Nuknukan na ng daming ideya ang natapon galing sa utak ko na pwede ko sanang isulat na blog, ngunit dahil sa walang puknat (bokbok?) na dami ng trabaho na naiatas sa aking tapusin dahil sa bagong project, wala akong kaoras-oras para mag-sulat ng blog. Kung tutuusin hindi dapat ako nagsusulat ng blog dahil sa dami ng nakatambak na paper works na kailangan kong matapos at nakakalat ngayon sa aking working table. Pero dahil may naalala ako sa isa sa mga natapong ideya. Minarapat ko munang tumigil panandali upang maisulat ito.




Parating na ang dalawa sa pinaka-walang kwentang panahon sa kalendaryo. Ang eleksyon at ang Valentine’s Day. Hindi ko alam kung sinong papansin ang nagpauso ng Valentines Day na yan pero sa ngayon wala na kong magagawa kung di huwag na lang pansinin ang walang kapararakang pagdiriwang ng mga tao sa napaka-corny na okasyon (Hindi ako bitter. Ayaw ko lang talaga sa Valentine’s Day). Kung tutuusin wala naman talagang ibang agenda ang mga taong lumalabas sa mga ganitong panahon kundi “sex.” Panigurado patok na naman ang mga motel nyan at pati na rin ang mga upper balcony ng mga sinehan. Bumilang lang kayo ng mga siyam na buwan panigurado tataas na naman ang bilang ng mga Pinoy. Siguradong walang pa-aatubiling sasang-ayon sa akin ang mga taga-National Statistics Office sa teyorya kong ito.




Isa pa sa maaring maging mabenta ay ang mga flavoured-kapote. Paniguradong abot-batok na naman ang gumagawa ng mga produktong ito dahil paniguradong mabebenta ang kanilang mga paninda. Mababawasan na naman ang bilang ng mga punong goma sa mundo. Kung hindi mo pa alam, sa goma gawa ang flavoured-kapote na yan. Nilalagyan lang ng ibang kemikal upang ma-achieve nya ang sarap na dulot ng sex. Kung ayaw mo naman ng mala-gomang pakiramdam, gumamit ka na lang ng polyurethane type na sya namang gawa sa plastic at mas masarap gamitin kesa sa latex, na gawa sa goma.




Tutal naman naisingit na ang goma sa usapan, isang umaga, nabuwisit ako sa napanood ko sa t.v. Si goma, nangangampanya sa isang pang-umagang palabas. Anak naman ng puta. Kakagising mo pa lang, isang trapo kaagad ang kaharap mo sa telebisyon, nagsusumamo sa boto ng kanyang mga movie fan. Nabalitaan kong tatakbo sya sa bandang Bulacan, pero hindi ata nakuntento at nag-withdraw ng candidacy for local election dahil tatakbo bilang senador. Isama mo pa si Pacman na tatakbo for a local position sa Gen San sa kabila ng pag-tutol ng kanyang ina. Anak ka ng puta! Nanay mo na ang kalaban mo tinalo mo pa! Ano bang meron sa pgka-politiko at nagkakandarapa ang lahat na maka-takbo. Napakarami namang track and field dyan para tumako, bat kailangan sa eleksyon pa.




Karamihan ng mga nais pumasok sa politics ay iisa lang ang dahilan, ang makatulong. Ang mga hayop na to! Ang lakas man-loko. Kung tumulong na rin lang naman ang gusto nilang mangyari eh bakit hindi na lang sila mag-pagawa ng superhero costume tapos isuot nila araw araw. Mas magiging effective siguro kung magfo-form sila ng isang grupo. Mala-Justice League. Tutal wala na rin namang mapapanood sa primetime t.v. dito sa pinas kundi mga superhero themed at mga fantaserye na shows. Panigurado patok yang mga yan. Tataas pa siguro ang rating natin sa pananaw ng mga taga World Bank…




Mabuhay ang Pinas…