Yan ang kanta ko ngayon, hindi ko alam kung anung meron sa kantang ito pero na-hook ako nito gaya ng Full House. Siguro ganun talaga pag wala kang magawa sa buhay. Pero basta. Sa kabuuan naman ok tong kantang to e.

Marami na rin palang nahu-hooked ngayon sa blog. Siguro kasi dumadami na ang mga taong walang mapag-sidlan ng kanilang mga emosyon kagaya ko. Pero mas maganda na rin yung ganon diba. Para hindi makapag-reklamo sa yo ng harapan yung babasa. Kung lalagyan mo lang ng Chatterbox na katulad sa akin (yung kahon sa may bandang kanan na kung saan pwede kang maglagay ng kahit anong bayolenteng reaksyon patungkol sa nagsulat), dun mo lang malalaman kung anong reaksyon ng nakakabasa. O kung kakilala mo yung mga nakakabasa, sinasabi na rin nila sa yo ng harapan kung gaano ka ka-tanga. Pero bakit ba? Walang pakialaman! Kung hindi ko isusulat tong buhay ko edi wala kang nabasa! Basta!


HANGGANG KAILAN (Orange and Lemons)

Labis na naiinip
Nababagot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa...

Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap hanap kita...

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng
Paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi...

Di mapigilang mag-isip
O baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakaka balisa
Knock on wood wag naman sana...

Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap hanap kita...

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng
Paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi...