Ipis kaya ang tanging pag-asa ng mundo? Minsan naiisip ko bakit hindi kaya pag-aralan ng tao kung paano nabubuhay ang mga ipis sa mundong ito. May nakapagsabi sa akin na ang ipis daw ay nabubuhay na nung primitibong panahon pa. Kung nasa matinong pag-iisip ang nag-kwento sa akin nito, hindi ko na alam. Pero hindi rin naman malabong mangyari ang ganon dahil parang may kakaibang mahika ang lahi ng mga insektong ito.
Golden rule ko sa ipis, lapitan mo na ko, huwag ka lang dadapo sa balat ko, kung hindi, magtago ka na sa lugar na hindi aabot ang tsinelas ko. Hindi ako basta-basta pumapatay ng ipis lalo na kung napadaan lang. Pero kung ginapangan ako, gagawin ko talaga ang lahat ng pwede kong gawin upang siguraduhin ang pagpatay nito. Pero sa tingin ko, malaki na rin ang pinagbago ng isip ng mga ipis (nakakatawa ang phrase na “isip ng mga ipis). Parang kumakapal na ang mga mukha nila at hindi na sila natatakot sa mga tao. Dati-rati kapag may tao ay agad silang tumatakbo upang magtago. Pero ngayon ay parang hindi na. Minsan hindi ko alam kung nakikipag-titigan sila sa akin o nais na nilang sabihin na sila ang susi sa kaligtasan ng sangkatauhan kung sakaling katapusan na nga ng mundo. Naalala ko ang isang insidente na kung saan ay may ipis sa pagkain na naiwan ko sa ibabaw ng mesa. Dahil nga kontaminado na ang naturang pagkain, naisipan kong itapon na yon oras na umalis na ang ipis sa plato. Matapos siguro ang humigit mga limang minuto nag paghihintay, hindi pa rin natinag ang ipis. Ang kapal ng mukha. Naisip kong itapon na ang laman ng plato. Inaasahan kong alis na ang ipis oras na galawin ko na ang plato. Pero hindi nangyari yon. Wala. Hanggang sa malapit na ako sa basurahan, walang nagyari. Kung busog siya hindi ko alam. Kung iniisip nyong baka patay ang ipis na yon, hindi. Gumagalaw ang Antennae ng ipis na yon. Parang nang-aasar pa. Gumalaw lang ang naturang ipis nang nasa basurahan na siya upang umalis. Siguro naisip niya na madumi ang basurahan at madudumihan siya kaya agad siyang umalis.
Siguro nga ipis ang sagot sa lahat. Ipis ang sagot. Ipis lang!
Napanood ko na ang Die Hard 4.0. Siguro dahil nanuna kong napanood ang Transformers kaya napre-empt sa akin ang pelikulang ito. Mas maraming action sequence ang Die Hard na ‘to kaysa sa ibang Die Hard. Malamang dahil na rin sa dali na lang nang paglalagay ng Special Effects sa mga ganitong pelikula. Nadismaya lang ako dahil may mga parte ng pelikula na naramdaman kong parang ordinaryong pelikulang aksyon na pinoy ang pinanonood ko. Ang hindi maubos-ubos na bala ng bida, ang klasikong eksena sa isang abandonadong bodega, ang mahabang pagdakdak ng kontrabida sa bugbog saradong bida, at ang pinaka-pinoy sa lahat… Ang late na pagdating ng mga pulis. Natawa na lang ako nang marinig ang komento ng isang kasabayan kong manood, “Dude! It’s so Pinoy.”

Post a Comment