Nagkaroon na naman ng mahabang hiatus ang blog na ‘to. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko upang hindi ako maging workaholic. Nagkataon na napunta ako sa isang trabahong kahit hindi ka naman workaholic ay gagawin ka pa ring… hulaan nyo… oo tama… workaholic… Marami-rami na rin akong napalampas na mga malakihang inuman sessions at gimmicks dahil sa pesteng trabahong ‘to (special mention to mama FJ Suaboksan na hindi nagsasawa sa pag-imbita sa akin sa mga lakad… nawa ay hindi ka magsawa kahit lagi akong hindi pwede sa mga lakad… sa totoo lang nakaka-frustrate ang hindi makasama sa mga lakad nyo! Pero ganun talaga… Pati na rin sa mga taong Balfour… Mga leche kayo! Wala kayong ibang ginawa kung ‘di ang inggitin ako sa tuwing hindi ako nakakasama sa mga lakad. Minsan hindi niyo pa ko tine-text. Kung wala pang madudulas sa isa sa inyo para magkuwento ay hindi ko pa malalaman na may lakad pala kayo. Anung klase yan? ). Pero sa totoo lang mas malaki na ang pagkakaiba ng dati kong attitude sa trabaho kesa sa ngayon. Hindi ko alam kung dahil yon sa sinisipag akong magtrabaho o dahil lang sa malapit nang magpasko at kailangang magtrabaho maigi para sa mga sinusustentuhan kong mga bata….

Matagal-tagal na panahon din bago ako ulit naka-uwi ng Cavite, galing sa Dubai. Agad na nag-text sa akin ang isang kaibigan na uuwi nman din sya nung bakasyaon na yon galling Rwanda. Habang ako ay nagtatrabaho sa Dubai, siya naman daw ay nasa gitna ng charity works.

Sa daan pauwi, napansin ko ang karatulang ito na nasa sasakyan…

Pinagnilay-nilayan ko ang nakasulat sa karatulang yon. Humanga ako sa nakaisip na ilagay ito sa pampublikong sasakyan. Paniguradong maraming tao ang magbabago ang mga pananaw sa buhay sa sandaling mabasa nila to. Maraming mamamayan ang paniguradong mag-aalab ang mga emosyon at maaaring makapaghikayat ng himagsikan laban sa administrasyong arroyo.

Jamppong. Yan ang isa sa walang kakwenta-kwentang commercial sa TV ngayon. Hindi ko matantsa sa sarili ko kung matutuwa ba ako o magiinit ang ulo nang una kong makita ang commercial na to. Malupet! Pinag-isipang mabuti…

Nitong mga nagdaang araw, hindi ko alam kung anung meron sa sarili ko at may mga naiisip akong hindi dapat ay may mga nagagawa akong mga bagay bagay na hindi ko nagagawa dati. Sa paniniwala ko ay bumabalik na naman si Cornellious Paranoius (pangalan ng isa kong split personality para sa pagiging corny at paranoid). Matagal-tagal ding hindi sumanib sa akin ang gagong ‘to pero ngayon parang namamayagpag na naman si loko. Kung mababasa niyo ang “About Me” section ng Friendster ko, makikita don na: Corniest thing ever done: Asked someone out on a date. Salamat kay Cornellious at nagawa ko na naman ang ka-cornyhan na yon. Ang sumunod naman ay dahil lang sa kadahilanang hindi ako na-bati (greet)ng isang beses ay inisip ko na galit siya sakin. Ngayon tuluyan na nga atang nagalit sya sa akin dahil sa kakulitan ko. Sa totoo lang pag-ginagawa to ng ibang lalake sa mga katropa kong babae ay pinagtatawanan ko sila. Pero sa pagkakataong ito, turn ko naman para pag-tawanan ng iba. Bad trip…. Damn! It’s killin’ me! Oh my heart be still!