The Multiple Personality Disorder Chronicles Part 2 (A.K.A.: Ako na Sarili mo! Ikalawang Bahagi) (from gracie!!!)
mhyk12
6:00 PM
Oo, masakit. Pero kaya ko namang tiisin. Gumagawa na ako ng paraan para mawala na yung hapdi. Halos wala na nga. Nakakayanan ko na. Kaya ko naman pala, akala ko lang hindi. Hindi pa rin ako umiiyak. Hindi yata siya dapat iyakan. Pero halos pumatak na yung luha ko. Naipon lang sa mga mata ko ngunit hindi bumagsak. Gusto ko na nga sana maiyak pero ayaw pa rin pumatak ng luha na nakalaan para sa kanya. Alam mo, hindi ko naman guguluhin mga kaibigan ko tungkol sa kanya. Pero nasabi ko na sa iba na buburahin ko na talaga yung tao na yun sa puso ko. Ginagawa pa nga naming biruan. Pinagtatawanan ko na lang sarili ko dahil sa ginawa kong hakbang para lalo ako masaktan. Maling-mali talaga. Sabi nga nung isa, ang ***** daw ako. Ganun talaga buhay, minsan hindi maiwasan na maging timang.
Hindi ko na sinasabi sa mga kaibigan ko na mahal ko yung tao na yun. Sinasabi ko sa kanila ngayon na may minamahal siyang iba at seryoso siya dun. Aray! Masakit pa rin pala. Bakit ganun, pag kinukwento ko sa iba na may mahal siyang iba parang ok lang pero kapag mag-isa na naman ako, nasasaktan na naman ako? Ewan ko ba. Basta ang alam ko, dapat na talaga siya burahin sa sistema ko. Wala na dapat yung pagtingin ko sa kanya. Tama, nung una pa lang kasi na hindi ganito kalala ang sitwasyon ay dapat na lumayo na ako. Mali, ayos lang pala yung napalapit kami pero mali yung hinayaan kong mahulog ang damdamin ko at umasa ako. Ako tuloy ang nagdusa. Pero, ngayon, natauhan na ako. Hinding-hindi na ako aasa. Pipilitin ko.
Isang araw ko lang siya hindi pinansin noon. Hindi ko nakayanan na patagalin pa dun. Ako rin nahihirapan pag hindi ko siya nakakausap. Oo nga, masyado nga talaga ang imahinasyon ko. Kababasa yun ng mga libro. Hindi ko naman talaga pinangarap na abutin yung bituin sa langit. Akala ko kasi hindi naman siya ganun katayog. Akala ko halos pantay lang kami. Konti lang lamang niya. Nung lubos ko na siya nakilala, saka ko lang naunawaan na mataas nga siya. Mahirap abutin. Gaya ng sinabi ko, hindi na ako aasa. Alam ko na hindi mahuhulog yung mga bituin sa langit. Kasi pag nahulog sila, kailangan mo pa ring humiling. Ayaw ko na. Umasa ka na tapos hihiling. Asa na naman. Nakakasawa. Buti, natauhan na ako habang maaga.
Kailangan ko ba talagang batukan sarili ko? Huwag na. Tama na yung sakit sa loob, bakit sasaktan ko pa yung labas? Oo nga, nagtanong ako kasi parang sasabog ako nung oras na yun. Kung bakit kasi kailangan pang masaktan ng sobra bago matauhan? At yun na nga nangyari sa kin. Sa sobrang sakit nagtanong ako kahit kanino. Pero tama naman sinabi niya sa kin. Dont expect but dont lose hope. Huwag umasa pero huwag mawalan ng pag-asa. Alam mo ba na ang sarap pakinggan nun nang mga oras na yun. Kasi nalaman ko na nauunawaan niya yung nararamdaman ko. May nakaunawa sa akin. Alam niyang nasaktan ako at binigyan niya ako ng pag-asa. Yun na ang mga katagang nagpagising sa akin. Simula ng marinig ko yun, nagkaroon ako ng lakas ng loob. Naengganyo ako na bumangon muli at harapin ang bagong bukas. Na taglay ang aking bagong pag-asa.
Nakonsensya na ako. Yung luma na tinutukoy mo, walang-wala na yung pagtingin ko para dun. Naiisip ko lang siya kasi hindi ko naman talaga malilimutan yung napakalaking naging bahagi niya sa buhay ko. Minahal ko talaga siya. Isang pagmamahal na kailangang bigyang wakas. Tulad ng ginagawa ko ngayon. Isa na namang pagmamahal na dapat hadlangan ng hindi na lumala. Tama ka, mag-aantay na lang ako ng mas bago. Yung kakayanin kong ipaglaban. Dalawang beses na ako nasaktan ng todo. Sana sa susunod hindi na. Gagabayan na ako nitong taglay kong bagong pag-asa.
Ayos na ako. Nakakatayo na ako ng derecho. Nakakangiti na ako yung tunay na ngiti, walang halong kaplastikan. Iniisip ko na lang ang mga maliligayang alaala. Hindi ko na pinapansin yung sinasabi ng ibang tao. Desisyon ko na ito dahil damdamin ko ang nakataya. Ayaw ko nang muling masaktan. Tatahakin ko na ang tamang daan.
Tama. Ang sarili ko lang ang pag-asa ko Ikaw at Ako! Iisa tayo sa mga sandaling ganito. Tuloy ang buhay. Hindi ko isusuko ang buhay ko. Hindi tayo aasa pero maniniwala tayo na mayroong pag-asa.

Post a Comment