Soundtracking

Pinoys are die hard music lovers. Specifically, love songs. Mas nakaka-antig, mas maka-laslas pulso, mas pathetic, mas sagat sa buto, mas maka-durog puso, mas papatok yan. Sa sobrang melo-dramatic ng mga Pinoy, minsan simpleng intro pa lang ng kanta lang nati-trigger na ang mga emosyon at agad nanunumbalik ang mga damdaming kaakibat ng mga naturang kanta. Ano nga ba ang halimbawa ng mga kantang ito? Maaaring ang isa o higit pa, sa mga kantang nasa ibaba ay naging soundtrack ng heartbreak mo.

Song Title-Artist: The Man Who Can’t Be Moved – The Script
Song Synopsis: Paghihintay sa isang minamahal kahit gaano man katagal.
Intense Song Line: “...thinking maybe you’ll come back in to the place that we’d meet, then you’ll see me waiting for you on the corner of the street, so I’m not moving I’m not moving...”

Song Title-Artist: Someone Like You-Adele
Song Synopsis: Kinasal sa iba ang mahal. *Babala: kung ganitong ganito ang sitwasyon mo, wag pakinggan ang kantang ito. Baka maging sanhi ng pagpapatiwakal.
Intense Song Line: “...I had hoped you’d see my face and that you’d be reminded that for me, it isn’t over, never mind, I’ll find someone like you, I wish nothing but the best for you...”

Song Title-Artist: What Do We Mean-Sergio Mendes
Song Synopsis: Relasyong walang kasiguraduhan, na sa huli ay kailangan nang tapusin ang lahat.
Intense Song Line: “...am I friend, am I lover, do we still need each other, when you touch me, when you touch me, baby I can tell, what do we mean to each other am I friend, am I lover, is it over now?”

Song Title-Artist: Im Doing Just Fine-Boys II Men
Song Synopsis: Hindi naging madali ang pag-move on matapos ang isang break-up. Ngunit humihingi ng second chance ang nakipag-break, ngunit naka-move on na ang isa.
Intense Song Line: “...I don’t need you anymore, when you said goodbye, I felt so all alone, there were times at night I could not sleep, my heart was much too weak to make it on my own, baby after the misery and pain you’ve put me through, so unfair to me girl your no longer my world, and I ain’t missing you at all...”

Song Title-Artist: If I Was The One-Luther Vandross/Ruff Endz
Song Synopsis: The guy is in love with the battered girlfriend of his best friend.
Intense Song Line: “...’coz your lover is my best friend, and I guess that’s where the story ends, so I’ve gotta try to keep it inside, you will never be, never be mine...”

Song Title-Artist: What If-Babyface
Song Synopsis: *lahat ata nakaka-relate dito.* Panghihinayang sa relasyong hindi nanagyari ngunit, umaasa pa rin. Napapaisip kung ano nga kayang nangyayari kung naging sila?
Intense Song Line: “... she said you got a home your very happy, so just stop your meddling, I told her that I won’t, I said its cool but I guess I was wrong, I still can’t move on...”

Song Title-Artist: Art Of Letting Go-Mikaila
Song Synopsis: Tuturuan ka ng kantang ito kung paano maka-move on at maka-let go. Yun e kung gusto mo lang naman...
Intense Song Line: “... how do I start, to live my life alone, guess I’m learning, learning the art of letting go...”

Song Title-Artist: I Love You Goodbye-Celine Dion
Song Synopsis: Minsan hindi sapat ang pagmamahal lang, at ang pagpapalaya sa minamahal ang solusyon.
Intense Song Line: “...leaving someone, when you love someone, is the hardest thing to do, when you love someone as much as I love you, oh I don’t wanna leave you, baby it tears me up inside, but I’ll never be the one you needed, I love you goodbye ...”

Song Title-Artist: Broken Strings-James Morrison, Nelly Furtado
Song Synopsis: Relationship ruined by infidelity.
Intense Song Line: “...oh the truth hurts and lies worst, how can I give anymore, when I love you a little less than before, let me hold you for the last time, it’s the last chance to feel again...”

Song Title-Artist: Without You-Charlie Wilson
Song Synopsis: Feeling ng isang iniwan.
Intense Song Line: “...feels like I took my last step, and my last breath, and my life’s in pain. Have to say what I was feeling girl, ‘coz my sun doesn’t shine, sun doesn’t shine without you...”

Hindi rin naman magpapahuli ang OPM.

Song Title-Artist: Till My Heartaches End-Ella May Saison/Passage
Song Synopsis: Losing someone that you have loved for a long time.
Intense Song Line: “...I was afraid this time would come, I wasn’t prepared to face this kind of hurting from within, I have learned to live my life beside you, maybe I’ll just dream of you tonight, and if into my dream you’ll come and touch me once again, I’ll just keep on dreaming ‘til my heartaches end...”

Song Title-Artist: Kung Ako Na Lang Sana-Bituin Escalante
Song Synopsis: In love sa bestfriend na may mahal na iba.
Intense Song Line: “...kung ako na lang sana ang ‘yong minahal, ‘di ka na muling magi-isa, kung ako na lang sana ang ‘yong minahal, ‘di ka na muling luluha pa,di ka na mangangailangan pang humanap ng iba..."

Song Title-Artist: Nasaan-Nyoy Volante
Song Synopsis: Long distance relationship na hindi nag-work. May pangakong napako...
Intense Song Line: “...sabi mo’y ako hanggang muling magkita, bakit ngayo’y nasa piling ng iba...”

Song Title-Artist: Let Me Be The One-Jimmy Bondoc
Song Synopsis: Relationship that did not work, but still finds a way to end the relationship smoothly.
Intense Song Line: “...let me be the one who break it up, so you won’t have to make excuses, we don’t need to find a setup where someone wins and someone loses, we just have to say our love was true, but has now become a lie, so I’m telling you I love you one last time, and goodbye.”

Song Title-Artist: Set You Free-Side A
Song Synopsis: Letting someone go kasi hindi talaga magwo-work...
Intense Song Line: “...letting go is not an easy task, when smiling feels like I must wear this lonely mask, it hurts deep inside, and I just cannot hide, that this anguish and the thought that we should have to part...”

Song Title-Artist: Empty Chairs-Julianne
Song Synopsis: When you’re in a relationship that you feel you are the only one who is giving, and in the end you are left behind. *the twist of the song in its latter part is awesome*
Intense Song Line: “...I’m telling you things you shouldn’t known right from the start, when all I ever asked of you, was to be there, I could’ve swallowed all my pride for all I care, but you kept taking more that I could give, so go ahead walk out the door..”

Song Title-Artist: Wherever You Are-South Border
Song Synopsis: Waiting for that one person that hasn’t come up yet.
Intense Song Line: “... I love to see myself one day in the arms of someone who will share her life with me selflessly, someday you will find your way, to me...”

Song Title-Artist: Di Lang Ikaw-Juris
Song Synopsis: Breaking up with someone within in a relationship that suddenly turned cold.
Intense Song Line: “...’di hahayaang habambuhay kang saktan, ‘di sasayangin ang iyong panahon, ikaw ay magiging masaya, sa yakap at sa piling na ng iba..."

Song Title-Artist: Oo-Up Dharma Down
Song Synopsis: Binasted ng minamahal na may mahal na iba.
Intense Song Line: “...sana’y di ka na lang pala aking nakilala, kung alam ko lang ako’y iyong masasaktan ng ganito, sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko, di mo lang alam ako’y iyong nasaktan o baka sakali lang maisip mo namang, puro sya nalang sanay ako naman...”

Song Title-Artist: Kahit Habang Buhay-Smokey Mountain
Song Synopsis: Naghihintay ng pagmamahal mula sa taong mukhang hindi napapansin ang atensyon na ibinibigay.
Intense Song Line: “...paano naman ako, nakakalito ang mundo, kung sinong mahal mo, syang ayaw sayo, kung sinong mahal mo, siya pa ang ayaw sa’yo, kahit habang buhay maghihintay ako sa’yo , kahit pa maglaho ang mundo...”

Song Title-Artist: Pain In My Heart-NeoColors
Song Synopsis: Reminiscing the thoughts of a broken relationship.
Intense Song Line: “...I don’t want to remember the things that we’ve been through, and all the things that remind me of you, and I don’t want to hear the songs, the songs we use to sing, ‘coz I don’t wanna feel the pain in my heart ...”

Its The End of The World (As We Know It)


*larawan mula sa twitter post ni ms. gang badoy (http://twitter.com/gangbadoy) Along Buendia cor South Super Highway *

Ayon sa mga kumakalat na bali-balita, araw na ng paghuhukom sa makalawa. Sa ibang salita, End of The World na sa Sabado. Kung anong oras, baka pagkatapos ng weekly finals ng Showtime, o di kaya pagkatapos ng Pilipinas Got Talent. Pero malamang alam niyo na na mas isa akong “kapamilya” kaysa “kapuso”. Kung pwede makipag-usap dun sa nasa itaas, sasabihin kong: “boss, pwede pa-postpone muna? Kasi walang alak dito, gusto ko sana sa last day lasing ako e. Hayaan niyo muna kong maka-tikim ulit ng Red Horse. Tsaka hindi ko pa nasasabing mahal ko si ... ng harapan. At hindi pa tapos yung project ko. Delayed na nga yung project hindi pa matatapos? Boss baka pwedeng pahingi ng “Time-Extension”. And besides, di pa nakakauwi ng bahay si Dora The Exporer, Di pa nakikita si Wally ng “Where’s Wally?” Di gaya ni Osama Bin Laden na nakita na.” Pero kung kayo ang tatanungin paano niyo gustong matapos ang mundo? Gusto niyo rin bang mala-Makati City New Years’ celebration? Yun tipong may countdown? O yung tipong disco trip lang gaya ng mga party sa Euphoria, Equinox, at Limits. Teka ibang time ata yan, Embassy at Alchemy na nga pala ang uso during my time. Ako kahit saan naman e... basta nasa tabi mo...

Pero kung iisipin marami na ngang “signs”. Strong earthquakes, Earth’s axis shifting, hindi pagkakaunawaan ng mga bansa dito sa gitnang silangan at sa bandang hilagang Africa, ang pinaka-pamosong Global Warming, at ang pagkakaroon ni Mommy Dionisia ng Hermes na bag (although specifically ang ni-request niya ay Irmes na baka nabibili naman sa suking pirata bag shop sa Greenhills).

Tutal “Bible” naman ang sinasabing basehan nito, e diba Bible din naman ang nagsabi na walang nakakaalam ng eksaktong petsa at oras ng paghuhukom? Kung saan banda sa Bible niya nabasa at paano na-formulate ng manong na nakapagsabi na katapusan na nga ng mundo, wala na akong pakialam. Basta sa ngayon malabong mangyari yan. E paano kami dito sa Saudi Arabia? Year 1432 pa lang dito (as per Islamic Calendar). Exempted naman pala kami dito hindi na lang ako uuwi.

Basta ako may patotoong hindi ito mangyayari kasi nasasaad sa balot ng binili kong “Chippy” Expiry Date: 12.02.2012

In A Relationship

Single, Married, Widowed, Divorced. Yan lang naman ang mga common na “Marital Status”. Nadagdagan lang naman ito ng mag-pauso ang isang social networking site ng "It's Complicated". Pero sa totoo lang mapapaisip ka, "gaano ka-complicated ang complicated?" Nawa’y mahanap niyo sa ibaba ang kung anong klaseng relasyon ang meron kayo sa ngayon.

Long Distance-maaaring hiningi ng pagkakataon kaya ang dalawang magkarelasyon ay kinailangang magkalayo. Maaring sa ikabubuti nilang dalawa, pero kung ang dahilan ay para sa ikabubuti ng isa, walang kasiguraduhan kung magtatagal ang ganitong uri ng relasyon. May tumututol? Sige sa baranggay ka magpaliwanag pero dahil ako ang nagsulat nito, wala kang ibang opinion na mababasa kungdi “hindi nagwo-work ang Long Distance Relationship lalo na kung wala pang kasalang nagaganap” Wala! WALA!!!

Imaginary-mayroon ka bang kaibigan na panay ang kuwento tungkol sa karelasyon nyang ubod ng perpekto at wala ni isang kapintasan? Pero sa kabila nito ni minsan hindi niya pa magawang maipakilala ng harapan ang sinasabing karelasyon niya? Swerte? Hindi! Maaring kagagawan lang ng imahinasyon niya ang lahat. Sa ngayon wala nang perpekto! Mag-asawa na nga nagkakasiraan pa e yung magsyota pa kaya?

FB-*babala: hindi angkop para sa mga konserbatibo* Hindi yan FaceBook. Yan ang tinatawag na “F*ck Buddy”. Eto yung tipo ng relasyon na walang relasyon. Penis meets Vagina lang kumbaga. Hindi Man meets Woman. Sa ganitong uri ng realsyon, bawal na pag-uusapan ang “love” “marriage” “family” lalong lalo na ang “kids”. Kapag isa sa involved sa ganitong relasyon ay nagsimulang magbanggit ng isa sa mga topic na yan, asahan ang unti-unting paglalaho ng komunikasyon sa mga susunod na araw. *pwera na lang siguro kung malupit ka sa kama*.

Exclusively Dating-the modern day “Mutual Understanding”. Lumalabas-labas, date-date, si babae hindi na tumatanggap ng manliligaw, si lalaki hindi na rin nanliligaw ng iba, madalas mag-kausap, madalas magka-text. Pero hindi pa sila. Yung parang “oo” na lang ng babae ang kulang. For some reason hindi pwede makipag-commit sa relationship ang isa o ang parehong involved pero sa kilos at mga gawain, parang sila na. Hindi ko alam kung paano nag-evolve ang ganitong uri ng tawag sa isang relasyon pero malamang pakana na naman yan ng mga artistang pilit umiiwas sa gulo ng intriga. Kalimitan itong sumusunod sa “getting to know” stage. Pag pumasa ka at na-get to know ka na nang maigi, ditto marahil ang bagsak nyo.

Parental-the modern day “May-December” love affair. Yung tipong pag lumalabas-labas kayo on a date, lagi kayong napapagkamalang nasa “family bonding with Mom/Dad”. Walang masama dito as long as nagmamahalan ang dalawang involved at tsaka walang asawa ang isa sa kanila.

Exotic-kapag nakakita ka ng ganito may tuwa kang mararamdaman at bigla mo na lang masasambit ang mga katagang “isa na namang kababayan ang umangat sa kahirapan”. Its the usual Inday-John Doe relationship. Yung mapapaisip ka na “how the heck he can stand that?!” o di kaya “what the fuck how did that happen?!” Sa di malamang kadahilanan, parang certain characteristics na hinahanap ang mga puti pagdating sa paghahanap ng relasyon. Di katangkaran, di kaputian, payat, at higit sa lahat, may malaking set ng mga ngipin sa harap. Yung tipong hindi na maisara ng ayos ang mga labi dahil sa laki ng ngipin sa harap. Sa bandang huli kung iisipin mo, sila pa ang panalo dahil ang mga tipo ni Inday ang yumayaman, at totoong minamahal ng kanilang mga foreigner husbands.

Beneficial-a.k.a. “friends with benefits.” Magkaibigan, tapos sa dulo “magka-ibigan” pero hindi sila. Eto yung mga tipong parang sila pero ok lang na may syotang iba. No commitments pero pwede nating gawin ang ginagawa ng mga normal na mag-syota., pero bawal ma-fall! Kung sinong ma-fall talo. May pagkaka-pareho ito sa estado ng “exclusively dating” pero ang pagkakaiba nito doon, pwede makipag-relasyon sa iba pa habang “friends with benefits” kayo. Natatapos ito pag nakahanap na ng totong karelasyon ang isa sa mga involved. Malas na nga lang nung naunahan.

Rebound-kung ang isa ay galing sa break-up at sinalo ng isa, yan ang tawag sa uri ng realsyon na magaganap. Bago pumasok sa ganitong relasyon siguraduhing wala nang balak pang bumalik ang makakarelasyon mong kaka-break lang dun sa bi-nreak niya. Kung hindi, talo ka! Ok lang kung rebound ka tapos sa bandang huli magiging kayo. Pero kung hindi, kawawa ka. Sinaktan mo lang ang sarili mo.

Trophy-isang babala lalo na sa mga babaeng ubod ng ganda, maaaring nasa ganitong uri ka na ng relasyon ay hindi mo pa alam. Kung lagi kang kasama ng BF mo sa mga lakad ng barkada (na hindi mo naman mga kakilala ang iba pang kasama sa lakad), at proud sya sayo tuwing may ibang tao sa paligid, pero pagka-kayong dalawa na lang ay parang wala ka lang, o di kaya pagka hindi na kayo magkasama e hindi ka na kinakamusta sa tawag at text, pwede mo nang i-categorize ang relasyon nyo sa classification na ito.

Contractual-“pag ka umabot tayo ng 30, tapos wala pa akong asawa, tapos ikaw rin wala, tayo na lang dalawa”. Pagka-umoo ka sa ganyang kasunduan, welcome to “Contractual” relationship. Pero sa katagalan maaari mo ring marealize na parang may kulang. Kaya kung balak mo rin naman ng ganitong relasyon, siguraduhin na ang pipiliing partner ay may potential na mapa-ibig ka sa bandang huli. Kasi kung hindi, at tipong napasubo na sa kasalan, there’s no turning back!

Parasitismic-the modern day “bilmoko non bilmoko nyan” kalimitang pinapasukan ng mga DOM at ng mga matrona na kaya lang pinapatulan ng ka-relasyon ay dahil sa mga regalo at benefits na nakukuha ng mas nakababatang ka-relasyon. Same principle applies sa mga lalaking ubod ng yaman na kayang ibigay o bilhin lahat ang gusto ng GF. Pera-pera lang yan kumbaga.

Walang ibang hinangad ang lahat ng tao kungdi ang magkaroon ng “Ideal” type ng relationship. Pero syempre marahil na rin sa mga pagkakataon, nagkakaroon ng mga ganyang tipo na nabanggit na mga uri ng realsyon marahil dahil na rin sa pagkainip sa paghihintay ng tamang taong dadating na talagang magmamahal ng totoo. Malamang sa isa o sa dalawa nakarelate ka pero habang maiisip mo ang mga nakaraang experience mo, matatawa ka na lang. Basta ang mahalaga, pag-daanan mo man lahat yan, sa “One True Love” ka pa rin babagsak.