Patuloy pa rin ang aking buhay middle-east dito sa site. At kamakailan lang ay may panibagong task na naman ang pinasubok sakin ang aking butihing boss. *(Nakakatawang isipin na habang ginagawa ko ang blog na to ay isang kaibigan ang nag-message sa kin sa YM at tinatanong kung nasa Dubai ako sa mga sandaling ito.)*. Pinaakyat ako ng bossing ko sa isang tower crane para kumuha ng larawan. First time ‘to kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na kunin ang challenge. Para sa mga hindi pa nakakakita ng tower crane, nakalakip sa blog na ito ang larawan ng mismong tower crane na inakyat ko.

Habang papalapit ako sa mismong tower crane, unti-unti kong napapagtanto kung anong klaseng katangahan ang pinasok ko. Pero dahil nga nandun na rin ako at wala nang atrasan ay nagpatuloy na rin ako. Tinignan ko ang crane na may humigit kumulang na may sampung palapag ang taas at sinimulan na ang pag akyat. Nung una ay hindi ko pinansin ang mga landing at patuloy lang sa pag-akyat ngunit narealize ko na wala naman akong pwedeng yabangan kundi ang sarili ko kaya bawat landing na mkita ko ay nagpapahinga na ako. Hindi ko alam kung may bukas na gripo ng pawis nakalagay sa hard hat ko dahil panay ang paglabas nito sa aking ulo at sa buo kong katawan. Nung nasa kalahati na ko ng crane. Biglang gumalaw ito. Yun pala ay kasalukuyan itong may binubuhat.. Kapag nasa ibaba ako at pinanonood ang crane in action ay nakikita ko namang gumagalaw ito pero grabe pala ang lakas kung nasa itaas ka. Nararamdaman ko ang pagkahilo. Gusto ko sanang sumuka pero naawa ako sa mga tao na nasa ibaba. Baka akalain nila ay umuulan ng kanin mula sa kalangitan. Nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat at habang ginagawa yon ay kumakanta na lang ako ng “The Hurt” ng Kalapana sa isip ko. Pampabawas sa tension na nararamdaman ko. Nang nasa taas na ko ay agad ko nang sinimulan ang dapat kong gawin sa itaas at siyempre kinunan ko na rin ang sarili ko.
Ebidensya ng katangahan ko ngayong araw na to. Kumaway ako ng kaunti sa mga fans ko sa baba. Tingin ko sinasambit nila na tanga ako at nasa taas ako. Hinayaan ko na lang sila at ibinigay ko ang pinakamalaki kong ngiti.
Sinimulan ko na ang pagbaba at napagtanto kong mas mahirap pala ang pagbaba kaysa sa pag-akyat. Pero wala naman akong magagawa at bumaba na lang ako. Kaysa naman maglupasay ako don ay bumaba na nga lang ako. Humahapdi na ang mga kamay ko pero wala na rin akong magagawa.
Iniisip ko na lang sana mag-short cut sa pamamagitan ng pagbitaw sa hagdan upang dumiretso na ko pababa ngunit naisip ko na hindi pa pala tapos ang hospital na ginagawa namin kaya malayo layo kung sakaling isusugod ako. Baka ma-dead-on-arrival lang ako.
Isang bagay ang natutunan ko sa experience na ‘to ay marami palang bata ngayon sa paligid na hindi nakakakain ng sapat…. Hmmm. Ewan ko kung tama yon. Nahihilo pa rin ako…

Post a Comment