“Michael, peram nga ng ilaw mo!” bantad sa’kin ng kuya kong salot. “Hindi mo ba nakikita? Ginagamit ko kaya!” sagot ko habang iniisip kung paano sisimulan ‘tong blog na ‘to. Dalawang bagay lang ‘yan, kung hindi siya tanga e gago siya. Hiramin ba naman ‘tong ilaw na ginagamit ko eh nagsusulat nga ako! Pero may magandang naidulot din yung katangahan nya, at least nasimulan ko ‘tong blog na ‘to.
Pero hindi ‘yan ang topic ng blog ko! Ayokong aksayahin ang blog na ‘to para lang ikuwento sa inyo ang katangahan ng utol ko! Wala akong balak na sirain ang mga araw ninyo.Pipol, G.C. na po ako!Sarap! G.C. Graduating Class! Amputah! Matapos ang (6 + 4 + 4.5 years. … isama mo pa yung kinder at prep.) 16 and a half years ng pag-aaral (disclaimer: yung 4.5 years sa college, hindi po dahil bobo ako! Originally, 5 yrs. ang course ko. Nakuha ko lang ng 4 and 1/2)! Eto! Bachelor of Science in Civil Engineering lang naman. Syet! Pero alam kong simula pa lang ‘to! “there’s more to come” ika nga. Andyan pa ang board exams, ang “this is the moment” ng 16+ years ng pag-aaral ko. Aim ko sanang mag-top sa board exams… first place siguro pwede na (hoy gising!). Pero ngayon naisip ko, pagakatapos ng lahat… college, board exam, what’s next? Asawa? Hmmmm….
Asawa? E girlfriend nga wala, asawa pa! Punyeta kasi eh! Bakit ba napaka-complicated ng subject na “love.” Mas mahirap pa ‘tong intindihin kaysa sa Calculus at Advanced Math e! May mahal ka nga, hindi mo naman alam kung mahal ka rin. May nagmamahal nga sa ‘yo, hindi mo naman matutunang mahalin. Mahal nyo nga ang isa’t-isa, may mga hadlang naman. Magmahal ka man ng sobra, wala pa rin. At marami pang variations yan! Kung hindi lang mahal ang kabaong, matagal na ako sigurong naglaslas ng pulso! Hindi naman sa sinasabi kong desperado na kong magka-gf uli (hindi ba halata!). Ang sa akin lang, e marami akong mga kaibigan ang naghihirap ngayon dahil sa pagpapakatanga sa sinasabi nilang “love” na yan (at pati ako namumroblema sa kanila!).
(cue “maalaala mo kaya theme here!)
May isang girl. High school days pa lang nya, may gusto na siyang guy. And in return, vocal din ‘tong si guy sa feelings nya kay girl. In short, M.U. sila! Until college, isang school pa rin sila. Pareho pa nga sila ng building e (north to be exact!)! Ganun pa rin! M.U. pa rin sila. Maraming beses na nag-propose ‘tong si guy kay girl ng relationship. Pero dahil studies ang priority ni girl, “pass” ang lagi niyang sinasabi kay guy. Ayun. Kung kelan naman malapit na ang graduation, nalaman na ni girl na may iba nang g.f. si guy. In short, nagsawa ata sa kahihintay sa kanya. Sobrang pagsisisi ngayon ni girl sa ginawa nya!
May isang guy. In love siya sa isang girl high school pa! Si girl high profile nung high school, scholar, studies din ang priority. Walang naging b.f. si girl up until college. At ang naging b.f.? Ang pinaka-walang kuwentang lalaki na ka-batch nila nung high school! Hindi matanggap ni guy ang nangyari. Kung anu-anung bisyo ang napasok ni guy dahil dito. At nung niloko si girl nung b.f. nya, binalak ni guy na manligaw na kay girl, pero nalaman nya agad na may b.f. na uli si girl. Ang problema nya, hindi siya makatakas sa anino ng pagmamahal nya kay girl. Disclaimer ulit: sa mga nakakakilala sakin, nais ko pong sabihin na hindi po ako ito! May pagkakapareho man sa storya namin, masaya kong sasabihin na kuntento ako sa buhay ko ngayon! Storya po ‘to ng isa kong kaibigan sa college. K?
May isa pang girl, let’s call her girl 1 may mahal siya dati, si guy 1, pero dahil may kaugnayan siya sa masamang nakaraan ni guy 1, hindi natuloy ang pag-iibigan nila. Nagkalayo silang dalawa at dito pumasok si guy 2. Nagkarelasyon sila ni girl 1. Habang nangyayari ang pag-iibigan ni guy 2 at girl 1, nakilala naman ni guy 1 sa girl 2 at may namagitan din sila. At nang magtagpo ang landas nilang apat, narealize ni guy 1 na mahal nya pa pala si girl 1, pero nakatakda nang ikasal si girl 1 kay guy 2. At base sa text ng mga tao, nagkatuluyan sina guy 1 at girl 1 na si Christian at Ara. Pero kinabukasan, kinasal din si guy 2 at girl 1 na si Leo at Ara. Ang saya diba!
Kitams? Ang hirap talaga maintindihan ng subject na “love” diba? Siguro kung kasali yan sa curriculum, malamang bagsak na ko! Subject: LOVE555. Units: 5 Grade: 5.00. Sigurado yan ang grade ko! At masaya kong sasabihin na hindi lang ako ang tanging babagsak dyan! Madami akong kasama! Bwahahahaha!

Happy GC! Happt first week of classes din! Sana si Marco din para sabay kami. Pero, hindi eh. Oh well... Anyway Kuya Mhyk, don't worry, you'll find the right love for you. Take care lagi lagi!!!
This is more appropriate here. Here goes... Mhyk! I like everything you said. Sooo true! Ang pangit naman to end lang my comment saying na everything you said was sooo true, diba? So, let me tell you this... In my own opinion, when it comes to love, no one can get perfect in an instant. No one can cheat din para maka 1.00. In life, we have more than one purpose, besides the one biggest purpose that descibes our existence. One of those would be to quest for love (that is meant for you). Don't rush! Wala ka pang 30. For some people nga, they don't have to search for it. It comes in the least expected moment. Me nga, if you can guess who I am, I never expected that I would ever fall in love. Ever since I was a kid, I never had crush. Love for me is nothing but a corny thing. All my friends couldn't believe that someone like me would ever fall in love. But, what can I do, I just happend. Mhyk, now, I believe love is blessing. It is not just anything you can find everywhere. Sometines, love comes as a blessing in disguise. For such, you wouldn't know it is a blessing if you have not gone through a deep realization. You wouldn't know it is true love if you have not gone through so much things that would prove that it is. To love the right person involves, of course, sacrifices. Because, you would only learn the value of it if you have given most of yourself for it, when you have worked hard for it.
Post a Comment