Ang tao nga naman. Hindi marunong makuntento. Parang ako. Whatta life!! Nakakamiss pala gumawa ng wala (or should I say WALANG GINAGAWA). Kung dati naa-aborido na ko dahil wala akong ginagawa at pakiramdam ko wala akong silbi sa buhay... Ngayon parang gusto ko na ulit bumalik sa dati. Oo masarap kumita ng pera. Kaya lang yung idea na kailangang mong paghirapan (and I mean PAGHIRAPAN) yung perang kikitain mo, yun yung parang hindi ko masikmura. Well I may say na kahit papano swerte na rin ako sa job na nakuha ko. Mababait na office-mates, nice salary, nice boss, nice workplace, nice benefits, nice girls. Kaya lang me kapalit din syempre. Risky decision-making, exhausting travel, irrate clients, pleading clients, mga clients na sobrang yabang na pakiramdam nila kaya nilang bilhin ang integrity mo (lets use the word "LAGAY"), at syempre ang mga buwaya na mga empleyado ng gobyerno't mga tricyle drivers. Sabi nga nung isang senior kong ka-officemate "Dito sa'tin, hindi lang utak papaganahin mo, kailangan pati katawan at pasensiya" Ika nga ng isang kanta... "I've been to paradise but I've, never been to me." Sa dami ba naman ng kailangang kong puntahan (Halos pwede ko na ring sabihin na malapit ko nang malibot ang Luzon) at sa dami rin ng report na kailangan kong tapusin, aba naman, wala na akong time para sa sarili ko. Wala nang gimmicks, wala nang libro, wala nang internet (buti nga nakasingit pa ko ngayon), walang tv, walang movies, walang jempot, walang babae, walang pag-ibig...LOVELESS.

Kelan lang naging topic ako (at yung isa pang kaibigan ko) ng blog ng isa pang kaibigan ko. Nabasa ko nga e. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ko o matatauhan sa mga sinabi nya... OO AAMIN AKO... SAPUL NGA AKO E. Pero ganun talaga ang buhay. Sa dami ng kailangang gawin, yung mga bagay na pwedeng magpasaya sa akin kahit papano nakalimutan ko na nga ata. Matapos kong basahin yon parang may konsensiyang bumulong sa kin (Safeguard???), nagtatanong kung "nakakaramdam pa ba ako?" Siguro nga dahilan ko lang sa kanila yung "mayroon akong gustong patunayan" pero sa totoo lang ang nasasaloob ko talaga e "p*tang ina, kung may magagawa lang ako." Hindi ko alam pero parang cycle na lang ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Makakaalala, maaasar sa sarili, hahanap ng iba, matatauhan na iba ang gusto ko, mamru-mroblema, isusubsob ang sarili sa trabaho, makaklimot... then balik sa umpisa... Makakaalala, maaasar sa sarili, hahanap ng iba, matatauhan na iba ang gusto ko...and so on. Hindi man alam ng iba pero ganyan at ganyan lang ang takbo ng buhay ko. Pwede na nga akong mag-artista sa galing kong umarte na parang wala akong problema pero ang totoo nahihirapan din ako. Si Ultraman nga nalo-low batt ako pa kaya? Sa aspetong ito ng buhay ko isa nga akong taong hindi nakukuntento. Kahit anung kumbinsi ko sa sarili ko na "pwede na 'to. Ok na ko dito" Naghuhumiyaw pa rin ang damdamin ko na "alam ko may kulang" (naks! pang-teleserye). At sa puntong ito wala na akong paki-alam kung mabasa man nya 'to. At least alam nya na kung pagbibigyan nya lang ang pagkakataon na magawa ko ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin, dun ko lang mabibigyang buhay ang mga katagang "kuntento na ko."