the man that can't be moved... (the script)

Going Back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
saying, "if you see this girl can you tell her where I am"

Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke I'm just a broken hearted man
I know it makes no sense but what else can I do
How can I move on when I'm still in love with you

Cause If one day you wake up and find your missing me
and your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving

Policeman says, "son you can't stay here"
I said, "there's someone I'm waiting for If it's a day, a month, a year"
Gotta stand my ground even if it rains or snows
If she changes her mind this is the first place she will go

Cause If one day you wake up and find your missing me
and your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving,
I'm not moving, I'm not moving

People talk about the guy that's waiting on a girl
There are no holes in his shoes but a big hole in his world

Maybe i'll get famous as the man who can't be moved
Maybe you wont mean to but you'll see me on the news
And you'll come running to the corner
cuase you'll know it's just for you
Im the man who can't be moved

Chorus 2x

Going Back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move The Man Who Cant Be Moved - The Script

kaibigan... ride na po!!! Gago!

Hindi ko alam kung anung meron si Claire Dela Fuente at sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha sa mga bus katabi ang mga katagang “Ride na po!” ay nagi-init agad ang ulo ko! Bakit kailangang lagyan pa ng pauso ang mga bus na yun? At sa dinami-dami naman ng pwedeng modelo, si Claire Dela Fuente pa… Aba! Teka… hindi kaya nahuhulog na ang loob ko sa kanya…

Sinubukan kong hanapin ang mukha ni Claire Dela Fuente sa internet. Napadpad ako sa Multiply site niya. Oo, hindi ka namamalik-mata! May Multiply site sya! Nangangati ang kamay ko na i-add siya pero sa isang banda naisip ko kung ia-add ko siya at kung mababasa man niya ang post kong ito, baka umabot pa kami sa korte at idemanda niya ako ng paninirang puri.

Bumantad sa akin ang pagmumukhang ito. Sa totoo lang humahanga ako sa photographer nito. Nabigyan niya ng misteryo ang mukha ni Claire. Sa totoo lang pag pinagmamasdan ko ito, nahihiwagaan ako dahil hindi ko alam kung gusto niya ba talagang tumawa o iiyak na siya. Parang gawa ni Da Vinci na Monalisa. Hindi mo malaman kung lalaki ba si Monalisa o lalaki. Siguro sinundan lang niya ang konsepto ng bagong album (oo! Hindi ka ulit namamalik-mata. May album siyang bago) na pinamagatang “Something In Your Eyes.” Naisip ko tuloy hindi kaya napuwing si Claire during photoshoot nito, kaya ginamit ni Richard Carpenter ang katagang “Something In Your Eyes.” Kasi kung tatagaluin nga naman natin ang katagang yon ay magiging “May Ano Ka Sa Mata.”

Nakatikim ka na ba ng “Gago?” Gago ka kung iisipin mong bastos ang mga katagang binitawan ko. Naikwento sa akin ng aking kasamahan sa trabaho ang araw nang utusan siya ng boss niya na bumili ng apat na Gago.

Si Boss: Pakibili mo nga ako ng apat na Gago.

Si Kasamahan: (gulat!) Ano po sir???!!!

Si Boss: Apat na Gago!

Si Kasamahan: Ahh… o sige po… (tawag sa supplier) Mam… may Gago po kayo??

Supplier: Ahhh meron po…

Si Kasamahan: (relieved na meron pala talagang ganon) Ahh sige po.. Pabili po ako ng apat na Gago!

Isa pala itong wine. Laking tawa ko nang makita ko ang apat na Gago. Sabi ng boss namin ay masarap ang Gago. Nag-research ako at marami ngang reviews sa Gago na nagsasabing masarap ito. Masubukan nga…

Utang na loob. May nakakakilala ba rito kay Boy Abunda? Nananawagan ako na bigyang hustisya ang kanyang sarili sa kanyang bagong pakulo…

mano po ninong... mano po ninang...


Kamakailan lang ay umuwi ako sa aming bahay sa Cavite. Hindi pa man nakakalapag ang aking dalang duffel bag ay binungad na agad sa akin ng nanay ko, “ninong ka daw ng anak ng apo ni xxx” hindi agad nagrehistro sa utak ko ang sinasabi ng aking ina. Pero nang aking mapagtanto, hindi ko ata kakilala ang magulang ng batang magiging inaanak ko. Agad kong tinanong ang nanay ko kung bakit sa dinami-dami ng nilalang sa aming baryo, ako pa ang napili ng mag-asawa na maging ninong ng anak nila. Ang sinagot sa akin ng nanay ko, “yung lolo ang namili ng magiging ninong ng bata, puro engineer daw tsaka architect ang kinuha, pati nga yung anak ng kapitbahay natin na architect ay kinuha rin na ninong…kahit hindi rin niya kilala...”

Ahh, ok. So may standard na pala ngayon ang pagpili ng magiging godparents ng isang walang muwang na bata. Di bale nang hindi kakilala basta may titulo ang mga ninong. Palagay ata ng pamilya nito ay may mga hacienda akong itinatago at mga establishimyento na hindi ko pa naide-deklara. Minsan naiisip kong parang mayor ng aming bayan ang dating ko. Diba malimit naman ng mga pulitiko ganon? Kahit hindi man lubusang kilala basta ang importante, ang ninong ng bata ay si mayor.

Naalala ko tuloy ang isinagot sa akin ng isang kaklase ko nung kolehiyo sa isang pangkaraniwang tanong na malimit naming tanungin sa aming mga sarili nung kami ay naga-aral pa…

Ako: “Bakit ka kumuha ng kursong engineering?”

Siya: “Para pag kumandidato ako sa pulitika, mas maganda pakinggan, mas may hatak sa tao, mas may dating. Isipin mo makikita mo ang mukha ko sa bawat sulok ng baranggay namin tapos ang nakalagay “Engr. XXX for kagawad…always at your service”

Ako: (follow-up question) “Bakit hindi ka na lang nag-abugado para naman mas ok at mas malapit sa gusto mong maging career?”

Siya: “Ayoko nun! May nakita kasi ako sa likod ng Manila City Hall na signage: “Atty. XXX – Notary Public” tapos sa ibaba nun may nakalagay “tumatanggap ng labada.”

Sa katotohanan naman, lumang prinsipyo pa rin naman ang aking pinapairal pag dating sa pagiging ninong. Ang pagiging pangalawang magulang pa rin ang prinsipyong mas nananaig sa akin pag dating sa konspetong ‘to. Kaya madalas ay walang regalong natatanggap mula sa akin ang aking mga inaanak dahil gaya ng mga magulang na kakilala ko, hindi sa material nabagay ipinapakita ang pagmamahal sa bata kundi sa gabay at pag-aaruga na ibinibigay sa kanila. Hindi ako naniniwala na pera at mga laruan ang dapat ibigay sa mga inaanak tuwing pasko. Sa tingin ko ay sapat na ang pagmamahal. Kaya sa mga inaanak ko at sa mga magulang nila na makakabasa nito, at pati na rin sa bagong sanggol na dumagdag sa listahan ng aking mga inaanak, asahan niyo na ang PAGMAMAHAL ko ngayong pasko para sa inyo AT WALA NANG IBA PA!!!

tulak ng bibig... kabig ng dibdib...

Tulak Ng Bibig (acoustic) - Julianne



Awitin ni kumareng Julianne. Walang maisip na blog dahil sa dami ng iniisip. Pero kung iniisip mo kung ano ang iniisip ko, ipinapaliwanag na ng kantang ito ang iniisip ko.

(sadyang binura ang ibang parte ng kanta dahil hindi ito naaangkop sa mga pangyayari sa paligid)



tulak ng bibig, kabig ng dibdib
tulak ng bibig, kabig ng dibdib

'di ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't gan’to?
paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip...
pagtulog sa gabi, laman ng panaginip...
mahal ba kita? o ano..? ewan ko!

hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
simula nang makilala di maipinta,
ngiti sa mata!
magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan...
'di ko maintindihan, bakit ngayon lang,
kung kelan ang puso ko ay maselan?

hindi mo lang alam,
takot lang akong masaktan.
iniingatan lang aking puso.
kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
'di na sana tayo nagkakaganito.
pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo.

'di ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't gan’to?
urong-sulong yan ang paborito.
lilitaw, lulubog, 'tanong mo kahit sino!
pakisabi na lang,
ano ba talaga'ng gusto mong gawin ko?

hindi mo lang alam,
takot lang akong masaktan.
iniingatan lang aking puso.
kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
'di na sana tayo nagkakaganito.
pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo.

pakiusap lang,
wag mo na akong tignan nang ganyan...
nakakatunaw ang iyong tingin!
hinay-hinay ka lang,
mahina ang kalaban.
baka 'di na maiwasang
mahulog nang tuluyan!

hindi mo lang alam,
takot lang akong masaktan.
iniingatan lang aking puso.
kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo,
'di na sana tayo nagkakagulo-gulo!
pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo.

hanggang dito na lang,
hanggang dito na lang!

tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

para sa masa...

Papunta sa lokasyon: hindi na ko mapakali wala pa ang aking kasama. Binangga ang sasakyan nila. Buwisit! Sa dinami-dami naman ng oras na mababangga sila ngayon pa. Umaga pa lang inaalat na siya, mukhang sa concert na ‘to pa sya mamalasin ng todo. Ang detalye ng kanyang kamalasan ay makikita dito. Hayup sa dami ng tao. Tinignan kong muli kung nasa The Fort talaga ako at wala sa Luneta para sa Prayer Meeting ng El Shaddai. Wala pa naman akong dalang puting panyo upang iwagayway pag sumenyas na si Bro. Mike V. Nakikiusisa ako nang hindi ko namamalayang nasa may lupon pala ako ng Gen. Ad. May isang dalawang babae ang sumiksik sa may pila ng ulupong habang sinasabing "Excuse me! Excuse me,patron!" Sa isip isip ko, “nasa patron din ako, T@ng in@mo!”


 


Sampung minuto bago ang alas otso ng gabi:


Isang malaking 10:00 ang lumabas sa giant screen sa stage at unti-unting bumibilang kasabay ang beat na dumadagundong. Marahil alam na ng lahat na countdown ito para sa pagsisimula ng concert. Sa isip-isip ko bakit may ganito pa! Hanep namang pampakaba ‘to. Ang lahat ay hindi na mapakali sa kanilang kinatatayuan dahil alam nilang lahat unti-unti nang matutupad ang matagal nang hinintay.


 


5:00 sa screen. Ang lahat ay hindi na magkamayaw. Natataranta na ang lahat. Ako nakapila sa bilihan ng tubig pero panay pa rin ang pagkuha ng larawan. Pinaghintay ko na ang aking kasama sa bandang harapan upang makapag-tala ng aming pupwestuhan.


 


Last two minutes na! Tang ina! Kanya-kanya nang hiyawan! Mas lalong hindi na maitago ang pagkabalisa ng lahat. Eto na ata ang pinakamahabang dalawang minuto sa buhay naming lahat.


 


5..4..3..2..1..0… parang millennium celebration. PANDEMONIUM!


 


Video mula kay Mark Escueta, dalawang minuto bago ang palabas kasama ang unang kanta:


 





Gaya ng sabi sa screen… SA WAKAS… habang pinakikita ang mga nakaraang larawan ng grupo. Pati ako, pakiramdam ko bumalik ako sa panahong yon. Juts na lang ang kulang kumpleto na. Hayop sa stage. Huling panood ko sa ganitong set-up ay yung kay Beyonce (B-day). Pero masasabi kong mas astig ang preparasyon nito. Pablilis ng pabilis. Waahhh tama nang pahirap! Ilabas niyo na sila! Sabay labas ng “ERASERHEADS” sa screen. Ang lahat ay nagwawala na…dilim…


 


Sumunod na ang drums ni Raymund. At yun na! Intro na ni Ely ng Alapaap. “May isang umaga… na tayo’y magsasama” Wahh. Hindi niyo lang alam ang kilabot na nararamdaman naming lahat ng dumating ang sandaling yon. Ang naestimang 60,000 na katao. Sabay-sabay na kumakanta kasabay si Ely. Sa totoo lang kakaibang pakiramdam. Parang malalagutan ka ng hininga. Kahit dalawa lang kami ng kasama ko, slamang malupit ang ginawa namin. Nakakapikon lang ang ibang katabi naming dahil parang mga gulay ang mga walang hiya. Wala man lang reaksyon. Nang patapos na ang kanta… Fireworks sa stage… Hanep. Literal nagwawala na kami.


 


Sunod-sunod na ang kanta para sa first set. Sumunod ang Ligaya. Nakakatawa dahil dumating sa punto na tumigil si Ely upang pakantahin ang mga audience. Marami atang kinalawang ng konti at nakalimutan ang lyrics. Natawa si Ely at itinuloy na lang ang pagkanta. Sembreak, sumigaw kami ng kasama ko ng “Group Hug, Group Hug, Group Hug.” uulitin ko, dalawa lang kami. Lahat ng nasa paligid naming nagtawanan. Sabi ng kasama ko “utang na loob naman mag-usap naman kayo! O di kaya kausapin nyo kami.” Walang pag-uusap na nangyayari sa stage. Ramdam pa rin ang tensyon sa kanilang apat. Hey Jay, Harana, at nagpalit ng gitara si Ely. Dito na nagsigawan ang mga copycats na nasa likod namin. Marami sila na sumigaw ng “Group Hug, Group Hug”  at maraming sumunod. Kaya sa mga nakarinig nun, kaming dalawa ng kasama ko ang lehitimong nagpasimuno nun at hindi sila!


 


Fruitcake. Ganun na naman,


Ely: "...take a bite, it's alright" …(signs for the audience to sing)


Audience: @#$%^&*)gjhk$%^  (tawanan)


Hinihintay ko lumabas si Cesar Montano sa stage at sasabihin sa aming “ang tumpak na lyrics ay…” pero wala naman. Toyang, Kama Supra – di ko to masyado alam 1 error na ko, Kailan, Huwag Kang Matakot, Kaliwete.


 


With a smile… Malupet to. Solemn. Todong goosebumps ang naramdaman naming dito. Lahat ng tao sabay-sabay sa pagkanta.


 


Shake yer head – lupet to! Si Ely may shake the head motion pa kaya ang tumalsik ang shades. Huwag Mo Nang Itanong.





Video na kuha ko: (sa totoo lang hindi na to for viewing pleasure kundi for listening pleasure na lang. Magulo na kami dahil sa slamman namin ng kasama ko.)





Lightyears- dito na naging kapansin-pansin ang paghina ng boses ni Ely. Hindi ko nakita pero sabi ng ilang nasa SVIP. Matapos daw ang kanta ay lumuhod si Ely yakap ang gitara tapos ay biglang dumilim na ang stage. Akala lang ng lahat nagging emosyonal si Ely. Pero yun na pala.



Ang 20-minute break nagtagal ng kulang-kulang isang oras. Ang lahat ay nagtataka na kung bakit natagalan yata ang break nila. Sabi ng kasama ko “baka nagaaway-away pa sila sa likod.” Ang sumunod na eksena, lumabas si Buddy, kasama si Raimund at si Marcus at pati ang kapatid ni Ely na si Laly. Akala naming may koneksyon ito sa pagkamatay ng ina nila pero hindi pala.



Video mula kay Sheonneon. Ang pag-anunsyo ng tunay na nangyari:


 





Habang nagaalay kami ng sandaling katahimikan para kay Ely, ang mga pasosyal na gulay sa aming tabi ay panay pa rin sa kuwentuhan ala Kris Aquino mode. Isang pasosyal gulay ang nagsabing "Oh my gosh! you just insulted Dave Grohl and the other bands!" Gusto ko sanang kumuha ng sandakot na graba at isalaksak sa bibig ng put@ng in@ng yon. Sa may aming harapan, napansin kong ilang mga manunuod ang di napigilang umiyak dahil sa anunsyo. Sa huli, nagpakuha na lang kami sa lugar na kita sa aming likod ang stage at nakipagusap sa mga bouncer na nasa lugar. Sa sobrang depress naming dalawa ng kasama ko, LUMAMON (sorry mam anchell) kami ng Bagoong Rice at Lechon at Pinakbet, para naman mawala ang lungkot na nararamdaman namin. Wala muna akong pakialam sa diet! Masamang masama ang loob ko. Kailangan ko to!



Sa aking obserbasyon, maraming nakiki-ride lang sa bandwagon. Masabi lang na “in” sila, kahit hindi naman nila alam ang mga kanta ng Eraserheads. Sa kasamaang palad nasa VIP ang mga hayop na to! Dapat sila ang tinatapon sa Gen Ad. eh.



Sa mga kahenerasyon ko, matagal naming hinintay to. Bitin man ako pero sobrang nagpapasalamat na rin ako. Alam kong ginawa lahat yun ng buong banda para sa masa...



Sana nga lang matupad ang ugong-ugong na may ikalawa pa itong set. Marami pang mga magagandang kanta ang hindi nakanta ni Ely. Eto sana yun: maskara, poorman's grave, torpedo, trip to Jerusalem, back to me, maselang bahaghari, maling akala, tikman, spolarium, magasin, para sa masa, overdrive, pare ko, minsan, huling el bimbo.



 Sana nga dumating pa ang oras na yun…