The Multiple Personality Disorder Chronicles Part 1 (A.K.A.: Ako na Sarili mo! Unang Bahagi) (from gracie!!!)
mhyk12
6:05 PM
Masakit ba? Alam ko nasasaktan ka na naman. Bakit ayaw mong umiyak? Alam kong gustong-gusto mo nang umiyak. Pero ano nga ba problema at ayaw mong ilabas yan. Sige na, iiyak mo na yan. O, baka naman inaantay mo lang ang mga kaibigan mo? Sa kanila ka na naman ba iiyak? Nananahimik yung mga tao tapos bibigyan mo na naman ng problema. Huwag na no. Ewan ko ba sa yo. Sa tingin ko, gusto mo na talaga umiyak pero ayaw lang pumatak ng luha sa mga mata mo.
Sabi ka kasi ng sabi sa mga kaibigan mo na mahal mo yang taong yan. Alam mo ba na tuwing kinukwento mo siya ay pinapahirapan mo lang sarili mo? Dahil kada isip mo sa kanya at bigkas ng pangalan niya ay lalo ka nahuhulog sa kanya. Pero ni hindi mo nga masabi mismo sa tao na mahal mo siya. Ano ka ba? Ang *****-***** mo kasi umasa ka pa. Di ba sinabihan ka na nila na huwag umasa? Umiyak ka pa nga nun kasi natauhan ka. Akala ko naman, natauhan ka na talaga.
Pero, ano ginawa mo? Isa, dalawa o tatlong araw mo lang siya di pinansin. Andun na ako, sige ayaw mo matigil yung komunikasyon niyo. Pero, pwede naman kasi kayo mag-usap na hindi nahuhulog yang puso mo para sa kanya. Yung isip mo kasi, ang lawak ng imahinasyon. Pangarapin daw bang abutin ang langit? Ang hirap nun ah. Paano na yan? Sa pag-abot mo ng bituin sa langit, ang taas tuloy ng binagsakan mo. At, sino ang nandun para saluhin ka? Wala. Ni hangin ata wala dun. Ayan, tingnan mo ngayon. Ano napala mo? Puro sakit at hinanakit. Pati ako na sarili mo, sinisisi mo na. Hay, hindi na talaga kita maintindihan.
Pakibatukan nga yang sarili mo! Akala ko natauhan ka na sa narinig mo. Sige, natauhan ka na nga. Pero nagtanong ka pa talaga kung ano dapat gawin ah. May bago ka na namang payo na natanggap. Na dinidibdib mo na naman. Don't expect but don't lose hope. Huwag umasa pero huwag mawalan ng pag-asa. Walanghiyang payo yan. Lalo ka tuloy nalabuan, ano? Sige, hindi na ka na umaasa na magiging kayo dahil kung may pagtingin siya, matagal na sana siya nagsabi, di ba? Pero, wala ka namang naririning sa kanya. Kaya, ibig sabihin nun, wala talaga. Pero wag ka daw mawalan ng pag-asa. Ano ibig sabihin nun? Isipin mo na lang na may darating pa diyang iba para paglaanan mo ng pagmamahal mo. Tama ba yun? Medyo, basta, huwag ka na umasa ng todo. Ano nga ba mabuting gawin? Baka dapat isara mo muna yang puso mo.
Isa pa, makonsensya ka naman. Huwag mo nang isipin yung luma. Nakaraan na yun. Dapat matuwa ka na para sa kanya. Kaya ka ata nakakarma ngayon dahil iniisip mo pa rin siya. Sabagay, hindi mo nga pala siya makakalimutan dahil siguro napapagod ka na kaiintay dun sa bago. Sige, kay bago ka na uli. Ay, hindi! Humanap ka na lang pala ng mas bago. Huwag pala humanap, mag-antay ka na lang. Darating din ang tamang panahon para sa iyo. Kung kailan yun, hindi ko rin alam.
Ayusin mo na lang ang sarili mo. Tumayo ka ng derecho at saka mo ipakita sa kanilang lahat na hindi ka talaga apektado. Sa tingin ko naman, nasimulan mo na bago magpasko, nasabi mo nang tigilan ka na nila. Malamang iniisip na nila na hindi totoo yung mga iniisip nila. Sana tumahimik na lang sila sa susunod dahil bagong taon na. Maisip man lang nila na may damdamin ka rin na nasasaktan.
Ikaw at Ako na lang ang pag-asa mo. Magkasama tayo sa laban na ito. Tuloy ang buhay. Hindi tayo aasa pero maniniwala tayo na mayroong pag-asa.

Post a Comment