New year na naman! Syempre dapat makisunod ako sa uso... At ang uso, NEW YEAR'S RESOLUTION. Eto yung mga pangako na sigurado namang napapako. Kung gagawa ka ng new year's resolution, at balak mo itong tuparin, sinasabi ko sa yo... lumalabag ka sa totoong alituntunin ng resolutions.
Una, gagastos na ako ng malaking pera para lang sa babae. Lagi ata tong nasa list ng resolutions ko kaya kahit kailan hindi ako nagbigay ng kahit na ano sa babae maliban na lamang kung talagang napipilitan lang.
Pangalawa, hindi na ko gaanong kakain. In short, DIET. This item needs no more explanation. Sa hirap ng trabaho ko, yun na ang nagiging workout ko. Kaya sigurado hindi talaga to matutupad.
Pangatlo, magsisimula na akong mag-tipid. Ewan ko ba..Siguro dahil tinitipid ako ng mga magulang ko nung panahong sa kanila pa ako nakasandal kaya ngayon eto... Hanggat may pera, gasta lang. Mostly naman sa pagkain, inuman ng tropa, at sa... *rated PG* napupunta yung pera. Katwiran nga nung palagi kong kasama sa beerhouse, "'tol, hwag kang manghinayang gumasta, pinaghirapan mo 'to." Kaya yun... Idol ko kasi sya e.
Pang-apat, Abstinence. Hindi lang ako ang lalaking (pati babae) may new year's resolution na ganyan. Uulitin ko lamang na ang new year's resolution ay ginawa upang hindi masunod.
Pang-lima, hindi na ko magagalit sa mga empleyado ng mga gobyerno. P*tang inang mga taga gobyerno yan! Kung aayusin lang nila ang serbisyo nila sa mga tao, kung aalisin lang nila ang palakasan, at kung aalisin lang nila ang LAGAY, wala sila sa new year's resolution ko! P*nyeta kayong lahat!
Pang-anim, di ko na aawayin ang kuya ko.... Kasi hindi ko naman siya pinapansin.
Kung tutuusin marami pa e. Kaso hindi ko lang maalala ngayon...
Pero kung babalikan ko ang year 2005 (cue "kung maibabalik ko lang" by regine velasquez here) masasabi kong ok sa kin ang taong yon. Nakapasa ng board, nakahanap ng trabaho, naging mas close ng mga kaibigan, at nadagdagan pa, sumikat ang hale at ang orange and lemons, napunta sa masayang work force (sir paul, i-regular nyo na ko para mas masaya!) nakita ng malapitan si toni gonzaga in person, pati si papa sam, ang gwapo!, at ang pinakagusto ko sa lahat, nakita ang bahay ng pinakamamahal kong si francine, kahit na hindi ako sang-ayon sa pagpapalaki nya ng ngipin sa harap. Sinong hindi magiging masaya kung ganyang mga blessings ang matatanggap mo. At syempre! I wanna thank my guide up there (kay bossing) for all of these blessings. Kahit me kulang, at least, sagana naman ako sa iba (ulol ka mhyk! me kulang ka aminin mo!). Oo na! me kulang pa rin. Pero ok pa. Kaya pang matiis. Kaya pang maghintay. Ika nga ni Piolo... Don't give up on us.
January na naman! Tatanda na naman ako. Yung ililibre ko (kung may pera ako), e yung mga taong makakaalala lang ng tamang date ng birthday ko. H'wag mo nang pag-aksayahan ng panahon na tignan kung may cake ako sa profile dahil inalis ko. Para hindi nyo makita kung kelan talaga ang birthday ko! Nyahaha! Konti lang nakakaalam ng exact date. Nanay ko lang ata.. Ay correction, last year nga pala naalala na ng nanay ko na birthday ko pala e February na. Shame on her pero mahal ko pa rin siya kaya ok lang. So wala nga pala talagan nakakaalam ng birthdate ko. Masaya yun dahil hindi ako obligadong manlibre! hehehe!

Post a Comment