Boyet and Girlie *todo na 'to sama pamato*

Naisip ko dati ang series na 'to marahil dala na rin ng mga na-stock na alak sa utak ko. Pero hindi ko naman inakalang marami ang mahu-hook sa kalokohang ito. May ilan akong mga kaibigan sa Facebook na ginagamit na rin itong pam-bola sa babae. Yung iba nga nagkahulihan pa sa wall. Friend ko rin kasi yung babaeng ginamitan nya ng pick-up line na nakuha sa collection ko. Ayun, bistado. Pero gaya ng ibang bandwagon, may katapusan din ang series na ito. Ang iba dyan naisip ko, ang iba naman nakuha ko sa ibang networking sites at minodify ko na lang sa konteksto ni Boyet at ni Girlie.

Pero ni minsan hindi ko naisip na magkakaroon ito ng taxi franchise:


*larawan mula kay Saab Magalona: http://saabmagalona.tumblr.com/post/173663789/boyet-and-girlie *

At eto na, inipon, tinipon, para inyong abusuhin, pagtawanan, at ipasa. Enjoy:

BOYET: Ang pag-ibig ko sayo, parang NBA finals.
GIRLIE: Bakit?
BOYET: Hindi man kita maDALLAS makita, MIAMI pading dhilan para mahalin ka.

BOYET: Im a boy and im your friend..
GIRLIE: So?
BOYET: Can I be your BOYFRIEND?

BOYET: taga FEU ka ba ?
GIRLIE: Bakit?
BOYET: kasi sabi nang puso ko na TAMA RAW na ibigin kita

BOYET: sana pwedeng i- COPY & PASTE ang puso ,
GIRLIE: Bakit:?
BOYET: para i-copy ko ang puso mo at ipa-paste ko sa puso ko.

BOYET: Nakakainis ka na! Napaka-isip bata mo! Masyado kang childish!
GIRLIE: Anong gagawin mo?
BOYET: Gusto mo gawin kitang... Baby ko

BOYET: may MALI ba sakin ?
GIRLIE: Bakit:?
BOYET: hayaan mo na , may TAMA naman ako sayo.

BOYET: bakit wala ka pang BF ?
GIRLIE: bawal pa eh , ikaw bat wala ka pang GF ?
BOYET: bawal ka pa eh.

BOYET: ano ang pinagkaiba ng BAHAY sa PUSO ?
GIRLIE: Ano?
BOYET:, sa BAHAY may kasama ka , pero sa PUSO ko nag-iisa ka.

BOYET: may alam ka bang PAMPALAGLAG ?
GIRLIE: Bakit? Nakabuntis ka ba?
BOYET: Hindi, ang lakas kasi ng kapit mo sa puso ko.

GIRLIE: ano ba yung LOVE ?
BOYET: hindi ko alam eh , basta ang alam ko lang LOVE-is kitang mahal.

BOYET: di man ako kasing galante ng TATAY mo o kasing galing pomorma ng KAPATID mo , kasing husay naman ako mag alaga ng NANAY mo.

BOYET: Modem ka ba?
GIRLIE: ha? Bakit?!
BOYET: Because I find a “connection” in you.

*sa Tagaytay*
GIRLIE: wow , I LOVE THE VIEW.
BOYET: pwedeng tanggalin mo nalang yung "THE"?

BOYET: Alam mo ba kung bakit maalat ang dagat?
GIRLIE: Bakit?
BOYET: Because God put all the sweetness in you.

BOYET: Buti pa ang bagoong at kare-kare, pinagsasama..
GIRLIE: oh e ano naman?
BOYET: tayo kaya kelan?

BOYET: Feeling ko mouse tayong dalawa…
GIRLIE: bakit?
BOYET: You know, we just click

BOYET: Teacher ka ba?
GIRLIE: hinde, bakit?
BOYET: Tinuruan mo kasi akong magmahal.

BOYET: Sana naging lungs mo na lang ako...
GIRLIE: Bakit?
BOYET: para malapit ako sa puso mo.

BOYET: Sana taxi ka na lang.
GIRLIE: at bakit?!
BOYET: para ikaw na ang kusang lalapit sa akin.

GIRLIE: BAKIT LATE KA! LAGI KA NA LANG LATE! NAIINIS NA KO SAYO!
BOYET: Ang ingay mo! Pag ikaw di pa nanahimik tatakpan ko na yang bibig mo.. NG LABI KO

BOYET: kaya pala walang bituin sa langit eh...
GIRLIE: kasi maulap?
BOYET: hinde, nandito ka kasi

BOYET: Ang lamig!!!
GIRLIE: E di mag-jacket ka!
BOYET: aanhin ko ang jacket kung sayo pa lang nang-iinit na ako

BOYET: kung talagang tayo, kahit san sulok ng mundo magtatagpo tayo.
GIRLIE: never tayo magtatagpo. walang sulok ang mundo.bilog ito bilog!
BOYET: :(

BOYET: *nahulog sa hagdan.*
GIRLIE: anong nangyari sayo?
BOYET: paakyat na sana ako, kaso nung nakita kita ayun nahulog ulit ako...

BOYET: Di naman talaga ako sanay at marunong BUMANAT eh.
GIRLIE: e san mo nakukuha yang mga BOLA mo?
BOYET: Sadyang nabubuo lang ang mga yon, pag nabubuo ka din sa isipan ko.

BOYET: ang hirap isulat ng pangalan mo
GIRLIE: bakit?
BOYET: sa tuwing maiisip lang kita , I LOVE YOU na agad nasusulat ko eh.

BOYET: may kakambal ka ba?
GIRLIE: wala naman. Bakit?
BOYET: Kasi you’re in my heart. Yet you’re on my mind.

GIRLIE: andaming babae dito sa fone mo! Sino ba talaga ang laman ng puso mo?!
BOYET: ewan ko sayo! Ikaw ang nagmamay-ari tapos ako tinatanong mo!?

GIRLIE: sige nga describe me in one word!
BOYET: "Mine"
GIRLIE: nabili mo ba ako!? Kelan pa!?

BOYET: naaalala lang naman kita kapag malungkot ako
GIRLIE: bakit naman?
BOYET: kasi kapag masaya ako , kasama kita.

BOYET: hindi naman ako si Madam Auring...
GIRLIE: Bakit?
BOYET: nakikita ko kasi ang future ko.. kasama ka.

BOYET: nagsusungit ka na naman!
GIRLIE: ewan ko sayo!
BOYET: Kahit sing-tigas ng bakal ang puso mo, kakalawangin 'yan sa mga diskarte ko.

BOYET: para kang tsinelas.
GIRLIE: di man lang sapatos!?
BOYET: kahit na anong ganda ng sapatos, pag-uwi mo, tsinelas pa rin ang hanap mo.

BOYET: ULAN ka at LUPA ako...
GIRLIE: ha? Hindi ba langit at lupa?
BOYET: ulan at lupa. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo

GIRLIE: Im scared!
BOYET: why?
GIRLIE: There's always be a LIE in BELIEVE, OVER in LOVER, END in FRIENDS...
BOYET: But there's US in TRUST.

BOYET: Naaksidente ako.
GIRLIE: Huh anong nangyari?
BOYET: Don't worry, tong nararamdaman ko para sayo, 'di to aksidente!

BOYET: You are my strength,
GIRLIE: *blush*
BOYET: But loving you is my ultimate weakness...

BOYET: ang totoo nyan, Duwag ako. Takot ako.
GIRLIE: ha?
BOYET: Duwag na saktan ka. Takot na mawala ka.

GIRLIE: Nobody is perfect.
BOYET: Until I fell in love with you

BOYET: buwisit na Facebook yan, tanong nang tanong ng “What’s On Your Mind?”
GIRLIE: Tapos?
BOYET: ikaw lang naman ang nasa isipan ko… Ano gusto nila i-Share kita para i-Like ng Iba?

BOYET: May dadalawin ka ba sa sementeryo?
GIRLIE: wala bakit?
BOYET: Ako na lang dalawin mo! Tutal naman patay na patay ako sa ‘yo eh.

BOYET: ang pagmamahal ko sayo ay parang pag hinga ko....
GIRLIE: Bakit?
BOYET: paano ko ititigil? Pag tumigil ako ikamamatay ko.

NANAY NI BOYET: di ba ang bilin ko sa ‘yo, future mo ang atupagin mo! Bakit puro si Girlie ang inaatupag mo?
BOYET: siya po kasi ang future ko.

GIRLIE: tahimik ka ata lately, marami ka bang iniisip?
BOYET: bakit? Madami ka ba? Eh nag-iisa ka lang sa puso at isip ko!

BOYET: Sarap tignan ng langit, Pero nakakangawit tumingala.
GIRLIE: oo nga!
BOYET: Buti na lang nandito ka, isang lingon ko lang langit na.

BOYONG: masaya ka ata ngayon kahit di mo kasama si Girlie?
BOYET: masaya naman ako pag wala siya... sumusobra nga lang pag nandiyan na siya

GIRLIE: ayoko lumangoy sa dagat baka malalim!
BOYET: wag ka mag-alala wala nang mas lalalim pa sa feelings ko sayo.

GIRLIE: ilan na ba minahal mo ??
BOYET: bakit, ilan ka ba ??

BOYET: wag mo akong dalawin sa hospital pag may sakit ako...
GIRLIE: ha? Bakit naman?
BOYET: e kasi titig mo pa lang nanghihina na ko.

BOYET: buti na lang graduate na ko, malamang kasi sa exam laging "zero" ang makuha ko.
GIRLIE: bakit naman?
BOYET: ikaw lang kasi ang "tama" sa buhay ko e.

BOYET: kung subject ka sana ikaw ang pinakamahirap
GIRLIE: bakit naman?
BOYET: para sayo lang ako babagsak

BOYET: the only permanent thing in this world is...
GIRLIE: change?
BOYET: no! may lab por yu!

BOYET: Favorite mo ba ang number 6?
GIRLIE: ok lang, bakit?!
BOYET: Kasi ang “SIXy SIXy” mo kasi eh!

GIRLIE: dad, si Boyet, manliligaw ko po.
MANG GARDO: oh iho, ano ikinabubuhay mo?
BOYET: yung anak niyo po.

GIRLIE: Ang panget talaga ng pangalan mo.
BOYET: Okey lang! Maganda naman apelyido ko. Bagay sa pangalan mo.

BOYET: Para kang Birthday ko.
GIRLIE: ha bakit?!
BOYET: Kasi nung dumating ka. Doon na nagsimula ang BUHAY KO.

BOYET: alam mo, para tayong kwento ni Juan Tamad…
GIRLIE: baket?!
BOYET: ako si Juan at ikaw ang bunga…hinihintay kong mahulog ka sa akin.

BOYET: *nakatutok ang DSLR kay Girlie*
GIRLIE: kinukunan mo ba ko?! Bakit di ka nagpapa-alam?!
BOYET: hinde ah!! Nagwa-white balance lang ako! Ang puti mo kasi!

BOYET: ang pag-ibig ko sayo parang tanghali...
GIRLIE: huh? Bakit?
BOYET: parang tanghali... TAPAT!

BOYET: kailangan ko na ata mag pa doctor.
GIRLIE: bakit? may nararamdaman ka ba?
BOYET: oo... para sayo!

BOYET: Para kang bato sa langit...
GIRLIE: bakit?!
BOYET: Tinamaan ako ngunit hindi nagalit, sa halip...UMIBIG

BOYET: sabi sa balita mawawala na daw ang bagyo.
GIRLIE: ows?! Talaga!?
BOYET: pero uulanin ka pa rin ng PAGMAMAHAL ko.

BOYET: Hindi naman ako BOBO...
GIRLIE: bakit na naman?
BOYET: hindi ko kasi maisip kung ano gagawin ko Kapag nawala ka sa BUHAY ko.

GIRLIE: naniniwala ka ba sa "love is blind"
BOYET: hindi!
GIRLIE: bakit naman?
BOYET: eh nakita kita eh.

Facebook Peeves

Facebook, isang imbensyon ng tao na masasabi nating parte na ng buhay ng karamihan lalo sa mga pinoy. Pero madalas, may mga ilang nakakabuwisit na mga gawain ang ibang tao sa Facebook na kapag nakikita mo ay maaasar ka na lang. Gaya nga ng sabi ng isang pamosong kasabihan, “Bato-bato sa langit, ang tamaan, pangit!”

“Like” ng sarili mong post - Ang “like” button ay ginawa ng Facebook para ma-assess mo ang pagka-gusto ng mga kaibigan mo sa post mo. Wala namang sigurong matinong tao ang ang magpo-post ng mga entry sa sarili nilang wall na ayaw nila. It is safe to assume na kaya mo inilagay ang post na yan sa wall mo ay dahil kagustuhan mo itong ilagay. Kung ayaw mo rin namang magmukhang Narcissist kagaya ni Kris Aquino, iwasan ang gawaing ito.





Pero kung gagawin mo naman ito, since ikaw na ang nag-post, bakit kaya hindi na rin ikaw ang mag-like, tapos ikaw na rin ang mag-comment. siguraduhing huwag kalimutang magsabi ng "walang anuman" sa sarili, na nakalimutang gawin ng tungaw sa kaliwa.











Maling gamit ng “Like” button – patok na patok na kamaliang ito sa Facebook. Status: “My dog died today...” (5 likes). Kung iisipin maigi, ang pag-gamit ng “like” sa pagkakataong ito ay nasa maling konteksto. Pwera na lamang kung ikaw ang utak sa pagkamatay ng naturang aso at ang status na ito ay ang iyong naging daan upang ma-kumpirma ang pagtatagumpay ng plano mong pagpatay. Status: “break na kami ni X” (25 likes). Ibig sabihin lang nyan ay mag 25 na oportunista ang naghintay at tuwang-tuwa sa pagkakabuwag ng inyong relasyon. Asahan ang pag-lapit nila sa iyo sa mga susunod na araw. Bago mo muna pindutin ang “like” button, isipin muna kung makakagaan ito ng loob ng taong nag-post. Baka imbes na matuwa pa sila sa iyo ay ipapatay ka pa nila sa galit. Maraming tao ang nagpopost ng pagkalungkot, pagka-bigo, o kahit pagkamatay upang ipahayag sa kanilang mga kaibigan ang kalungkutang kasalukuyan nilang kinakaharap. Ang mga ganyang entry ay hindi dapat nila-“like” at sa halip ay dapat pinapakitaan ng pakikiramay sa pamamagitan ng magagandang salita na pwedeng ilagay sa “comment”.

Away sa wall – ang pakikipag-away sa wall ay kahit kalian hindi naging kaaya-ayang tignan. Kung may nakikipag-away sa iyo, mas ikabubuti mo kung kausapin ng personal ang taong ito o di kaya ay sa pamamagitan ng Private Message kayo magmurahan. Hindi nyo kailangang ilathala ang inyong away sa Facebook wall para ipakita sa lahat na galit kayo sa isa’t isa. Sa bandang huli isa ka rin sa lalabas na katawa-tawa sa ibang tao. Hindi naman ilalathala sa diyaryo kinabukasan ang away niyo at hindi rin ito magkakaroon ng epekto sa buong bansa kaya huwag na lang ipakalat sa lahat.

Higit sa isang account – iwasang gumawa ng napakaraming accounts. Kung balak mong burahin mo ang dati mong account, at nais mong gumawa ng bago, o kaya puno na ang una mong account, o di kaya ay hindi mo na mabuksan ang dati mong account dahil sa nakalimutan mo ang password mo o simpleng talagang hindi mo lang mabuksan, walang problema. Pero kung gagawa ka na naman ng isa pang account maliban sa existing mong account dahil trip mo lang magkaroon ng higit sa isang account, wag mo na lang ituloy ang balak na yan. Tapos ang ia-add mo rin ay yung mga existing mong mga kaibigan na nandun din naman sa isa mo pang account, anong kalokohan yon? Hindi ka celebrity kaya huwag mag-feeling. Kung balak mo mambabae gamit ang isang sikretong account kaya ka gagawa ng bago, yun pwede.

Short-cuts sa texts - “ndi b nkkaasr ang gni2ng klse ng pst pg nkkta m 2 sa FB wall m?” Simple lang yan, wala kayo sa cellphone texting kaya kung pwede iwasan ang ganyang klase ng pagta-type pagdating sa Facebook. Hindi naman nagtakda ang Facebook ng limit pagdating sa characters na magagamit mo pagdating sa comments at posts (pwera na lang siguro sa ibang items). Pinapakita mo lang ang katamaran mo sa simpleng hindi pag-kukumpleto ng mga letra ng words mo sa ganitong uri ng pagta-type sa Facebook.

Jejemonism/Caps and small caps – kung isa kang aminadong jejemon, ok lang... Teka, babawiin ko. Nakakabuwisit ka. “30wwzh p0wh! hnD! BuH nKK@zzhar aNg p@gbaB@Za nG g@n!t0nG uR! nG P@gtutYp3?” Ang huling sentence na nabasa mo ay halos dalawang minuto kong itinype. Pero kung sa bagay, hanga rin ako sa perseverance ng mga taong ganyan mag-type. Bago pa nila matapos ang isang sentence aabutin na sila ng siyam-siyam. Lalo na siguro pag in paragraphs na yan. Pero utang na loob, kung lampas 20 na ang edad mo, hindi na nababagay sa iyo ang ganyang uri ng paggawa ng pangungusap. Umasal ng naaayon sa edad mo. "kAgAyA rIn Ng GaNiToNg UrI nG pAgTa-TyPe aY SuBuKaN DiNg IwAsAn." Bukod sa matagal bago matapos ang isang sentence ay nakakasakit ng ulo basahin.

Kung iisipin ang Facebook o ang kahit na anong uri ng social networking sites, ay repleksyon ng kung anong klaseng tao ka. Ilang kumpanya na rin ang umamin na sa pamamagitan ng mga e-mail addresses na inilalagay application forms, nache-check ng mga HR officers minsan ang Facebook site ng aplikante. Minsan daw ay nagiging batayan nila ito sa pag-tanggap nila ng aplikante. Yan ang dahilan kung bakit iba ang ginagamit kong e-mail para sa social networking sites at iba para sa mga pormal na pangangailangan gaya ng sa resume at sa mga business matters. Isipin mo na lang na parang isang uri ng damit mo ang Facebook page mo. Maaaring makita ng ibang tao kung anong klaseng tao ka sa pamamagitan ng mga inilalathala mo sa Facebook page mo. Kaya hanggat maaari, ayusin at gawing presentable ang sarili mo kahit sa internet lang.

How Do You Heal A Broken Heart

I was browsing my facebook page when suddenly a good friend of mine told me about his “situation”. He was turned down by a certain girl. Funny that the other month a friend also consulted me on how he will deal with the same situation. Hindi ko alam kung anong meron ako at lapitin ako ng ganyang tanong. Marahil ay nasa mukha ko na maraming beses na rin akong na-basted kaya ako palagi ang naiisip nilang pagtanungan. And as I browse FB for the second time, I see this status: “How do you heal a broken heart?”

And then I suddenly saw that Hazel posted an entry on her blog entitled “It’s Time To Move On” ayun naman... Signos! Akalain mong nagkatagpo-tagpo ang lahat.

So, kung sasagutin ko man ang tanong sa itaas na “How do you heal a broken heart?” malamang ang isasagot ko e yung nasa itaas din, “It’s time to move on.” But then again, another question comes up, “Paano?” or kung coño ka, “How?” hindi man ako si Joe ‘d Mango na may mababang boses at nakakaantok na pananalita, pero hayaan niyong i-adopt ko ang naturang post sa kung paano ang pagpapahilom ng isang pusong sugatan.

Una, never be alone. Makipag-usap sa kaibigan. Yung totoong kaibigan, hindi yung tipong pasasamain lalo ang loob mo para umorder ka pa ng umorder ng alak hanggang sa malasing ka nila at pagkatapos, ikaw pa ang pagbabayarin ng bill. Ika nga nila “idaan na ‘yan sa ma-boteng usapan”. Your friends, being that someone na nasa labas ng relasyon, has a different perspective of the situation na kinasasadlakan mo. Walang bias (well at least let’s assume na totoong kaibigan mo sila for the sake of this discussion). But please, kung sakali mang wala pa silang alam sa situation mo, at ikukwento mo pa lang sa kanila ang lahat, try to tell the story sa pinaka-totoong format. Hindi yung na-revise mo na ang kuwento para magmukhang siya ang may kasalanan at ikaw ang naaapi. Kung may kasalanan ka rin, sabihin mo, para kung mag-iisip man ng ipapayo sayo ay yung siguradong tama. Huwag magalit sa kaibigan kung may sabihin man silang hindi maganda sa pandinig mo. Try to listen at baka ipinapa-realize lang nila kung ano ang mga bagay-bagay na dapat mong ma-realize. Accept it. At utang na loob, iwasan ang paggamit ng ibang tao sa pagku-kuwento. Nakakabuwisit lang e. “Eh, kasi yung pinsan ng kapitbahay ng friend ko nung pre-school, nagkaroon ng syota yung sinosyota nya ngayon.” Lumang style na ‘yan pare.

Pangalawa, hayaan ang feelings. Express it. Kung masama ang loob mo, sige masama ang loob. Kung galit ka, sige lang ilabas mo, (pero iwasang mandamay ng ibang tao). Kung malungkot ka, walang masama kung iiiyak mo. Wag lang lalampas sa limit at magiging pathetic. Iwasan ang semi-laslas ng pulso (paglalaslas ng pulso na di tinatamaan ang ugat, para siguradong buhay. May dugo pero hindi ikamamatay). Never pretend. Ikaw lang rin ang mahihirapan. Pilitin mo mang magmukhang masaya sa harap ng iba, mao-obvious at mao-obvious din yan. Ikaw lang rin ang mahihirapan. It is also medically proven na masama ang magtago ng sama ng loob sa sarili. It may lead to certain diseases and some psychological disorders. Nahirapan ka na kalaunan gagastos ka pa. Hanggat hindi mo inilalabas ang sama ng loob na yan, bitbit mo yan sa ‘yo, at malamang may kalalagyan ka sa mental hospital. In the process ikaw rin naman ang mapapagod e.

Pangatlo, try to clear your mind and slowly revive your own self. SLOWLY. Hindi ka superhero para maka-recover agad. Baka habang minamadali mo mas lalo ka pang magkaproblema kinalaunan. Isa-isa lang. Unti-unting ibalik ang mga ginagawa mo nung nasa sirkulasyon ka pa upang ma-distract ang isipan mo sa kinakaharap mong sakit. Keep yourself busy. Pwedeng maghanap ng bagong hobby. Kung kaya, try extreme activities, or those activities na ikapapagod ng katawan mo. Na-libang ka nakapag-exercise ka pa. Yung tipong kapag natapos mong gawin ang activity, diretso tulog ka na dahil sa kapaguran. Alalahaning ang oras bago matulog ay ang oras na mas higit mong maiisip ang nangyari sayo. Ngayon kung pagod ka na, paano ka pa mag-iisip? Itutulog mo na lang diba? Or magpaka-busy sa trabaho. Malay mo ika-promote mo pa yan later on dahil sa kasipagan mo sa trabaho. Explore new things. Yung tipong pag-aaralan mo. May isa akong kakilala dati na-broken hearted din, nag-aral mag-cross stitch. Nang matapos nya ang “The Last Supper” naka-move on na sya.

Pang-apat, subukang unti-unting alisin ang taong ‘yon sa iyong sistema. Sa tingin ko ito ang pinaka-mahirap pero kaya naman. Wag mo na lang burahin ang phone number nya sa cellphone mo at alam ko namang saulado mo ang number nya. Kung dati bago mag-12pm tinetext mo na sya ng “wer na u? Eat ka na? Eat na me. Tsup tsup.” Ngayon, isipin mo kung gaano ka kabaduy nung ginagawa mo pa dati yan. Mandidiri kang ulitin pa yan. Iwasan muna pansamantala ang mga favourite niyong tambayan, favourite niyong kainan, favourite niyong motel, at iba pang mga lugar o bagay na usually ginagawa niyo ng magkasama. Maaaring maka-ramdam ng sakit habang ginagawa o pinupuntahan ang mga ito. Kung kaya, sabihin sa kanya na iwasan muna ang pakikipag-communicate niya sa iyo. Sabihin mong kailangan mo ito upang maka-move on. On your side, resist also the temptation of reviving the communication between the two of you. Saka ka na lang mag-text ng “hi, musta na?” kapag tingin mo sa sarili mo, kaya mo na at di ka na ulit masasaktan.

Pang-lima, iwasan ang mga relasyong “panakip-butas” para lang ipadama sa kanya na “fuck you! Kaya kong wala ka!” ang pagmo-move-on ay hindi kumpetensya sa dalawang pusong nasaktan at hindi rin pakikipag-unahan ng pag-pasok sa panibagong relasyon. Unfair naman sa taong makakarelasyon mo kung iba naman pala ang gusto mo. Siguraduhing kaya mo nang talikuran ang feelings mo dun sa nauna bago tanggapin ang panibagong relasyon. PERO, huwag isara ang pinto sa posibleng pag-ibig. Malay mo makatulong ito upang maka-move on ka. Give others a chance. Baka mas magiging masaya ka pa pala sa paparating na relationship.

Pang-anim, subukang gawing joke paminsan-minsan ang pangyayari (also known as bitter jokes). Minsan nakakabawas ng sama ng loob kung gagawin mo na lang joke ang mga nangyari sa inyo. Nakapag-pasaya ka na ng ibang tao in the process. Iwasan lang mapikon syempre. Kung sa tingin mo medyo lumalampas na ang mga kaibigan mo at napipikon ka na, sabihin mo sa kanila “oy! Foul na yon!” tatahimik naman sila. At least let them know the limits of fooling around the situation.

Maaaring iba-iba ang paraan ng bawat tao sa pag-harap sa ganitong uri ng problema pero at the end of the day kailangan mo pa ring mag-move on and you’ll just charge it to experience. Later on pag ok ka na baka tawanan mo na lang lahat ang nangyari. Isipin mo dagdag wisdom para sa iyo yan. With these kinds of experiences we tend to be educated and it will make us well equipped to deal with the upcoming challenges maturely. Tandaan na ang pagiging broken-hearted ay parang kabag, lilipas din yan pag nai-utot mo na lahat.