Papunta sa lokasyon: hindi na ko mapakali wala pa ang aking kasama. Binangga ang sasakyan nila. Buwisit! Sa dinami-dami naman ng oras na mababangga sila ngayon pa. Umaga pa lang inaalat na siya, mukhang sa concert na ‘to pa sya mamalasin ng todo. Ang detalye ng kanyang kamalasan ay makikita dito. Hayup sa dami ng tao. Tinignan kong muli kung nasa The Fort talaga ako at wala sa Luneta para sa Prayer Meeting ng El Shaddai. Wala pa naman akong dalang puting panyo upang iwagayway pag sumenyas na si Bro. Mike V. Nakikiusisa ako nang hindi ko namamalayang nasa may lupon pala ako ng Gen. Ad. May isang dalawang babae ang sumiksik sa may pila ng ulupong habang sinasabing "Excuse me! Excuse me,patron!" Sa isip isip ko, “nasa patron din ako, T@ng in@mo!”
Sampung minuto bago ang alas otso ng gabi:
Isang malaking 10:00 ang lumabas sa giant screen sa stage at unti-unting bumibilang kasabay ang beat na dumadagundong. Marahil alam na ng lahat na countdown ito para sa pagsisimula ng concert. Sa isip-isip ko bakit may ganito pa! Hanep namang pampakaba ‘to. Ang lahat ay hindi na mapakali sa kanilang kinatatayuan dahil alam nilang lahat unti-unti nang matutupad ang matagal nang hinintay.
5:00 sa screen. Ang lahat ay hindi na magkamayaw. Natataranta na ang lahat. Ako nakapila sa bilihan ng tubig pero panay pa rin ang pagkuha ng larawan. Pinaghintay ko na ang aking kasama sa bandang harapan upang makapag-tala ng aming pupwestuhan.
Last two minutes na! Tang ina! Kanya-kanya nang hiyawan! Mas lalong hindi na maitago ang pagkabalisa ng lahat. Eto na ata ang pinakamahabang dalawang minuto sa buhay naming lahat.
5..4..3..2..1..0… parang millennium celebration. PANDEMONIUM!
Video mula kay Mark Escueta, dalawang minuto bago ang palabas kasama ang unang kanta:
Gaya ng sabi sa screen… SA WAKAS… habang pinakikita ang mga nakaraang larawan ng grupo. Pati ako, pakiramdam ko bumalik ako sa panahong yon. Juts na lang ang kulang kumpleto na. Hayop sa stage. Huling panood ko sa ganitong set-up ay yung kay Beyonce (B-day). Pero masasabi kong mas astig ang preparasyon nito. Pablilis ng pabilis. Waahhh tama nang pahirap! Ilabas niyo na sila! Sabay labas ng “ERASERHEADS” sa screen. Ang lahat ay nagwawala na…dilim…
Sumunod na ang drums ni Raymund. At yun na! Intro na ni Ely ng Alapaap. “May isang umaga… na tayo’y magsasama” Wahh. Hindi niyo lang alam ang kilabot na nararamdaman naming lahat ng dumating ang sandaling yon. Ang naestimang 60,000 na katao. Sabay-sabay na kumakanta kasabay si Ely. Sa totoo lang kakaibang pakiramdam. Parang malalagutan ka ng hininga. Kahit dalawa lang kami ng kasama ko, slamang malupit ang ginawa namin. Nakakapikon lang ang ibang katabi naming dahil parang mga gulay ang mga walang hiya. Wala man lang reaksyon. Nang patapos na ang kanta… Fireworks sa stage… Hanep. Literal nagwawala na kami.
Sunod-sunod na ang kanta para sa first set. Sumunod ang Ligaya. Nakakatawa dahil dumating sa punto na tumigil si Ely upang pakantahin ang mga audience. Marami atang kinalawang ng konti at nakalimutan ang lyrics. Natawa si Ely at itinuloy na lang ang pagkanta. Sembreak, sumigaw kami ng kasama ko ng “Group Hug, Group Hug, Group Hug.” uulitin ko, dalawa lang kami. Lahat ng nasa paligid naming nagtawanan. Sabi ng kasama ko “utang na loob naman mag-usap naman kayo! O di kaya kausapin nyo kami.” Walang pag-uusap na nangyayari sa stage. Ramdam pa rin ang tensyon sa kanilang apat. Hey Jay, Harana, at nagpalit ng gitara si Ely. Dito na nagsigawan ang mga copycats na nasa likod namin. Marami sila na sumigaw ng “Group Hug, Group Hug” at maraming sumunod. Kaya sa mga nakarinig nun, kaming dalawa ng kasama ko ang lehitimong nagpasimuno nun at hindi sila!
Fruitcake. Ganun na naman,
Ely: "...take a bite, it's alright" …(signs for the audience to sing)
Audience: @#$%^&*)gjhk$%^ (tawanan)
Hinihintay ko lumabas si Cesar Montano sa stage at sasabihin sa aming “ang tumpak na lyrics ay…” pero wala naman. Toyang, Kama Supra – di ko to masyado alam 1 error na ko, Kailan, Huwag Kang Matakot, Kaliwete.
With a smile… Malupet to. Solemn. Todong goosebumps ang naramdaman naming dito. Lahat ng tao sabay-sabay sa pagkanta.
Shake yer head – lupet to! Si Ely may shake the head motion pa kaya ang tumalsik ang shades. Huwag Mo Nang Itanong.
Video na kuha ko: (sa totoo lang hindi na to for viewing pleasure kundi for listening pleasure na lang. Magulo na kami dahil sa slamman namin ng kasama ko.)
Lightyears- dito na naging kapansin-pansin ang paghina ng boses ni Ely. Hindi ko nakita pero sabi ng ilang nasa SVIP. Matapos daw ang kanta ay lumuhod si Ely yakap ang gitara tapos ay biglang dumilim na ang stage. Akala lang ng lahat nagging emosyonal si Ely. Pero yun na pala.
Ang 20-minute break nagtagal ng kulang-kulang isang oras. Ang lahat ay nagtataka na kung bakit natagalan yata ang break nila. Sabi ng kasama ko “baka nagaaway-away pa sila sa likod.” Ang sumunod na eksena, lumabas si Buddy, kasama si Raimund at si Marcus at pati ang kapatid ni Ely na si Laly. Akala naming may koneksyon ito sa pagkamatay ng ina nila pero hindi pala.
Video mula kay Sheonneon. Ang pag-anunsyo ng tunay na nangyari:
Habang nagaalay kami ng sandaling katahimikan para kay Ely, ang mga pasosyal na gulay sa aming tabi ay panay pa rin sa kuwentuhan ala Kris Aquino mode. Isang pasosyal gulay ang nagsabing "Oh my gosh! you just insulted Dave Grohl and the other bands!" Gusto ko sanang kumuha ng sandakot na graba at isalaksak sa bibig ng put@ng in@ng yon. Sa may aming harapan, napansin kong ilang mga manunuod ang di napigilang umiyak dahil sa anunsyo. Sa huli, nagpakuha na lang kami sa lugar na kita sa aming likod ang stage at nakipagusap sa mga bouncer na nasa lugar. Sa sobrang depress naming dalawa ng kasama ko, LUMAMON (sorry mam anchell) kami ng Bagoong Rice at Lechon at Pinakbet, para naman mawala ang lungkot na nararamdaman namin. Wala muna akong pakialam sa diet! Masamang masama ang loob ko. Kailangan ko to!
Sa aking obserbasyon, maraming nakiki-ride lang sa bandwagon. Masabi lang na “in” sila, kahit hindi naman nila alam ang mga kanta ng Eraserheads. Sa kasamaang palad nasa VIP ang mga hayop na to! Dapat sila ang tinatapon sa Gen Ad. eh.
Sa mga kahenerasyon ko, matagal naming hinintay to. Bitin man ako pero sobrang nagpapasalamat na rin ako. Alam kong ginawa lahat yun ng buong banda para sa masa...
Sana nga lang matupad ang ugong-ugong na may ikalawa pa itong set. Marami pang mga magagandang kanta ang hindi nakanta ni Ely. Eto sana yun: maskara, poorman's grave, torpedo, trip to Jerusalem, back to me, maselang bahaghari, maling akala, tikman, spolarium, magasin, para sa masa, overdrive, pare ko, minsan, huling el bimbo.
Sana nga dumating pa ang oras na yun…
Post a Comment