Sa gitna ng kawalan ng ginagawa habang oras ng trabaho ay bigla na lamang nagsalita ang aking kasamahan sa site. May nabuo raw siyang teyorya. Nakinig ako at sinubukang intindihin ang kanyang panig. Naisip niya na nagkakaroon ang tao ng “Quarter-life-crisis” dahil dumadating ang tao sa punto na maaaring naabot na niya ang ilan sa mga pangkaraniwang gustong maabot ng isang pangkaraniwang tao. Maaring stable na tayo academically, financially (somehow), career-wise, at iba pa, at maaring nabo-bored na tayo sa buhay natin dahil wala nang kasunod ang mga ito kung hindi ang pag-aasawa. Ideally, sumasapit tayo sa “Quarter-life-crisis” na ito sa edad na 25 (assuming na 100 years old ang pinaka extreme age na maabot ng isang tao) dahil malimit sa edad na to ay kahit papaano’y na-achieve mo na ang mga nabanggit. Ang ganitong ideolohiya ang nagtutulak sa tao na makaramdam ng depresyon at stress. Pero maaring hindi lang sa edad na 25 mo maaring ma-experience ang phenomena na ito. Habang ineeksplika nya sa akin ang buod ng kanyang teyoryang ito, agad kong inisip ang sarili ko. Shet! Nae-experience ko na nga ba ang “Quarter-life-crisis?”
Pinilit kong intindihin ang napag-usapan naming teyorya at inihambing sa tinatawag na “Mid-life-crisis” na kung saan ay may pagkakapareho lang ang mga dahilan sa mga nabanggit sa itaas, maidagdag lang ang pagkaramdam ng pagtanda. Nakakagulat nga lang at nang mag-research ako sa internet ay meron pala talagang ganoong crisis.
“galling sa wikipedia… and pinaka-unreliable source of information sa internet”
The quarterlife crisis (QLC) is a term applied to the period of life immediately following the major changes of adolescence, usually ranging from the ages of 21 - 29. The term is named by analogy with mid-life crisis. It is now recognized by many therapists and professionals in the mental health field. Characteristics of quarter-life crisis may include:
- feeling "not good enough" because one can't find a job that is at one's academic/intellectual level
- frustration with relationships, the working world, and finding a suitable job or career
- confusion of identity
- insecurity regarding the near future
- insecurity regarding present accomplishments
- re-evaluation of close interpersonal relationships
- disappointment with one's job
- nostalgia for university, college, high school or elementary school life
- tendency to hold stronger opinions
- boredom with social interactions
- financially-rooted stress
- loneliness
- desire to have children
- a sense that everyone is, somehow, doing better than you.
Siguro nga’y naririto na ko. Kaya marami na akong kagaguhan sa utak. Sa pagninilay-nilay ng mga nabasa ko tungkol sa mid at quarter life crises (f.y.i.: plural ng crisis ay crises. Siguraduhing may tissue ka sa tabi mo, pampunas ng nosebleed mo para sa bagong natutunan na salita) ay lalo lang nagtibay ang isa sa mga teyorya ko sa buhay…
Wala nga talagang taong kuntento…
Post a Comment