Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagsulat ng Blog. Nag-hiatus mode muna ko dahil sa dami ng ginagawa at sa dami ng kailangang puntahan. Medyo ngayon na lang ulit ako nakahanap ng panahon upang muling makapag-sulat. Sa aking pagha-hiatus tatlong lugar ang napuntahan ko. Tatlong sunod-sunod na lingo akong bakasyon grande, sinasamantala ko lang ang summer. Mahirap nga naman maglaboy pag tag-ulan.

First Stop, Laguna. Hindi naman ganong ka-engrandeng lakad ang swimming na naganap sa Laguna pero it’s not a bad start for a summer jaunt. Kapamilya summer outing ang nangyari doon sa Laguna dahil mga taga-First Balfour ang kasama ko. Dahil walang masyadong happening nung mga panahon na yon pwera lang sa nalasing ako at nauna akong natulog, lilipat na ko sa pangalawang destinasyon, Sagada.


Matagal-tagal na rin kaming nag-paplanong pumunta sa lugar na yon at ngayong taon lang kami natuloy because of the fucking busyness. Dinaanan na rin namin ang Banaue Rice Terraces na kasama sa Seven Wonders of the World na ang balita ko ay mapapalitan na ng bago this 07-07-2007 at hindi na-shortlist ang Banaue Rice Terraces. Malupet din ang Rice Terraces pero pag dumating ka don, yun na yon. Wala nang ibang magagawa. Dinaanan rin namin ng maliit na bayan ng Bontoc. Sabi ni ate (isang nilalang na hindi ko kilala at nakatabi ko lang sa napaka-matagtag na byahe patungong Sagada), maganda raw sa Bontoc. Pero hindi ko lang alam kung makakabalik pa kami dahil sa layo at sa sakit ng katawan na dinanas namin papunta sa aming destinasyon.


Ang Sagada, ang pinaka-highlight ng lakad ay ang Cave Connerction (Lumiang at Sumaguing Caves). Habang nasa kalagitnaan na kami ng kalokohang napasok namin. Naiisip ko ang pamilya kong naiwan sa Cavite, ang mga kaibigan ko at si NTP. Kung sakaling mamamatay man ako ng mga oras na yon, hindi ko man lang nagawang humingi ng patawad sa mga kasalanan na nagawa ko, hindi ko man lang naipaalam kay NTP na sa buhay ko… (*huwag na lang nating ituloy alang-alang sa kahihiyan na natitira sakin). Pero dala na rin ng tae ng paniki na bumalot sa katawan namin nung mga sandaling yon, nakalabas kami ng Sumaguing na may buhay pa. Inisip ko na lang na mga Fruit Bats ang naninirahan don kaya masustansya ang mga tae nila (pero hindi naman ako dumating sa puntong kinain ko ang tae). Generally, may kamahalan ang bilihin at pagkain sa Sagada pero pag dating sa pagkain, marami at masarap ang food sa Sagada. Pwera lang sa Masferre na namimili ata ng customer at hindi pinagsisilbihan ang mga mayayaman na mukhang mahirap na katulad namin.


Next stop, Laiya San Juan Batangas, kasama ang mga Saint Luke’s team. Hindi ko lubos maisip na may mala-Puerto Galera na beach pala sa Batangas.
Dito ko lang rin naranasan ang magpa-massage sa tabing dagat, sa sarap, nakatulog ako. Buti na lang hindi ako binambo sa ulo ni manang at feeling ko nalawayan ko ata yung unan na kinatulugan ko. Hindi nya ko masisisi. I had a dream na si Francine Prieto ang nagmamasahe sa kin nung mga panahon na yon at hindi ko siguro napigilang mag-laway.