Just finished reading the latest book of Bob Ong entitled Mac Arthur. At kung bakit straight English ang una kong sentence, I do not know. Trip ko lang siguro. Kwento ito nina Voltron, Jim, Noel at Cyrus. Sa totoo lang nakakagulat ang Bob Ong na ipinamalas ng babasahin na ‘to dahil “murky” ang nobelang ito. Not your usual Bob Ong kumbaga. Kung ineexpect niyo na tatawa kayo dito gaya ng mga nakaraan nyang libro, nagkakamali kayo. Maganda ang panulat na ‘yon ni Bob. Sa totoo lang nakakagising. Rekomendado ito sa mga kabataan at siguradong may mapupulot kayong aral. Medyo pang matanda nga lang ang ilan sa mga salita ngunit sinasalamin lamang nito ang realidad na nangyayari sa paligid. Kung bakit nagiging masyado akong matatas sa wikang Pilipino, hindi ko rin alam. Na-sobrahan ata ako.

Nakalipat na ko sa bagong opisina ko sa bandang Fort Bonifacio. Walang internet. Unang ginawa ko sa unang araw ko, wala. Nagbukas-bukas ng mga files at kunwari nagtingin-tingin ng mga files. Nakapag-overtime pa hanggang 7:00 ng gabi ng dahil sa paggawa ng wala. Ikalawang araw, nagpakubusog sa siopao na ibinebenta ng ka-opisina. Nabinyagan ko tuloy ang bagong gawang inudoro. Sa buong araw, isa lang ang ginawa ko, wala. May dumating na memo na nagtatalaga sa mga officer-in-charge sa mga susunod na araw na aabutin ng night shift. Isa ako dun, hindi ko alam kung bakit ako nakasama ron pero nakita kong nakalagay ang pangalan ko dun. Wala na akong magawa. Nung una inakala kong kaya ako nailagay sa posisyon na to upang mag-internet lang maghapon ngunit hindi pala. Mas malaki pa sa inaasahan ko.

Sa ngayon problemado ako kung paano gagampanan ang tungkulin na ibinigay sa kin. Wala akong kaalam-alam. Na-bobo na ata ako at nakalimutan na ang apat taon na pinag-aralan sa kolehiyo. Tanging mag-halo na lang ng simento ang alam ko. Isipin mo ang pakiramdam ng isang graduate ng elementarya at biglang pinagtayo ng isang building, ganon na ganon ang nararamdaman ko. Excited sa bagong itatalagang tungkulin ngunit natatakot dahil alam kong hindi ako handa at wala akong alam sa kung anung nangyayari sa paligid.