hayskul layp o my hayskul layp

Kung babalik ka sa High School, kung saan babata ang iyong katawan, ang iyong itsura, ang lahat-lahat maliban lang sa isang bagay, kung ano ang utak mo ngayon (nalalaman, alaala, talino), yun pa rin ang dadalhin mo pag bumalik ka, ano ang una mong gagawin mo at saang particular na panahon nung high school ka babalik? Ito ang napag-usapan namin ng isang kaibigan simula pa nung high school nang makainuman ko siya kanina lang. Natatawa lang kami pareho nang mabanggit ko sa kanya ang naturang katanungan. Marahil dala na rin ng muli naming pagsasama ni Red Horse at naiisip ko ang ganitong uri ng tanong. Mas lumalabas talaga ang aking angking katalinuhan kapag may Red Horse na dumadaloy sa mga ugat ko. Pareho kaming nag-isip ng sagot sa naturang katanungan. Hindi ko na lang isisiwalat ang kanyang sagot dahil baka idemanda nya ko ng libel kapag pinagkalat ko ang sagot niya. At isa pa, sigurado namang ide-deny niya ang kung anumang sinagot niya kagabi. Isa kasi siyang politician kaya mahirap na.

Hindi ko sinagot ang tanong sa kadahilanang gusto ko lang naman siyang lamangan. Baka sakaling makakuha ako ng sagot na pwede kong ipang-blackmail sa kanya. Pero habang nasa daan ako papauwi, iniisip ko ang kung anu man ang aking magiging kasagutan kung sakaling hindi ko nagawang umiwas sa pagsagot ng naturang tanong.

Unang una siguro, ako ang magiging Valedictorian ng batch namin (pasintabi sa aming class valedictorian, pero malamang ganun talaga ang mangyayari). Malamang ay lalo akong magiging paborito ng aming Physics teacher at malamang nilampaso ko lang sa sahig ang aking Chemistry teacher na walang ibang ginawa kungdi ang magpa-cute nung mga panahong iyon. Gagamitin ko ang aking nalalaman sa Algebra upang maka-iskor sa mga elitistang babae ng klase. Marunong na akong gumamit ng mga “Tagline” gaya ng:

Ako: “Hi! Lamesa ka ba?!”

Babae: “Huh? bakit?”

Ako: *ngisi* “Gusto kasi kitang patungan eh.”

Tatawanan ko ang mga nambu-bully sa akin noon at ikukwento ko sa kanila kung gaano magiging miserable ang buhay nila sa hinaharap. Makikipagpustahan ako sa mga ka-batch kong babae kung kalian sila mabubuntis.

Siguro ay magiging magaling akong songwriter at composer nun dahil isusulat at kakantahin ko ang mga magiging hit na kanta sa hinaharap. “di kana mababasa ng ulan… di na. di na. Hinde. Hinde.. Hinde.. mababasa ng ulan… di na. di na. Hinde. Hinde.. Hinde.. “

At pagdating sa pag-ibig, hmmm… Marahil makikipagkuwentuhan lang ako sa kanya. Ikukwento ko lang kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Pero hahayaan ko lang siya na gawin ang kung anuman ang gusto niya. Hindi ko ipipilit sa kanya kung ano ang nararapat at hindi ko rin siya pipilitin kung ayaw niya mang maniwala. Siguro ang sasabihin ko na lang sa kanya ay: “isipin mo na lang magaling ako magkuwentong-barbero.” Hahayaan ko lang na ma-realize niya unti-unti na tama ang sinasabi ko. Tapos… tapos… tapos…(Hmm… Magandang story line ata itong pinagsususulat ko. Calling ABS-CBN/GMA o kaya Star Cinema/GMA Films, binebenta ko ang ending!)

Nagkalat ngayon ang mga “dear kuya cesar”-type (advice-giving format) na mga palabas sa radio. Mapa-AM o FM meron nito. Noon ay patok ito sa mga FM station. Minsan gusto kong tumawag sa mga istasyon na ito hindi para maglabas ng problema…

DJ: “May caller po tayo on the line”

Ako: “Hilo, Hillo po!”

DJ: “Yes iho, anung pangalan mo?”

Ako: “Rey po… Rey Pinioco”

DJ: “Ok Rey, Anung maitutulong namin sa inyo?”

Ako: “Ah, may gusto lang po akong sabihin sa mga tagapakinig at sa mga caller niyo po”

DJ:*gulat* “ahh… Sige iho anu yon”

Ako: “Mga wala ba kayong kaibigan? Bakit kailangan niyo pang tumawag sa pambansang radio para lang ipagkalat ang mga katangahang pinag-gagagawa niyo sa buhay? Bakit hindi niyo subukan sa TV? Tutal gusto niyo na rin lang magpapansin bakit hindi niyo pa lubusin!”

DJ: *taranta* “ahh… Sige iho… ahh.. Maraming salama…..”

Ako: “Hindi pa ako tapos. Hindi niyo ba alam na ginagago lang kayo ng mga DJ na ‘to at hindi niyo ba nahahalata na nagiging katawa-tawa lang kayo sa maraming tao. Nagpapa-uto lang kayo!!! Ginagamit lang kayo nyang mga yan upang makakuha ng mga ratings! Hindi kayo kumikita!!! Sila lang! Ang tatanga niyo!!! Mga P$%^*& @&! Kayong lahat! Ibagsak ang kasalukuyang liderato! Himagsikan ang sagot!!! Mabuhay ang…tuuuuuuttttt…… *tapped off*”

tagname

Kung walang magawa... Mambansag!

The NBA Player

Ginagawa akong rebound, shock absorber, guidance councilor, at kung anu-ano pa. Panay ang reklamo sa akin tungkol sa mga taong kanyang nasasakupan. Ubod ng kulit, at talaga namang nakakaturat. Isa rin ako sa mga kinukulit niya kaya minsan gusto ko lang siyang mabura. Sa ngayon naman ay wala pang masyadong hidwaan na nagaganap sa pagitan naming dalawa ngunit nakikinita-kinita ko na na in the mere future, dun din ang punta namin.

Batman

Ako ang kasalukuyang “Robin.” Hindi ko alam ngunit maraming nagsasabi na: “mukhang ikaw ang peyborit nya ngayon ah!” Gaya ni NBA Player, sa ngayon ay wala pa kaming hidwaan pero malamang sa mga darating na panahon, dun rin kami patungo. Pero sa ngayon ineenjoy ko muna ang mga pribelehiyo ng pagiging side kick nya.

I am Sam

Kung napanood mo ang pelikulang ito ni Sean Penn, alam mo na ang sinasabi ko. Isang malaking bad trip ang taong ‘to. Maraming nagsasabi sa akin na dati pa lang may attitude problem na ang taong ito. Pero nakatikim ako ng problema nyang ito nang makasalamuha ko na siya. May malaki nga siyang problema. Pinaka-nakita ko ito nang may mangyari sa isang pag-uusap nila ni Batman. Naging katawa-tawa siya tuloy dahil bigla itong inatake ng kanyang tantrums nang kausapin siya ni Batman. Pero humingi pa rin naman siya ng tawad sa nagawa niya. Iniisip ko na lang kapag nakikita ko si I am Sam, isa akong psychologist na nagse-session sa isang mentally challenged.

MiSunderstood

Isang malaking item sa paligid-ligid. Sa totoo lang naaawa na ako sa batang ito. Kahit naman ang mga noo’y nangungutya sa kanya ay naaawa na rin ngunit madalas talaga… sablay! Kaya minsan gusto ko siyang alayan ng kalinga. Gusto ko siyang buhatin sa aking mga bisig at isandal sa pader. Pagkatapos ay… (R-18 scenes. Due to MTRCB approval).

Pinoy Ako

Hindi ko maintindihan ang batang ‘to. Mahirap basahin. Sabi nga ng mga tao sa paligid, “mas iniisip niya ang sinasabi ng iba kaysa kung ano talaga ang nararamdaman niya.” Hindi niya tuloy nakikita (o alam niya talaga pero nagpapatay-malisya lang) na may sinasaktan na siya. Tsk tsk tsk! Tangina ang gwapo mo!!!

Gulay

Major badtrip! Waahhh! Basta! Nakakakulo ng dugo. Hindi lang sa akin, sa kamalas-malasan nya, pati sa lahat. May gawin man siya o wala, inis pa rin! Dahill sa kanya... Dahil sa kanya... (secret!)

Mr. Dreamboy

Hindi ko alam kung anong meron itong si Mr. Dreamboy. Kung bakit ba naman ang lakas ng appeal ng mama na 'to sa mga kababaihan. Hindi naman ka-gwapuhan. Mas gwapo pa ang inyong abang lingkod. Siguro sa pagdadala lang ng damit. Sabi ko nga kay umagang-kay-ganda: "siguro pag-sinuot ko ang mga kagaya ng damit niya, magmumukha akong D.O.M."

Umagang kay Ganda

Isa sa mga myembro ng fans club ni Mr. Dreamboy. Wala akong ipinagdarasal na iba kungdi ang magkatuluyan na sila ni Mr. Dreamboy para naman lubos na siyang sumaya. Minsan kasi napapansin ko parang nasa outerspace ito si UKG. Lalo na ngayong malimit siyang busy dahil kay Can You Feel The Love Tonight. UKG definitely deserves a break! Sa totoo lang nasa Bucket List ko si UKG. Kailangan ko silang mapag-isa ni Mr. Dreamboy, o di kaya ay ihanap siya ng ibang Mr. Dreamboy. Hmmm... Matupad kaya?!

Moro Islamic Liberational Front (MILF)

Lately, iba ang nagiging aura ni MILF. Lalo itong gumaganda. Sa ngayon ay nagkakagaanan na kami ng loob. Isa 'to sa mga bumubuhay ng dugo ko sa ngayon. At alam ko na hindi lang ako ang may ninanais na "mas makilala siya ng lubusan." Nagkataon lang na medyo vocal ako. Mas lalo akong humanga sa kanya nung.... basta....

Im too sexy for my love...

Ngayon pa lang kami naging sobrang magkadikit nitong si Im too sexy... Nung una (gaya ng maraming tao) ay ilag ako sa kanya pero wala naman palang dapat ika-ilag. Ngayon ay kasabwat ko na rin siya lalong lalo na sa pang-aasar sa mga tao sa paligid namin.

Alembong, Alembong!

Obvious na to kung sino 'to. Kasabwat ko na rin 'to. Pag nagkasama-sama na kami ni Alembong at ni Im too sexy, panigurado may maa-asar.

Robin Padilla

Magulong kausap gaya ng kanyang magulong utak at magulong buhay. Sa totoo lang magaling mag-divert si Robin Padilla ng mga bagay-bagay. Kaya lang minsan kahit anong tago, Obvious. OR... Siya na lang ang hindi nakakaalam. Minsan may pagka-masokista.

Can You Feel The Love Tonight

Mabuti na lang at masyadong busy si Can-You-Feel-The-Love-Tonight at hindi masyadong nangungulit sa lahat ngayon. Ewan ko na lang sa iba na gaya ni Umagang Kay Ganda. Pero ok kami ngayon. Hindi ko lang alam bukas.

Bulaklak

Ok kami nito! Ka-chismisan ko palagi! Isa rin nga pala siya sa alipores ni Can-You-Feel-The-Love-Tonight kaya malamang kinukulit rin siya nun.

Oo

Ayokong masyadong magpaliwanang. Pinipilit kong kalimutan na ang lahat. (Ref.: Oo by Up Dharma Down)

Rexona

Sayang... Sayang ang lahat... Kung hindi dahil kay Gulay, edi sana masaya tayo ngayon. Lubusan sana tayong nagkakilala. Naiparamdam ko sana sa iyo kung ang init ng aking pagmamahal. Sana'y magkita pa rin tayo. Huwag kang mag-alala. Ang nangyari sa atin na saksi ang kalikasan ay walang halong malisya (sa tingin mo).