Nagdaan ang mahabang hiatus sa blog na ito. Sa mga panahong ito, masyado akong naging abala sa trabaho at pati na rin sa kakaisip ng kung anung pwedeng maging solusyon sa mga problema ko sa buhay. Kung meron kayong solusyon sa kahit anu man sa mga problemang kinakaharap ko, utang na loob! Wag na kayong makialam kung pwede. Baka mapatay ko lang kayo dahil sa pakikialam sa buhay ko. Tiyak ipadadala kita sa impyerno.
Nabasa ko ang aklat ni Jessica Zafra na “500 People You Meet in Hell” at inuudyukan niya ang sambayanang mambabasa na maglista ng mga taong sa tingin nila ay magiging parte ng bilang na ito (o mahigit pa). Nasa ibaba ang mga malimit kong nakakasalamuha sa araw araw at sa tingin ko nararapat lang sila na magkaroon ng siguradong pwesto sa impyerno.
Singit sa pila. Ang mga taong ganito ay ang mga walang kasing kapal ang mukha na bigla na lamang o pasimpleng sisingit sa lalo na sa mahahabang pilahan. Minsan ay nagkukunwari pang walang nakikitang nakapila sa likuran nila. Bulag kaya ang mga ito? Ang nararapat na kaparusahan sa mga ganito sa impyerno ay maoobliga silang pumila sa isang napakahabang pila. Sa tuwing sisingit ang mga ito, makukoryente sila at wala silang ibang pwedeng gawin kundi ang pumunta sa dulo ng pila. Kapag siya na ang nasa ikatlo o ikalawa sa harapan, madi-dissolve ang pila at maya-maya’y lilitaw uli ang pila at maoobliga siya uli na sumali rito. Makukoryente uli sya kung tatangkain nyang sumingit. Madi-dissolve uli ang pila at uulit ang mga pangyayari sa simula.
Taxi driver na namimili ng pasahero. Madalas na nangyayari ito kapag malakas ang ulan o di kaya’y nasa isang pangmayaman na lugar ang taxi. Salamat kay Jessica Zafra at nakakuha ako ng ideya kung paano makikipag-deal sa mga gagong taxi driver na ‘to. Kung hindi ko iniiwang bukas na bukas ang pinto na binuksan ko (yung hindi maabot ng taxi driver kung hindi siya bababa) ay binabagsak ng napakalakas (mas effective ‘to!)
Sa EDSA Shaw:
Ako: (Para ng Taxi) Sa Metrowalk lang
Taxi Driver: Sir, malapit lang yon eh. 100 na lang pamasahe.
Ako: (Bagsak ng pinto ng buong lakas)
Taxi Driver: P% T@}< IN@ M#!
Ako: **ngiti**
Sinasabi ng gobyerno, ireklamo daw sa kanila ang mga ganitong uri ng mga taxi driver upang mapatawan ng karampatang aksyon. Pero dahil nga gobyerno ang pinaguusapan. As usual, wala na namang nangyayari. Nagsayang ka lang ng 2.50 pesos para pangtext upang ireklamo ang driver. Ang parusa… Sa paghahanap nila ng pasahero, mga taong gobyerno ang magiging sakay nila kung saan ay tatanggihan nila ito. Hindi sila makakakuha ng pasahero maliban sa mga taong gobyerno na hindi sila babayaran o di kaya’y babaratin lang sila. Sa tuwing nagpapa-gas sila, sa bibig nila ito padadaanin at lalabas ang gas sa kanilang T_ _ _ (para yan sa walang pakundangang pag-ihi ng mga taxi driver sa kahit san nila maramdaman ang pagnanais na makaihi. Kaya pumapanghi ang paligid.) patungo sa sasakyan nila.
Konduktor/jeep driver na nagsisiksik ng pasahero sa jeep o bus/nan-lalait ng pasahero. Ang mga gagong kundoktor na to. Kalimitan ay times 2 to times 3 ng totoong capacity ng sasakyan ang isinasakay nila. Minsan naiisip ko bakit hindi na lang maglagay pa ng isang upuan sa gitna ng jeep o di kaya’y puro tayuan na lang ang gawin nila para mas ma-compress. Kung medyo malusog ka pa ay makakatikim ka pa ng lait sa mga ito.
Sa Jeep:
Driver/Konduktor: Konting ipit lang po sa mga malulusog (may diin) na pasahero. Para makaalis na o! Usog lang po! Usog lang! Lima pa’to (kahit para sa isa na lang ang upuan).
Mga Pasahero: **titignan ka ng masama dahil sa gusto mo nang matunaw. Alam mong ikaw ang sinisisi nila sa pagka-antala ng pag-alis ng sasakyan.**
Alisin na lang sana ang mga upuan para mas maraming makakasakay. Minsan naman pag sa bus ay pilit kang isasalansan ng konduktor sa aisle para lang magkasya ang mga pasaherong nakatayo. Pakirmadam ko ay parang mga krayola ang tingin ng kondoktor sa mga nakatayong mga pasahero. Kailangang isalansan isa-isa upang magkasya lahat. Sasamahan pa ng driver na may balak ata isakay ang bawat taong madaanan sa kalye. Ang parusa sa kanila ay isisiksik sila sa isang masikip na bus na bibyahe mula aparri hanggang jolo nang pabalik-balik. Bawal bumaba. Makakatabi nila rito ang pasahero na may ubod ng lakas na putok. Lahat ay obligadong humawak sa hawakan sa may bandang ulo nila. Ang magbaba ng kamay sa pagkaka-hawak ay makukoryente bigla. Magpapaulit-ulit ang mga pangyayari sa habang panahon na igugugol nila sa impyerno.
Guard na tanga. Dito nabibilang ang mga guard na hindi gumagamit ng “sentido komon” sa araw araw na buhay. Ang parusa ay mapupunta silang lahat sa isang lugar na kung saan may guard na nagbibigay ng mga patakaran na wala sa hulog. Mabubwisit sila at magrerebelde. Sa bawat hindi nila pagsunod sa patakaran, tutusukin sila ng malaking karayom sa ngalangala hanggang mapilitan silang sumunod. At dahil motto nila ang “NO ID NO ENTRY,” magkakaroon sila ng ID rito na gawa sa isang malaking tipak ng bato (provided with ID chain) na kailangang lagi nilang suot. Kapag sumuway sila sa golden rule na ito, do-doble ang ID na kailangan nilang isuot.
Mga hindi marunong ng tamang panunood sa sinehan. Halo-halo na sila dito. Mga nakataas ang paa sa upuan, maiingay, nagkukwentuhan ng tungkol sa susunod na mangyayari, over acting mag-react, hindi nagpapatay ng ring ng cellphone, panay ang pailaw ng cellphone sa gitna ng palabas, at kung anu-ano pang ginagawa ng mga gago sa loob ng sinehan. Ang dapat sa mga ito ay ipapasok sila sa sinehan na nakikita at naririnig ng lahat kung anong nangyayari sa palabas maliban sa kanila. Maawa sila sa sarili nila dahil tanging sila lang ang walang naririnig at nakikita sa palabas. Lilipat sila ng sine at dito ay normal na ang lahat. Naririnig at nakikita na nila ang palabas pero ang lahat ng manunuod bukod sa kanila ay kung hindi nakikipag usap ng malakas sa katabi ay bukas ang cellphone at nagri-ring ng napaka-lakas at wala pa rin siyang maiintindihan sa palabas. Lilipat sya ng ibang sinehan ngunit magpapaulit-ulit lang ang mga nangyari sa loob ng mga sinehan na napuntahan nila.
Wendy ng PBB Season 2. Self-explanatory. Ipapasok siya sa bahay ni Kuya na 1m. X 1m. lang ang laki at arinola lang ang kasangkapan dito. Isa lang ang task nya sa habang panahon na nandon siya sa loob. Ang kumanta ng “When She Cries” ng paulit-ulit.
Nabasa ko ang aklat ni Jessica Zafra na “500 People You Meet in Hell” at inuudyukan niya ang sambayanang mambabasa na maglista ng mga taong sa tingin nila ay magiging parte ng bilang na ito (o mahigit pa). Nasa ibaba ang mga malimit kong nakakasalamuha sa araw araw at sa tingin ko nararapat lang sila na magkaroon ng siguradong pwesto sa impyerno.
Singit sa pila. Ang mga taong ganito ay ang mga walang kasing kapal ang mukha na bigla na lamang o pasimpleng sisingit sa lalo na sa mahahabang pilahan. Minsan ay nagkukunwari pang walang nakikitang nakapila sa likuran nila. Bulag kaya ang mga ito? Ang nararapat na kaparusahan sa mga ganito sa impyerno ay maoobliga silang pumila sa isang napakahabang pila. Sa tuwing sisingit ang mga ito, makukoryente sila at wala silang ibang pwedeng gawin kundi ang pumunta sa dulo ng pila. Kapag siya na ang nasa ikatlo o ikalawa sa harapan, madi-dissolve ang pila at maya-maya’y lilitaw uli ang pila at maoobliga siya uli na sumali rito. Makukoryente uli sya kung tatangkain nyang sumingit. Madi-dissolve uli ang pila at uulit ang mga pangyayari sa simula.
Taxi driver na namimili ng pasahero. Madalas na nangyayari ito kapag malakas ang ulan o di kaya’y nasa isang pangmayaman na lugar ang taxi. Salamat kay Jessica Zafra at nakakuha ako ng ideya kung paano makikipag-deal sa mga gagong taxi driver na ‘to. Kung hindi ko iniiwang bukas na bukas ang pinto na binuksan ko (yung hindi maabot ng taxi driver kung hindi siya bababa) ay binabagsak ng napakalakas (mas effective ‘to!)
Sa EDSA Shaw:
Ako: (Para ng Taxi) Sa Metrowalk lang
Taxi Driver: Sir, malapit lang yon eh. 100 na lang pamasahe.
Ako: (Bagsak ng pinto ng buong lakas)
Taxi Driver: P% T@}< IN@ M#!
Ako: **ngiti**
Sinasabi ng gobyerno, ireklamo daw sa kanila ang mga ganitong uri ng mga taxi driver upang mapatawan ng karampatang aksyon. Pero dahil nga gobyerno ang pinaguusapan. As usual, wala na namang nangyayari. Nagsayang ka lang ng 2.50 pesos para pangtext upang ireklamo ang driver. Ang parusa… Sa paghahanap nila ng pasahero, mga taong gobyerno ang magiging sakay nila kung saan ay tatanggihan nila ito. Hindi sila makakakuha ng pasahero maliban sa mga taong gobyerno na hindi sila babayaran o di kaya’y babaratin lang sila. Sa tuwing nagpapa-gas sila, sa bibig nila ito padadaanin at lalabas ang gas sa kanilang T_ _ _ (para yan sa walang pakundangang pag-ihi ng mga taxi driver sa kahit san nila maramdaman ang pagnanais na makaihi. Kaya pumapanghi ang paligid.) patungo sa sasakyan nila.
Konduktor/jeep driver na nagsisiksik ng pasahero sa jeep o bus/nan-lalait ng pasahero. Ang mga gagong kundoktor na to. Kalimitan ay times 2 to times 3 ng totoong capacity ng sasakyan ang isinasakay nila. Minsan naiisip ko bakit hindi na lang maglagay pa ng isang upuan sa gitna ng jeep o di kaya’y puro tayuan na lang ang gawin nila para mas ma-compress. Kung medyo malusog ka pa ay makakatikim ka pa ng lait sa mga ito.
Sa Jeep:
Driver/Konduktor: Konting ipit lang po sa mga malulusog (may diin) na pasahero. Para makaalis na o! Usog lang po! Usog lang! Lima pa’to (kahit para sa isa na lang ang upuan).
Mga Pasahero: **titignan ka ng masama dahil sa gusto mo nang matunaw. Alam mong ikaw ang sinisisi nila sa pagka-antala ng pag-alis ng sasakyan.**
Alisin na lang sana ang mga upuan para mas maraming makakasakay. Minsan naman pag sa bus ay pilit kang isasalansan ng konduktor sa aisle para lang magkasya ang mga pasaherong nakatayo. Pakirmadam ko ay parang mga krayola ang tingin ng kondoktor sa mga nakatayong mga pasahero. Kailangang isalansan isa-isa upang magkasya lahat. Sasamahan pa ng driver na may balak ata isakay ang bawat taong madaanan sa kalye. Ang parusa sa kanila ay isisiksik sila sa isang masikip na bus na bibyahe mula aparri hanggang jolo nang pabalik-balik. Bawal bumaba. Makakatabi nila rito ang pasahero na may ubod ng lakas na putok. Lahat ay obligadong humawak sa hawakan sa may bandang ulo nila. Ang magbaba ng kamay sa pagkaka-hawak ay makukoryente bigla. Magpapaulit-ulit ang mga pangyayari sa habang panahon na igugugol nila sa impyerno.
Guard na tanga. Dito nabibilang ang mga guard na hindi gumagamit ng “sentido komon” sa araw araw na buhay. Ang parusa ay mapupunta silang lahat sa isang lugar na kung saan may guard na nagbibigay ng mga patakaran na wala sa hulog. Mabubwisit sila at magrerebelde. Sa bawat hindi nila pagsunod sa patakaran, tutusukin sila ng malaking karayom sa ngalangala hanggang mapilitan silang sumunod. At dahil motto nila ang “NO ID NO ENTRY,” magkakaroon sila ng ID rito na gawa sa isang malaking tipak ng bato (provided with ID chain

Post a Comment