Nawawala ang sarili ko't di ko makita,
Huli ko 'tong nakita nung kasama ka pa.
Pero ngayong wala ka na, hindi ko na makita,
Teka sandali lang, dinala mo ba?
Kada sulok, kada daan, binagtas ko na,
Yung mga kalye na dinaanan nating dalawa.
Sabi ko "baka sakali lang nandoon pa",
Kaso ni katiting na pag-asa ata, parang wala.
Umuwi ako ng bahay at nahiga sandali,
Nag-isip ng malalim, sa tabi ay kumubli.
Sinubukan kong balikan kung ano ako dati,
Baka kaya naman ngayon, kasi nakaya ko na dati.
Di mo naman pala kinuha gaya ng sa isip ay sumagi,
Sa lahat naman ng oras, nasa akin lang palagi.
Yung pag-samba ko lang sa'yo ang tanging mali,
Kaya ipapangako kong ito na ang huli.
Ako man ay nadapa, at sa atin ay umasa,
Dahil sa nakita kong para sa atin ay naka-tadhana.
Ngayon alam ko na at nakumpirma ko pa,
Na talagang walang "tayo", sa simula't simula pa.
Labels: love, moving on, music, Musings, relationships
Post a Comment