New year na naman. Ito ang pinaka-tamang panahon na gumawa ng mga kasinungalingan…mali, resolutions pala, na sigurado namang aksaya lang sa panahon dahil siguradong hindi rin naman matutupad. Pero dahil uso at napapanahon, hindi maaaring magpahuli tayo. Gumawa na rin ako ng sarili kong listahan at napagpasyahan kong isulat na rin dito upang magsilbing gabay niyo sa kung ano man ang gusto kong mabago sa sarili ko ngayong taon ng kababuyan (year of the pig). Inaatasan ko ang mga concerned citizens na kahit papano ay maging Sgt. At Arms (hindi ko alam ang tamang spelling ng sgt. Kaya abbreviation na lang ginamit ko. Since elementary naman ganyan na ang spelling nyan diba? Hwag na nating baguhin ang tradisyon.) sa implementasyon ko ng mga kalokohan na to.





Pumasok ng maaga sa opisina. Iiwasang ma-late kung kakayanin. (ngayong umaga, 7:00 am pa lang nasa office na ko! To start the year right! Naks! Puta ang hirap gumising ng maaga!)
Magiging mas masipag sa opisina at susubukang bawasan ang pag-iinternet sa oras ng trabaho (FYI, ginagawa ko tong blog na to sa oras ng trabaho dito sa opisina).
Ihihiwalay ang gawaing opisina sa gawaing bahay. Ang sa office ay sa office lang. Pwera na lang siguro pag may nagpapaburn sa kin ng mga kanta sa bahay. Dito ko na lang ida-download sa office kasi mas mabilis.
Magbabawas na ko sa pagkain ng kanin (no comment)
Magbabawas na ko sa softdrinks (last year nasimulan ko na ‘to. Water theraphy. Every weekend na lang ako nakakapag-softdrinks pero this year sisikapin ko na ma-phase-out sa system ko ang softdrinks).
Magbabawas na ko ng yosi (isa pang no comment, ngayong legal na ko magyosi, ewan ko na lang kung may katuparan pa to).
Hindi na masyadong magiging mainitin ang ulo (sa itaas).
Magbabawas ng gastos para maka-ipon (pwera na lang siguro kung sa inuman).
Magbasa ng mga bagong libro.
Magbawas ng galit sa mga pulitiko (iaasa ko na lang sa Diyos ang balik ng Karma sa mga Hayop na yon, mga putang ina nila).
Magsagot ng isang problem kada isang araw (para hindi lumutin ang utak ko! Sa totoo lang derivative ng “x” at ang proseso ng mohr’s circle hindi ko na masyadong matandaan).
Hindi na ko manonood ng mga pelikulang tagalog (pwera na lang siguro kung ma-nominate yon sa Oscars o di kaya’y may eksenang hubad si Francine Prieto).
Kikilalaning mabuti si Evelyn (putang inang evelyn ‘to, sino ba yon?).
Bawasan ang coffee (napansin ko na isa sa malaking gastos ko ay ang kape, sumunod sa pag-kain).
Bawasan ang panlalait sa kapwa (nabasa nyo ba ‘to?)
Hindi na ko bibili ng mga Magazines (mas madami sa internet, uulitin ko, pwera na lang siguro kung may kuhang hubad si Francine Prieto).
Tumutol sa konsepto ng Pre-martial sex (para sa akin kasalanan ito! Tao lang ako… Makasalanan).
I-reistablish ang paniniwala sa Diyos.
Bawasan ang kayabangan (hmmm….)
Hindi na magiging masyadong mahiyain (tanong niyo kay NTP!).
Maghahanap ng mga paraan upang mas mapadali ang buhay (it’s not easy, to be me)
Magbawas ng pagpe-Friendster at Multiply. (ows, cammon!)
Iiwasang maging “impulsive-compulsive buyer” (pakihanap na lang sa dictionary).
At higit sa lahat… Hindi na ko mag-iinom! (ulol!!!!! Siguro occasional na lang. Yung pag may binyag, kasal, lamay, 40 days, birthday, pasyon, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo, at iba pang araw na pwede i-celebrate).