Siya yung taong perfect naman lahat, wala namang problema, wala namang mali, pero talagang hindi pupwede. Bakit? Dahil sa kadahilanang hindi lang talaga kayo sa isa’t isa. Pero perfect na lahat, except lang sa timing. Sabi nga nila “timing is everything” eh since siya na ang “everything” mo at that particular moment, at wala kayo sa “timing” kaya ayun, it’s “the one that got away”. Alam mong gusto mo siya, at ganon din naman siya para sa’yo. Pero it’s either ikaw ang may karelasyon tapos siya wala. At pagkatapos niyong mag-break ni current, siya naman ang may karelasyon, at ikaw ang single. O di kaya naman certain circumstances na talagang hindi ina-allow ng pagkakataon na maging kayo dahil for example, hindi siya ready makipag-commit into a relationship, or vice versa. Puwede ring due to career, responsibilities, at kung anu-ano pang self-inflicted reasoning. Bad-trip moment pa, kung kailan ka nag-decide na oras na para mag-seryoso, ang ending, hindi naman pala magiging kayo kasi hindi lang talaga pwede. Kumbaga sa Mhyk’s term, “close, but not quite.”
Siya ang iyong pinakamalaking “WHAT IF”. “Paano kaya kung nagka-tuluyan kami?” Kahit masaya ka na sa bago mong relationship, papasok at papasok pa rin sa utak mo ’yan. Kasi sa sarili mo alam mong ginusto mo siya pero hindi niyo nasubukan. Para kang bata na may nakalagay sa harap mo ang isang napakasarap na candy, pero ang problema naka-vault ng salamin kaya hanggang takam ka lang, di mo pwedeng kainin. At sa term ng mga “mahihilig” “ang sakit sa puson pare!”
Ang tanong lang naman dyan, kung bibitiw ka pa o kakapit ka pa? Kung talagang hindi kaya, e di congrats! You’ve earned yourself a “someone that has got away.” Pero kung hindi pa, gawin mo ang lahat ng paraan, para maitama ang pagkakataon at matuloy ang pagiging “kayo.” Kasi kung hindi mo gagawin ‘to, ikaw rin...

Labels: love, relationships
aba! puro puso! =) mhyky doodle, pag nakalagpas na wala nang what if! sabe nga ni sir art, "potang ina kung wala na e di wala na, humanap ka na ng iba"! lol
Post a Comment