Umuulan ng malakas sa labas. Ika siyam na baso ko na ng kape ngayong araw na ito at kahit ata ipaligo ang siyam na pitsel ng kape, hindi pa rin ata mawawala ang lamig na nararamdaman ko. Lamig na tanging yakap lamang ang makakapawi. Lamig na tanging dantay ng labi ng aking pinakamamahal sa aking sariling labi ang makaka-alis. Syet! Tangna! Ang corny! Boo!
Minsan iba ang nagiging dulot sa kin ng ulan. Bumabalik sa isip ko ang lahat ng mga bagay bagay na kailangan kong pag-isipan. Hmmm, kahit ata ilang beses ko man piliting iligaw ang isipan ko. Parating isa lang ang pinupuntahan. Siya! Booo!!! Corny talaga.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi uubra ang kape! Red Horse at tanging Red Horse lang ang makakapagpabalik sa kin sa katinuan! Utang na loob! Lubayan mo na ko! Teka teka. Mali ata! UTANG NA LOOB! LUBAYAN NA KITA! **hmm, sounds better**

Post a Comment