Save the cheerleader, save the world! Yan ang mga kumakalat na mensahe ngayon sa e-mail at sa mga text sa mga sumusuporta sa cheerleader na nasa loob ng bahay ni kuya. Marahil dala na rin sa estado ng pamumuhay nila Gee-an (o kung ano pa man ang spelling ng pangalan nya), kaya may resources sila sa pagti-text brigade at e-mail invasion. Leche! Ang mga mayayaman nga naman oh.

Patungo na ko sa aking trabaho sa normal na late na oras nang maisipan kong sumakay ng MRT kapalit ng nakasanayan na bus. Naisip ko kasi na masyado na kong late kaya nahiya ako kahit papaano ay inagahan ko ng kahit mga 15 minutos. Nakatapat ko sa MRT ang isang babae na may suot na statement shirt. Sa kapanahunan ngayon nauuso ang ganong uri ng shirt. Gaya ng nilalaman ng pangalan, “statement shirts,” may mga statement na nakalagay kadalasang sa harap nito. Mabalik ako sa kwento. Nabasa ko ang nakasulat sa shirt ng babae “More than just a pretty face.” (babala sa mga miyembro ng humanitarian advocacy groups. Ang susunod na eksena ay maaaring makapagpataas ng inyong presyon). Hindi ko napigilang tumawa nang makita ko ang mukha ng babae. Maaaring sabihin mo na hindi ako makatao pero ganun talaga ang nangyari ng makita ko ang taglay na mukha ng babae. Lumabas ang laway ko sa ilong sa pagpipigil ng tawa. Napansin ko na lumayo sa akin ang nakatabi ko sa upuan. Marahil natakot sa mag-isa kong pag tawa. Minsan naiisip ko tuloy na dapat magkaroon ng panukalang batas sa pagsusuot ng mga statement shirts na nagsasabing sa mga karapat-dapat lamang mapunta ang mga damit na ito.

Pagbaba ko ng tren, nakasalubong ko agad ang isang babae na may suot din ng kaparehong uri ng damit ngunit iba naman ang sinasabi. “Live with Fashion if that is your Pashion.” (Nakakatawa ang pag-pula ng salitang “Pashion” dito sa Microsoft Word. Galit na galit!) “Passion” siguro ang nawawalang word pero malaking-malaki ang nakalagay na print… “Pashion” Kung anu man ang nais ipahiwatig ng mensahe niyang yon, hindi ko na alam. Marahil katapusan na ng mundo. Nahirapan ata akong i-decipher yon!

Nagba-browse ako ng profiles sa friendster. Nang sumambulat sa screen ang magka-akbay na picture ng mag-syota bilang primary photo. Nakasakay sila sa isang banka. Yung bangka ng mga mangingisda. Nang makita ko ang caption, “Baby let’s cruise” bumaligtad ang tiyan ko. mukhang akala ng mag-syotang yon nasa isang cruise ship talaga sila. Nang makita ko ang kanyang shout-out, “I love it when we’re cruising together”, hindi ko na napigilan! Tangina iba na yon!

Salamat sa’yo Jing at nagawa ko ‘tong blog na ‘to! Salamat sa tip!