NARANASAN mo na ba maghintay? Oo? E yung maghintay ng isang bagay na gusto mo? Oo pa rin? E yung maghintay ng isang bagay na gusto mo, na hindi mo masiguro sa sarili mo na kaya mo pa siyang hintayin dahil hindi ka sigurado kung yung hinihintay mo e tama bang hintayin mo o hindi tamang hintayin pa? Magulo no? Alam ko. Kasi ganyan yung ginawa ko e.

May isa pa pala akong tanong. Tama bang maghintay sa walang kasiguraduhan? Sa isang bagay na kaya mong isakripisyo ang lahat para lamang makuha mo ang hinihintay mo???? Ang sagot ko? Oo pa rin. Bakit? Mahal ko e! Hmmm... teka....

Mahal ko sya dati. Uulitin ko dati yon. Pero pagnakikita ko sya, bumabalik lahat ng feelings ko sa kanya. Madami na kong ginawang bagay para makalimutan yung lec&%*! yon. Pero sa kasamaang palad ganun parin.

Sh*t ka bakit ba kita mahal!? Naks! Sana hindi nya mabasa to!

"Oist! nabasa ko yung sinulat mo ah! Bitter ka pa rin ba?" Kung hindi ko lang kaibigan ang gagong nagtanong sakin ng tanong na yon baka may aksyon nang naganap. Gusto ko sana isagot na, "Hindi naman! T$(%$ ina mo!" Pero mabait ako! Hindi ko ginawa. Sulutin ko kaya girlfriend nun?

Minsan napainom kami sa beer garden. Kasama ang ilang mga ka-review na sadyang ipinanganak para maging manyakis. Sa kabilang table may mga chicks. Dinaan ng isang kumag sa videoke. Maya-maya pa naki-upo na sa kabilang table. Yun na! Maya-maya pa isang table na kami. There was this girl. We chatted along. Got each other's number. Matapos ang gabing yon, patuloy pa rin kami sa text. Nagkita ulit. May mga nangyari. Patuloy pa rin ang text...

siya: sus! maniwala akong wala kang girlfriend!
ako: oo nga!
siya: e bakit wala?
ako: uhhmmm, may hinihintay?
siya: ano?
ako: hindi ano, sino!
siya: ah! sino.. ok sino nga ba?
ako: ah, yung ano... basta sya na...
siya: it's ok... we can talk about it...
ako: pwede bng wag n lan natin cya pgusapn???
siya: ok.. aftr you tell me the hul story ttigl na me...
ako: please lan. if you don't want me na magalit sa yo, lets not dig to that event.
...hindi siya nagreply...
ako: ei, i'm sorry it's just that ayaw ko lang mapag-usapan
...wala pa ring reply... dinaan sa miss calls, wala pa din...
ako: ei pls. namn wg n u mgalit...
......at hindi na nga siya nagreply...

Naisipan kong manligaw pero hindi na siya sumasagot sa mga text ko. Nung tinanong ko sya sabi niya baka daw maging panakip butas lang daw siya. Sh*t talaga! Mali na naman ang diskarte! Sino naman ang dapat kong sisihin? Hmmm!!! I wonder who!??

Then dumating ang araw na nagkalakas ako ng loob na makipag-ugnayan muli sa kanya, (yung babae na patuloy ko pa ring hinihintay.)! (naks! lalim ng words!) At first it went out fine! Lahat ng kaibigan kong nakakaalam ng sitwayson namin masaya. At least daw nakakakita na sila ng liwanag sa dulo ng pawang walang katapusang kuweba. Sobrang saya ko! Hanep! Parang araw-araw pasko!

>> Fast Forward >>

Nang dahil sa alak, nag-umapaw ang lakas ng loob ko upang tanungin kung pwede na akong manligaw sa kanya. Ang sagot??? Hindi pa! Ayaw nya raw muna tumanggap ng manliligaw, tinanong ko kung bakit, ayaw nya raw maging unfair. Sige kako! Patuloy pa rin akong maghihintay. Pero natatak sa utak ko ang mga salitang "ayokong maging unfair". Sa palagay ko kasi nung gabing iyon hindi na akmang itanong pa. (pagpasensyahan nyo na kung lumalabas ang pagka-makata ko. Masyado na kasing emosyonal ang mga susunod na tagpo.)

Lumipas ang mga araw patuloy ang komunikasyong pang-mag-kaibigan (kahit para sakin it's always a kilig-moment.) Hanggang isang araw nagkalakas na muli ako ng loob upang tanungin sa kanya sa isang bagay na matagal ko nang gustong gawin, ang lumabas kasama niya. Muli, nabigo ako. Sinabi nyang hindi raw siya pwede. Muli naalala ko ang mga salitang sinabi nya sa 'kin noon: "ayokong maging unfair". Sa totoo lang medyo hindi ko naiintindihan ang ibig nyang sabhin sa kin nung mga panahong yon. Kaya naisipan ko na rin itanong sa kanya kung ano talaga ang ibig nyang sabihin.

Ipinaliwanag nya sa kin na mahal niya pa ang kanyang X at hindi niya pa kayang magmahal muna ng iba. uhhhmmm... Sa totoo lang halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Awa sa kanya, galit, pagka-lito, at higit sa lahat, awa sa sarili ko. Awa sa sarili dahil sa tinagal tagal ng panahon na ibinuhos ko sa kanya, parang nabalewala lahat. Hindi ko siya sinisisi pero alam kong kasalanan ko lahat. Kung nakinig lang ako sa mga kaibigan kong nagsasabi sa kin noon pa man na kalimutan ko na siya, hindi sana ako nagkakaganito ngayon.

May mga nasabi ako sa kanya na ako man sa sarili ko hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi sa kanya. Kaya hindi ko siya masisisi kung magalit man siya sakin. Mag-miss call man ako hindi na siya nagpapa-misscall tulad ng dati. Ok lang yun. Consequence yun ng katangahang nagawa ko. Nabalewala nang lahat.

Then contemplating the events that happened, nasabi ko sa sarili ko, "siguro time ko naman para maging masaya" (courtesy of "Let The Love Begin"). It's just sad that we have to go through an awful situation para lang ma-realize ko ang mga bagay-bagay na matagal nang dinidikta ng mga tao sa paligid ko. Now is the f*uckin' time to move on. One of my friend says, "you can't have them all." Narinig ko sabi ng isang batang paslit, "hindi araw-araw pasko."

Hmmm... Nagyon hindi ko na alam kung anung susunod kong gagawin, maghihintay pa ba o hindi na? Mahal ko pa rin siya kahit papano. Pero yung part ng story na maghihintay ako hindi ko alam....

Naranasan mo na ba maghintay? Ako oo. Pero kung tatanungin mo ko...hindi ko alam kung tama ba o mali ang maghintay.