*larawan mula sa twitter post ni ms. gang badoy (http://twitter.com/gangbadoy) Along Buendia cor South Super Highway *
Ayon sa mga kumakalat na bali-balita, araw na ng paghuhukom sa makalawa. Sa ibang salita, End of The World na sa Sabado. Kung anong oras, baka pagkatapos ng weekly finals ng Showtime, o di kaya pagkatapos ng Pilipinas Got Talent. Pero malamang alam niyo na na mas isa akong “kapamilya” kaysa “kapuso”. Kung pwede makipag-usap dun sa nasa itaas, sasabihin kong: “boss, pwede pa-postpone muna? Kasi walang alak dito, gusto ko sana sa last day lasing ako e. Hayaan niyo muna kong maka-tikim ulit ng Red Horse. Tsaka hindi ko pa nasasabing mahal ko si ... ng harapan. At hindi pa tapos yung project ko. Delayed na nga yung project hindi pa matatapos? Boss baka pwedeng pahingi ng “Time-Extension”. And besides, di pa nakakauwi ng bahay si Dora The Exporer, Di pa nakikita si Wally ng “Where’s Wally?” Di gaya ni Osama Bin Laden na nakita na.” Pero kung kayo ang tatanungin paano niyo gustong matapos ang mundo? Gusto niyo rin bang mala-Makati City New Years’ celebration? Yun tipong may countdown? O yung tipong disco trip lang gaya ng mga party sa Euphoria, Equinox, at Limits. Teka ibang time ata yan, Embassy at Alchemy na nga pala ang uso during my time. Ako kahit saan naman e... basta nasa tabi mo...
Pero kung iisipin marami na ngang “signs”. Strong earthquakes, Earth’s axis shifting, hindi pagkakaunawaan ng mga bansa dito sa gitnang silangan at sa bandang hilagang Africa, ang pinaka-pamosong Global Warming, at ang pagkakaroon ni Mommy Dionisia ng Hermes na bag (although specifically ang ni-request niya ay Irmes na baka nabibili naman sa suking pirata bag shop sa Greenhills).
Tutal “Bible” naman ang sinasabing basehan nito, e diba Bible din naman ang nagsabi na walang nakakaalam ng eksaktong petsa at oras ng paghuhukom? Kung saan banda sa Bible niya nabasa at paano na-formulate ng manong na nakapagsabi na katapusan na nga ng mundo, wala na akong pakialam. Basta sa ngayon malabong mangyari yan. E paano kami dito sa Saudi Arabia? Year 1432 pa lang dito (as per Islamic Calendar). Exempted naman pala kami dito hindi na lang ako uuwi.
Basta ako may patotoong hindi ito mangyayari kasi nasasaad sa balot ng binili kong “Chippy” Expiry Date: 12.02.2012
Labels: bible, end of the world, judgement day, religion
Post a Comment