon ang pinaka malaki sa aming kompanya.

Eighty days… walumpung araw ang binibigay sa amin (top 10 ng company) upang makapag-bawas ng timbang at maibaba sa tamang level ang aming BMI. Ibig sabihin nito, sa loob ng eighty days, kailangan naming magbawas ng timbang. Team effort ito pero ang failure ng isa ay failure ng lahat. Automatic disqualified ang buong team pag may isang member ang nadagdagan ang timbang. Siguro ay naiisip niyo na ang pressure. Kayo iniisip niyo lang, ako nararamdaman ko…

Nang ikuwento ko ito sa aking mga kaibigan at kapamilya, madaming natuwa. At siyempre marami ring tumawa. Sa bagay ay sanay na rin akong maging clown. Lahat naman sila ay nagpakita ng suporta. Lalo na ang mga kapamilya ko sa aking kompanyang pinapasukan. Nang ikuwento ko ito sa aking kaibigang DJ sa radyo, humagalpak lang sila ng tawa ng ka-partner niya kasunod ang pag-good luck sa akin sa nationwide radio. Isipin ko na lang raw na kasali ako sa Beijing Olympics at ito ang sport ko. Ang nanay ko naman at mga kapatid, naglahad ng sandamakmak na diet tips, pakiramdam ko tuloy ay nasa set ako ng “Salamat Dok” ni Sheryl Cosim.

Hindi na rin masama ang programa, may diet program, sporting activities gaya ng swimming, boxing, tae bo, gym, fitness activities gaya ng walking at mountain climbing at iba pang pwedeng makapag-papayat samin. Ang catch? LIBRE! Memberships, Equipment rentals, pati attire namin mula sa shirt hanggang sa rubber shoes (daw) sagot ng company. San ka pa? Brief na lang ang kulang.

Anong premyo? Sa totoo lang wala pang nakakaalam sa ngayon. Pero ang sabi daw ng isa sa mga pasimuno ng programa, “Eh ano naman kung dalhin natin ang buong winning group sa Hong Kong.” Bukod don, ang top 3 groups ay magkakaroon ng TV appearance sa isang programa sa aming sister company. Kung anong programa, wala pa ring nakaka-alam. Malay natin, baka sa paborito kong “Singing Bee” o kaya sa “SOCO (Scene of the Crime Operatives)” o di rin kaya sa “XXX: Exklusibong, Explosibong, Exposé” pero sa tingin ko, kung sa “Correspondents” naman kami lalabas, malamang ang title ng episode namin ay: “Malnourished.”

Malamang eto na ang simula ng aking pagiging artista, sa totoo lang naman it runs in the family eh. Kamakailan lang ay nag guest appearance ang nanay ko sa Wowowee bilang isang contestant sa promo ng Coke. Minabuti niyang magpanggap na contestant upang di siya masyadong pagkaguluhan ng tao. Dahil dito, hindi malayo na ako naman ang sumunod. Pero kung papipiliin ako, mas gusto ko sa “Sports Unlimited.” Nakatakda kong palitan bilang host si Marc Nelson. Siguro sa eighty days na yon ay may higit na maganda na akong pangangatawan kaysa kay Marc. Kung hindi man ganito ang mangyari ay baka maging “double” na lang ako ni Piolo Pascual o kaya ni Sam Milby kung kinakailangan kuhanan ang kanilang katawan. Hmmm… Hindi na rin masama…

Pero may narinig rin akong isang papremyo na mukhang mas ikakasaya ko. Ang mananalong team daw ay magkakaroon ng eighty-day, free eat-all-you-can sa kahit anong restaurant na gusto mo.

Inspiring di ba?

don’t make me feel I have to love you back....

Kamakailan lang napagpasyahan kong manuod ng sine kasama ang isang… kaibigan… Manunuod sana kami ng The Dark Knight dahil matagal na rin akong naririndi sa mga papuri kay Heath Ledger ngunit sa kasamaang palad, nang kumunsulta kami sa oras, nakapagsimula na ito at malamang ay nasa kalagitnaan na. Naging ugali ko na ang pumasok lamang ng sinehan kung ang palabas ay magsisimula pa lamang. Hindi ko gusto ang simulan ang isang pelikula sa gitna, at saka na lang ulitin. Parang nagsayang lang ako ng pera kung ganoon. Nang tinignan naming ang ibang palabas, wala na kaming naging choice. A Very Special Love lang nila Sarah Geronimo ang hindi pa nakapagsimula. Kaya napilitan man ako. Wala na rin akong nagawa…
Oo sige na… Gusto ko rin panuorin ang pelikulang yon. Pareho kami ng aking kasama na nagkasundong panuorin ang naturang palabas. Tutal naman ay date movie naman ang Very Special Love, kaya nagpaubaya na rin ako. Tsaka dapat lang na suportahan natin ang mga pelikulang Pilipino. (WOOO!daming dahilan!)
Sa kabuuan ay ok naman ang nasabing palabas. Maraming kilig moments. Paglabas naming ng sinehan, sabi ng kasama ko, “ang ganda ng film!” naisip ko, paraan nya lang yon para sabihin nya sakin na “masaya akong kasama kita”. Kasi kung ita-translate mo nga naman, “ang ganda ng film!” = “I had a great time with you.” Kinabukasan may tatlong barkada kong lalaki ang nagtanong sakin kung maganda ang “A Very Special Love.” Ang mga gago, gagamitin ding pang-“da moves movie” ang palabas. Yung isa dun, dalawang beses pang pinanood ang pelikula hindi dahil nagandahan siya sa palabas, kung di dahil dalawang magkaibang babae ang kailangan nyang i-date! Kaya kayong mga babae diyan, pag biglaan na lang kayong niyaya na manood ng “A Very Special Love” ng kakilala nyo, alam niyo na kung bakit.