Tayo

Nawawala ang sarili ko't di ko makita,
Huli ko 'tong nakita nung kasama ka pa.
Pero ngayong wala ka na, hindi ko na makita,
Teka sandali lang, dinala mo ba? 

Kada sulok, kada daan, binagtas ko na,
Yung mga kalye na dinaanan nating dalawa.
Sabi ko "baka sakali lang nandoon pa",
Kaso ni katiting na pag-asa ata, parang wala.

Umuwi ako ng bahay at nahiga sandali,
Nag-isip ng malalim, sa tabi ay kumubli.
Sinubukan kong balikan kung ano ako dati,
Baka kaya naman ngayon, kasi nakaya ko na dati.

Di mo naman pala kinuha gaya ng sa isip ay sumagi,
Sa lahat naman ng oras, nasa akin lang palagi.
Yung pag-samba ko lang sa'yo ang tanging mali,
Kaya ipapangako kong ito na ang huli.

Ako man ay nadapa, at sa atin ay umasa,
Dahil sa nakita kong para sa atin ay naka-tadhana.
Ngayon alam ko na at nakumpirma ko pa,
Na talagang walang "tayo", sa simula't simula pa.

Don't rush! Wala ka pang 30!

"This is more appropriate here. Here goes... Mhyk! I like everything you said. Sooo true! Ang pangit naman to end lang my comment saying na everything you said was sooo true, diba? So, let me tell you this... In my own opinion, when it comes to love, no one can get perfect in an instant. No one can cheat din para maka 1.00. In life, we have more than one purpose, besides the one biggest purpose that descibes our existence. One of those would be to quest for love (that is meant for you). Don't rush! Wala ka pang 30. For some people nga, they don't have to search for it. It comes in the least expected moment. Me nga, if you can guess who I am, I never expected that I would ever fall in love. Ever since I was a kid, I never had crush. Love for me is nothing but a corny thing. All my friends couldn't believe that someone like me would ever fall in love. But, what can I do, It just happened. Mhyk, now, I believe love is blessing. It is not just anything you can find everywhere. Sometimes, love comes as a blessing in disguise. For such, you wouldn't know it is a blessing if you have not gone through a deep realization. You wouldn't know it is true love if you have not gone through so much things that would prove that it is. To love the right person involves, of course, sacrifices. Because, you would only learn the value of it if you have given most of yourself for it, when you have worked hard for it."                                                                                                                                          -Anonymous ; July 11, 2004

So I've re-opened this blogger account after more than a year of letting it rot and float in cyberspace. There were 100+ unread comments. But as I've checked it, most of them were spam comments. So I've decided to clean everything up and delete those unwanted spams on my account. Teka, bat ba ako nagi-ingles?! Anong kalokohan yan?? Ayun nga. Puro basura ang laman ng comments section ko at napagdesisyunang linisin muna yun. I stumbled upon this comment in a post of mine from July 11, 2004 (posted above). I was ranting about love and stuff (palagi naman) dun sa blog post ko at naisipan ata mag-sermon ng nag-comment. Nagbaka-sakali syang mababago nya ang pananaw ko sa pag-ibig.

Pero ano nga ba? Nabago nga ba ang pananaw ko? Ewan ko. "Don't rush! Wala ka pang 30!" ang sabi ni Anon... Eh ngayon 31 na ko. Di naman ako nag-rush. Parang sumobra naman ata ang "chill" ko gaya ng ipinayo ni Anon. So ikaw pala Anon ang dapat kong sisihin kung bakit single pa ako hanggang ngayon. 

What's new?

I've just switched jobs, (three companies in one year! lupet!), switched designations, passed a specialty exam, got my first ever driving license (after 30+ years of existence), moved to a different city, got my first (second, and third, and got addicted) tattoo, nagpumilit maging DJ, solo-backpacked Vietnam, Cambodia and Thailand, been to Iran, got thin, and got fat again, hmmm that's it! As you can see, wala ang pag-ibig dyan. Kaya naman ng wala. Nasanay na lang siguro. Kumbaga sa pelikula ume-ekstra naman sa iba. Pero syempre iba pa rin yung meron. But so far ine-enjoy ang wala. Ok lang naman na wala ngayon. Hindi rin naman talaga mai-aaccomodate sa dami ng problema. Andyan naman ang AlDub para mag-pakilig sa akin tuwing tanghali, at JaDine sa gabi. Dadating naman yan kung dadating. Ika nga ni Lola Nidora: "Sa tamang panahon..."

Pero sa totoo lang, Anon, gusto kong malaman kung sino ka. D.M. mo naman ako! Catch up tayo! It kills me not knowing who you are... 

The Friend Zone



"Oo nga pala.... Hindi nga pala tayo..."
-Migrane, Moonstar 88

Sa dinami-dami na ng classification ng relationships sa mga panahong ito, (see this old post) minsan mahirap nang malaman kung ano ba talaga ang klase ng relationship ang kasalukuyan mong kinasasadlakan. Kasalanan yan ng tinatawag na "westernisasyon." Dahil sa pagkaka-expose ng mga tao sa wirdong kanluraning kamalayan, natututo ang mga tao sa mas komplikadong uri ng pakikisama. 


Kahit marami nang materyal ang naisulat sa internet, nakaka-gulat pa rin minsan na marami pa ring nagtatanong at nagku-kwento sakin ng mga karanasan nila sa tinatawag na "Friend Zone." Hindi naman ako si Ramon Bautista o di kaya si R.A. Rivera pero siguro talagang nasanay na lang silang tinatanong ako ng kung ano-anong tungkol sa mga problemang pag-ibig na yan (oo nga hindi ko rin maintindihan kung bakit ako.). Eh, ano nga ba ang "Friend Zone"?




Sa totoo lang hindi biro ang ma-Friend Zone. "One-Sided-Love-Affair" nga daw yan sabi ng iba. Mahirap, madilim, malamig, malupit, malungkot, nakakalugmok, yung tipong gusto mong yakapin ang mga binti mo at mag-uumiyak mag-hapon habang nagpapa-uga-uga sa ilalim ng shower. Pero ano nga ba ang mga "Tell-Tale signs" ng na-Friend Zone? Bakit ka nafi-Friend Zone ng isang tao? May paraan pa ba para maka-ligtas dito? 

Etymology: ang salitang "Friend Zone" ay nagsimula sa TV Series na "Friends" noong November 3, 1994, sa episode 7 ng season 1. 



In popular culture, the "friend zone" refers to a platonic relationship wherein one person wishes to enter into a romantic relationship, while the other does not. It is generally considered to be an undesirable situation by the lovelorn person. Once the friend zone is established, it is said to be difficult to move beyond that point in a relationship. The idea of a "friend zone" is often criticized as simply being a platonic relationship in which one party never informs the other of their affection, then resents the other party for not sensing it, or feels entitled to the other party's affections despite the wishes of the other party.

-ayon sa pinaka-mapagkakatiwalaang source. Wikipedia (at Oo, may nag-effort na gumawa at mag-explain ng Wiki entry tungkol dyan.)
Karamihan ng mga nafi-Friend Zone ay yung mga nanggaling sa pagiging mag-kaibigan ang kanilang relasyon. Nagkataon lang talaga na "great friend" lang ang tingin nya sayo pero dahil marupok ka, na-fall ka. Minsan meron din namang mga sitwasyon na nagkakilala at nagpakita agad ng motibo si Boyet kay Girlie pero talagang hindi lang trip ni Girlie ang magkaroon ng relationship with Boyet at gusto nya lang talaga atensyon (yeah talk about self-obsessed, egomaniacal, attention-seeking bitches). Pero tandaan, hindi lamang mga kalalakihan ang nafi-Friend Zone, minsan ang mga babae rin. Huwag ding kalilimutan na minsan naman may mga nilalang talaga na "dense."

Sa mga kanluraning bansa, kalimitan ng sukatan ng lahat patungkol sa mga relasyon ay "sex." Nais ko pa ring paniwalain ang aking sarili na marami pa rin ang umaayon sa "konserbatibong kultura" kaya ipapaliwanag ko ang lahat ng naaayon sa "maka-Pilipinong konteksto." 

1. Kapag problemado si Friend Zoner, ikaw, Friend Zonee, ang una nyang takbuhan. Natural! Ikaw nga ang "ideal friend" diba? Kada problema na meron sya, ikaw ang tanging takbuhan niya. Walang ibang magandang suhestiyon kung di suhestyon mo lang. Minsan kahit kung saan makakabili ng kung ano-ano, sayo itatanong. Ang tingin nya sayo, google.com! 

2. May dialogue si Friend Zoner na "alam mo, kahit ano pwede kong sabihin sayo" o di kaya "parang kapatid na kita", o kaya "ikaw lang ang nakaka-intindi sakin". 

3. Parang kayo na hindi naman kayo.  Lumalabas kayo, long long late night calls, "eat na u? eat na me" na palitan ng messages, minsan nagkaka-akbayan/holding hands pa, at kung ano-ano pang mga katangian at ginagawa ng mga taong nasa isang relasyon. Sarap ng feeling diba? Pero bottomline is (and frankly the truth), HINDI KAYO!

4. Friend Zoner often tells Friend Zonee everything. EVERYTHING... Bakit nga naman sya mahiyang magsabi sayo ng kung ano-ano (at minsan pati yung mga bagay na hindi mo naman na kailangan pang malaman) e ikaw nga ang "great and ideal friend" e. 

5. Friend Zoner Flirt. Oo may ibang uri ng pakikipag-harutan sa Friend Zone. Deadly yon! Kasi mahigit kumulang, dyan nagkakaroon ng matinding pagka-lito sa parte ni Friend Zonee. Sa sobrang komportable nya na kasi sayo, ok lang lahat, basta walang halikan sa lips, at mas higit pa don. 

So, may paraan ba para makaalis sa Friend Zone? Sa totoo lang naman meron. Kaso mahirap. Pero posible. Sa totoo lang nasa Friend Zone pa ko hanggang ngayon at sa pagii-spill ng mga paraan, tinatanggal ko ang sarili ko ng pribelehiyo para magka-solusyon sa sarili kong pagkaka-lugmok sa Friend Zone (oo, may pinaghuhugutan ang article na 'to). Pero dahil mas matimbang sakin ang pagka-kaibigan (naks!), hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang mga paraan kung paano makaka-alis o kung hindi man, makaka-iwas sa pagkaka-stuck sa Friend Zone. Tandaan lamang na hindi ako si Lord, at walang kasiguraduhang makakamtan mo ang matamis na pagkawala sa Friend Zone kung gagawin mo ang mga ito:

A. Disappear. Ang humahadlang sa iyo sa pagiging "kayo" ay ang tingin nya sayo bilang "kaibigan". Tanggalin mo yun! Mawala ka na lang. Oo mahirap, pero kailangan. Bilang Friend Zonee, bigyan mo ng pagkakataon si Friend Zoner na ma-miss ka. Magdasal ka na may ma-realize siya sa pagkakawala mo. 

B. Huwag maging "shoulder to cry on". Instinct na kasi ng mga Friend Zoner na si Friend Zonee ang maging takbuhan sa panahon ng pangangailangan nya. Trabaho yan ng Best Friend. Gawin nya kamo yan sa Best Friend nya. Hindi nga yan ang gusto mo diba? Ang gusto ay ang maging "kayo."

C. Itaas ang "malisiya". Kung matindi-tindi naman ang lakas ng loob mo, at may paninindigan kang malupit, gawin mo to. Kung hindi papalag si Friend Zoner, ikaw na! Congrats. At least naipahiwatig mo sa kanya kung ano talaga ang intensyon mo sa lahat lahat ng yan. It's all about crossing that "line". Pag nakatawid ka dyan with flying colors, chances are, malapit na ang pinakaa-asam-asam mong "kayo."

D. Man up! (or girl up! depende sa kasarian ng Friend Zonee). Ipaliwanag mo kay Friend Zoner na higit sa pagiging "Friends" ang gusto mo. Confess everything (yes, kahit babae ka). Malimit akong nagkaka-argumento sa mga babae kong kaibigan tungkol dito pero naniniwala ako na hindi na uso ang ideyolohiya na "lalake lagi ang dapat nagtatapat ng nararamdaman." Wala na tayo sa era ng mga dinosaurs. Pero wag maging "tanga," ibang kaso yon! Pagkatapos mong sabihin ang lahat kay Friend Zoner, cross your fingers, hope everything turns out well. Kung "dense" naman si Friend Zoner, ito lang naman ang paraan para malaman nya ang lahat e, diba? 

Friend Zoner: kung matapos mong mabasa ang lahat ng ito (at sana may na-realize ka), iwasan maging Friend Zoner. You can do better than that! Maaari mong sabihin na "never kang nag-paasa" at "hindi mo hiningi ang ganitong posisyon" pero iwasan ang pagpapa-hirap ng ibang tao para lang i-boost ang ego mo. Wala nang mas sasarap sa feeling ng pagiging importante para sa ibang tao pero dapat sa tamang paraan. Kung feeling mo wala ka talagang nararamdaman kay Friend Zonee, explain mo sa kanya. Huwag mong hayaang maghirap sya dahil lang gusto mo ang nakukuha mong atensyon... Leche ka! (Joke lang!)  

Friend Zonee: Kung mapunta ang lahat sa wala, matutong mag-let go. Iwasang magpatuloy sa pagiging Friend Zonee. Hindi tama yung mindset na "for the time being lang" or "habang wala lang someone." Ang hirap kaya makawala sa ganyan once na malalim na ang pagkaka-lunod mo! Tandaan: you deserve much better! You're too good of a person para ma-take for granted lang. Maging tapat sa sarili na hindi mo palaging makukuha ang gusto mo. May tamang tao na nakalaan para sa iyo na kayang ibalik ang pagmamahal na kaya mong ibigay, o higit pa. 

The MOMOL Protocol

Disclaimer: this write-up is not to pursue anyone to do, nor to promote anything stated in this editorial. This is just for everyone’s information, which might be useful as a future reference. And if you are my niece, I have blocked you in my Facebook posting of this article because I don't want you reading this. But just in case, please leave this page immediately. You are too young to know all these stuff.

I have downloaded the Boys Night Out podcast for my Pod so I can listen to it while at work. They tackled this particular topic about MOMOL, which actually triggered my writing brain to hit the PC and do this blog. Alam kong marami akong mga taga-basa na hindi accustomed sa ganitong mga set-up, pero you will find out what I’ll be talking about as you go along reading this article.

Una, ano nga ba ang MOMOL? MOMOL is actually an acronym for (Make-Out-Make-Out-Lang). Many people confuse this with “casual sex” but its actually not. Its like foreplay but with the clothes on. No actual penetration whatsoever. It can be a gateway to “sexy time” but I won’t talk about it. I’ll just limit this article just in the art of MOMOL-ing. MOMOL’s can occur sa mga social gatehrings, clubs, drinking sessions, wedding receptions, binyag, kasal, sa park, sa sinehan, or sa kung saan pa, as long as may two persons na parehong may attraction sa isang possible counterpart. Generally involves heavy kissing, touching, petting, and all other possible skin-to skin contact.

Sam YG of Boys Night Out has made this certain MOMOL rules, but the list, at least for me, needs revision of some sorts. So I’ll just reckon all those items that are generally applicable and insert some of my thoughts to it. But most of I have written here are for the guy’s perspective. But in case there will be some girls that will be reading this, feel free to speak out. You know, you may agree, or explain it with the light on your side, or whatever. You may put it in the comments section.

Protocol 1: MOMOL-ing is not LOVE! Never mix the idea of this two: –MOMOL most of the time happens to two people who haven’t even met before. Stick this reality to your brain: first time niyo nagkita, at kung love at first sight ‘to, hindi kayo magmo-MOMOL sa first day of encounter nyo pa lang. Dahil sa inyong dalawa deep inside, may ibang klase kayong pagna-nasa sa isa’t isa. Kung love yan, you’ll have this respect to each other na you will not dare engage into MOMOL.

Protocol 2: Freshen-up: Self explanatory. Always have a good breath. Clean up! MOMOL involves heavy kissing. You don't wanna share what you've just eaten with your partner. Do something with chapped lips. Alam nyo na yan. Hygene is a great factor.

Protocol 3: Communicate: let the girl tell you if gusto niya o kung ayaw niya ang nangyayari during MOMOL. Soft moaning from the girl is a good response. Once you hear this it means you are on the right track. And don't be shy to raise some things during the MOMOL time if you don't want something that is happening or you are feeling uncomfortable because of anything.

Protocol 4: Kiss Good: Kissing is one major part of MOMOL. Huwag kang mang-gigil (unless the girl like it). Don't just concentrate in the face. Explore other places. Apply the right pressure. As much as possible, refrain excessive licking of lips. Lalo kang nag-mumukhang manyak. DON’T EVER WIPE YOUR MOUTH after kissing. Baka isipin pa ng partner mo na nandidiri ka sa pakikipag-kissing sa kanya.

Protocol 5: Easy with the hand, wait the right timing with the tongue. Hindi kailangan maging hyper ang kamay and tongue during MOMOL session. Put your hand at the right place, stick out tongue at the right time. Apply some power pisil here and there but not too hard that it may hurt her. Stroke her hair if you can. And not too much laway. Hindi mo naman siguro gugustuhing matawag na “parang aso” ng ka-MOMOL mo.

Protocol 6: It’s nicer with eyes shut: you may do occasional silip and some eye to eye contact but as much as possible it is much good if your eyes are closed. Let yourself flow with the moment. If your eyes are open all the time during MOMOL, you might have some tendencies to be “technical” and maaaring hindi mo masyadong ma-enjoy yung moment. And it’s kind of creepy for your parter if kada silip nya sayo e nakatitig ka sa kanya while MOMOL-ing. But if its in a public place but you are doing it “patago” (say carpark o sa gilid ng bar) you can open your eyes much more time, to check the rumorondang manong guard, or some other chismoso who wants to watch you.

Protocol 7: Drunk MOMOL-ing can be a make-or-break for you: you can find some of the prospect MOMOL counterpart in the bar especially during inuman sessions, she and you might be in the influence of alcohol. BUT, if you are too drunk, its better not to engage into MOMOL-ing. Ok lang yung nakainom ng konti pang tamang lakas ng loob lang.

Protocol 8: MOMOL-ing lang, walang personalan: pag-may kilig na, stop it. MOMOL-ing is not designed for the faint-hearted. Hindi ito para sa mga madaling mag-fall. Isalba ang sarili habang maaga pa.

Protocol 9: Don’t leave MOMOL traces: nibbling (small bites) can be good on some places, but not on those obvious areas. Hickeys can be embarrassing also. Isipin mo syang ine-explain kung san nya nakuha ang hickey sa nanay nya. So don't leave MOMOL marks. Hindi ayos mag-turtle neck kung tag-init ng isang linggo.

Protocol 10: MOMOL like there’s no tomorrow: perform good. Most of the MOMOL-ings are by chance encounters. So just do your best. Lalo kung hindi ka naman artistahin, daanin mo sa performance. If you may see each other in some other place and time, pwedeng maulit. A satisfied customer will always come back to you if you have your product available. Or malay mo, maaaring maging “by referral system” pa ang MOMOL service mo. A girl caller in the podcast said: “ang lalaki, gusto nila yung “chase”, ang guys dapat binibitin kasi pag alam nila na mayroon pa silang mapapala, hindi sila titigil. Pero pag girls, ang gusto nila, kung anong makita nila yun na yon, kailangan makuha nila yon. Kasi pag hindi nila nagustuhan yan… parang shoe shopping yan, pupunta sila sa isang shoe store, pangit yung shoes don, hindi nay an babalik, Kaya dapat kung ano ang best mo, give it your best shot, kasi sa babae, first impressions last. Hindi yan nakikipag-habulan gaya ng mga boys.”

Protocol 11: Never say “Thank You”: Some of us guys say “ang galling mo!” (or something else in that context) while doing it, which you might find funny right now, but if you say it DURING MOMOL, it can turn the girl on more and she can find it motivating. BUT NEVER SAY THANKS!!! On the other hand, wag ka rin naman masyadong pa-macho feeling, na parang binigyan mo pa sya ng malaking favor by making out with her. You can say to her: “you enjoyed it” but never say “thank you!”

MOMOL-ing can lead to something else. But hey, you can never lead to something unless you start somewhere. Just keep in mind; successful MOMOL-ing focuses more on giving and less on receiving. And that moment after MOMOL-ing can be quite awkward, so be a gentleman and try to lighten things up. You don't have to technically follow all the protocols mentioned above, pero those items may help you be a good MOMOL-er.

Tandaan: MOMOL responsibly!

on the hook

“Love is blind, as far as the eye can see” sabi nga ng Spice Girls sa kantang Too Much. Love is indeed blind in so many ways. Minsan ang tao, lalo kapag talagang nain-love na, at may kalakasan ang tama, game over na! Bulag na sa kung anong tama at kung anong mali. Ika nga ni Donna Cruz, “kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito, lagot ka na, siguradong huli ka, (shadam dadam, shumdada).” Nakakalungkot nga lang isipin na minsan, may mga taong sadyang nananamantala ng ganitong klaseng kahinaan (o di kaya naman may iba rin na talagang hindi alam). Hindi rin naman natin masisisi ang mga taong nasasadlak sa ganitong uri ng sitwasyon. Para sa taong nagbibigay ng pag-ibig: bulag, wala nang tama at mali, basta mahal, mahal! Period! At sa kabilang panig ng kuwento, ang tumatanggap ng pag-ibig: masarap ang pakiramdam ng inii-spoil, nakaka-addict, nakaka-enjoy, you simply feel special.

Sa panig ng nagmamahal, dahil nga ikaw ay truly, madly, deeply in love, bulag ka na at maaaring hindi mo na nakikita na you are someone else’s “on the hook”. Maaaring para sa iyo, pinaparamdam mo lang ang pagmamahal mo sa isang tao pero ang totoo, you are “on the hook”. Paano nga ba malalaman kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon? At paano mo ‘to dapat tapusin? Eh kung ikaw ang nabibigyan ng atensyon, at wala ka namang balak i-reciprocate, ano ang nararapat mong gawin?

Una, ano nga ba ang "on the hook"? Eto yung idea na "close but not quite", "parang oo pero hinde", "special, pero hanggang doon lang", kasi ang totoo, may hinahanap pa siya na wala sayo, pero sa ngayon, ikaw lang ang meron siya, kaya ngayon enjoy lang muna siya sayo habang hindi nya pa nakikita yung talagang gusto nya.

To explain further, simulan natin sa punto-de-vista ng nagmamahal: You call each other everyday, sharing sweet nothings and silly little deeds. He or she reciprocates it, kapag magkasama kayo, tangina sa sweetness, kulang na lang gawin niyo sa kalsada right there and then ang maghubad and… you know. Wala kang pagsidlan ng kilig dahil ang pakiramdam mo parang may feelings din sya para sayo. And you have this feeling that you have to take the relationship to the next level. Then here you are, bringing the idea of a relationship in the picture, biglang sabi nya sayo: "you and I are ok. Ok na kung anong meron tayo, let's just take it slow, let’s just stay this way." o di kaya, "hehe, thanks pero hindi muna siguro sa ngayon" or "you're special to me, pero a relationship is too big for us" or anything to that context, then you reply, "uhm, Okay, I can wait, let's just continue what we have." BAM!!! Congrats! You're officially on the hook!

Come to think of it, kung talagang mahal ka rin nya, bakit takot siya to commit into a relationship with you. Love is give and take sabi nga nila, pero bakit sayo lang nanggagaling ang love? Pwede rin na wala ka naman talagang aasahan sa kanya in return, pero eto ang nasa isip nya: “yung feeling na someone is giving you this much attention and care, masarap diba? Ba’t di natin abusuhin?” The only thing na gusto niya sayo ay kung ano ang kaya mong i-offer, at hindi ikaw bilang tao. Masakit diba? Pero if you are “on the hook” maaaring hindi mo nakikita yon. But that is the essence of this kind of situation na kailangan mong ipa-realize sa sarili mo, para makawala sa pagiging “on the hook.” Make it known for yourself na kapag sinabi nyang “I don't think it will work right now,” it equates to “it will NEVER work”. Maaari mong masabi na “I wont give up, this one we have is special, things are gonna work out somehow in due time,” pero ang dapat na gawin ay huwag mo nang pag-mukhaing tanga ang sarili mo. That person does not deserve what you are giving to him/her and its time for you to move on at ibaling na lang ang effort that you exert for someone else that is much more deserving and willing to take the ups and downs of a true relationship with you. How to end it? Talk to the other person directly. Tapatin mo, “look, mahal talaga kita, pero ano ba talaga ang gusto mo sa akin?” If he/she gives you the same answer as the above, end it. Tell that person na you don't want to be on his/her hook and you needed to go. Make that person realize na hindi dapat yung ginagawa niya sa’yo. Say your goodbyes and leave.

But what if ikaw ang nasa other side of the fence? Parang drugs para sa iyo ‘tong ganitong situation dahil gaya nga ng nabanggit, nakaka-addict. Masarap nga naman yung lumalabas-labas kayo nang libre ka, o dinadalhan ka ng kung ano-anong regalo, minamasahe ka, pinagluluto ka, pinaglalabhan ka, may gumagawa ng kung anong gusto mo, may kakain ng jebs para sayo kung gusto mo at kung ano-ano pa. You have to stop it, and be a good person. It’s not right to have someone wait for nothing. Kung na-establish mo na rin naman sa sarili mo na “I cannot love this person back, despite of everything he/she can offer”, tell the truth to that person. You might like that person around because it is an ego boost for you pero hindi ‘yon tama. Just put yourself into that person’s shoes. What if someone that you really have the right feelings for, does this kind of thing to you, masakit diba? Huwag kang selfish. Let that person go and let them find the right person para sa kanila. Do the right thing, hurt that someone and break his/her heart. There’s no easy way to do it but to go on that course. Being honest in this type of situation is pretty spiteful but there is no better alternative. End his/her agony, and in the long run, it is the best solution that you can take.

The One That Got Away

Siya yung taong perfect naman lahat, wala namang problema, wala namang mali, pero talagang hindi pupwede. Bakit? Dahil sa kadahilanang hindi lang talaga kayo sa isa’t isa. Pero perfect na lahat, except lang sa timing. Sabi nga nila “timing is everything” eh since siya na ang “everything” mo at that particular moment, at wala kayo sa “timing” kaya ayun, it’s “the one that got away”. Alam mong gusto mo siya, at ganon din naman siya para sa’yo. Pero it’s either ikaw ang may karelasyon tapos siya wala. At pagkatapos niyong mag-break ni current, siya naman ang may karelasyon, at ikaw ang single. O di kaya naman certain circumstances na talagang hindi ina-allow ng pagkakataon na maging kayo dahil for example, hindi siya ready makipag-commit into a relationship, or vice versa. Puwede ring due to career, responsibilities, at kung anu-ano pang self-inflicted reasoning. Bad-trip moment pa, kung kailan ka nag-decide na oras na para mag-seryoso, ang ending, hindi naman pala magiging kayo kasi hindi lang talaga pwede. Kumbaga sa Mhyk’s term, “close, but not quite.”

Siya ang iyong pinakamalaking “WHAT IF”. “Paano kaya kung nagka-tuluyan kami?” Kahit masaya ka na sa bago mong relationship, papasok at papasok pa rin sa utak mo ’yan. Kasi sa sarili mo alam mong ginusto mo siya pero hindi niyo nasubukan. Para kang bata na may nakalagay sa harap mo ang isang napakasarap na candy, pero ang problema naka-vault ng salamin kaya hanggang takam ka lang, di mo pwedeng kainin. At sa term ng mga “mahihilig” “ang sakit sa puson pare!”

Ang tanong lang naman dyan, kung bibitiw ka pa o kakapit ka pa? Kung talagang hindi kaya, e di congrats! You’ve earned yourself a “someone that has got away.” Pero kung hindi pa, gawin mo ang lahat ng paraan, para maitama ang pagkakataon at matuloy ang pagiging “kayo.” Kasi kung hindi mo gagawin ‘to, ikaw rin...

How Do You Heal A Broken Heart

I was browsing my facebook page when suddenly a good friend of mine told me about his “situation”. He was turned down by a certain girl. Funny that the other month a friend also consulted me on how he will deal with the same situation. Hindi ko alam kung anong meron ako at lapitin ako ng ganyang tanong. Marahil ay nasa mukha ko na maraming beses na rin akong na-basted kaya ako palagi ang naiisip nilang pagtanungan. And as I browse FB for the second time, I see this status: “How do you heal a broken heart?”

And then I suddenly saw that Hazel posted an entry on her blog entitled “It’s Time To Move On” ayun naman... Signos! Akalain mong nagkatagpo-tagpo ang lahat.

So, kung sasagutin ko man ang tanong sa itaas na “How do you heal a broken heart?” malamang ang isasagot ko e yung nasa itaas din, “It’s time to move on.” But then again, another question comes up, “Paano?” or kung coño ka, “How?” hindi man ako si Joe ‘d Mango na may mababang boses at nakakaantok na pananalita, pero hayaan niyong i-adopt ko ang naturang post sa kung paano ang pagpapahilom ng isang pusong sugatan.

Una, never be alone. Makipag-usap sa kaibigan. Yung totoong kaibigan, hindi yung tipong pasasamain lalo ang loob mo para umorder ka pa ng umorder ng alak hanggang sa malasing ka nila at pagkatapos, ikaw pa ang pagbabayarin ng bill. Ika nga nila “idaan na ‘yan sa ma-boteng usapan”. Your friends, being that someone na nasa labas ng relasyon, has a different perspective of the situation na kinasasadlakan mo. Walang bias (well at least let’s assume na totoong kaibigan mo sila for the sake of this discussion). But please, kung sakali mang wala pa silang alam sa situation mo, at ikukwento mo pa lang sa kanila ang lahat, try to tell the story sa pinaka-totoong format. Hindi yung na-revise mo na ang kuwento para magmukhang siya ang may kasalanan at ikaw ang naaapi. Kung may kasalanan ka rin, sabihin mo, para kung mag-iisip man ng ipapayo sayo ay yung siguradong tama. Huwag magalit sa kaibigan kung may sabihin man silang hindi maganda sa pandinig mo. Try to listen at baka ipinapa-realize lang nila kung ano ang mga bagay-bagay na dapat mong ma-realize. Accept it. At utang na loob, iwasan ang paggamit ng ibang tao sa pagku-kuwento. Nakakabuwisit lang e. “Eh, kasi yung pinsan ng kapitbahay ng friend ko nung pre-school, nagkaroon ng syota yung sinosyota nya ngayon.” Lumang style na ‘yan pare.

Pangalawa, hayaan ang feelings. Express it. Kung masama ang loob mo, sige masama ang loob. Kung galit ka, sige lang ilabas mo, (pero iwasang mandamay ng ibang tao). Kung malungkot ka, walang masama kung iiiyak mo. Wag lang lalampas sa limit at magiging pathetic. Iwasan ang semi-laslas ng pulso (paglalaslas ng pulso na di tinatamaan ang ugat, para siguradong buhay. May dugo pero hindi ikamamatay). Never pretend. Ikaw lang rin ang mahihirapan. Pilitin mo mang magmukhang masaya sa harap ng iba, mao-obvious at mao-obvious din yan. Ikaw lang rin ang mahihirapan. It is also medically proven na masama ang magtago ng sama ng loob sa sarili. It may lead to certain diseases and some psychological disorders. Nahirapan ka na kalaunan gagastos ka pa. Hanggat hindi mo inilalabas ang sama ng loob na yan, bitbit mo yan sa ‘yo, at malamang may kalalagyan ka sa mental hospital. In the process ikaw rin naman ang mapapagod e.

Pangatlo, try to clear your mind and slowly revive your own self. SLOWLY. Hindi ka superhero para maka-recover agad. Baka habang minamadali mo mas lalo ka pang magkaproblema kinalaunan. Isa-isa lang. Unti-unting ibalik ang mga ginagawa mo nung nasa sirkulasyon ka pa upang ma-distract ang isipan mo sa kinakaharap mong sakit. Keep yourself busy. Pwedeng maghanap ng bagong hobby. Kung kaya, try extreme activities, or those activities na ikapapagod ng katawan mo. Na-libang ka nakapag-exercise ka pa. Yung tipong kapag natapos mong gawin ang activity, diretso tulog ka na dahil sa kapaguran. Alalahaning ang oras bago matulog ay ang oras na mas higit mong maiisip ang nangyari sayo. Ngayon kung pagod ka na, paano ka pa mag-iisip? Itutulog mo na lang diba? Or magpaka-busy sa trabaho. Malay mo ika-promote mo pa yan later on dahil sa kasipagan mo sa trabaho. Explore new things. Yung tipong pag-aaralan mo. May isa akong kakilala dati na-broken hearted din, nag-aral mag-cross stitch. Nang matapos nya ang “The Last Supper” naka-move on na sya.

Pang-apat, subukang unti-unting alisin ang taong ‘yon sa iyong sistema. Sa tingin ko ito ang pinaka-mahirap pero kaya naman. Wag mo na lang burahin ang phone number nya sa cellphone mo at alam ko namang saulado mo ang number nya. Kung dati bago mag-12pm tinetext mo na sya ng “wer na u? Eat ka na? Eat na me. Tsup tsup.” Ngayon, isipin mo kung gaano ka kabaduy nung ginagawa mo pa dati yan. Mandidiri kang ulitin pa yan. Iwasan muna pansamantala ang mga favourite niyong tambayan, favourite niyong kainan, favourite niyong motel, at iba pang mga lugar o bagay na usually ginagawa niyo ng magkasama. Maaaring maka-ramdam ng sakit habang ginagawa o pinupuntahan ang mga ito. Kung kaya, sabihin sa kanya na iwasan muna ang pakikipag-communicate niya sa iyo. Sabihin mong kailangan mo ito upang maka-move on. On your side, resist also the temptation of reviving the communication between the two of you. Saka ka na lang mag-text ng “hi, musta na?” kapag tingin mo sa sarili mo, kaya mo na at di ka na ulit masasaktan.

Pang-lima, iwasan ang mga relasyong “panakip-butas” para lang ipadama sa kanya na “fuck you! Kaya kong wala ka!” ang pagmo-move-on ay hindi kumpetensya sa dalawang pusong nasaktan at hindi rin pakikipag-unahan ng pag-pasok sa panibagong relasyon. Unfair naman sa taong makakarelasyon mo kung iba naman pala ang gusto mo. Siguraduhing kaya mo nang talikuran ang feelings mo dun sa nauna bago tanggapin ang panibagong relasyon. PERO, huwag isara ang pinto sa posibleng pag-ibig. Malay mo makatulong ito upang maka-move on ka. Give others a chance. Baka mas magiging masaya ka pa pala sa paparating na relationship.

Pang-anim, subukang gawing joke paminsan-minsan ang pangyayari (also known as bitter jokes). Minsan nakakabawas ng sama ng loob kung gagawin mo na lang joke ang mga nangyari sa inyo. Nakapag-pasaya ka na ng ibang tao in the process. Iwasan lang mapikon syempre. Kung sa tingin mo medyo lumalampas na ang mga kaibigan mo at napipikon ka na, sabihin mo sa kanila “oy! Foul na yon!” tatahimik naman sila. At least let them know the limits of fooling around the situation.

Maaaring iba-iba ang paraan ng bawat tao sa pag-harap sa ganitong uri ng problema pero at the end of the day kailangan mo pa ring mag-move on and you’ll just charge it to experience. Later on pag ok ka na baka tawanan mo na lang lahat ang nangyari. Isipin mo dagdag wisdom para sa iyo yan. With these kinds of experiences we tend to be educated and it will make us well equipped to deal with the upcoming challenges maturely. Tandaan na ang pagiging broken-hearted ay parang kabag, lilipas din yan pag nai-utot mo na lahat.

In A Relationship

Single, Married, Widowed, Divorced. Yan lang naman ang mga common na “Marital Status”. Nadagdagan lang naman ito ng mag-pauso ang isang social networking site ng "It's Complicated". Pero sa totoo lang mapapaisip ka, "gaano ka-complicated ang complicated?" Nawa’y mahanap niyo sa ibaba ang kung anong klaseng relasyon ang meron kayo sa ngayon.

Long Distance-maaaring hiningi ng pagkakataon kaya ang dalawang magkarelasyon ay kinailangang magkalayo. Maaring sa ikabubuti nilang dalawa, pero kung ang dahilan ay para sa ikabubuti ng isa, walang kasiguraduhan kung magtatagal ang ganitong uri ng relasyon. May tumututol? Sige sa baranggay ka magpaliwanag pero dahil ako ang nagsulat nito, wala kang ibang opinion na mababasa kungdi “hindi nagwo-work ang Long Distance Relationship lalo na kung wala pang kasalang nagaganap” Wala! WALA!!!

Imaginary-mayroon ka bang kaibigan na panay ang kuwento tungkol sa karelasyon nyang ubod ng perpekto at wala ni isang kapintasan? Pero sa kabila nito ni minsan hindi niya pa magawang maipakilala ng harapan ang sinasabing karelasyon niya? Swerte? Hindi! Maaring kagagawan lang ng imahinasyon niya ang lahat. Sa ngayon wala nang perpekto! Mag-asawa na nga nagkakasiraan pa e yung magsyota pa kaya?

FB-*babala: hindi angkop para sa mga konserbatibo* Hindi yan FaceBook. Yan ang tinatawag na “F*ck Buddy”. Eto yung tipo ng relasyon na walang relasyon. Penis meets Vagina lang kumbaga. Hindi Man meets Woman. Sa ganitong uri ng realsyon, bawal na pag-uusapan ang “love” “marriage” “family” lalong lalo na ang “kids”. Kapag isa sa involved sa ganitong relasyon ay nagsimulang magbanggit ng isa sa mga topic na yan, asahan ang unti-unting paglalaho ng komunikasyon sa mga susunod na araw. *pwera na lang siguro kung malupit ka sa kama*.

Exclusively Dating-the modern day “Mutual Understanding”. Lumalabas-labas, date-date, si babae hindi na tumatanggap ng manliligaw, si lalaki hindi na rin nanliligaw ng iba, madalas mag-kausap, madalas magka-text. Pero hindi pa sila. Yung parang “oo” na lang ng babae ang kulang. For some reason hindi pwede makipag-commit sa relationship ang isa o ang parehong involved pero sa kilos at mga gawain, parang sila na. Hindi ko alam kung paano nag-evolve ang ganitong uri ng tawag sa isang relasyon pero malamang pakana na naman yan ng mga artistang pilit umiiwas sa gulo ng intriga. Kalimitan itong sumusunod sa “getting to know” stage. Pag pumasa ka at na-get to know ka na nang maigi, ditto marahil ang bagsak nyo.

Parental-the modern day “May-December” love affair. Yung tipong pag lumalabas-labas kayo on a date, lagi kayong napapagkamalang nasa “family bonding with Mom/Dad”. Walang masama dito as long as nagmamahalan ang dalawang involved at tsaka walang asawa ang isa sa kanila.

Exotic-kapag nakakita ka ng ganito may tuwa kang mararamdaman at bigla mo na lang masasambit ang mga katagang “isa na namang kababayan ang umangat sa kahirapan”. Its the usual Inday-John Doe relationship. Yung mapapaisip ka na “how the heck he can stand that?!” o di kaya “what the fuck how did that happen?!” Sa di malamang kadahilanan, parang certain characteristics na hinahanap ang mga puti pagdating sa paghahanap ng relasyon. Di katangkaran, di kaputian, payat, at higit sa lahat, may malaking set ng mga ngipin sa harap. Yung tipong hindi na maisara ng ayos ang mga labi dahil sa laki ng ngipin sa harap. Sa bandang huli kung iisipin mo, sila pa ang panalo dahil ang mga tipo ni Inday ang yumayaman, at totoong minamahal ng kanilang mga foreigner husbands.

Beneficial-a.k.a. “friends with benefits.” Magkaibigan, tapos sa dulo “magka-ibigan” pero hindi sila. Eto yung mga tipong parang sila pero ok lang na may syotang iba. No commitments pero pwede nating gawin ang ginagawa ng mga normal na mag-syota., pero bawal ma-fall! Kung sinong ma-fall talo. May pagkaka-pareho ito sa estado ng “exclusively dating” pero ang pagkakaiba nito doon, pwede makipag-relasyon sa iba pa habang “friends with benefits” kayo. Natatapos ito pag nakahanap na ng totong karelasyon ang isa sa mga involved. Malas na nga lang nung naunahan.

Rebound-kung ang isa ay galing sa break-up at sinalo ng isa, yan ang tawag sa uri ng realsyon na magaganap. Bago pumasok sa ganitong relasyon siguraduhing wala nang balak pang bumalik ang makakarelasyon mong kaka-break lang dun sa bi-nreak niya. Kung hindi, talo ka! Ok lang kung rebound ka tapos sa bandang huli magiging kayo. Pero kung hindi, kawawa ka. Sinaktan mo lang ang sarili mo.

Trophy-isang babala lalo na sa mga babaeng ubod ng ganda, maaaring nasa ganitong uri ka na ng relasyon ay hindi mo pa alam. Kung lagi kang kasama ng BF mo sa mga lakad ng barkada (na hindi mo naman mga kakilala ang iba pang kasama sa lakad), at proud sya sayo tuwing may ibang tao sa paligid, pero pagka-kayong dalawa na lang ay parang wala ka lang, o di kaya pagka hindi na kayo magkasama e hindi ka na kinakamusta sa tawag at text, pwede mo nang i-categorize ang relasyon nyo sa classification na ito.

Contractual-“pag ka umabot tayo ng 30, tapos wala pa akong asawa, tapos ikaw rin wala, tayo na lang dalawa”. Pagka-umoo ka sa ganyang kasunduan, welcome to “Contractual” relationship. Pero sa katagalan maaari mo ring marealize na parang may kulang. Kaya kung balak mo rin naman ng ganitong relasyon, siguraduhin na ang pipiliing partner ay may potential na mapa-ibig ka sa bandang huli. Kasi kung hindi, at tipong napasubo na sa kasalan, there’s no turning back!

Parasitismic-the modern day “bilmoko non bilmoko nyan” kalimitang pinapasukan ng mga DOM at ng mga matrona na kaya lang pinapatulan ng ka-relasyon ay dahil sa mga regalo at benefits na nakukuha ng mas nakababatang ka-relasyon. Same principle applies sa mga lalaking ubod ng yaman na kayang ibigay o bilhin lahat ang gusto ng GF. Pera-pera lang yan kumbaga.

Walang ibang hinangad ang lahat ng tao kungdi ang magkaroon ng “Ideal” type ng relationship. Pero syempre marahil na rin sa mga pagkakataon, nagkakaroon ng mga ganyang tipo na nabanggit na mga uri ng realsyon marahil dahil na rin sa pagkainip sa paghihintay ng tamang taong dadating na talagang magmamahal ng totoo. Malamang sa isa o sa dalawa nakarelate ka pero habang maiisip mo ang mga nakaraang experience mo, matatawa ka na lang. Basta ang mahalaga, pag-daanan mo man lahat yan, sa “One True Love” ka pa rin babagsak.