Bakit kaya pag mago-open ako ng bulletin sa friendster yun at yun lang
rin ang nakikita ko, puro survey? Siguro nga dahil sa kawalan ng
magawa sa buhay ng mga unemployed
yuppies sa ngayon. Nawala pa yung mga user room ng YAHOO
MESSENGER ngayon.
Balita ko nabuko na ng yahoo (o may nakabukong authorities) sa mga
kababalaghang
nangyayari sa mga user rooms ng YM! Pero at least may natutunan
ako sa pagbabasa ng
mga survey na yan (oo aminado ako, nagsasagot din ako!), halos
lahat ng mga CIVIL
ENGINEERING students at yuppies ayaw ng CHEMISTRY. Akala
ko ako lang. Marami-rami
rin pala kami. Bwahaha!

Dun naman sa mga Harry Potter addict kagaya ko, less than a
month na lang ang hihintayin
natin para sa paglabas ng Harry Potter and the Half Blood Prince.
Pero sa case ko mukhang
matagal pa yung hihintayin ko kasi WALA PA RIN AKONG
PERA! Nagtanong na ko sa
Power Books kung magkano at tumataginting na P1500 daw ang
price ng hard bound.
Subjected to change pa yan ha. So pwede pa mag-mahal! Bad trip!
Nananawagan ako sa
kung sino mang may E-book ng harry potter na to e magpapansin
lang kayo sa kin at kailangan
ko na talagang mabasa itong book 6 na to!

Dun naman sa mga naghihintay sa movie ng book 5 (GOBLET OF
FIRE) may trailer na sa site.
May poster na nga rin e. Ang pangit ng trailer ngayon. Kung sa
bagay Teaser naman pala
yun hindi pala trailer. Pati yung poster Teaser din.

Sige yun lang. Wala na rin akong maisulat e.