Naks! Ang sarap pakinggan! Peeps, have a new title! Matagal-tagal din akong hindi nakapagsulat kaya medyo pagbigyan nyo na ko kung medyo may kababawan itong artikulo ko ngayon.

Siyempre, I would like to take this opportunity na magyabang ng konti kasi out of 1,151 board passers, 130+ lang naman ang MAPUANS (yun yung mga kakilala ko lang ha)! And syempre magpapahuli ba kami sa topnotchers, 6 topnotchers lang naman ang MAPUANS at this batch of examinees. Namely: 18th: VICENTE JR NINO MALABUYOC, 17th: RUDOLF BUGAYONG MAGAT, 12th: SALVADOR JR UYKIM GO, 9th: RAYMOND JAYSON BATICOS QUIJANO, 5th: JEFFREE REBUENO VALLEJOS, 3rd: ROYCE JOHN DIMALANTA DE GUZMAN at syempre 1st: MICHAEL CUSTODIO ACOSTA (walang pakialaman article ko to!).

Meron ding mga 'di pinalad. Pero ok lang yan! Hindi pa GAME OVER! Baka may ibang plans pa si Lord para sa inyo! Malay nyo maging topnotcher pa kayo! Just keep on praying!

Sa totoo lang madaming nabago sa kin matapos ang board exam. No doubt I am now closer to God! Close na kami ngayon! Hehehe! Natuto na kong makipag-usap sa kanya. Hmmm. Sana kayo din!

Pero after passing the board exams, meron akong na-realize. ANG HIRAP MAGING TAMBAY! Passing the board exams doesn't ensure you na magkakaroon ka agad ng trabaho. Shit! Kaya ngayon ay isa akong dakilang tambay! Ang ayoko lang talaga sa pagiging tambay e yung kung anu-anung bagay ang naiisip ko! Naiisip ko ang nakaraan, kung gaano ako kawalang silbi sa ngayon dahil nga tambay ako, kung gano ako walang pera, kung gano ako ka-loveless, kung gaano ako ka-lonely ngayon, kung paanong magkakatuluyan si Justine at si Jessie, sumali sa Game K N B? and so on and so forth. Nakakabaliw! Kung hindi lang talaga nakakahiya manghingi pa ng pera sa mga magulang ko, hindi na ko magtatrabaho. Pero sa nakikita ko mukhang kailangan ko na magkatrabaho at oras ko naman ngayon na magsilbi para sa kanila. Putsa, kung ia-add ko siguro lahat ng gastos nila para sakin siguro aabot yun ng LIMANG MILYON o higit pa! Tapos ngayon wala akong silbi! Nakaka-frustrate!

Anyways, kung nagtataka kayo kung bakit Maikeru-san yung nakalagay sa title, yan ay dahil sa bagong novel na natapos kong basahin, "Memoirs of a Geisha." Ok din yung novel! Something fresh. At least may mga nalaman akong mga bago. Educational yung novel. Sa ngayon tinatapos ko yung "World's Best Selling Book" (kung hindi mo alam 'to nakakahiya ka!). Inaamin ko medyo nakakaantok sya basahin. Pero sa tingin ko sa dinami-dami na ng librong nabasa ko, panahon na na yun naman ang basahin ko. Lalo na ngayon na kailangan ko ng inspiration. Siyempre bukod yung inspiration na nakukuha ko dun sa kanya. Hehehe!

O pano, pasensiya ka na kung na-bored ka sa article ko. Ganyan din kasi ka-bored ang buhay ko ngayon e. Hehehe. Mabuti pa nung magulo buhay ko, maganda pa yung mga mababasa mo! Sige! Nga pala! Kung gusto mo ng kainuman, text mo lang ako ng may magawa naman ako. Sabi nga ni Boy Abunda, "Kaibigan, tara, usap tayo!"