Lintek na mga politiko talaga ‘to. Mukhang simula na ng pagpapakalat ng kanilang mga mukha sa bawat poste ng Meralco at sa bawat Waiting Shed nila na nagkakahalaga ng Limang Milyong Piso. Bakit ba hindi na lang nila ipamigay sa mga nangangailangan ang ginagastos nila sa mga basurang campaign materials na yan. Ay shit! Oo nga pala. Wala nga pala silang kakayahang mag-isip ng mga ganong bagay. Lunes ng umaga, unang araw ng linggo. Pagkalabas ko ng aming subdivision mukha agad ni Manny Villar ang tumambad sa mukha ko. Kaagad na nasira ang araw ko at pakiramdam ko naubusan ako ng enthusiasm para sa buong lingo. Ang resulta, nakatulog ako sa bus at pag-gising ko, nasa Buendia na ko. In other words, lumampas na naman ako.
Gaya ng inaasahan, siksik, liglig at umaapaw ang trabahong naka-abang sa akin sa opisina. Pagka-upong pagka-upo ko pa lang sa lugar ko, dagsa na ang mga fans upang magbigay sa akin ng trabaho. Hindi pa man din sumasapit ang alas dose ng tanghali pakiramdam ko alas otso na ng gabi dahil sa dami ng ipinagawa sa akin. Kulang na lang ipalinis sa akin ang banyo ng opisina at ipakolekta ang lahat ng basura dito at pagkatapos ay isunod ang paglalampaso ng sahig. Kung may pwede lang magkabit ng baterya sa likod ko para makadagdag ng lakas bakit hindi. Kung yun lang ang tanging paraan upang magkasama kami… Teka… Mali ata. Kung yun lang ang paraan upang matapos ko ang lahat ng pinagagawa sa akin bakit hindi? Sa ngayon kape na lang muna ang nagiging gasolina ko para sa buong araw.
Maraming nagtatanong kung kamusta daw ang concert ni Sitti nuong Sabado. Para sa inyong ikagugulat, HINDI AKO NANOOD NG CONCERT! Unang-una, Valentine concert yon kaya awtomatikong hindi ko talaga yon papanuorin dahil ayokong ma-involve sa kahit na anong konektado sa Valentine’s day. Ikalawa, magmumukha lang akong gago kung manunuod ako ng concert na may kasamang dinner at bottle of wine kung ako lang ang mag-isa sa isang table for two. At ikatlo, wala akong pera. Kung hindi ako nagkakamali, nasa bahay lang ako at ni hindi ko naisip na may nagaganap nga palang konsyerto ni Sitti malapit sa amin. Pero ok lang naman, dahil pagkatapos ng concert niya, nagpunta na lang kaming dalawa sa ibang lugar upang makapag-solo.

Post a Comment