Galing ako ng out-of-town last week. Kung sa bagay linggo-linggo naman akong out-of-town. Napasakay ako sa isang jeep na kung saan gusto ko nang saksakin ng balison yung driver sa sobrang ka-bagalan at sa sobrang pagka-gahaman sa pasahero. Naknampota, kahit hindi naman siya pinara, titigil pa din sya dahil baka sakali daw na sumakay. E gago ka pala e. Hindi ka nga pinara e. BASTARD! Ultimo asong nagkakamot sa tabi ng kalye gusto ata pasakayin. Bad trip. Wala na kong ibang ginawa kundi pinagmumumura ko sya sa isip ko. Kaysa naman mag-amok pa ko dun edi lalo lang akong matatagalan sa trabaho ko. Bwisit talaga.
Out na si Raquel ng PBB (oo tama ka, nanunuod ako ng PBB, walang pakialaman!). Para sakin ok naman siya e. Misunderstood lang. Nakaka-relate ako sa kanya. I am often misunderstood by people. Pero ganun talaga ang buhay. Wala na taoyng magagawa.
Ngayon ko lang naisipan mag-internet ulit matapos ang masasabi kong napaka-habang panahon. Tama nga ang hinala ko... Sobrang dami ko na namang un-read messages sa mail. Una, 'tong friendster na 'to, bawat may pangyayari ata sa account ng iba, sigurado may email ka. Wala naman akong magagawa dun. Kasi ako rin naman nakikinabang dahil nalalaman na ng iba na may bago na naman akong papansin sa blog ko kaya ok lang, nagagamit ko rin naman e. Pangalawa, naknampotang mga spam mails yan. Nakakapikon na makita yung BULK mail ko e punong puno ng mga basurang email. Meron pa ngang Penis Enlarger na ad e. Putsa hindi ko kailangan yun! Ok na ko sa size ko! (pasintabi kay chairman Laguardia, baka masuspend din tong blog ko gaya ng PBB). Pangatlo, at ang pinaka nakakainis, CHAIN LETTERS. Hindi ko alam kung sinong taantado ang nagimbento ng mga chain letters na yan! Walangya! Iba-iba yan e, minsan merong "IF YOU DON"T SEND THIS TO 1000 PEOPLE SOMETHING BAD WILL HAPPEN TO YOU." O kaya naman "IF YOU DON"T SEND THIS TO 9,999, PEOPLE YOU WILL HAVE A BAD LUCK FOREVER. May mga pa-guilty type pa na about kay Lord pa na parang papa-guilty-hin ka na kapag hindi mo sinend yung CL na yon sa 1million people e hindi mo mahal si Lord. Hindi ko talaga ma-gets yung logic na yun e. Required ba ni God na mag-email ka sa lahat. Nasa Bible ba na "BAWAL I-BREAK ANG MGA CHAIN LETTERS." May Internet Connection din kaya sa langit? A ewan. Ok lang sana kung simpleng inspirational message or Godly message, pero sana wala na lang SEND TO 1billion people. Hindi nyo ba alam dinadagdagan nyo lang ang kita ng YAHOO dahil sa pagpapadala ng mga CL na yan. Kumikita sila dahil sa advertisers! Tapos ikaw, gagastos ka lang para ipasa sa napakadaming tao ang email na yan. Kung alam mo naman sa sarili mo ang FAITH mo, hindi na kailangan yang mga ganyan. O pano, basta pag nabasa mo na to i-forward mo to sa 1,354 people. Dapat eksakto ha, OR ELSE SOMETHING BAD WILL HAPPEN TO YOU!!!

Post a Comment