Anak ng puta. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito! Yung feeling na parang kakatayin ka na after 34 hours, yun yung nararamdaman ko. Naisipan kong mag-friendster at mag-update muna ng site para mawala muna ang kaba (nakakatawang isipin na sa ikli ng nai-type ko bago ko natapos ang nakaraan kong sentence, sobrang dami na ng typographical error na nagawa ko, which is hindi naman nangyayari dati).
Ang butihin kong ina, binisita ko nung mother's day, nag-pep talk pa. Hindi ko alam kung mai-inspire ba ko mag-take o hindi na lang ako magte-take. Sabi nya ok lang daw pag bumagsak kasi may iba nga na sobrang talino, bumabagsak ako daw pa kaya. Bad trip! Ang hinihintay ko sanang words of wisdom e yung "kaya mo yan anak!" and the likes. Parang mas nauna pa nyang natanggap na babagsak ako ng board kesa natanggap ko yun sa sarili ko (at patuloy pa rin akong nagkakamali sa pagta-type).
Sa six months ko ng pag-rereview malamang naisip nyo na handang handa na ko. Nagkakamali kayo! Pakiramdam ko nga parang wala pa rin akong alam. Ang daming problem na hindi ko pa masagutan. Tsaka parang nakalimutan ko agad lahat ng inaral ko dati. Bwisit talaga.
Basta sa ngayon, bahala na si Batman. Tsaka syempre ipagdasal nyo naman ako! Sa ngayon yung lang muna. Balik review muna ko! (pagkatapos ko sa article na to, pag-tingin ko sa relo, 33 hours na lang. PUTA!!!!!)

Post a Comment