Anak talaga ng puta. 24 days na lang bago mag CE board! Hanep! katakot-takot na pressure (P=γh) na ang nararamdaman ko! Oo nga pala! congrats sa mga kakilala kong mga board passers na ng engineering! Electronics and Communications Engineering- Engr. Myra Faith Alvarez & Engr. Christian Gil Ramiscal, Engr. Edscel Balicusto. Mechanical Engineering- Engr. Johannes Paulus Costales (hoy kumag ka yung calcu ko tsaka fhm ko ibalik mo na!) at sa mga iba pang kakilala ko na pumasa. Salamat sa inyo at lalong nadagdagan ang pressure (P=γh) na nararamdaman ko sa paparating na exams. Sa mga kukuha naman ng Electrical Engineering and Chemical Engineering Board, good luck na rin!
Shet! Walang pag-sidlan ang kaba na aking nadarama! Bad trip talaga! Sana lang talaga pumasa na kaming lahat sa board exams! Ayoko na atang umulit pa ng pagre-review! Sa totoo lang problema ko ang design. Tsaka tamad talaga ako mag-practice ng pagso-solve ng mga problems sa past board, lalo na kapag hindi ko talaga masagutan. Mas gugustuhin ko pang tignan na lang yung solution kesa magsagot na sa sarile ko! (Gawaing Tamad)
Sa totoo lang nagi-guilty ako ngayon kasi imbes na nasa tapat ako ng libro at nagre-review, eto! Katapat ko ang P.C. at kasalukuyan kong tina-type ang binabasa mo ngayon. Ayos diba? Sabi nila wag daw ako kabahan. Sino bang hindi kakabahan kung alam mong malapit na ang exam tapos feeling mo wala ka pa ring alam.
Hanep! Sino bang nagmamarunong ang naka-imbento ng Board Exam na yan? Nagtatanong lang ako! Hindi ko sinusumpa yung naka-imbento ng board exams. Iba na ang safe! Mahirap na baka mabawian ako hindi pa ko pumasa!

Post a Comment