Kung fan ka ni Bob Ong, malamang familiar ka sa title ng blog ko. Yep! Isa yan sa mga chapter titles sa isa sa mga libro nya. Kung may balak kang magtanong kung bakit yan naman ang title na napili ko, simple lang ang sagot, kasi yan ang naramdaman ko buong araw. Kung slow ka marahil hindi mo makukuha.
“Hoy Michael, tanghali na!” tambad sakin ng aking mahal na ina (sa in-your-face- mode). Hinihintay ko yung tubig na ibubuhos sa mukha ko. Wala naman. Buong lakas akong bumangon sa kinahihimlayan ko. Baka kasi pagbalik ng nanay ko at hindi pa ko nakabangon, may dala na syang tubig. Ritwal na ng katawan ko ang pagbubukas ng radyo sa bawat paggising. Amputah! Tina-tantrum na naman ‘tong put@&% in@#& radyo ko. Palibhasa pre-historic. Lumabas ako sa aking lungga at sinilip ang kwarto ng kapatid ko. Wala sya! Ang saya! Sinamantala ko ang ginintuang pagkakataon na ito at binuksan ko agad ang radyo nya. Halos tinodo ko ang volume ng radyo para dinig sa buong subdivision. Inilagay ko agad sa favorite radio station ko. “You mesmerize me with diamond eyes…” ani Rico Blanco. Naks! Peborit song! Dali-dali akong dumiretso sa banyo at naligo sa saliw ng tugtuging iyon. Habang dumadausdos ang tubig sa makisig kong katawan, sinasabayan ko ang birit ni Rico Blanco. “Never in my life have I been more sure…so come on up to me and clo----mga sandaling ito, ‘di ako magbabago.” Pu#$! Anung nangyari? “Batid ko parin ang damdamin sa ‘ting lumang litrato!” EEEWWW! Muntik na kong masuka! Punyeta. Napalabas tuloy ako ng banyo at sinilip kung sino ang walanghiyang naglipat ng station. At biglang bumulaga sa mukha ko…(cue horror music here! Hiiiing! Hiiiing! Hiiing! Hiiiing!) ang mukha ng kuya ko! SALOT!
Nagkita kaming tatlo (prens) sa isang hindi kasikatan na mall sa bacoor (SM ba ito?). at ang destinasyon, Greenhills. Sumakay kami ng bus papuntang Baclaran. Aircon! Sarap! Itinuloy ko ang pagbabasa ng dala kong libro. Konting tawa. Hahaha! Maya-maya pa’y dinalaw na ko ng antok. Minsan lang ‘to kaya di dapat palampasin! Nasa kaliwang dibdib na ni Francine Prieto ang kanang kamay ko ng may biglang…umiyak na bata! San galing yun! Hindi pala umiiyak, SUMISIGAW na bata! Amputah! Hindi ba pwedeng ipag-bawal ang pagsakay sa bus ng mga batang mula fetus pataas? Perwisyo sila sa mga taong gustong magpahinga sa bus! Nung mga sandaling ‘yon, dalawa lang ang gusto kong gawin. Gilitan ng kutsilyo ang leeg ng bata o maglaslas ng pulso.
Bumaba kami sa Baclaran ng may maitim na ulap sa ulo ko. Pagkarating don ay sumakay naman kami ng bus papuntang Ortigas. At dahil sa telenovela na naman ang palabas sa bus, naisipan ko na magpakalunod na lang sa binabasa ko. Medyo maluwag pa ang bus kaya buong tapang kong dinupang ang pangdalawahang upuan na pinuwestuhan ko. Asa likod ko ang dalawa ko pang kasama. Naglalampungan. Sa tuwing may titingin sa ‘kin na parang sinasabi na “Pogi! Pwede bang tumabi sa’yo?,” sinasagot ko sila ng tingin na “Subukan mong umupo dito at papatayin kita!” Mukha naman silang nasisindak dahil dumidiretso rin sila sa likod. Makalampas ng Ayala, may kasikipan na ang bus na sinasakyan namin kaya no choice, kailangan ko na magpaupo. May isang lalaking nangahas na umupo sa tabi ko. Saglit pa lang ng pagkakaupo nya, mga 1-10 seconds, tulog na agad sya! Ayos ah! Ok pa sana nung una e, kaso maya-maya pa ay halos buong bigat na ng katawan nya, naipasa na nya ata sa akin. P%#%*% ina! Buwisit na buwisit ako sa mga taong ganun (pero sabi ng tropa ko ganun din daw ako kaya buwisit na buwisit din ako sa sarili ko). Alam ko medyo malaki ang katawan ko pero hindi naman ako mukhang kama na pwede mong higaan. Maayos naman ang suot ko nun at hindi naman ako naka-bedsheet attire. Gusto ko na sanang bunutin ang kutsilyo ko at gripuhan siya sa tagiliran e. Pero naisip ko ang mga nagmamahal sa kin. Di nila ako kayang mawala dahil mahal nila ako.

Mhyk! I like everything you said. Sooo true! Ang pangit naman to end lang my comment saying na everything you said was sooo true, diba? So, let me tell you this... In my own opinion, when it comes to love, no one can get perfect in an instant. No one can cheat din para maka 1.00. In life, we have more than one purpose, besides the one biggest purpose that descibes our existence. One of those would be to quest for love (that is meant for you). Don't rush! Wala ka pang 30. For some people nga, they don't have to search for it. It comes in the least expected moment. Me nga, if you can guess who I am, I never expected that I would ever fall in love. Ever since I was a kid, I never had crush. Love for me is nothing but a corny thing. All my friends couldn't believe that someone like me would ever fall in love. But, what can I do, I just happend. Mhyk, now, I believe love is blessing. It is not just anything you can find everywhere. Sometines, love comes as a blessing in disguise. For such, you wouldn't know it is a blessing if you have not gone through a deep realization. You wouldn't know it is true love if you have not gone through so much things that would prove that it is. To love the right person involves, of course, sacrifices. Because, you would only learn the value of it if you have given most of yourself for it, when you have worked hard for it.
Post a Comment