Hindi ako lasing. Ni hindi nga ako nahilo pero parang lasing ako…Teka. Parang understatement kung gagamitin ko ang salitang lasing. Parang lango ako sa alak! Sa inuman malimit tahimik lang ako, pero sa particular na inuman kagabi…I spilled the beans! Although ako lang at si Gabby (naks!) ang magkasama sa inuman session na yon at hindi naman quatro-kantos ang tinitira namin pero parang yon ang iniinom namin dahil sa mga pinag-gagagawa at pinag-sasasabi namin ng gabing yon. Patuloy ang batuhan ng mga Quotable-quotes. Malamang kung kasama lang namin ang may ari ng website ng “wikiquote,” baka may article na kami don. English was the primary language ng gabing yon. Alam ko sa sarili ko na kapag mas fluent akong mag-english, mas lasing ako. Pero hindi nga ako lasing. Leche! Siguro dala na rin yon ng hindi namin pagkikita ni Sitti.



Kaya pag-gising ko ngayong araw na ‘to, parang ayaw ko nang bumangon. Bukod sa “bed-weather-morning,” tinatamad na ko bumyahe. Pero dahil naisip ko na sayang rin ang isang araw na kita, at kailangan ko talaga bumangon sa pagkakahiga dahil natatae na rin ako, naisipan ko na rin na lumuwas ng kamaynilaan upang pumasok sa opisina… Kahit late NA NAMAN ako. On my way to the office, kung hindi ako nakakasabay kila Sir Jojo at Mam Juliet, sumasakay ako ng MRT upang tahakin ang EDSA. Pipila na ko sa hagdan paakyat ng may biglang sumingit sa pila ko. Magmumura na sana ako non pero pag tingin ko sa sumingit sa kin, hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko tumigil ang oras at tinutugtog ang kanta ng Carpenters. “Why do birds, suddenly appear, everytime, you are near” (at may kasamang huni ng mga ibong maya) Dream girl material! Kung hindi ako nagkakamali, matangkad lang ako ng mga 1 or half inch, hindi sya sexy…She’s damn hot. Hindi ko na nga lang nasundan dahil late na nga ako at pipila pa sya, ako may stored value ticket na. Naisip kong kunin yung address nya para maregaluhan ko siya ng stored value ticket para sa pasko. Pero saka na lang. Darating din ang araw at magpa-pandale rin kami…



Sa aking pagsakay, gaya ng inaasahan, si Mariah Carrey sa tugtuging “Joy to the World” na naman ang bumibirit sa background. Hindi ko alam kung coincidence lang o sadyang walang ibang CD na maipatugtog ang mga taga-MRT. Gusto ko sanang puntahan yung office nila at gumawa ng special offer na magsu-supply ako ng CD’s na may maayos na tugtog sa halagang mas mura sa aking presyo sa lugar namin, provided na bultuhan ang kuha nila (Calling: VRB Chairman Manzano). May dalawang bakla nga sa may bandang dulo at pilit na sinasabayan ang bawat kulot ng birit ni Mariah. Marahil ay araw araw rin silang sumasakay sa MRT at nasaulo na nya ang detalye ng pag-galaw ng lalamunan ni Mariah upang makanta nya ang kantang yon. Mabuti pa nung mga unang araw ng “MRT Radio,” puro mga Bossa sounds pa ang tinutugtog kaya maganda ang takbo ng biyahe ko.



Nagtataka lang ako kung bakit paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko ang kantang Lanca Perfume ni Sitti kahit hindi ko pa naririnig simula nitong araw na’to. Patuloy lang ang pag-tugtog nito sa utak ko. Paulit-ulit lang. Wala na kong paki-alam kung anong ibig sabihin ng lyrics ng kantang ‘to basta nasasabayan ko kahit papano ng walang tugtog, achievement na to. I deserve a date with Sitti. Baliw na ata ako. Siguro dala na rin yon ng hindi namin pagkikita ni Sitti. Leche.